webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · Allgemein
Zu wenig Bewertungen
133 Chs

Chapter 40

Chapter 40: Cry

Ayradel's Side

''I-ikaw ba?' Ang gumawa nito sa akin, Lui?''

Agad na nagtubig ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Para akong pinipiga sa mga nakikita ko. Parang gusto ko na lang ilihim lahat ng nakita ko bago ako mawalan ng malay. Sana pala, sinarili ko na lang ito.

Nilunok ko ang bikig. Umawang ang bibig ni besty at napalayo ng kaonti. Gan'on din si Suho na napaayos ng upo.

"Naniwala ka kina Jully, kaysa sa mga pinagsamahan natin?''

Hindi ko namalayang humahagulgol na pala ako, gano'n din si Besty. Agad na dumalo sa kanya si Suho para hawakan siya sa balikat. Kahit nahihilo ay pinilit kong bumangon. Gusto kong hawakan si Lui, ngunit pinalis niya lang ang kamay ko. Gusto ko rin siyang yakapin. Siguro, masiyado siyang nasaktan sa mga sinabi ko.

''Tanggap ko e! Wala akong pakialam na pinagkakalat na ni Jully ang issue ko sa iyo noon. Dahil alam ko namang hindi ka maniniwala, pero,''

"B-besty... Sor--"

Umiling-iling siya. Bago pa man ako tuluyang makabangon ay...

"Hindi ko matanggap. BESTY." Huling sinambit niya bago nagmartsa palabas ng clinic. Umiwan ng marka ang huling salitang binitiwan niya sa puso ko. Naiwan rin saglit si Suho, na nalilito kung mananatili ba o susundan si Lui.

Ngumiti ako ng pilit sa kanya bilang hudyat na sundan na niya si Lui.

"N-nandiyan naman si RJ sa labas..." Yumuko siya bilang paalam bago rin tuluyang nilisan ang kwarto.

Ilang minuto rin akong nagdamdam para kay Lui. Ilang minuto bago ako kumalma, mabuti na lang at walang tao.

Pinunasan ko muna ang pisngi ko nang marinig kong muli ang pag-ingit ng pintuan. Agad na kumalabog ang dibdib ko sa mga ideyang naiisip ko kung sino 'yong papasok, at sa sobrang kaba ay napasandal ako sa kumpol ng mga unan sa likuran ko habang nakaupo.

Parang naging napakabagal pa para sakin ng oras habang tinititigan ko 'yong nakaawang na pinto. Parang gusto ko na lang kumbinsihin ang sarili ko na siya pa rin yung Lee- tik na pinakaayaw ko!

Pero hindi... umamin na ako sa sarili ko. Gusto ko siya... at hindi ko pa rin alam kung paano ako nakarating sa puntong ito.

"Hi girl, kamusta na?" Napabuntong hininga na lang ako n'ong makitang 'yung baklang Nurse lang pala yung papasok.

Nginitian ako n'ung nurse na papalapit sa akin. Marahan akong ngumiti. Kahit ang hirap dahil naaalala ko pa rin si Lui.

"Okay lang naman." sagot ko.

"Mabuti na lang hindi ka mapapanot sa bandang sugat mo, shookt pa naman kapag ganern."

Natawa na naman ako kaya medyo kumirot ang ulo ko.

Malakas na tumawa yung nurse, samantalang napangiwi naman ako. Agad na napawi ang ngiti ko nang sumunod na pumasok sa kwarto si Richard Lee. Kumalabog ng husto ang puso ko at hindi ko na maipagkakaila pa ang nararamdaman ko.

Nakasimangot ang kanyang mukha, at nagcrossarms nang padabog na isinara 'yong pinto.

Sh1t. Bakit ba ang gwapo niya kahit anong gawin niya?! Aish!

"Bakit ka tumatawa? Magaling na ba 'yang sugat mo?"

