Nakahiga lang ako sa kama habang yakap ko si Chaji. High na high pa din ako na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Bukas,January 5 ay pasukan na naman,parang nahihiya akong magpakita kay Chance. Baka bigla na lang nya akong sapakin,pero wish ko talaga na sana ay hindi nya yon matandaan.
Ang bilis talaga ng araw,mula December 24 hanggang January 3 ay nasa probinsya kami,kina Papa. Dun kami nag Christmas at New Year,medyo malungkot nga kasi gusto ko din sana sa Pasig mag christmas at new year. Pero okay lang naman,lagi ko naman kayakap si Chaji,ang sarap yakapin at amuyin,hindi ko tuloy masyadong namiss ang nagbigay nito.
"Haay Chaji! Mukhang wrong move talaga ang lola mo. Gustong gusto ko ng mawala 'tong nararamdaman ko para sa bastos na 'yon pero lalo lang tumindi eh? Anong gagawin ko?" pagkausap ko kay Chaji habang yakap ito.
"Mahalin mo lang sya tulad ng pagmamahal mo sa akin." sagot ni Chaji. Nanlaki ang mga mata ko at nabitawan ko sya.
Joke lang! Tulad ng dati wala pa ding sagot si Chaji. Kaya ang ginawa ko ay mas niyakap ko sya ng mahigpit at pumikit.
Naalala ko na naman ang gabing iyon. Simple at mabilis lang yong pagkakahalik ko kay Chance,pero nayanig ang buong sistema ko. Nanginig ang tuhod ko,at hanggang sa makauwi ako ay hawak ko pa din ang labi ko at hindi ko padin mapigilang ngumiti. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko nun,pakiramdam ko nga lalabas na ito sa dibdib ko,halos alas na ng umaga ng makatulog ako.
Yun ang first kiss ko,at talagang napaka magical nun para sa akin,pakiramdam ko dinaig ko pa ang pagdadalaga ni Maximo Oliveros. Lahat yata ng Kilig hormones sa katawan ko ay nag fiesta.
But then again,natatakot ako sa bunga ng ginawa ko. Halos aminin ko na din sa kanya ang nararamdaman ko. Anong magagawa ko? Wala akong maisagot nun sa tanong nya? Bahala na nga si Peppa Pig! Mag alibi na lang ako pag kinausap nya ako tungkol doon,pwede naman yon diba?
Kinabukasan ay nagdadalawang isip pa akong pumasok sa gate ng RHS,kaso napansin ako ng isa sa mga guard at pinapasok,kaya nagmartsa ako papunta sa Main Building.
Pagdating sa room ay sinalubong agad ako nina Aiko at Karissa,more chika more fun ang dalawa sa naging christmas vacation nila. Im glad at hindi na sila nagtanong kung saan kami nagpunta ni Chance nung araw na bigla kaming nawala.
Maya maya ay pumasok na sina Teban at Khaim,tungkol sa babae ang usapan nila. Parang nirereto ni Teban si Khaim sa iba pero ngumingiti lang si Khaim. Nang mapatingin sila sa amin ay ngumiti at tumango ang dalawa.
"I missed you." ang bulong ni Khaim sa akin ng makalapit ang mga ito.
"Namiss din kita." ang nakangiti kong sagot. Kinilig naman ako,ganun talaga siguro yon,kahit may iba ka ng gusto ay mananatili pa din yung pagka crush mo sa iyong crush,
"Punta ako sa inyo mamaya ha?" aniya,sakto dumating ang first subject teacher namin kaya tumango lang ako.
Patapos na ang second subject at wala pa din si Chance,napapaisip na naman ako ng kung anu-ano. Pero mabuti na lang din yun,para mas maihanda ko pa ang sarili ko sa muli naming pagkikita.
Third subject na namin,PE pa. Halos magreklamo kaming lahat dahil hindi kami naka PE Uniform.
"Sir naman! Pagpapawisan kami!" sabi ng kaklase naming lalaki.
"Nakakahiya pag pinagpawisan!" dagdag pa ng kaklase naming babae.
"Wala akong pakialam. Sumunod kayo sa akin sa Oval at tatakbo kayo ng dalawang ikot." nakapamewang na sabi ni Sir. Papatayin nya ba kami?
"Sir,first day of class ganun agad?" ang hindi makatiis kong sabi habang naglalakad kaming lahat papunta sa Oval,nag rereklamo pa din ang mga kaklase namin pero bungul bungulan lang talaga si Sir.
