webnovel

Chapter 1

DALAWANG magkasunod na latay ang natanggap ni Suzette mula sa ama. Naramdaman niya agad ang hapdi at sakit na dulot ng sinturon na siyang ginamit nito upang hatawin siya. Pinigil niya ang sariling mapahikbi dahil mas lalo lamang siyang hahatawin nito.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na dumiretso kang umuwi sa bahay pagkatapos ng klase mo? Nakikinig ka ba sa aking bata ka? Ha?!" galit na singhal nito sa kanya sabay hampas ng sinturon nito at tumama iyon sa kanyang binti.

Napapikit siya at nakagat niya ang pang-ibabang labi upang hindi siya mapalahaw nang iyak.

"Uulit ka pa ba?" tanong nito sabay sabunot nito sa kanyang buhok.

"E-Eighteenth birthday ko po ngayon, Daddy. K-Kumain lang ako sa labas para mag-celebrate," lakas loob siyang nagpaliwanag sa ama.

Mas hinigpitan nito ang pagkakasabunot sa kanya. "At sinong may sabing ipagdiwang mo ang iyong kaarawan?" kuwestiyon nito bago malakas na binitawan ang kanyang buhok. Ito ang naging dahilan upang mapasubsob ang mukha niya sa sahig. "Wala kang karapatang magdiwang! Naiintindihan mo ba iyon?"

Kanina ang katawan lamang niya ang masakit dulot ng mga natanggap na latay. Ngayon pati puso niya'y kumikirot dahil sa masasakit na mga salitang binitawan ng sariling ama. Hindi niya lubos maunawaan kung bakit ganito na lamang kalala ang galit nito sa kanya. Palagi niya tuloy naitatanong sa sarili kung may mali ba siyang nagawa upang kamuhian siya nito.

Hiling niya na sana nandito at buhay pa ang kanyang lolo't lola para hindi naging miserable ang kanyang buhay. Sana masaya pa rin siya at malaya. Sa kasamaang palad pumanaw ang mga ito noong siya'y mag-aanim na taong gulang. Naaksidente at sumabog ang sinakyang eroplano ng mga ito pauwi sa Pilipinas galing Amerika.

After the funeral of her grandparents, her father took her into his custody. Her grandparents raised her since she was born so she was not familiar and had no idea about her father or her late mother. She thought that her father was kind and loving just like her grandparents but to her dismay he's not.

Samantalang maagang pumanaw ang kanyang ina. Binawian ito ng buhay ilang minuto matapos siya nitong ipanganak dulot ng komplikasyon sa puso. Namulat siya sa mundo na hindi man lang naranasan ang pag-aaruga at pagmamahal ng isang ina. Iilan ang masasayang ala-ala na nakabaon sa kanyang memorya, at pawang mga ala-alang kasama pa niya ang yumaong lolo't lola.

"B-Bakit po palagi na lang kayong ganito sa akin, Daddy?" hindi niya natiis ang sarili at naitanong iyon sa ama. "Halos araw araw kayong umuuwing lasing tapos ako palagi ang pinagbabalingan niyo ng inyong galit? Wala naman po akong nagawang kasalanan," dagdag niya sa tinuran. Hirap siyang magsalita dahil sa pinipigil na pag-iyak.

Mahigpit siya nitong hinawakan sa panga at marahas na iniangat ang kanyang ulo sa direksiyon nito. Matalim ang mga mata nito at may pahiwatig nang nagsusumigaw na puot at galit. "Do you really want to know why I treat you this way?" malamig nitong tanong.

Tipid siyang tumango at sumagot, "Y-Yes po, Daddy." Ang kanyang mga luha ay namalisbis. Nawalan siya nang kontrol sa pinipigil na emosyon.

"Isa lang ang dahilan! Iyon ay dahil malas ka! Wala kang ibang dinala sa buhay ko kung hindi kamalasan!" malakas nitong sigaw sa kanyang mukha. "Namatay ang pinakamamahal kong asawa dahil sa iyo! Sumunod na nawala sina Papa at Mama dahil din sa pagiging malas mo! Hindi pa natapos doon. Nalugi't nagsara pa ang kanilang pharmacy. And that's all your fault! That's what you did wrong! You brought bad luck into my life!" Inilabas nito lahat nang galit at hinanakit.

Ang bawat katagang binitawan nito ay bumaon sa kanyang utak at parang punyal na paulit ulit sinasaksak ang kanyang puso. Sobrang sakit na marinig ang mga salitang iyon galing sa sarili niyang ama. Kahit ganoon pa man ay may natitirang pagmamahal parin siya dito. Pagbaliktarin man ang mundo mananatiling ito ang kanyang ama.

"S-Sorry, Daddy. Sorry kung ako ang malas sa buhay ninyo," madamdamin niyang paghingi nang paumanhin habang patuloy na naglalandas ang mga luha sa kanyang pisngi. Humingi siya nang tawad sa pag-asang mababawasan kahit papaano ang galit nito sa kanya.

