webnovel

Chapter1 I Lay My Love on You

Last summer!

After the night rain! Cold wind slapped my face while standing at the balcony and holding a cup of coffee.

Malungkot man ako dahil patapos na ang summer ay hindi ko naman matago ang excitement dahil ito ang taon na tutung-tong ako ng senior high school na kasama ang best friend kong si Louyella.

My parents decided to let me sleep over to Lou's house since that's what we used to do every summer. Maganda at malaki kasi ang bahay nila kumpara sa amin, may kumpanya pa sila sa Maynila. Sa amin ay di kalayuan ang planta ng ice sa bahay. Lahat ng gastusin sa bahay ay doon kinukuha ng magulang ko pati na sa pag-aaral ko.

And one of my agenda to sleep over here is because of Cloud. It's my bestfriend cousin and also my friend. She's aware how crazy i am when it comes to Cloud. He's my crush since i was grade 8 because the day i saw him dancing in stage for his pageant performace, he gives me a unique feelings and he's vibe is amazing. Sayang lang dahil ang kapatid ni Lou ang nanalo na si Harley because of girls crowd supporting him. Halos mabaliw na ang lahat ng babae noon sa bleachers sa kaka-sigaw at kaka-wagayway ng banner sa kanya, maliban sa akin... because i support Cloud.

Harley is a badminton player. Yun lang! Yun lang ang pinagkaka-abalahan niya sa school. Muntik ko nang matapon ang kapeng hawak nang may malakas na katok sa labas ng pinto ng kwarto ni Lou. Kunot-noo kong itinabi ang kape at binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin ang lalaking ngumunguya ng bubble gum at malagkit kung makatingin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Gulat kong iba ang awra niya ngayon.

"Bahay namin to. Tss!" Umirap pa siya na parang babae at idinura ang bubble gum sa gilid ng pintuan. Dumungaw ako at napabuntong hininga, mabuti nalang at may trash bin sa gilid. Kadiri 'tong lalaking 'to. Hindi ba siya marunong mahiya sa bisita.

"I know! What i'm trying to ask is what's bring you here. Bakit ka kumatok" deretso kong sabi.

Sumandal siya sa gilid ng pinto dahilan para mapa-atras ako. Ano bang ginagawa niya. Halos mag-unahan ang dibdib ko sa kaba. This is the first time na lumapit siya sa akin ng ganito at kung tumitig ay parang huhubaran sa ako, or in his maniac eyes ay nakahubot-hubad na ako. Eww!

"To say that... Lalo kang gumaganda" no expression. can't define his tone.

Lalong nadagdagan ang kaba ko sa dibdib sa huli niyang sinabi.

Lalo kang gumaganda...

Lalo kang gumaganda...

Lalo kang gumaganda...

Lalo kang gumaganda...

Nagpaulit-ulit iyon sa utak ko at unti-unting rumerihistro. Saka ko lang namalayan na napatigil pala ako sa paghinga nang mahina siyang tumawa. Halos magtunog ang hanging inilabas ko nang huminga ng maayos.

"Don't tell me... Inlove kana agad sa sinabi ko?" He laugh a bit and he slowly bite his lower lips.

"Maraming namamatay sa pagiging assuming Harley" natatawang sagot ko.

Hindi ako sanay na nilalapitan ako ng isang 'to. Since i started to close with Lou noong mag high school ay hindi na ako naghanap pa ng ibang kaibigan dahil alam kong ang mga babaeng gustong maging kaibigan ako ay gusto ring maging kaibigan si Lou nang dahil kay Cloud at Harley. And i don't want to be involved with anything about them maliban kay Cloud.

"Akala ko pa naman hindi mo na ako pahihirapan" may kasama paring pagtawa ang sinasabi niya at parang aso kung ngumiti.

"I like you Revery Star Volyvar" sinsero at deretso ang mata sa akin.

Sinalubong ko ang titig niya at halos mamatay ako sa kakatawa sa sinabi niya. Nahampas ko na rin ang balikat at braso niya. Napatigil ako nang seryoso parin at deretso ang titig sa akin.

"I don't like you Harley. 'wag ako!" Nilagpasan ko siya.

Pababa na ako ng hagdan nang higitin niya ang braso ko. Lalo lang akong kinabahan sa ginawa niya, hindi magtigil ang kaba sa dibdib ko.