"Exactly! Unang araw kaya exercise agad! Masyado kayong madaming nakain ng christmas vacation kaya dapat magbawas! Magreklamo pa kayo gagawin kong limang ikot!" sabi ni Sir na ikinatahimik namin.
My gowd! Napaka brutal nya?! Gusto nya agad mawala ang mga chalories namin na nag e-enjoy pa sa aming katawan? Hawasdat?!
"First 20 na makatapos sa dalawang ikot ay may plus three sa final grading sa card." ani Sir.
Pagdating sa Oval ay pumito lang si Sir at sabay sabay na ang lahat tumakbo. Ang init pa man din dahil magtatanghali na.
Hinihingal na ako at nauuna na ang tropa. Bakit ang bagal ko tumakbo ngayon? Samantalang nung hinalikan ko si Chance para akong si The Flash? Mukhang kailangan ko ulit halikan si Chance para bumilis ang takbo ko ah? Hihi! Im so naughty.
"Hindi ka naman mataba,at hindi ka naman tumaba?! Ang bagal mong manakbo. Naabutan pa kita." sabi ng isang boses na ikinalaki ng mga mata ko. Nilingon ko ito to confirm.
Si Chance nga! At kasabay ko na syang tumatakbo.
Kumalabog ang dibdib ko at parang nanuyo ang lalamunan ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang tumakbo ng mas mabilis.
"Hoy! Kiji! Nagsasalita pa ako!" sigaw ni Chance,nilingon sya ng mga classmates naming tumatakbo pero hindi ako lumingon.
Grabe! Pakiramdam ko dinaig ko si Petrang Kabayo sa bilis ng takbo ko.
Pagkatapos ng PE ay diretso kami sa canteen sa IR. Kayo ba naman ang tumakbo ng dalawang ikot sa napakalaking oval ng RHS,ewan ko lang kung hindi lumawit ang mga dila niyo.
Wala kayong idea? Search nyo sa google ang Rizal High School Main.
"Sana pwedeng ireklamo si Sir." ani Teban at humigop sa softdrink nya.
"Huwag na. May dagdag grades naman tayo." ani Aiko. Ako naman ay pinaypayan ko ng palad ko ang aking sarili dahil sobrang init sa pakiramdam.
"Ito oh panyo." ani Khaim at pinunasan ang pawis ko sa noo at sa leeg. Napatingin ako kay Chance,ang sama ng tingin nya pero agad syang bumaling sa iba.
"Kailan nyo ba kasi sasabihin na kayo na?" ani Karissa na ang lawak pa ng pagkaka ngiti.
"Salamat." sabi ko kay Khaim at bumaling kay Karissa para sana bungangaan ito pero naunang nagsalita si Khaim.
"Ayaw magpaligaw ni Kiji eh." ani Khaim. Nanlaki ang mga mata naming lahat,hindi ko ine-expect na magiging ganito sya ka vocal sa harap ng tropa since na tahimik naman syang tao.
"Kyaaaaaahhhh!" parang biglang naging manok sina Karissa at Aiko,pinagtinginan tuloy kami ng iba pang mga estudyante.
"May nakalimutan ako sa room." ani Chance,tumayo at lumabas ng canteen.
Nang uwian na ay sumama nga si Khaim sa akin sa bahay.
"Parang ayaw mo talaga sa akin." ani Khaim ng nasa kwarto na kami.
"Hindi naman sa ganon." ang panimula ko. Paano ko ba sasabihin in a nice way? Pero gusto ko naman talaga sya,kaya lang pakiramdam ko may mag iiba kung tutuparin ko ang gusto nya.
"Eh bakit ayaw mong magpaligaw? Umamin na nga ako sayo na gusto kita eh. First time kong magkagusto sa gaya mo,Kiji." aniya habang nakaupo sa kama. Napahinga ako ng malalim.
"Crush kita,Khaim." tumabi ako sa kanya. Ngumiti sya. "Crush na crush kita dati pa. Kaso kung pagbibigyan ko ang gusto mo,alam kong may magbabago. Gusto kong manatili kung saan tayo tatagal. At yun ay sa pagkakaibigan."
Yumuko sya at tiningnan ang phone nya.
"Bakit hindi natin subukan? Kilalanin pa natin ang damdamin natin para sa isa't isa. Ive never been like this." aniya.
"Alam mo ba ang concenquences ng mga gusto mong mangyari? Mag iiba ang tingin sayo ng lahat. Kukutyain ka dahil sa pinili mong buhay. Ayokong dumating ang time na layuan ka ng mga tao dahil sa akin." ang seryoso ko ng sabi.