Umawang ang bibig ko sa inakto niya. Ni hindi nga yata tawa ang tawag dito sa ginawa ko.

"Uh... naguusap lang kami." sagot ko sabay tingin doon sa Nurse. Hindi ko kasi kayang tignan si Richard ngayong ganito kalakas ang tibok ng dibdib ko.

"Tss. Ikaw..." tinuro niya yung Nurse. Agad naman akong binitiwan nito. "Makakalabas ka na."

"A-ako, sir?"

"Ako? Gusto mo ako pa 'yung lumabas? Tss! Syempre ikaw!"

Parang nataranta naman 'yong nurse dahil sa pagtaas ng boses ni Lee-ntik.

"S-sabi ko nga p-po Sir hehehe." sabay labas sa kwartong ito.

Nang kaming dalawa na lang ang natira sa loob ay doon ko lamang naramdaman ang tensyon. Alam kong tinititigan niya ako habang nananatili naman sa mga daliri ko ang mata ko. Hindi ko pa pinahalatang nahihirapan ako sa pagsandal dahil masiyadong mababa ang kumpol ng mga unan sa aking likod.

Agad na gumapang ang kaba sa dibdib ko nang marinig ko ang footsteps niya palapit sa akin.

"Tss." aniya. Nagangat ako ng tingin kasi nakatitig lang siya.

"B-bakit?"

Para akong hinuhugutan ng hininga. Lalo na noong hawakan niya 'yong kanang balikat ko.

"Saglit lang."

Bahagya niya akong pinaurong mula sa pagkakasandal. Inayos niya ang kumpol ng unan sa likuran ko. Uminit ang pisngi ko habang dinadama ang kamay niya sa kanang balikat ko. Amoy na amoy ko rin ang pabango niya dahil sa lapit ng katawan niya ngayon.

Nang matapos ang ginagawa niya sa likuran ko ay dahan-dahan niya akong pinasandal. Ngunit hindi rin ako nakasandal, dahil muli niya akong hinigit upang yakapin.

Walanghiya kang puso ka! Manahimik ka please!

You've got magic inside your fingertips,

It's leakin' out all over my skin

Everytime that I am close to you

You're making me weak with the way you look through those eyes,

Agad na nagsituluan ang luha ko nang yakapin niya ako ng mahigpit.

''Tss. Kainis, hindi ko mapigilan.'' aniya na mahina ngunit sapat na para marinig ko. Hinaplos niya ang likod ko. ''Bakit ba ang Baichi mo?! Sobrang nag-alala ako sa'yo, alam mo ba 'yon? Akala ko kung ano nang mangyayari. Tss!''

Binitawan niya na ako't umupo na sa gilid ng clinic's bed habang hindi inaalis sa akin ang paningin. Malambot ang ekspresyon ng kanyang mata. Ilang segundo siyang nakatitig lang sa akin hanggang sa naramdaman kong umangat ang kamay niya para hawiin ang buhok kong kumawala sa aking tainga.

"Nakita kong lumabas ng umiiyak si Luisa..." sambit niya kaya napaangat ako ng tingin. Nagtama ang mga mata namin, at hindi man lang siya natinag. "And you cry too..."

Halos manlambot ang tuhod ko nang hawakan niya ang mata at pisngi ko gamit ang kanyang hinlalaki, na para bang pinupunasan ang luha kong natuyo na. Napapikit ako sa dinulot niyang paru-paro.

"Nakakainis, hindi ka pa gumagaling, sinaktan ka na naman."

Agad akong umiling-iling.

"A-ako yung may kasalanan."

"Kahit na." Ngumuso siya at nag-iwas ng tingin. Kinampay niya ang binti niya na parang bata. "Tsk, ang kulit mo kasi! Mabuti na lang ako ang kasunod mo... kahit na parang tinatakbuhan mo ako n'on. Ganyan ka ba talaga mang-treat ng bisita ng school niyo? Palagi mo na lang akong tinatakbuhan."

