webnovel

Pupusta Siya

Redakteur: LiberReverieGroup

Limang beses na itinaas ng Xi Empire ang stocks ng Bao Hwa, na ikinagulat ni Lin Jing. Ang akala niya ay triple na ang pinakamataas, pero patuloy nilang itinaas ang presyo kasabay ng kanyang ganti na pag-atake. Ipinakita nito ang kagustuhan ng Xi Empire na makipaglaban hanggang kamatayan sa kanya.

Dati, may kumpiyansa si Lin Jing na mapabagsak ang Xi Empire, pero ngayon, ang kanyang kumpiyansa ay bahagyang nayanig. Dahil ang kapital ng Bao Hwa ay mas mababa kaysa sa Xi Empire.

Kapag ipinagpatuloy niya na itaas ang presyo ng bilihan, ang ilang shareholder ay siguradong makikialam. Kahit na, mayroon siyang iilan na kakampi niya at mas marami siyang hawak na stock, hindi pa din niya maaaring ipagsawalang-bahala ang mga opinyon ng shareholders.

Gayunpaman, kapag hindi niya itinaas ang presyo, maiipit sa alanganing sitwasyon ang Bao Hwa. Kung itinigil lamang sana niya noong unang beses pa lamang, hindi na sana ganito kahirap ang sitwasyon. Hindi niya inaasahan na mabilis na tutugon ang Xi Empire sa kanyang pagganti!

Ang tanong ngayon ay kung itataas ang presyo ng bilihan o hindi. Ito ay parang isang sugal; ang akala niya ay maganda ang hawak niya, kaya naman patuloy niyang itinataas ang pusta. Gayunpaman, ang kanyang kalaban ay mas malupit kaysa sa kanya.

Wala siyang alam kung ang kanyang katunggali ay nanlalansi lamang o mayroon itong royal flush. Kung ito ang nauna, ayos lamang, pero kung ito ay iyong huli… maaaring mawala sa kanya ang lahat sa isang pusta na ito.

Maaaring may tiwala si Lin Jing, pero hindi siya nangangahas na gumawa ng isang padalus-dalos na desisyon.

Nagpatawag siya ng isang shareholder's meeting, at walang sumoporta na gumamit pa ng mas maraming pera para bumili ng stocks ng Xi Empire. Bumababa na ang assets ng kanilang kumpanya nang naging triple ang presyo ng stocks ng Xi Empire, kaya naman hindi na sila mabubuhay kapag binili nila ito ng limang beses ang presyo.

"Isa lamang itong taktika," pag-aanalisa ni Lin Jing, "Hindi naman natin kailangang bilhin ang bawat stock mula sa Xi Empire. Maaari tayong maglagay ng patakaran, na hanggang wala silang hawak na limang porsiyento, hindi tayo magiging interesado. Ang ilan na may higit pa sa limang porsiyentong stock ay iilan lamang at sila ay matatapat sa Xi Empire. Sa sandaling ito, ang kailangan natin ay momentum. Kapag hindi natin ginawa ito, ang Xi Empire ay mabibigyan ng pagkakataon na makabangon muli at ang palno natin na lunukin sila ay mabibigo. Marami na tayong isinuko, kaya ang pagtigil ngayon ay isang pagsasayang, sang-ayon ba kayo?"

"CEO Lin," sa wakas ay isa sa kanila ang nagsalita, "HIndi naman sa hindi kami sumusuporta sa iyong desisyon, pero sa tingin namin ay hindi na kinakailangan na gumamit ng malaking pera para bumili ng stocks ng Xi Empire. Hindi na natin magagawang ibenta sila sa ganitong presyo; hindi ito magandang palitan."

Malamig na sinabi ni Lin Jing, "Ang pinupuntirya ko ay ang buong Xi Empire. Kapag ang buong kumpanya ay atin na, hindi mo na kailangan pang mag-alala na magbenta pa ng mga stock."

"Pero ang Xi family mismo ay may 50 porsiyento ng mga share; hindi natin magagawang makuha ang mga iyon."

"Hanggang patuloy na bumabagsak ang Xi Empire, kakailanganin nilang ibenta ang kanilang stocks para makakolekta ng pondo. Bibilhin natin ito pag ganoon, at ang Xi Empire ay magiging atin."

"Pero wala nang matitira pang pondo sa atin para bilhin ang kanilang stocks."

"Kaya naman kailangan natin silang gipitin para mapababa ang presyo ng kanilang stock. Kapag hindi natin pinanatili ang ganitong momentum, paanong babagsak ang presyo ng kanilang stock?"

May pagdududang nagkatinginan sa isa't isa ang mga shareholders. Sa tingin nila ay masyadong mapusok at nagpapadalos-dalos si Lin Jing. Sumusugal ito nang wala man lamang iniisip na magiging kahihinatnan ng mga pangyayari.

Gayunpaman, hindi maikakaila na may kakayahan siya kung hindi ay hindi niya itinayo ang Bao Hwa sa kanyang murang edad.

Ang mga kinita ng Bao Hwa sa kanyang mga kamay ay patuloy na tumataas noong mga nakaraang taon at mabilis na nanguna sa eksena ng pag-aalahas. Marami itong kinalaman sa kanyang lakas ng loob at tapang.