webnovel

LOVE BEYOND HATRED

It was a wrong idea having them in one place. She hates him. He hates her too. They even despise each other's existence. No one wants to surrender. No one wants to be a loser. Not her and not even him too. They're both a fighter. In fact they almost fight everyday. Seeing each other is what they hate the most. Both of them wanted to win in their so called game. And there is only one winner. Shes confident and he's confident too. Who will win among the two of them. And because of this so called game of them, their life turned upside down. Is there any chances for the two of them to love and even to fall for each other? Is there love beyond hatred? Is it really love? Or is it hatred in the first place?

AkoSiMaki · Teenager
Zu wenig Bewertungen
9 Chs

Chapter 6:I hate you!

E P I S O D E S I X

Unedited

ASHLEY

Alas syete palang nang umaga at andirito na ako ngayon sa university...Madami-dami naring mga estudyante ang naririto..Pero di ko pa makita si Beshy Resty...Nililibot ko ang tingin ko sa kabuuan nitong university pero wala pa ring Resty...Tss...

Mas pinili ko muna na pumunta sa may bench at doon nalang hintayin si Resty....Aaktong uupo na sana ako ng biglang dumating si Mr.Hambog...Si Ash Ferrer..The one and only..Ano pa nga ba!!!

"Ano na naman bang kailangan mo sakin!"mataray na usal ko sa kanya...Nakakapang-init ng ulo kasi ang lalaking to..Yung tipong okay yung mood mo pero nung nakita mo sya,bigla nalang nagbago...Yun yung epekto nya sakin..Nakakapanggigil.....

"Easy lang...Galit ka na naman agad..Pumapangit ka tuloy"....saad nito...Talagang nang-asar pa ang isang to..Pero maganda naman talaga ako e....Charot lang..Galit pa din ako sa kanya....

"Wag mo kong mabola-bola dyan Hambog ka...Sabihin mo na kasi kung anong pakay mo..Di yung pumunta ka dito para inisin at sirain lang ang araw ko..Pero kung yun nga ang pakay mo,pwes nanalo..nagwagi ka dahil talagang nasira mo ang araw ko..."....

"Yan ba talaga ang tingin mo sa akin?"...may paawa effect pang nalalaman ang gagong to..Di naman bagay sa kanya...Tsk..

"Talaga....E ano pa nga ba..Ano bang gusto mong sabihin ko sayo...Gusto mo ba sabihin ko na,mabait ka,gwapo ka,hot ka?"...

"Di naman sa ganun..Pero kung yan talaga ang nakikita mo sa akin...Thank you sa compliments..I really appreciate it.."...

"In your face....Ang feeling mo din no...Ako ba talaga iniinis mo Mr.Ferrer?..."...wala na nainis na talaga ako sa kanya...

"Opps..Relax lang...."....usal nya habang dahan-dahang lumalayo sa akin.Natatakot sigurong masapak ko sya..Dapat lang..Matakot ka sakin...Tss...

"Kung di ka sana nagpakita sakin..Edi sana relax ako ngayon...Edi sana okay pa tung mood ko..Edi sana maaliwalas ang umaga ko..Edi sana happy ako..at Edi sana....umalis ka nalang...Pinapainit mong ulo ko!".....di ko na talaga kinaya..Ang sama talaga ng lalaking yun..He ruined everything. Char...Everything talaga Ashley....Wag ka na ngang sumatsat pa dyan author...Storya ko to kaya exit ka na..Tsk...

Inayos ko ang buhok ko kasi nastress e..Di kinaya...Tsk...Nakaupo ako at hinihintay padin ang pagdating ng beshy ko...Nasan na baka kasi yung kaibigan kong yun..Ang tagal..Kanina pa ako dito....Sa tagal ko na ngang naghihintay,nakaaway ko pa yung Ash Ferrer na yun...Sa dami ng estudyante dito sa university,yung lalaking yun lang talaga ang sumisira ng araw ko....Lakas ng loob!...nakakapanggigil..Tss...

**********

"Resty,san ka ba galing?....tanong ko kay Resty...Sa ngayon nasa loob na kami ng classroom...Nasayang lang yung oras ko kanina kakahintay dito kay Resty..Di naman pala dumating....Kaya naisip ko nalang na pumunta na sa classroom....

"Besh sorry kasi may naging problema lang kasi e...Pasensya na ha kung pinaghintay kita..promise di na talaga mauulit"....seryosong paghingi nya ng sorry sa akin...

