webnovel

Heartless And Cold-Hearted Gang Leaders ( BETWEEN HOT &' COOL )

Autor: Kiyeeeeel
Teen
Laufend · 8.6K Ansichten
  • 2 Kaps
    Inhalt
  • Bewertungen
  • N/A
    UNTERSTÜTZEN
Zusammenfassung

Chapter 1PROLOGUE

'Anjan na ang R.B.A Gooosh! '

'Oemjiiii ang co-cool talaga nila'

'Wuuuaahhhh!  Si Revil ang gwapo nya talagaaa! '

' Ang hot nya juskooo hanggang dito ang init wuaah. '

' Wag ka maingay marinig tayo ni Revil, baka magalit '

'Gwapo nya talaga lahat sila ang gwapo '

Rinig kong hiyawan at bulungan pag pasok namin ng University tch!  Ang iingay! 

Hindi ko nalang sila pinansin at nag patuloy sa paglalakad nasa likod ko ang ilang miyembro ng R.B.A

Naka suksok ang mga kamay ko sa dalawang bulsa ko

"Hay!  Pasukan na naman"singhal ni  Anthon na ipinag cross pa ang kamay sa likod ng ulo 

Mas matanda sya, at sa R.B.A ay sya ang palabiro

"Asan pala si Jerville? "Tanong ko

"Baka nauna na sa loob. Kilala mo naman yo'n masyadong on time " natatawang sagot ni Anthon

Hindi ko nalang sya sinagot at nag patuloy sa paglalakad habang nag aalisan ang mga estudyanteng nasa dadaanan namin.

Pero hindi paman kami na nakakarating ay may grupo ng mga kalalakihan ang humarang sa dadaanan namin dahilan para huminto ako at ang mga kasama ko.

Sa pag kakabilang ko ay Lima sila sakto sa bilang namin.

Ngumisi ang lalaking nasa unahan nila na siguro ay leader nila.. Ang panget puta! 

"Kamusta Revil!"sigaw nung leader nila

Namumukhaan ko sya pero hindi ko na matandaan kung saan ko sya nakita. Sa dami ba naman ng nakasagupa namin sino sya--SILA para alalahanin ko?

"Kilala ba kita?" walang ganang sagot ko na ikinatawa nya

"Sa sobrang dami mong pinurwisyo hindi mo na matandaan kung sino sino. Hahaha!  Ungas!  Bata ko lang naman ang binugbog mo "

Ungas?  Kinang-inang to' ah.

"Bata mo naman pala 'eh bakit ikaw ang nasa harap ko?" ngumisi ako " Pwede ba? wala akong oras makipag laro sa mga asong ulol" kitang kita ko kung pano nag bago ang expression ng mukha nya. Napikon? Bilis naman.

"Talaga? " sumenyas ito sa mga kasama nya at ang dalawa sa kanila ay nag labas ng mga baseball bat at yung pang hataw sa golf ball na tinatago pala nila sa likod nila

"Ngayon.. May gana ka na bang makipag laro? " nangingising hamon nya

Nag tawanan ang mga kasama nya at yung iba pinag lalaruan pa ang mga hawak nila na kunwari pinapalo sa hangin

Tanginang to'

"Masaya 'to" ganadong sabi ni Anthon na nag stretch pa. Siniko ko sya dahil ang ingay nya

"Oh?  Bakit Revil?.. Natatakot ka na ba? "natatawang sabi nya

Ngumisi lang ako

"Kelan ba ako natakot? "

"Ang yabang mo talaga! "Sigaw nya saka sumugod sakin mabilis ko lang nasalo ang kamao nya at sinuntok.

Nag umpisa nating sumugod ang iba at kanya kanyang kapareha sa pinili pag suntukan.

Nakita kong nasuntok sa mukha si Joshua pero agad din syang gumanti. Si kenjii naman ay bahagyang napalo ng bat pero hindi iyon ininda at patuloy paring lumaban.

Napa upo ako sa sahig nang bigla akong sipain ng kaharap ko

Kinang inang to! agad akong tumayo at binigyan sya ng napa kalakas na suntok na ikinabagsak nya.

Nagtagal ang pakikipag laban namin sa kanila hanggang sa madehado na sila. Sinipa ko muli ang kalaban ko dahilan para mapahiga sya sa sahig saka ko sya pinatungan at pinag susuntok

"A-aggh--- Aghhh!-- tama na Revil tama na-- Agh! " pag mamakaawa nya

"Ow?  Asan ang tapang mo?! "Sinuntok ko pa ulit sya saka tumayo at sinipa sya sa tagiliran

Bumalin ako sa mga kasama ko at nakita ko si Anthon na kasalukuyang hinahampas ng bat yung kalaban nya. Si Kenji naman ay pinag titripan pa ang kalaban nya at pinag susuntok Pati sila Jonathan at Josh at natalo nadin ang mga kalaban nila bumalin muli ako sa kalaban ko

