webnovel

Might God: The Legend

Autor: Jromarph
Fantasie
Laufend · 56.5K Ansichten
  • 9 Kaps
    Inhalt
  • Bewertungen
  • N/A
    UNTERSTÜTZEN
Zusammenfassung

Ito ay kwento ni Might o kilala bilang "Might God" Sya ay isang binata na nais maging isang ganap na Manlalakbay/Mandirigma at nag nanais na makapasok sa sikat na akademya na nag ngangalang "Pinagsama". Sa paaralang ito ay mahahasa ang kagalingan ng bawat isa at mahasa ang kanilang mga kakayanan mapa mahika man o ispiritwal. Ngunit kung sino man ang walang kakayahan na gumamit ng Mahika o Ispiritwal na kapangyarihan ay hindi makakapasok sa paaralang ito sapagkat walang lugar ang mga walang kakayahan sa lugar na ito. Sa mundong ginagalawan ni Might ay may tatlong uri ng tao at kung ano ang mga kakayahan nito. Mahikeros - May kakayahang gumamit ng mahika at iba pang katangian ng nag mamahika. May dalawa itong klase. Itim at Puti. Anti Mahikeros- May kakayahang ispiritwal at pisikal na lakas. May dalawa din itong uri. Itim at Puti. Inaktibos- Mga walang kakayahan mapa ispiritwal man o mahika. Tanging mga normal na tao lamang ang mga ito. kadalasan ang mga ito ay mga alipin o mamamayan lamang ng isang bansa o nasyon. ---Author's Thought ----------- Ang kwentong ito ay isang nobela. Ang bawat karakter,lugar o pangyayare sa kwentong ito ay kathang isip ko lamang. Paumanhin kung meron akong nagagamit na pangalan ng nabubuhay man o namayapa na. Ang intensyon ko lamang ay gumawa ng kwento at ibida ang Pilipinas at ang mga Pilipino bilang isang magaling na manunulat sa lahat ng dako ng mundo.

Das könnte Ihnen auch gefallen

AZURE DRAGON ACADEMY [TUA 3] (Tagalog/Filipino)

Isang panibagong araw naman ang dumating para sa binatang si Evor. Makikitang umaga pa lamang ay rinig na rinig niya na ang ingay nagmumula sa labas ng inn na tinutuluyan niya. Isang simple at murang inn lamang siya tumutuloy ngayon matapos ang mahabang biyaheng ginawa njya kahapon makapunta lamang sa lugar na ito. Sa kamalas-malasan niya ay mukhang marami ng naunang mga estudyanteng tila katulad niya ay galing pa sa mga malalayong parte ng mga bayang pinagmulan ng mga ito. Karamihan kasi sa mga bagong dating ay nagtayo na lamang munting tent sa mga gilid-gilid lalo na at wala na rin silang matutuluyan. Wala namang magbabalak na gumawa ng gulo dahil bawat lugar rito lalo na sa mga piangtatayuan ng tent ay may nakabantay buong magdamag na mga kawal mula mismo sa Dragon City. Walang magbabalak na labanan ang mga ito dahil likas na malalakas ang mga ito at subok ng magaling sa pakikipaglaban. Kung di nagkakamali si Evor ay mga 4th Level Summoner hanggang 7th Level Summoner ang mga kawal ng Dragon City. Hindi mo rin basta-bastang malalaman ang tunay na lebel ng mga ito dahil pare-pareho lamang ang unipormeng suot-suot ng mga kawal unless kung lalabanan mo ang mga ito at hindi mo mahal ang buhay mo. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mauubusan siya ng mga maaaring tuluyan na mga maaayos na mga room na fully booked na rin dahil sa dagsa-dagsang mga summoners katulad niya na gusto at nangangarap na makapasok sa prestirhiyosong paaralan ng Azure Dragon Academy. Malamang ay nitong nakaraang mga araw pa pumunta ang karamihan sa mga nasa malayong mga bayan habang mas pinili nilang manatili rito ng matagal kaysa maghintay pa sila ng susunod na taon para lang makalahok sa elimination round.

jilib480 · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
24 Chs

Bewertungen

  • Gesamtbewertung
  • Qualität des Schreibens
  • Aktualisierungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund
Rezensionen
Beliebt
Neuest

UNTERSTÜTZEN

Mehr zu diesem Buch

General Audiencesmature rating
Meldung