webnovel

Loulan Family

Redakteur: LiberReverieGroup

Dahan-dahang pumalaot ang barko sa Eight Desolate Mountain.

Papasok na sana sila sa inland area, kaya nagsimulang magpokus si Zhao Feng; hindi niya pa naramdaman ang pagbabagong ito dati.

Sunod nito ay nalagpasan ng barko ang isang malabong asul na ilaw.

Weng~~~

May mga kidlap na tumalsik sa katawan ng barko.

"Hmm? Dagdag pang bigat… mas mabigat…"

Hindi mapakali ang katawan ni Zhao Feng, at habang lumalayo pa sila, mas malakas pa ang panlalabang nararamdaman nila.

Ang walang hanggang karagatan at ang kalupaan ay dalawang magka-ibang mundo.

Kung ang cultivation ng isang tao ay hindi pa umaabot sa isang lebel na kinakailangan, hindi nila kakayaning pumasok sa walang hanggang karagatan sa kanilang pisikal na anyo. Ito ang dahilan kung bakit marami sa taga-lower levels ang nakaisip na ang lugar na tinitirahan nila ay isang kontinente.

Ang gravity, resistance, at pati na rin ang Heaven Earth Yuan Qi ay nagbabago.

Maliit na isla lamang ang Eight Desolate Mountain.

"Medyo malapit lang ang Heaven Earth Yuan Qi rito sa Azure Flower Continent."

Ramdam ni Zhao Feng.

Mayroon ding problema sa espasyo.

Sa nakikita nila, ang orihinal na anyo ng Eight Desolate Mountain ay para lamang ilang libong milya lang ang laki. Kaya lamang, ay habang pumapasok sila, ay unti-unti nilang nakikita itong lumaki.

Para lang ba itong butil ng buhangin na palaki nang palaki.

"Baka sampu hanggang libong milya ang laki ng Eight Desolate Mountain — baka kasing laki lang din ng Cloud area."

Nagsimulang umangkop ulit ang katawan ni Zhao Feng sa kalupaan.

Maya-maya lang.

Sou~~

Bumaba nang kaunti ang Blue Lightning Sky Ship at para ba itong pumasok sa ibang dimensyon.

"Asul na langit, puting mga ulap, ang araw…"

Nakita ni Zhao Feng na hindi ito ganoon ka naiba sa Azure Flower Continent. Kung hindi siya umalis dito, hindi niya malalaman na maliit lang ito kumpara sa panlabas na mundo.

"Munting kaibigan, hindi mo pa ba nararanasang makapunta sa lupa?"

Ngumiti ang Sovereign Elder. Nagsimula namang magpaliwanag si Loulan Zhishui, "Ang mundo ng kalupaan at ang walang hanggang karagatan ay magkaiba base sa espasyo. Lahat ng nasa karagatan ay galing sa basag-basag na piraso ng Desolate Continent na nalaglag sa Fan Universe."

Tumango si Zhao Feng. Maraming beses niya nang narinig ang alamat na ito.

Ang buong pangalan ng mundong it ay Fan Universe, at ito raw ay gawa sa nabasag na Desolate Continent.

Pagkatapos ng Ancient Era ay ang Immemorial Era, sunod ay ang Atavistic Era. Pagkatapos naman noon ay ang Fan Universe.

Nahahati sa dalawang spatial dimensions ang Fan Universe.

Ang isa ay ang walang hanggang karagatan na hindi maganda para sa mga normal na uri ng hayop para tirahan. At ang isa naman ay ang dimensyong may malaki at maliliit na mga "isla" na magandang lugar para tirahan ng mga tao at ng sibilisasyon.

"Malapit lang din sa gilid ng Tianlu Islands ang Eight Desolate Mountain. Malapit lang din ito sa Thousand Flowing Islands, at isa rin ito sa pinakamalaking hintuan sa gitna ng dalawa."

Pakilala ng Sovereign elder.

Matapos marinig ito ay luminaw ang isip ni Zhao Feng. Gusto niya sanang umalis sa Tianlu Islands, at kung walang mangyayaring aksidente, ang sunod nilang hihintuan ay ang Thousand Flowing Islands.

Parte ng Azure Islands ang Azure Flower Continent kung saan ipinanganak si Zhao Feng, at malapit ito sa Tianlu Islands.