"Sa susunod,  siguraduhin mong malakas kana, para kahit papano ay umabot ka kahit manlang sa talampakan ko, akala mo talaga ay magagawa mo kong matalo?  Tss ulul! "Sigaw ko

Nagtawanan naman mga kasama ko at binato pa ni Anthon ang bat na hawak nya sa kalaban nya

"May pa ganyan ganyan pa kayong nalalaman wala rin namang saysay. " natatawang sabat nito

Ngumiti lang ako saka nag umupisang mag lakad paalis

'Gabre sila nakakatakot talaga. '

'Oo nga lalo na si Revil '

'Pero ang popogi nila noh? kahit mga gangsters. '

'Kaya lang nakakatakot lapitan yay! '

Rinig kong bulungan habang nag lalakad kami pero hindi ko pinansin

Tss. Lakas ng loob sumugod wala naman! Sino nga ba kasing mananalo sakin?

No one wants to get in my way! 

You know why?

Because I'm a GANGSTER!

My group named ' R.B.A ' ( Royal Blood Armys ) and in this group, I'm the Leader.

Actually, si Dad talaga nag built ng Society nato, ako lang nag patuloy pero sa generation nato.YES! My dad is a Gangster

I am Revil Aungtrias and  I am the hot but heartless leader of R.B.A! 

---

Pag kapunta namin sa canteen ay umurder na sila agad at kumain

"Woooh!  Nagutom ako dun ah " reklamo ni Anthon saka kumagat sa burger

"Putcha!  Ang tatapang wala naman palang batbat!"natatawang sabi ni kenjii member din na kasama namin kanina

Nakinig lang ako sa pag kukwentuhan nila about dun sa nangyari kanina at sa kung pano nila napa tumba ang mga kalaban nila tss. kayabangan -_-

Maya maya pa ay unti unti nang umingay dito sa loob

' Hala!  Andito na rin sila? '

'Ano gagawin natin?  Baka mag kasugapaan na naman sila madamay tayo'

' Lagot andito narin ang B.S '

'Tara na!  Tara na! '

Rinig kong usapan na malapit sa akin yung iba pa ay dali daling nag sisialisan 

Nangingisi ako namang hinanap ang tinutukoy nila at tuluyang nangiti ng makita ko ang ' B.S '( BLACK SPADE ) na pinangungunahan ni Keeil Rye Mercader!  Known as The Cool but Coldest heart Leader 

Desensitized, coolish, affectless, insensitive, stony-hearted,  unsparing, unfeeling, hard boiled.

Ilan lang yan sa mga salitang description sa isang tulad nya.

Kung ako ay kilala bilang walang puso. Sya naman ay kilala na may puso nga pero hindi naman gumagana, wala rin.

May puso nga sya pero wala s'yang pakielam sa mga tao sa paligid nya ang cold ng personality nya. Hindi sya nangingielam pag hindi sya involved.

Cold-Blooded? Tch. Walang kwenta!

Sya lang naman ang taong pinakamumuhian ko sa pinaka nakakamuhing tao!  At syempre alam kong ganon din ang nararamdaman nya sakin.

Tahimik silang nag lalakad papalapit sa amin. Deretso ang tingin ni Keeil na hindi naman napalayang papalapit sa pwesto namin, napatingin ako kay Kevin na syang bestfriend nitong si Keeil tch!  Bagay nga silang mag sama

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito ka init ang ulo ko sa twing makikita sya ang ang mga walang kwenta nyang myembro!  Mga basahan! 

Namalayan ko nalang na napalagpas na sila sa table namin medyo malayo kasi ang pagitan namin kaya kahit lagpasan nila kami ay hindi nila kami makikita at dahil nag iinit talaga ang dugo ko sa kanila....

Tumayo ako at mabilis na kinuha ang bote ng softdrink sa harap ko at binato sa kanila. Hindi ito tumama sa isa sa kanila tumagos lang ito sa pagitan ni Keeil at Kevin at tumama sa pader dahilan ng pagka basag nito. Tch!  Sayang hindi tumama sa ulo ng kumag na'to!

Agad silang nahinto. At walang ekspresyong humarap sakin si Keeil kasunod ng mga kasama nya

Nginisihan nya ako

"Nag hahanap ka na naman ba ng gulo Revil? "Walang ganang nyang tanong

Tss. Buset talaga to nakakagigil! 

"Mapag bibigyan mo ba ko? " nakangising tanong ko pabalik. Naramdaman ko namang tumayo narin ang kasama ko.