"Siguraduhin mo lang..dahil pag sa susunod na ginawa mo pa yan..di talaga kita papansinin...As long as I live"....saad ko na may halong pagbibiro...

"Grabe ka naman besh..As long as you live talaga..Katakot ha...."..natawa lang ako sa sinabi nya...

"Maiba tayo besh..Alam mo ba kanina,habang naghihintay ako sayo dun sa may bench,bigla nalang lumapit yung gungong na Ash Ferrer na yun..And to think,sinira nya ang mood ko.."....pag-iba ng usapan ko...

"Sa tingin ko besh,ito na siguro yung tamang oras para gawin mo yung sinabi ko sayo....Dapat mo na talagang iwasan yang lalaking yan"...

"Mahirap gawin ang bagay na yan besh...Kasi kahit na anong gawing pag-iwas,paglayo ko sa kanya e hahanap pa din ng paraan ang lalaking yun na inisin ako..."....

"Ikaw'ng bahala..basta sinabihan na kita tungkol dyaan..."...

Naputol ang naging pag-uusap naming dalawa nang pumasok na si Ma'am at nag-umpisa sa kanyang discussion....Pansin kong di pumasok si Ash...Pero nasaan sya...Nandito naman sya kanina e...Bakit ko ba hinahanap ang lalaking yun..Mabuti na nga tung wala sya e atleast alam kong walang Ash Ferrer na mang-iinis sa akin..

Matapos ang klase ay bumaba muna ako....Wala sa sariling nagpalinga-linga ako sa paligid....Pinagmamasdan ang mga maraming estudyante sa labas at loob nitong university....Di ko na pinasama pa sakin si Resty kasi may gagawin pa daw sya..Di naman nya sinabi kong ano..Baka sakaling matulungan ko sana sya..

Ngayon nakatayo ako sa may harap nang basketball court at natatanaw ko ang mga lalaking naglalaro ng basketball roon..May mangilan-ngilan ring mga babae ang andudon at magchecheer kunwari pero lumalandi pala....Tsk....

Paalis na sana ako kaso dumating na naman si Mr.Hambog Ferrer...Ano ba kasing ginagawa ng lalaking to dito...Teka,bat kaya di to pumasok....

"Anong ginagawa mo dito Ms.Batungbakal?"...nakataas kilay na usal ni Mr.Hambog Ferrer sakin...

"Paki mo...At tsaka,sinusundan mo ba ako?....Bat ba panay ang pagsulpot mo kung nasaan din ako?..Dont tell me,stalker kita...Inistalk mo ako no..."....saad ko...

"Ako stalker mo?..In your dreams...Di ba pwedeng nagkataon lang na andito ka at andito rin ako...At ano ba sa tingin mo,pag-aaksayahan talaga kita ng oras...hell no!..."...

"Masaya na sana ako kanina kasi di ko nakita yang pagmumukha mo...Kasi di ka pumasok..Sana tinuloy-tuloy mo nalang..Sana umabsent ka nalang forever..para happy..happy.."....

"Masaya ka dahil di ako pumasok?At di mo nakita tung gwapo kong mukha?...Pwes..sisirain ko yang kasiyahan mong yan..Dahil sisiguraduhin kong araw-araw mong makikita tung mala-anghel sa gwapo kong mukha....I will make sure that everyday is your happy yet worst nightmare day!".....hala takot ako dun ha...Sa tingin ba talaga ng lalaking to,matatakot nya ako sa mga paganyan-ganyan nya...Di yan uubra sakin..

"Bring it on!!..Mr.Ash Ferrer...Di kita aatrasan dyan..At sisiguraduhin ko rin na araw-araw magiging mala impyerno yang araw mo...Kung gyera gusto mo,pwes pagbibigyan kitang lalaki ka...At sa laban nating to,makikita mong ikaw ang matatalo...."...confident talaga ako don..Ginagalit talaga ako ng Ash nato...

"Okay fine...Kung ako sayo..Maghanda ka na...Kasi baka isang araw,bigla ka nalang sumuko..At baka pa nga,mahulog ka sakin e...Sige ka,pag nangyari yun,di kita sasaluhin..."....napaka hambog talaga ng lalaking to..

"Yan ang hinding-hindi mangyayari...Ako mahuhulog sayo...No way..Mas okay ng mahulog ako sa kanal kesa mahulog ako sa isang kagaya mo...."....