webnovel

IPASOK MO NA

Ipasok mo na

•••

Nasa labas ako ng bahay para magdilig ng halaman.

Iyong ate at kuya ko naman ay nandun sa loob para maglinis rin.

Nagmamadali kami ngayon kasi papalapit na sila mama at papa dito sa amin. Galing kasi sila sa ibang bansa para bumili ng tuyo kasi naubusan na kami.

Charot!

May tao bang bibili ng isang pirasong tuyo sa ibang bansa? Diba wala?! Baka abno magagawa yun HAHAHAHA!

Nasa palengke kasi sila mama at papa, doon sila nagtatrabaho. Si mama, siya ang tindira. Nagtitinda siya ng mga gulay at isda. Si papa naman, siya ang tagabuhat ng mga isda na dadalhin papunta sa ibang barangay. Hinahatid o minsan naman ay kinukuha na galing sa dagat. Malapit kasi ang dagat dito sa aming barangay kaya mayaman kami sa mga isda at ibang lamang dagat.

Nagmamadali kami ngayon sa paglilinis kasi pag naabutan nilang marumi ang bahay ay pinapatulog nila kami sa labas. May one time nga na nakatulog kami dito sa bakuran kasi hindi kami naglinis. Naalala ko pa nga dati na nilalamok ako. Pagka-umaga naman kinabukasan, nagulat sila sa mukha ko na puno ng kagat ng lamok. Para nga yung allergy kasi sa dami at laki ng circles. Mabuti nalang hindi ako nagka-dengue at mapunta sa ospital, wala kasi kaming pambayad.

Sina ate at kuya naman noon, walang kagat ng lamok! Mabuti pa sila. Eh ako na bunso nila ay hinayaan lang na pagpiyestahan ng mga piste. Eh ang sabi, masarap daw ako kaya ganun. Nasiyahan naman ako kasi masarap ako.

Pero kahit ang saya ko noon, di ko na gustong mauulit pa yun.

And speaking of my siblings...

Pumasok ako ng bahay pagkatapos kong magdilig ng halaman. Hinanap ko sila kuya sa kusina at sala, pero hindi ko sila nakita. Nagtaka ako...

Ni kahit sa kisame ay hinanap ko rin.

Pero choss lang, baka nasa kisame sila at naglilinis. Baka lang naman na may sikreto sila na may powers sila like kay Spiderman.

Pero kung talagang may powers sila, dapat ganun rin ako nu! Magkakapatid kami! Pareho kami ng nanay at tatay! Kaya kung anong meron sila, dapat ganun rin ako! Kung may powers sila, ako rin. Dapat!

Kung powers...

Ano kaya???

Ah ha!

Sinimot ko yung kili-kili ko at nangasim mukha. Yucks! Ang baho. Nakakamatay yung amoy ko. Ewws lang.

Yung power ko dapat is kili-kili power! (Insert background music) (with kulog-kulog effect)

Ha! Makahanap nga silang kuya. Tignan natin kung nakakamatay ba yung amoy ko. Mwehehehe...

Pumunta akong second floor kung nasa'n ang kwarto namin.

Kahit mahirap kami (not literally), hindi naman kami kinakapos ng pera. Masipag silang mama at papa kaya hindi kami naghihirap. Tama lang ang pamumuhay namin. Minsan kinakapos, pero nasusulosyunan agad. Malapit naring makapag-tapos si kuya sa pag-aaral, one year nalang at ga-graduate na siya.

Binuksan ko ang kwarto nina mama, pero di ko sila nakita. Malinis narin ang kwarto ngayon dahil siguro nilinis ito nina ate.

Sunod naman sa pangalawa...

Wala parin.

Pangatlo...

Wala rin. Haystt...

Ang kwarto ko nalang natira, di ko pa kasi nabubuksan.

Naglakad ako palapit doon, baka sakaling nandun sila at nililinis rin ang kwarto ko.

Dahan-dahan akong naglakad para sana gulatin sila...

Nag-tiptoe ako para hindi nila marinig.

Mwehehehe

Pero ako pa ang nagulat.

Nakalapit na ako, nang may narinig ako.

"Dalian mo Ben! Baka mahuli pa tayo! Bilis!"

"Wag ka ngang sumigaw. Baka marinig ni Annie."