Umasa siya ngunit siya rin ay nabigo. Isang malakas na sampal ang natanggap niya mula dito. Damang dama niya ang pamamanhid sa napurohang pisngi. Mariin siyang pumikit upang tiisin ang sakit at hapdi niyon.

"Walang magagawa iyang sorry mo!" singhal nito atsaka ito lumayo mula sa kanya.

Buong akala niya ay umalis na ito kaya kahit nanginginig sa takot ang mga tuhod niya ay pilit siyang tumayo.

"You're not going anywhere, wench!" dumadagundong ang boses ng kanyang ama na bumalik sa sala. Nanigas ang katawan niya noong marinig ang tunog ng dala nitong kadena.

Lumingon siya sa likuran at mas lalo siyang nabalot nang takot. Hawak nito ang kadena at kandadong palagi nitong gamit sa pagtatali ng mga kamay niya. Mabilis itong nakalapit muli sa kanyang kinaroroonan. Mabilis nitong hinuli ang mga kamay niya at pinagsalikop, itinali nito ang mga iyon gamit ang kadena at kinandaduhan.

"D-Daddy! No! Please, let me go! Let go of my hands!" she hysterically shouted while trying to free her hands.

Lubos siyang nadismaya at nasasaktan ng paulit-ulit. Sarili niya itong ama ngunit masahol pa sa hayop kung ituring siya nito.

Tila bingi ito sa mga pakiusap at pagmamakaawa niya. Hinila siya nito gamit ang kadena kung saan nakatali ang kanyang mga kamay. Animo'y isa siyang lampaso na pinadausdos sa sahig. Tinutumbok nito ang daan patungong basement.

"Daddy... Please... No," nanghina ang kaniyang boses pero patuloy siyang nagmakaawa. "I don't want to stay in the basement again. Daddy, hear me out. Please..."

"You have to learn your lessons, you little wench!" galit nitong sigaw. Wala itong pakialam sa nararamdaman niya. Unti-unting naglalaho ang kaunting pag-asa na kinakapitan niya upang maniwala na kahit papaano ay mahal siya nito. Mahal siya ng kanyang Daddy.

Nawala ang natitirang lakas sa kanyang katawan matapos siya nitong hinila padausdos sa hagdan ng basement. Malamig at madilim. Ganoon kung paano niya ilarawan ang lugar na ito. Sa lugar kung saan palagi siyang kinukulong ng kanyang ama upang parusahan.

Itinali nito sa haligi ang kadena. Naramdaman niya ang kirot sa kanyang magkabilang binti. Hindi niya namalayang nagkaroon na naman siya ng mga sugat at pasa dulot ng mga hampas mula sa sinturon.

"You have to learn your lesson! Do you understand?" singhal nito habang nakapameywang sa kanyang harapan at masama pa rin ang timpla ng mukha nito.

"Yes, Daddy," mahina ang boses niyang sagot habang tumatango.

Hindi na ito muling umimik. Iniwan siya nito at ini-lock ang pinto. Walang kasiguraduhan kung kailan siya makakalabas. Minsan hanggang magdamag kung ikulong siya nito ngunit mas madalas ay aabot hanggang tatlong araw. Walang maiinom at walang pagkain, ganoon kalupit ang Daddy niya sa kanya.

ISANG araw lamang ang pinalipas ng Daddy ni Suzzette bago siya nito pinalabas sa basement. Tahimik ito at walang kibo. Blangko rin ang ekspresiyon ng mukha nito. Nanahimik na lang din siya dahil natatakot siyang muli itong magalit.

Sa dalawang araw na walang tubig at pagkain, ramdam niya ang sobrang panghihina ng kanyang katawan. Kaagad siyang naligo at nagbihis. Pagkatapos ay bumaba siya sa kusina upang magpaluto ng pagkain sa kanilang nag-iisang kasambahay.

Sabado ngayon. Ibigsabihin sa isang araw na nakakulong siya sa basement ay isang araw din ang liban niya sa klase.

"Ma'am Suzzette, handa na ang inyong agahan," untag ni Aling Marieta sa kanya. Ito ang kanilang butihing kasambahay. Alam nito ang pagmamaltrato ng Daddy niya sa kanya. May balak sana itong magsumbong sa mga pulis ngunit siya ang mismong pumigil dito.

Alam niya kung gaano kayaman at karami ang galamay ng kanyang ama. Maaaring madamay ang kahit na sinong nais tumulong sa kanya.

"Maraming salamat ho, Aling Marieta," nagpasalamat siya dito bago magsimulang kumain.

Hinarang siya ng kanyang Daddy sa sala noong pabalik na siya sa kanyang silid matapos mag-almusal. Tumigil siya at hinintay ang magiging utos nito.

"Stay here. May bisita tayo and it is my friend Alfonso," bulong nito sa kanya.

"Yes, Daddy," she answered. She followed him as he went to the front door to welcome the visitors.