"Ano bang ginagawa mo? Let me go!" galit at may diin.

Gusto kong maiyak sa ginagawa niya sa braso ko. Mahigpit iyon at ayaw makalas kahit anong hila ko dahil lahat ata ng pwersa niya ay itinuon sa kanyang kamay.

"Why you always dreaming Cloud if he's not meant to you?" may halong galit sa tono ngunit maririnig parin ang paglalambing.

Buong lakas kong kinalas ang braso ko sa kamay niya at nang maalis iyon ay agad kong sinuntok ang mukha niya..

"Aww" daing niya.

'Tss buti nga sa'yo' sabi ko sa isip ko.

"Don't come near me you asshole! And you think you know who meant to me? You freak!" sabi ko at saka umalis.

Teka. Lumilindol ba? Next thing happened ay lumabo ang lalaking nasa harapan ko.

"Revery" isang sigaw ni Lou ang narinig ko nakapag pagising sa katawang lupa ko.

Shit! Panaginip?

"Ano bang ginagawa mo? Para kang action star kung manuntok sa ere! Nanaginip ka gurl!" Sabi niya at binato pa ako ng unan.

What's that? Taliwas sa panaginip ko ang itsura Harley. He's handsome and kinda weird. He said he like me! As if it's true, that's just a dream Rev. Tinignan ko ang coffee sa side table at ubos na iyon. I sigh. So, nakatulog pala ako.

"Grabe! Lou pampatulog pala ang kape sa'yo" tatawa-tawang sabi ni Lou at isinarado ang sliding glass window sa balcony. "Tapos para kang mangkukulam kung tumawa hahaha!"

Naihilamos ko ang dalawang palad sa kamay at tinitigan si Lou.

"Stop it Lou. It's not funny" asik ko.

Hindi parin tumigil sa kakatawa si Lou hanggang makarating kami sa salas. Hinampas ko siya para tumigil sa ginagawang pag-action sa ginawa ko habang nanaginip kanina. Lalo pa akong nahiya nang tumatawa na rin si Cloud na naka-upo sa couch. Siniko ko nang malakas si Lou para tumigil, pinanlakihan ko siya ng mata. Sa wakas ay tumigil din at naupo na sa couch.

"What do you want to watch girls?" tanong ni Cloud na may hawak na mga DVD: Horror, Romace, Comedy, Tragedy and Actions.

Pinili namin ang horror na IT. Dahil gusto naming matagal ang panonood at hindi antukin sa mga susunod na panonoorin. I look at Cloud na seryosong nanonood at walang kurap na nakatutok sa tv. Just simple white shirt and jersey short ay ang lakas na ng dating.

"Baka matunaw ang pinsan ko niyan" pabirong bulong ni Lou.

Ngumiwi ako at itinuon nalang ang mata sa movie. As if i can get him just by looking at him, may girlfriend siya. He's the only guy i like but he likes someone else.

Naagaw ng atensiyon ko ang pintong bumukas.

Mahina lang iyon pero sadyang malakas ang pandinig ko kaya napatitig ako doon. Sandali pa'y walang pumasok, tumingin ako sa dalawa na tutok sa panonood. Tumayo ako para tignan kung sino iyon.

Madilim sa labas pero may nakaparadang sasakyan. Kay Harley ata iyon, lumabas ako nang may nakita ako sa gilid na babae at nagmamadaling umalis, laglag na rin ang strap ng bra. Kung saan man nanggaling iyon ay hindi ko alam.

"Ay pucha! Kalabaw" halos isigaw ko na ang pagkagulat nang biglang sumulpot sa harapan ko si Harley.

Umawang ang labi ko sa nakita at napalunok. He's three fourt polo is look like harass. He raised his brows. Sinadya pa niyang bungguin ang balikat ko para lagpasan lang ako. Inis kong tinggal ang isang tsinelas at ibinato sa kanya na sakto namang pagharap niya ulit.

"What the heck" sapul ang mukha niya.

Ngumisi ako at sadya ko ring binunggo ang balikat niya.

"Buti nga sa'yo" inirapan ko siya at isinuot ulit ang tsinelas.

Siraulong Morales 'to. Pwede namang sa motel gawin ang kababalaghan sa dark part pa ng bahay nila. Tss.

Nächstes Kapitel