"Wala akong pakialam sa mga magiging reaksyon o tingin nila sa akin. Ayaw kong magsisi balang araw na hindi ako sumubok sa isang bagay na gusto ko talagang gawin. Life and love are taking risk,taking chances,Kiji." aniya at humarap sa akin,hinawakan ang mga kamay ko at nakipagtitigan sa akin.
Kumakalabog na naman ang puso ko. Hindi ko na maintindihan ang puso ko,parang nasira ang buong sistema nya at hindi na nagpa function ng maayos.
Wala akong masabi. Parang bigla akong nalito,parang na blangko ang utak ko. Hindi ko alam ang isasagot ko,nag drain bigla ang utak ko.
"K-khaim.." ang tanging nasabi ko na lang. Binitawan nya ang mga kamay ko at napabuntong hininga. Napalingon sya sa nananahimik na si Chaji na nakatingin sa amin.
"Nice bear,kanino galing?" ang tanong ni Khaim. Hindi na naman ako agad nakasagot.
"Hoy! Kiji!! Buksan mo ang pinto kung ayaw mong tumawag pa kami ng mga tanod!!" boses iyon ni Aiko. Nagulat kami ni Khaim at nagkatinginan.
Anong ginagawa ng mga kurimaw na yon dito?
"Ang tropa!" sabi ko at lumabas na kami ng kwarto.
Pagbukas ko ng pinto ay pumasok agad ang mga kurimaw,nauuna pa talaga si Chance na may dala pang paper bag.
"Alam naming magtatanong ka. At ang sagot ay niyaya kami dito ni Chance,since ang bahay mo lang naman ang available." ani Karissa at naupo sa sofa,napatingin ako kay Chance na parang may hinahanap.
"Khaim,tol. Nagdala kami ng pwedeng maluto. Marunong kang magluto ng spageti diba?" ani Teban kay Khaim.
"Oo." sagot ni Khaim at tumingin sa akin. Ngumiti ako at tumango. "Tara sa kusina."
"Baklang Kiji,videoke tayo ha?" ani Aiko habang nagkakalkal ng mga VCD.
"Sige lang. Basta hanggang 8PM lang ulit tayo." ang sagot ko naman at tumulong sa paghanap ng VCD,ini on ko na din ang Tv at component saka sinaksak ang mic.
"Nasan si Chaji?" biglang tanong ni Chance kaya nilingon ko sya.
"Bakit? Nasa kwarto,nagpapahinga. Napuyat kami sa kwentuhan kagabi." ang sagot ko naman. Ngumisi lang ang bastos at iniangat ang dalang paper bag.
"Nasan ang kwarto mo? May ibibigay ako sa kanya." aniya. Nagsalubong ang mga kilay ko. Ano kayang laman ng paperbag na iyon?
"Tara." pumunta kami sa kwarto at agad nyang kinuha si Chaji at inamoy.
"Akala ko pinapabayaan ka na dito." aniya kay Chaji. Inilapag ito sa kama at kinuha ang laman ng paper bag. Isang maliit na damit. "Tulungan mo akong bihisan si Chaji."
Hindi ko mapigilang mapangiti. Nagpifiesta na naman ang mga lepricorn sa tyan ko sa sobrang kilig.
"Oh ayan. Okay na! Salamat sa damit." sabi ko at naupo kami sa kama.
"Meron ka din. Oh,isuot mo." aniya at ini abot sa akin ang isang t-shirt pa.
"Wow! Anong nakain mo?!" ang panunukso ko para pagtakpan ang kilig na nararamdaman ko. Kulang na lang ay maihi talaga ako.
"Tss! Ang OA mo! Yan ang isuot mo ngayon. Sige lang. Lalabas na ako." tumayo sya at lumabas ng kwarto.
"Tsk! Praning!" sabi ko at nagbihis. Tumingin ako sa salamin. Bagay sa akin,pero parang pamilyar ang design at kulay?
Napatingin ako kay Chaji. Napanganga ako.
Kapareho ko ng damit sina Chaji at Chance! My gowd!
Biglang bumukas ang pinto,pumasok si Chance at lumapit sa akin,kalabog na naman ang puso ko.
"Ano to? Couple--"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Bigla syang yumuko at hinalikan ako. Biglang nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo ako. Ngumisi si Chance at mabilis na nagpunta sa pintuan.
"Binawi ko lang ang ninakaw mong halik. Magnanakaw."