Kaya lamang, ang distansya sa gitna ng mga isla ay sobrang laki. Medyo malayo na si Zhao Feng sa kaniyang bayan, at ang destinasyon niya naman ay ilang beses pa ang layo.

Pagkatapos nilang makapasok sa lupa, mabilis pa rin ang andar ng Blue Lightning Sea Sky Ship, at malapit na ang bilis nito sa isang normal Sovereign.

Kung ito ay nasa walang hanggang karagatan, sampu o dose-dosenang beses pa ang bilis nito.

Halos kalahating araw na ang nakalipas, at may nakita na silang siyudad na may makapal na Heaven Earth Yuan Qi.

"Ang banal na siyudad ng Eight Desolate Mountain — Eight Desolate Sacred City."

Magulo ang ekspresyon ng Sovereign elder habang nakatingin siya mula sa malayo.

Nang lumapit ang barko sa Eight Desolate Sacred City ay nagsipuntahan ang lahat sa viewing deck.

"Ang Eight Desolate Sacred City ay nasa gitna ng Eight Desolate Mountain at ang pangunahing punto ng pagtustos. May pwersa ang tatlong pamilyang nandito."

Tumingin si Loulan Zhishui sa siyudad na ito na may espesyal na emosyon.

Sobrang lakas ng aura ng Blue Lightning Sea Sky Ship nang tumungo ito sa Eight Desolate Sacred City.

Nasa Eight Desolate Sacred City ang lahat ng eksperto ng Eight Desolate Mountain, tulad ng Sacred Alliance ng Azure Flower Continent.

Maliban doon, mayroon ding mga eksperto mula sa outside world na dumadaan lang.

Halos lahat ng anyo roon ay nasa True Spirit Realm.

"Limitless ocean ship… sobrang lakas na aura."

"Diyos ko! Hindi ba iyon ang barko ng Blue Lightning Pirate?"

"Kailan pa nag-lakas loob ang mga piratang pumasok sa Eight Desolate Sacred City? Tulong~~~~!"

Nagkagulo sa loob ng Eight Desolate Sacred City. Sobrang halaga ng mga barkong nakakadaan sa walang hanggang karagatan. Kaya lamang ay isa rin itong pangunahing hintuan, kaya madalas nakakakita ng ganito ang mga tao. Kung ibang normal na lugar ito ay hindi man lang makakakita ng kahit anong barkong pang-karagatan.

Dagdag pa rito na ang Blue Lightning Sea Sky Ship ang isa sa pinakamagandang barko sa Eight Desolate Mountain.

Sou~ Sou~ Sou~

Dose-dosenang malalakas na aura ang sunod na lumabas mula sa Eight Desolate Sacred City, at ang pinuno nito ay isang elder sa Origin Core Realm.

"Regulations Sovereign."

Tumingin ang lahat sa elder nang may respeto.

Bilang pinakamalaking istasyon ng mga suplay sa walang hanggang karagatan, paanong hindi magkakaroon ng kahit anong Sovereign ang Eight Desolate Sacred City? Siguradong may isa o dalawang naririto.

"Tandang Lin."

Ang Sovereign sa makulay na damit ay lumabas at binati ang mga Regulations Sovereign.

Bilang mga Sovereigns na parehas na nanggaling sa Eight Desolate Sacred City, ay kilala nila ang isa't isa.

"Ang barkong ito ay parte ng kuha sa laban."

Paliwanag ng Sovereign elder.

Matapos ang ilang sandali matapos tignan ng mga eksperto ang barko:

"Tandang Huang, kinuha mo ang barkong ito gamit ang iyong lakas?"

Punong-puno ng katanungan ang mata ng Regulations Sovereign. Alam niya ang kasaysayan ng barkong ito. Isa sa sampung pinakamalaking pirata sa Eight Desolate Mountain ang nagmamay-ari nito, ang Blue Lightning Pirates. Hindi maikukumpara ang mga normal na Sovereigns sa Blue Lightning Pirate leader.

Hirap na ngumiti ang matandang may makulay na suot, "Sa totoo lang ay ang barkong ito ay nakuha ng aking munting kaibigan."

"Ang batang iyon…?"

Nagtinginan ang mga Regulations Sovereigns kay Zhao Feng at muntik nang lumuwa ang kanilang mga mata.

Siya? Nagbibiro ka ba?