Humalakhak siya at hindi ko rin napigilang ngumiti ng tipid. Naalala ko noong unang beses ko siyang tinaguan dahil ayaw ko siyang makita... Ayaw ko siyang kasama. Pero parang ibang-iba na ang pakiramdam ko ngayon. Gusto ko na sa paligid niya. Gusto ko na siyang makita.

Bigla tuloy akong natakot sa nararamdaman ko... may patutunguhan ba ito? O katulad ng kay Jayvee ay maiiwan lang rin akong nakabitin? Parang bigla akong napaatras... ang sarap sa pakiramdam nitong nararamdaman ko pero nakakatakot. Hindi siya simpleng tao lang... Mayaman, may pangalan, may kapangyarihan...

Magugustuhan niya ba ako? O magiging isa lang ako sa maaaring maging babae niya lamang?

"Ihahatid kita---"

"Hindi na!"

Nagulat siya sa bilis ng pagsagot ko. Maging ako ay nagulat, kaya naman naitikom ko ang aking bibig.

"Ayradel, hindi mo gugustuhin kapag ako ang nag-alala."

Napaamang ako sa sagot niya.

"B-bakit?" shocks! Bakit ko ba naitanong. "I mean... huwag ka nang magalala, okay na ako. Saka, thank you pala sa pagdala mo sa akin dito. Hindi mo na kailangang ma-guilty, kasi hindi naman ikaw yung gumawa sa akin nito e."

Napaatras ako mula sa pagkakaupo ko nang mag-lean in siya at ipinatong ang dalawa niyang kamay sa gilid ko. Napasandal na tuloy ako sa headboard nitong clinic bed.

"A-ahm..."

Hindi ako makatingin sa mga mata niya dahil ilang pulgada na lang ay magdidikit na ang mga ilong namin. Natatakot akong baka sa sobrang lapit ay marinig niya na ang kabog ng dibdib ko.

"Ihahatid kita, not because of guilt, because I want to." aniya. "Hindi na kita aalisin sa paningin ko, Ayradel. Hindi mo na ako matatakbuhan."

Para akong hineart attack sa mga sinabi niya. Nakahinga lang ako ng maluwag nang lumayo na siya nang nakangisi. Mukhang enjoy na enjoy siya sa epektong nagagawa niya.

"By the way it's... 5 PM."

"Wait. 5 PM...?" nanlaki ang mga mata ko nang may maalala. Bago ako nabagsakan ng vase sa ulo ay naalala kong pupunta ako sa venue ng Science Quiz Bee. Kanina pang 1 PM 'yon, kaya sigurado akong hindi na ako makakahabol pa.

Sigurado rin ako na kung hindi ako makakaattend ay si Jae Anne Galvez, ang Rank 2, ang pipiliin upang pumalit sa akin bilang representative.

Bumagsak ang balikat ko habang iniisip kung anong maaaring sabihin ni Mama. Ineexpect niyang mauuwian ko siya ng medalya ngayong sumapit na ang Science Camp.

"Bakit?"

Nagbalik lamang sa reyalidad ang utak ko nang nagsalita si Richard. Umiling ako at pumayag na lang sa ideyang ihatid ako sa amin.

Mabuti rin at walang nagbalita sa mga magulang ko tungkol sa nangyari. Siguro dahil kay besty. Kilala niya ako at si mama. Alam niyang ayaw kong pinagaalala sina Mama, at kung may magsasabi man nito ay gugustuhin kong ako na lang. Hindi na rin naman sobrang laki ng aksidenteng ito para malaman pa nila.

Nakakasalubong namin habang naglalakad ang mga taga-ibang school na mukhang palabas na rin. Muli akong nakaramdam ng lungkot. Hindi ako nakasali sa pinaka-malaking event ng school: ang Science Camp.

Mas lalo ko pang naramdaman ang lungkot nang makita ang malaking tarpaulin ng Science Camp sa gate ng school.