"Pa'nong hindi ako sisigaw eh nagmamadali tayo. Baka kasi mahuli pa tayo."

"Sure ka na ba?"

"Oo nga! Ipasok mo na!"

Nanlaki ang mata ko. Hindi 'to pwede!!!!

Hindi pwedeng magka-family stroke kami. Hindi pwede! Incest ito. INCEST!!!

Di na ako nagdadalawang isip na buksan ang pinto ng malakas at sumigaw nang nakapikit ang mata. Baka kasi makita ko ang hubad nilang katawan.

"ISUSUMBONG KO KAYO KAYA PAPA! ANG BABASTOS NIYO! DITO PA TALAGA SA PAMAMAHAY NATIN HA?! HINDI NA BA KAYO NAHIYA SA SARILI NIYO?! MAGKAPATID KAYO! PERO ANONG GINAWA NIYO? NAKIPAG-SIPING KAYO SA ISA'T-ISA!!! HINDING HINDI KAYO MAPAPATAWAD NG PANGINOON—"

"Anong pinagsasabi mo Annie?" sabi ni kuya.

"PINAGSASABI MO MUKHA MO! EH YANG GINAGAWA NIYO NGAYON! ANO YAN HA?!"

"Ha?"

"Hakdog." tumawa silang dalawa sa sinabi ni kuya kay ate. Ako naman ay nagmumula dahil sa timpi. May gana pa silang magtawanan eh nahuli ko na sila?! Mga walang hiya!!!

"Annie, open your eyes."

"No!" Mabilis kong sabi nang marinig ang sinabi ni ate.

"Ano ba yang iniisip mo bunso? Hindi naman kami NAKIPAG-SIPING ah? Naglilinis kasi kami dito."

"LINIS?! LI-NIS?!!!! ANO YUNG SABI NIYO KANINA NA MAGMADALI KAYO KASI MAHUHULI KO KAYO HA?!"

Humahangos ako pagkasigaw ko nun. Hindi ko na nakayanan dahil sa bigat na dala. Kahit nawawalan na'ko ng respeto sa kanila, sa loob loob ko, nagdadasal ako kunti na sana mapatawad ako ng panginoon dahil sa inasta ko. Pero sino ba namang hindi magugulat sa nasaksihan mo diba? Eh kahit nga sino ay mapapasigaw, kahit sa respetado pang tao.

Narinig ko silang nagbubulungan. Mahina lang yun pero narinig ko ng kunti. "Ano? Sasabihin na natin?" si ate.

"Siguro ngayon na. Wala na tayong takas eh."

"Osige."

Huminga ng malalim si ate habang ako naman ay nakapikit parin at nakakuyom ang kamao. "Annie... Mali yang iniisip mo. May surpresa kasi kami sayo kaya mali yang pagkakarinig mo."

"And siguro kaya ka nagkaganyan dahil sa sinabi ng ate mo na, 'Ipasok mo na'. Pero iba yun bunso. Ito kasi dapat ipapasok namin sa bag mo..."

Binuka ko yung mga mata ko ng dahan-dahan at nakita ko silang ate na may damit pa. Sunod naman, sa bagay na nasa kamay ni kuya. Nagtaka ako.

Lumapit ako doon para makita ng maigi at napanganga ako sa nakita.

"Mga bato?!" Gulat kong sabi. Tumango naman sila at nahihiyang ngumiti.

"At bakit niyo ipapasok yan sa bag ko aber?"

"Prank lang sana hehe." Awkward na napakamot ulo si ate.

"Ang bad, tse!" Umirap ako sa kanilang dalawa at lumabas na ng kwarto para pumuntang sala na ngayon ay nandun na sina mama at papa na nakatingala sa hagdanan at nakikinig sa'min.

"Hi." Awkward ring ngumiti ang dalawa kaya umirap ako kasi alam kong kasali rin sila sa pakulo ng dalawa. Nasanay na kasi ako na pina-prank lagi ng pamilya ko. Kahit nga ako, pina-prank ko rin.

Expected na ang iyakan, galitan, pero kinabukasan naman, magkakabati naman kami. Kahit ganito, masaya ako kasi lagi kaming nagbibiruan.

Hindi naman ako madaling magalit, kaya nang humingi sila ng tawad, napatawad ko naman.

And this is what we called, a FAMILY OF ABNORMALS.

charot!

—END—