This the Tagalog edition, but I'm starting to post the English editiion. TEASER: Between two people of different genders, which is more important, love or friendship? Some would say that friendship is more important, for others, it is love. But if you were to be in that situation, which would you choose? Tough, isn't it? Is it possible to have both? Find out how a simple working student faced that situation. A young lady named Cissie was casted away, a young rich handsome transferee named Jay welcomed her at their home. They became best of friends. However, because of his kindness to her, she fell in love with her best friend. The thing is, the feeling is not mutual. Would she sacrifice her feelings or would she gamble on it and continue to love even though she knows that it's going nowhere? How would she face the people surrounding her which keep prostrating her? Would that time come wherein she and her best friend is not just friends but lovers? Please show some love on my Facebook page. https://facebook.com/mynativewife Book cover: Credits to Natasha Fernandez on Pexels
Taong 2004 nang si Cissie Cruz ay nasa 4th year High School sa isang private school sa bayan ng Siquijor. Galing siya sa isang mahirap na pamilya sa baryo ng Cangmatnog. Napilitan siyang pumasok sa bilang working student para makapag-aral sa bayan. Namatay ang tatay niya noong 13 anyos palang siya at hindi maganda ang dinanas niya sa naging amo niya. Ngunit tiniis niya lahat para makatapos lang ng High School. Sa kabila ng mahirap na kalagayan, naging positibo parin siya sa buhay at kaakibat ng kanyang pagiging positibo ay ang hilig siya sa music. Nagsimula siyang tumugtog ng gitara noong 14 anyos palang siya. Kinahiligan niya ang 80s rock artists gaya ng Bon Jovi, Metallica, Skidrow , Firehouse atbp. At noong ikatatlong araw ng pasok niya bilang graduating student,
"Argh! Late na naman ako nito, kainis kasi 'tong Mayor Doma-to beng 'to eh. Imbes na trabaho niyang magpakain ng matanda sa akin pa pinasa. Dapat nga siya na ang gumawa nito, kasi siyang may malaking sahod samantalang ako ni isang singkong duling wala pa. Pambihiriang buhay 'to, oo! Mapapahiya na naman ako nito sa buong klase. Take a deep breath Cissie, kaya mo iyan! Bilis Cissie makakaabot ka pa, bilis!" ang patakbong wika ni Cissie sa sarili. At habang kumakaripas siya ng takbo papasok sa classroom nila, bad mood na naman ang teacher nilang si Ms. Langit, dahil sobrang pasaway na naman ang mga kaklase niya.
"Class! Don't you ever dare to lose my temper! You know me already. Huwag niyo akong sagarin at talagang makikita niyo ang hinahanap niyo! Ipapahiya ko kayo sa buong campus kahit pa sa harap ng mga crushes niyo! At...Well, well, well Ms.Cruz , what a big intruder! You're late again!" ang galít na wika ni Ms. Langit.
"Patay...lagot!"ang bulong ni Cissie. "Uhmm Ms. Langit I'm so sorry for being late, I did an errand before coming here. As you know, I am a working student, and I have my blind patient to be fed every morning before rushing here. So, I hope you would understand."
"Very good excuse eh, but I won't buy it. Do something that everybody will enjoy this morning. Alright class, what do you want her to do?" ang wika ni Ms. Langit habang tumataas ang kilay na humarap sa mga studyante.
"Why don't we let her introduce herself to our new classmate? Iyon bang tipong mala prinsipe ang dating," ang mapangtrip na sabi ni Steph.
"Ayos!" sigaw naman ng karamihan.
"Alright then. Well, Ms. Cruz alam mo na ang gagawin mo. 'Yong nasa unahan, 'yong may salamin ah, siya ang bago niyong classmate from Manila. Lapitan mo siya pagkatapos halikan mo ang kamay niya na para bang prinsipe ka na makikipagkilala sa prinsesa," ang mapang-asar na utos ni Ms. Langit.
"Do I really have to do this? Ma'am naman, baka pwede naman pong iba nalang gagawin ko. Baka puwedeng kanta or sayaw nalang po Ma'am, please," ang pagmamakaawa niya.