"Good morning, Mr. Venzon!" her Daddy greeted his old friend. Who she thinks is five years older than her Dad.

"Magandang umaga ho," maging siya ay binati ang matanda.

"Aba! Talagang maganda ang umaga kung ang babaeng mapapangasawa ko ang bubungad sa akin," sobrang galak na turan ni Mr. Venzon.

Natigilan siya at sandaling nag-isip tungkol sa sinabi nito. Nagsalubong ang kanyang mga kilay at galit na tinignan ang Daddy niya.

"Anong mapapangasawa ang pinagsasabi niya, Daddy?!" she asked and her voice thundered. Ito ang unang pagkakataon na walang takot niyang inilabas ang totoong emosyon at saloobin.

"Mr. Venzon asked your hand for marriage and I agreed. He's your soon-to-be husband," kalmadong sagot ng kanyang ama na tila isa siyang gamit na puwede nitong ipamigay sa kahit sino.

Dahan dahan siyang naglakad paatras. "No! Hindi mo man lang ako kinausap ukol dito! How dare you, Dad?! I will not marry anyone especially this old man," malakas ang boses niyang turan at hindi niya napigilang magtaas ng tono. Labis itong ikinagulat ng lahat.

"Don't start making a fuss right now, Suzette!" naiinis na turan ng Daddy niya at pinanlakihan pa siya nito ng mga mata.

"No! I have my own right to decide for my own!" she blurted out and ran away. Dumiretso siya sa kanyang silid at ini-lock ang pinto.

Nakahinga siya ng maluwang dahil hindi sumunod ang kanyang Daddy upang pagbuhatan siya ng kamay o kaya ikulong ulit sa basement. Napahikbi siya at nag-iisip ng dapat gawin. Nasasaktan siya ng sobra sa paraan ng pagtrato ng sarili niyang ama sa kanya. Hindi siguro siya importante dito at walang katiting na pagmamahal ito para sa kanya.

Kung kaya't nakapagdesisyon siyang tatakas mamayang gabi anuman ang manyari. Desidido siyang makawala sa hawlang unti unting babaliw sa kanya.

LINCOLN was busy reading his Chief Financial Officer's report for the monthly financial statement of his real estate company, Cabalteja Realty. He didn't even notice his mother entering his office. She is carrying a tray of snack.

"Darling, please take a break. Put those papers down and rest for a while. You've been working since seven in the morning. Aren't you tired working all day?" his mother asked with so much concern.

"Mom, I'm sorry I can't. Malapit ko nang matapos basahin ang financial statement na ipinasa ng CFO. I need to finish my work here before I go and check out the houses in my subdivision that are currently under construction in Makati," he subtly rejects his mother's request and reasoned out.

"Kahit kaunting minutong pahinga lang anak," pakiusap nito sa kanya. Marahan nitong inilapag sa ibabaw ng kanyang mesa sa tabi ng mga binabasa niyang papeles ang dala nitong tray. His mom brought him a vegan sandwich and brewed coffee. "Mag-aalas tres na ng hapon. Hindi ba't humigit kumulang dalawang oras ang biyahe mula dito sa Laguna hanggang Makati? Ipagpabukas mo na lamang ang ilang tabaho mo, anak," suhestiyon pa nito.

"I will travel by helicopter and it will only take thirty minutes," pagbibigay alam niya rito sa kanyang plano.

He lift his head and saw his mother smiled sweetly at him, he return the favor. He heaved a deep sigh before dropping the paperworks from his hand. Then he took the cup from the tray and sip from the best brewed coffee in the world. He really has to say or admit perhaps that nothing tastes better and delicious than his mother's own recipes.

"I am already twenty-five and you still take care of me instead of me taking care of you now. Thank you, Mom," he lift his eyes on her again and found her teary-eyed but she still managed to smile.

"It's my duty since your father died six years ago. I had to see to it that you and Reginald are in good health and happy," she replied.

Speaking of which, his younger brother Reginald Martin Cabalteja never wanted to manage Cabalteja Realty with him but he chose to live in Australia and became a tennis star-player. They let him do what he wanted even though he was left behind and sacrificed his own dream. And a month from now, his brother will marry the woman he loves who is also his personal assistant.

"I can't believe my brother is getting married soon. Ang edad niyang dalawampu't tatlo ay bata pa upang magpakasal, ngunit hinayaan mo pa rin siya," he brought up the topic. He wanted to convince his mother to somehow talk to his brother to wait until he was completely ready to start a family.

"I know son, but I see and I feel that the couple really love each other. They can still learn and grow even when they are married," she explained her decision. He only gave a sigh as a reply.

As they talk for a few more minutes he had the chance to rest as well. Then he dismissed his mother before continuing to work. He has to hurry to finish his paperworks because he has something else to take care of afterwards. He had to inspect the houses on his subdivision, and to ensure that the condominiums he owns in Makati were also running well.

Nächstes Kapitel