webnovel

1 | CHAPTER

First day

NYX'S POV

Hanlaaaaa...san na ako nito? Kanina pa ako paikot ikot dito, napakalaki naman kasi e.

Walang tao sa buong paligid, sabagay. Lock down kasi, ewan ko banaman ba't ako napadpad dito.

Napatigil ako nang nakarinig ako ng mga maliliit na boses, parang nagbubulungan. Ang creepy sis...

"Tara na baka mahuli tayo." Boses babae yung nagsalita.

"Sandali malapit na ako....ayan na!" Boses naman ng lalaki ang sumunod.

"Dahan dahan!" Halos masigaw na ang babae.

Sinundan ko ang mga tinig at dinala ako ng mga paa ko sa isang pintuan. Nakabukas pa ang pinto nito. Nakita ko naman ang nakasulat sa taas ng pintuan,

Section A, Elite

Ayyy eto na mga gurll!! Ito na yung dorm ko!"

Narinig ko ulit mag-salita ang lalaki. "Ayan na!"

Wala akong narinig na nagsalita, katahimikan ang bumalot sa paligid. Hanggang sa basagin ito ng boses ng isang lalaki.

"Masarap ba?" Tanong nya.

"Sobra!!! Teka check mo kung may tao." Namutla ako at tila parang napako ako sa aking kinatatayuan.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang biglang magbukas ang pintuan sa harap ko, napasigaw ako ng bonggang bongga!

"Aaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!!" Sabay naming sigaw ng lalaking nagbukas ng pinto parehas kaming gulat sa mga pangyayari.

"Andy—" napasigaw din ang babae na sumilip.

"A-A-A-Anong gi-ginagawa nyo?" Bigla kong naisaad.

"Gumagawa ng cake! Teka sino ka ba?!" Tanong nung lalaki.

"Ahh, bago lang ako dito. Hinahanap ko yung dorm ng section A Elite."

"Ahhhh ikaw yung bago naming kaklase!! Halika pumasok ka!" Pumasok naman ako at tumambad saakin ang isang lamesang puno ng pagkain at mga lobo.

"Ba't namumutla ka?" Tanong nung babae.

"K-Kasi, a-ano...may narinig ako."

***

"So ayun nga, akala ko nag-yuyugyugan kayo!" Sabi ko sa dalawa na ngayon ay tawa ng tawa.

"Bakit? Sinong di magugulat, nakarinig ako bigla ng kung ano ano." Sabi ko saka nag-pout. Napalagay na ang loob ko sa dalwa.

Yung babae sa tabi ko sya si Astra, at yung lalaki naman ay si Gray.

"Hay, o sya..sya.. hintayin nalang nating magising yung iba nating kaklase." Sabi ni Astra.

Malawak ang dorm na ito, may nakita akong dalawang sides ng room, sa east side mayroong tatlong kwarto, at sa west side may tatlo din. Bali anim kami dito sa loob.

"Ang ingay nyo na—fucking heck!!!" Nagulat kami at napatingin sa pinanggalingan ng boses. Isa iyong babae na gulo gulo pa ang buhok, halatang kakagising lang.

"Ba't di nyo sinabing nandito na sya!" Sigaw nya.

"Ahh, ehh...tulog ka pa e, ayaw mo naman ng ginigising kapag tulog, parehas kayo ni Levin." Palusot ni Gray.

"Sornaman, ako nga pala si Monica, Gravity Manipulator." Sabi nya sabay lahad ng kamay sa harap ko. Hinawakan ko naman iyon at nakipag shake hands.

"Nyx," sabi ko at bumitaw.

"Ay oo nga pala! Nakalimutan ko. I'm a wind manipulator." Sabi ni Astra.

"Ako naman, shadow manipulator." Sabi ni Gray.

"Ikaw anong skill mo?" Tanong ni Monica sakin na ikinakaba ko naman.

"H-Hindi ko alam..." Napatitig sila saakin.

"Then leave." Isang malamig na boses ang bumalot sa loob ng kwartong iyon.

"Levin, kakarating nya lang, malay mo nabibigla pa lang sya, lalabas din yan." Sabi naman nung isang lalaki.

"By the way, my name is Wolf. And I'm a nature manipulator." Nilahad nya ang kamay sa aking harapan.

"Nyx," nakipag-shake hands ako sa kanya.

"May training tayo mamayang ten a.m, maligo na kayo." Sabi naman nung Levin at saka tumalikod at umalis.

"Pagpasensyahan mo na yun si Levin, kakagising lang kasi." Sabi ni Monica.

Pagpasok ko sa kwarto ay inikot ko ang mata ko. Ows pano ikot?

Ang mga pader ay kulay asul. Habang mixture naman ng white at sky blue ang higaan ko. Waw foam.