"I'm sorry, iyan na nga lang ang hiniling kong kapalit ng pagiging late mo eh. Saan ka pa, makakahalik ka sa kamay ng estranghero ng 'di oras? At hindi lang basta estranghero, artistahing estranghero pa. O mamili ka, isusumbong kita sa amo mo na lagi kang late or gawin mo nalang ang gusto ng classmates mo?" ang pambablackmail ni Ms. Langit. Kahit ganoon pa man, malaki pa rin ang respeto no Cissie sa guro nila. Para sa kaniya, ito pa rin ang pinakamahusay na naging teacher niya. 'Yon nga lang medyo terror. Pero natututo naman talaga sila.
"Pero ma'am," ang tanging nasambit ni Cissie.
"Class! Mukhang ayaw ni Cissie, convince niyo siya oh, baka kailangan niya ng cheering squad, guys," wika ni Ms. Langit
"Cissie! Cissie !Cissie!" hiyawan ng mga kaklase niya. Halos mangiyak-ngiyak na si Cissie dahil wala naman siyang magagawa. Kung 'di siya susunod, malalagot siya sa amo niya at baka tanggalan pa siya ng scholarship at hindi niya mapapayagan iyon. Tiniis niya ang hirap at pagod para matapos lang ang high school at makalayas na sa pamamahay na iyon.
"I can't afford to lose my scholarship, lalo na't graduating ako," wika niya sa sarili. "Okay, okay, fine! You guys win this time," habang papalapit siya sa bagong kaklase nila unti-unting tumutulo and mga luha niya.
"Hi, I'm Cissie. Puwede bang makahingi ng pabor sa'yo? I know this is so embarrassing but I need your help. Puwede bang mahiram ang kamay mo?" tumingin ito sa kaniya, ngumiti habang inaabot ng lalaki ang kamay nito sa kaniya. Mabuti nalang at hindi arogante ito. At habang hinalikan niya ang kamay ni Jay, tumulo ang luha niya sa kamay nito.
"I'm so sorry for this commotion. Oo nga pala, n-nice to meet you," patungong wika ni Cissie sa sobrang hiya.
"Okay lang, no problem. Mukhang wrong timing ang pagkakilala natin but it's fun, I like it. By the way, I'm Jay transferee ako from Manila pero nakakaintindi ako ng Bisaya. Nice to meet you to too," nakangiting wika niya kaya lutang na lutang ang kagwapuhan niya. Palibhasa'y half Chinese siya kung kaya waring nabuhay si Rico Yan sa katauhan niya. At idagdag mo pa ang mga biloy niya. Pagkatapos ay tumalikod na si Cissie para pumunta sa back row kung saan siya nakaupo. Ngunit mukhang sadyang hindi pa nakontento si Ms. Langit.
"And where do you think you are going Ms. Cruz?" taas kilay na tanong ni Ms. Langit.
"Ma'am sa upuan ko po."
"Oh dear, starting today, may bago na tayong seat plan at you'll be sitting beside Mr. Jay Tan dahil kailangan niya kasi ng translator whenever may mga Visayan words siya na hindi maintindihan. Since formal na kayong magkakilala, why don't you help him? O kaya'y itour mo siya sa campus kapag may time," suhestiyon ng guro nila. Palibhasa'y hindi kagandahan si Cissie, kapag nagkataon ay magmukha siyang tsimay ni Jay at sa malamang kahihiyan ang aabutin niya.
"Po? Ma'am huwag naman po. Masyado na nga po akong napahiya sa kanya eh. Ma'am iba nalang po ang iassign niyo sa kaniya," tanggi niya.
"Oo nga po ma'am, kawawa naman si Jay kapag nagkataon, baka pagtawanan siya ng mga tao pagnakita silang magkakasama ni Cissie. Marami naman diyan na hindi alangan kay Jay, gaya ko," pagmamayabang ni Steph.
"Kung 'di ba naman makapal eh," bulong ni Cissie. "Oo nga po ma'am si Steph nalang para hindi mapahiya si Jay," giit niya.