Medyo nainis ang mga Regulations Sovereign bago umikot at umalis. Halatang inakala niyang tinutukso lang siya ng matandang may makulay na suot.

Sou~~

Tumungo naman ang barko patungo sa teritoryo ng Loulan Family, habang pinanood sila ng Regulations Elder umalis.

Sumulyap ang kaniyang mga mata nang may naisip siya.

Hmm?

May isang pintang lumitaw sa kaniyang kamay, at sa pintang iyon ay ang batang may asul na buhok na may isang asul na mata. Sa balikat ng batang iyon ay isang pusang nakaupo, at sa tabi naman niya ay isang kalansay.

Kamukha ng batang iyon ang hinahanap ng tatlong sects.

Isip ng Regulations Elder.

Nakuha ng Eight Desolate Sacred City ang balitang ito ng nakaraan lang galing sa Pure Moon Spiritual Sect.

Isa-sa-libong taong pagkakataon ang makakita ng isang taong binigyan ng patong sa ulo ng tatlong sects.

Dagdag pa rito, ang gantimpalang ibibigay para mahuli siya ay sapat na para mamula ang mata ng mga Sovereign. Sobrang taas ng halaga na kahit pa ang pinagsama-samang yaman ng tatlong pamilya ay hindi kasing halaga nito.

"Pero karaniwan lang ang buhok at mata ng batang iyon. Wala rin siyang pusa o kalansay."

Umilaw ang mata ng Regulations Elder. Kahit hindi pa siya sigurado ay nanginginig na agad ang kamay niyang may hawak ng pinta.

Nangatog ang puso niya dahil sa katuwaan. Matagal nang hindi nangyayari ang ganito simula ng mapunta siya sa Origin Core Realm.

Sama-samang naka-upo sina Zhao Feng, Loulan Zhishui, at ang upper echelon of the Loulan family sa salas ng Loulan Family sa Eight Desolate Sacred City. Nagpapahinga naman ang matandang may makulay na damit dahil sa marami pa siyang sugat.

Ang Head of the Loulan Family naman ay isang lalaking nasa katanghaliang-gulang, at mukhang mabait. Mayroon siyang cultivation ng isang Half-Step Origin Core Realm.

Ama rin siya ni Loulan Zhishui.

"Salamat, munting kaibigan."

Nagpakita ng pasasalamat ang head of the Loulan Family. Kahit pa may kaunti siyang paghihinala sa lakas ni Zhao Feng, niligtas niya pa rin ang buhay ni Loulan Zhishui.

"Zhao Fan, pumarito ka muna ng ilan pang araw. May libo-libong kasaysayan ang Eight Desolate Mountain, at marami din itong mga kwento at makikita…."

Sobrang init ni Loulan Zhishui. Simula ng pagdating nila sa Loulan Family, kalahati ng oras niya ay nakatitig lamang sa batang ito.

Wala nang iba pang henyo sa Eight Desolate Mountain ang maikukumpara sa kaniya. Ang early-stage True Lord Rank na si Loulan Zhishui ang pinakamagaling sa paligid, at mayroon din siyang estadong tulad ng kay Yu Tianhao sa Azure Flower Continent.

"Hindi ako pwede magtagal dito. Kailangan ko nang umalis ngayon."

Iling ni Zhao Feng at sabi. Kahit pa hindi niya alam ang mga gawi ng tatlong sects, maganda pa rin para sa kaniyang umalis nang maaga, at dahil sa pag-iingat, kinailangan niyang magpakilala bilang si Zhao Fan.

Bago siya umalis, kinailangan niya ang kapangyarihan ng Loulan Family para mag-arkila ng mga talentadong mandaragat.

Ang Loulan Family ay isa sa tatlong nangungunang pamilya sa Eight Desolate Sacred City, katulad ito ng sa Ten Great Clans of the Azure Flower Continent.

Sa totoo lang, ang tatlong pamilyang ito ay kasing-lakas lamang ng isang one-star clan, pero sa kasalukuyan, ang Loulan Family ay nagsimulang malaglag mula sa tatlong nangungunang pamilya.

Karamihan ng pag-asa ng Loulan Family ay nakapatong kay Loulan Zhishui. Kapag pumasok si Loulan Zhishui sa Pure Moon Spiritual Sect, ang estado ng pamilya nila ay agad na manunumbalik sa tuktok.