Meron ding aparador doon, binuksan ko iyon at nakakita ako ng mga damit, kulay blue lahat iyon. Napukaw ng isang parang uniform—actually hindi parang uniform ata talaga nila yun.

White na long sleeve blouse, tapos above the knee na sky blue palda. May nakita din akong sky blue na necktie na may print na snowflakes, long socks at skyblue na leather boots.

Di kayo galet sa blue ano?

Nakarinig ako ng katok mula sa labas, nang buksan ko iyon ay nakita ko si Astra na nakangiti.

Astra have pastel blue eyes, maganda sya, her blonde hair suits her, nasa 5'5 ang height nya, magkasing tangkad kami.

"Maligo ka na sa banyo, tutulungan kita magbihis." Sabi nya sabay ngiti. Pumasok ako doon sa tinuro nyang banyo at naligo

***

Lumabas ako ng banyo at nakita kong iniabot nya saakin ang isang set ng uniform, yung dinedescribe ko kanina. Ipang te-training yun?

"Ito isuot mo." Sabi nya sakin.

Ay Nyx tangahan mo pa, nakita ko kasing suot nya din ang uniform kagaya saakin pero iba lang ang color at style. Color white at gray ang sa kanya.

Isinuot ko sa loob ng banyo ang damit na iyon, parang nakaramdam ako ng gaan sa pakiramdam nang maisuot ko iyon.

Lumabas ako ng banyo at nakita ko ang ngiting sumisilay sa mukha ni Astra, "Ang ganda, bagay na bagay sa'yo." Sabi nya. "Hindi mo pa rin talaga alam kung anong skill mo?" Tanong nya sakin.

"Hindi e." Tanging sagot ko.

"Tignan mo ang damit mo." Sabi nya. Tinignan ko naman ang damit ko at parang may nabuibuild-up na ako sa utak ko.

"Alam ko na..."

"Ano?!" Excited na tugon ni Astra.

"Mama Mary!!!" Sabi ko.

"Ay, tanga..." Napa-face palm nalang sya.

"E kasi, kulay blue at white e. Diba yun yung kulay ni Mama Mary?" Hanggang sa narealize ko na ang katotohanan.

Tanghan mo pa Nyx, "Ice..." Napadilat ako.

"'yon!! Nadale mo, shoot sa banga!!" Tili ni Astra.

"Pumunta ka sa CR at i check mo ang mukha mo!" Dagdag nya pa.

Pumasok naman ako sa loob ng banyo at tinignan ang mukha ko sa salamin. Parang wala namang ba—peach mango pie!

"Ahhhhhhh!!!!!" Tili ko at narinig kong bumukas ang pintuan ng CR.

"Bakit?!" Nag-aalalang tanong ni Astra.

"Mata...mata...mata..." Nanginginig yung kamay ko, hindi ako makapag-salita ng maayos.

"Anong mata mata mata??" Takhang tanong ni Astra.

"Mata, Matabang..." Sabi ko.

"Ang alen?" Tanong nya.

"Yung kare-kare kanina." Sabi ko.

"Gaga ka! Nakita mo na ba yung mata mo?" Tanong nya sakin.

"Oo, nakita ko na kanina. Nagiging royal blue na..." Sabi ko, yeah—you read it right. Malamang alangan namang heard diba? Kita mo nang nasa Wattpad ako!

"Nice!!! Once na nadiskubre mo na yung skill mo, automatic na mag-aactivate yung—" hindi na nya naituloy ang sasabihin nya nang manigas sya sa kinatatayuan nya.

"A-Astra??" Tanong ko sabay katok sa pisngi nya.

Hindi pa din nag-sisink in sakin ang lahat, akala ko niloloko lang ako ni Astra. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Monica.

"Oh? Asan na si Astra?" Tanong nya

"Andun naiwan sya sa banyo ko, di ko alam trip ng babaeng yun. Ginagaya ata si Anna, yung sa Frozen." Sabi ko.

"Ha? Bakit ano bang nangyari kay Anna sa Frozen?" Tanong nya.

"Diba naging yelo sya, ayun naman si Astra, nagsasalita tapos biglang nagstop. Tas di na gumagalaw." Sabi ko na ikinalaki ng mata nya, tumingin sya sa necktie ko at sa mata ko nang salit-salit.

"G-Graaaayyyy!!!" Sigaw nya.

Lumabas si Gray sa kwarto nya at nagtatakang sumagot. "Bakit ka ba sumisigaw? Inaano ka ba?" Tanong nya habang kinakamot ang batok.

"T-Tawagin mo si L-Levin..." Parang ewan naman to anyare?

"Bakit?" Inosenteng tanong ni Gray.

"Si Astra... Sa CR ni Nyx dali!!!" Nauulirat na sigaw ni Monica.

Tumakbo sya papasok sa kwarto ko at sumunod naman ako sa kanya.

"Bakit ka natataranta?" Takhang tanong ko kay Monica.

"You froze Astra!"