"Sorry dear, I won't take no for an answer. Don't spoil my mood baka magiging tigre na naman ako. Huwag ka nang mag-inarte diyan, alright? Sit down, don't waste my time because we'll be having an important topic today. I'll be giving this ahead of time although this is for the upcoming Foundation Day Celebration para makapaghanda na kayo ngayon pa lang," seryosong wika ni Ms.Langit.
"Sige po ma'am, masusunod," wika niya dahil wala naman siyang magagawa kundi sumunod nalang. Umupo siya sa katabing upuan ni Jay na halos hindi makatingin sa sobrang kahihiyang inabot niya. At heto pa, pinatatabi pa siya dito. Ngunit hindi siya makatiis na hindi humingi ng dispensa sa sitwasyon sumalubong sa unang araw ng kaniyang paglipat.
"Pasensya na ulit sa abala na. Unang araw mo pa lang ng paglipat mo dito, gulo agad ang bumungad sa'yo. Sana hindi kami magkaroon ng maling impression sa iyo," ang mahinahong wika ni Cissie.
"Of course not! Dapat ako nga ang humingi sa'yo ng pasensya eh. Kasi kung hindi dahil sa akin hindi ka mabubully ng ganito. Mukhang nga ding malala ang bullying dito, parang sa Maynila lang. By the way, are you okay?"ang malasakit na tanong ni Jay.
"Ano ka ba? sanay na ako sa mga bagay na iyan, sa katunayan gagraduate na nga ako this year dahil diyan eh," pabirong tugon niya kahit halata namang hiyang-hiya pa rin siya lalaki. niya ay lalamunin siya ng lupa.
"Okay class, alam naman natin na may competition at pabonggahan ng mga performances tuwing Foundation Day Celebration, kaya ngayon pa lang kailangan na nating mag-isip ng maganda at unique na performance, 'yun bang tipong magugoose bumps sila. At hanga't maari guys sekreto lang natin ito," wika ni Ms. Langit.
"Astig 'yan ma'am mukhang exciting!" ang excited na tugon ni Jeff na adik na adik sa kantahan.
"Ma'am isa lang ba ang magpeperform sa section natin? Mas maganda sana kung may sasayaw at kakanta or puwede po nating pag-isahin sa isang performance. Halimbawa, ang opening ng performance ay sayaw yong parang may halong kwento tapos ang katapusan ng kwento ay magtatapos sa kanta," suggest ni Steph.
"Mukhang okay iyang naisip mo Steph," sang-ayon ni Ms. Langit. "Pero mas maganda sana kung hindi lang basta kanta, dapat may kasamang instruments din. By the way, sinong marunong tumugtog dito ng instruments?"
"Well, ma'am maasahan mo ako pagdating sa kantahan, wala na atang tatalo sa akin. Kahit anong genre ay kinakanta ko," pagmamayabang ni Jeff.
"Hoy! Ang tanong ko, ay tumutugtog ng instrumento, hindi kumakanta. Hindi pa ba obvious na adik ka sa videoke? O siya! kakanta ka, pero maghanap ka ng kasama mo."
"Ma'am, hindi naman ako kagalingan pero marunong akong tumugtog ng drums at drummer ako sa simbahan namin sa kasalukuyan," ang bulontaryo ni Jun.
"Okay, that's good. Who else? Anybody else? Just don't be shy. This is your time to show the people what you got."
"Ma'am, I can play guitar. I used to be in theband when I was in Manila,"ang boluntaryo ni Jay.
"OMG! Girls, nagigitara pala siya. Guwapo na, artistahin pa, musician pa. Ah!" sabay ang tilihan ng mga kabarkada ni Steph.
"Guys! Puwede bang mamaya na 'yang arti-artistang iyan? Puwede bang ilagay niyo sa lugar 'yan? Kailangan matapos agad nating 'tong usapang ito dahil may lesson pa tayo. Okay Jay, kulang nalang kayo ng isa para mabuo ang band niyo, who else guys? Come on! Kailangan na nating matapos to agad para makapaglesson na tayo," seryosong wika ni Ms. Langit.
"Ma'am I heard Cissie can play the guitar, why don't we include her? Besides, mas maganda pag may babae sa band para kakaiba ang dating," suggest ni Jun.
"Naku Ma'am, hindi po ako magaling tumugtog. Saka wala akong guitar at marami po akong obligasyon sa amo ko. Sigurong hindi ko rin po maharap ang mga rehearsals. Kaya sorry po, I can't," tanggi ni Cissie.
"Well, I can teach you," wika ni Jay. "Besides, puwede namang hindi tayo laging magrehearse. We can practice here if we have time."
"Okay, so ito na ang final, Steph you will be incharge of the dance since ikaw naman ang nagsuggest. Jay along with Jeff, Jun and Cissie will do the band performance after the dance!" ang excited na wika ni Ms. Langit.
"Ma'am, I didn't say yes. Mas mahalaga po sa akin ang scholarship ko kaysa performance. Baka palayasin ako ng amo ko kapag may mangyaring palpak sa trabaho ko dahil diyan," tanggi ni Cissie.
"Ganito nalang, kapag papayag ka, kahit malate ka ng paulit-ulit hindi ka na uutusan ng kung anu-ano, basta lang valid ang reason ah! At kapag narinig akong may nambubully sa iyo, mananagot sa akin, deal ka ba?" pangungumbinse ni Ms. Langit.
"Sigurado po kayo?walang bawian?" ... ''pagkakataon ko na 'to" wika niya sa sarili.
"Okay. I'm in!" nagthumbs up pa siya.
"Promise! Walang bawian," sumumpa pa si Ms. Langit. "Okay, I think we are all set guys. I am looking forward sa performance ninyo at kapag nanalo tayo, magcecelebrate tayo sa beach at exempted kayo sa long quiz natin bago mag 4th grading exam."
"Yeah!" hiyawan ng buong klase dahil for the first time magiging maluwag sa exam si Ms. Langit na kilalang terror sa buong campus at istrikto pagdating exam. At nagsimula na nga si Ms. Langit sa discussion ngunit nakasarapan ang kuwentuhan ng dalawa na para bang matagal na silang magkakilala, kahit pa hindi naging maganda ang unang tagpo nila.
"Don't worry, I will teach you. Maybe you should play the bass since wala tayong bassist. Hindi naman ganoon ka hirap ang bass and I'm sure you will be good at it," confident na sabi ni Jay kay Cissie.
"Okay, let's see. Sana hindi ako mabuking ng amo ko. Dahil kapag nagkataon, tapos ang maliligayang araw ko sa school na ito, at ikaw ang magpapaaral sa akin," pabirong wika niya.
"Oo ba! Gusto mo pa sa bahay ka nalang tumira eh, para may kasama kapatid at may makakajamming din ako."
"Uy biro lang iyon, ikaw naman oh. Basta Ipanalangin niyo nalang na hindi ako mabubuking sa amo ko dahil kakaiba mag-isip mga iyon. Isipin agad no'n nagbubulakbol ako. Well, malalaman mo pag pinalayas ako dahil hindi mo na ako makikita sa school na'to."
"Magagawan natin ng paraan iyan at.."
"Stop talking! Daldalan agad kayong dalawa? O baka naman gusto niyo ishare sa amin 'yang interesting topic niyo. Huwag niyong solohin iyan malay niyo may malaking maiambag kami diyan," sawata ni Ms. Langit.
"Uy...ang dalawa, may sariling mundo oh. Share-share naman diyan, "..."ayieee!" ang kantiyaw ng ibang kaklase nila.
"Hmmp! Hindi bagay! Beauty and the Beast lang ang peg," ang kontra ni Steph.
"Sorry po ma'am, hindi kasi kami makagetover sa plano nating magperform sa Foundation Day Celebration. Sorry po talaga," dispensa ni Jay.
"Palalampasin kita ngayon Mr.Tan dahil first offense mo ito. You should be careful next time or you will taste the bitterness of the consequences kahit pa artistahin ka. Well, sisikat ka nga naman in the ironic way dahil ipapahiya kita sa buong campus," banta ng terror na si Ms. Langit.
"Sorry po talaga Ma'am. It will not happen again," wika ni Cissie
"Okay, class back to the topic. As history told....."
Naging seryoso na ang buong klase at bagama't hindi naging maganda ang unang tagpo nila Cissie at Jay ngunit para na silang matagal na magkakilala dahil palagay na sila sa isa't isa.