Hindi nya ako sinagot at tinignan yung pader na tinamaan ng boteng binato ko saka bumalin ulit sakin

"Muntik nayon ah? "Tumawa sya ng mahina "Sa susunod paki sentro ng maayos para hindi sumasablay. " sarkastiko nyang sabi

"Hayaan mo next time sisiguraduhin  kong babaon na mismo sa mukha mo hanggang mabasag yang bungo mo.. nakaka hiya naman"nangingising sabi ko

"Alam mo minsan napapaisip akong bakla ka 'eh.. ang hilig mo kasing mag papansin sa'kin. " bahaguang natawa si Kevin ganon din ang iba nya pang kasama

"Well Nice! nagawa ng baklang 'tong agawin ang girlfriend mo ng gano'n kadali "tumawa ako tumawa pero mabilis nyang nadampot ang plastic chair sa gilid nya at pasugod na inihampas sakin ngunit hindi ako ang tinamaan dahil mabilis na humarang si Joshua sa harap ko

"A-Arraaaayyyyy!!! "Hiyaw nito sa sakit

"Masakit? Humarang ka kasi tanga! "

"Uggghh! " sinipa nya pa si Joshua sa sikmura putakteng to!  Bumalin sya sakin at bakas sa mukha nya ang inis

"Ilang beses ko bang uulitin sa maliit mong utak na WALA AKONG PAKIELAM sa bagay na yon?! "

"Eh' bakit ganyan ang reaksyon mo?" pang iinis ko pa.

"Gago ka! " bigla akong sinugod nung isa nyang myembro pero agad kong nasalo kamay nya saka sya mabilis na sinuntok dahilan ng pagkatilapon sya sa katabing lamesa

bahagya ko pang shinake ang kamay ko.

"Ang tigas ah? Gano ba kakapal mga mukha nyo?"balin ko kay Keeil 

"Ano 'to ubusan lahi? "Natatawang sabat ni Anthon habang nakatingin sa dalawang nakahambalos ngayon sa sahig.

"Oo! gusto mo isunod na kita--"

"Keeil!  Keeil! "

Natigilan sya sa pagsugod ng biglang may tumawag sa kanya at pag pasok nito ay si Julian pala myembro din nila

"Keeil!! " ulit pa neto at nung maka punta na sya sa harap ay laking gulat nya ng makita ako pero napalitan din ng masamang titig bago bumalin muli kay Keeil

"She's here already. " bungad ni Julian  nakita ko kung pano nanlaki ang mata ni Keeil

"A-Andito na sya? Let's go! "

Nagulat akong bigla silang kumaripas ng takbo pati narin ang kaninang sinuntok ko

"H-Hoy!  Teka! Hindi pa tayo tapos! "sigaw ko pero wala!  Buset may araw rin kayo sakin! 

Sino ba ang tinutukoy ni Julian at ganon nalang ang taranta nila! 

"Duwag ."Yon nalang ang lumabas sa bibig ko.

Badtrip ang boring na. -_-

-------------------------------------------------------------

Hi Guys! Alam ko meron pa akong ongoing story which is yung 'Korean Hotties pero sana magustuhan nyo rin 'to.  Action|Romance|Semi-mystery/  Salamat po nang madameeee!

FOLLOW NYO PO AKO SA IG: @Khlprmc14

AND SPREAD THIS STORY

Das könnte Ihnen auch gefallen

One-sided Love by pinkyjhewelii

Someone loves you, but you loves someone else. But that someone else you love, loves someone else, too. Is this kind of a cycle? That's life. Sabi nga ni Bob Ong, huwag kang magagalit kung hindi ka mahal ng taong mahal mo dahil may tao ring nagmamahal sa'yo pero hindi mo mahal. Kaya fair lang. Si Princess Reiko Abellano, malaki ang pagkagusto sa kababatang si Enzo Shin-woo. Pero ang masaklap dun, hindi man lang siya nito napapansin. Bakit? Dahil may nagmamay-ari na ng puso nito. Sino pa ba? Si...oooppss, ang tanong pala dapat ay, ano kaya? Isang PAKWAN lang naman. Sa dinami-daming babaeng nagkakagusto dito, wala itong pinapansin. Minsan nga gusto niyang isipin na bakla ito pero hindi. He's one of the best basketball player of Shin-woo University's Wolf. Si Enzo Shin-woo na handang pakasalan ang kanyang one and only love, pakwan. Akalain mo bang sa halip na babae ang matipuhan niya, pakwan pa. Hindi niya napapansin ang mga babae sa paligid niya dahil ay mga mata niya ay malinaw lang kapag pakwan ang nakikita niya. Si Renzo Shin-woo, ang lalaking seryoso pero lihim na umiibig kay Princess Reiko. Marunong siyang magtago ng nararamdaman niya pero hindi niya maitago ang pagkainis dahil sabi nga niya, bakit si Enzo pa ang nagustuhan nito samantalang magkamukha lang sila? Yes, they are triplets. The famous Shin-woo triplets, Enzo, Renzo and Kenzo. Paano iikot ang mundo nilang tatlo kung ang namamagitan sa kanila ay one-sided love? Aano magkakatagpo ang dalawang puso? Sino ang masasaktan? Sino ang sasaya?

pinkyjhewelii · Teen
4.6
14 Chs

Online It Is

(UNDER REVISION) "Sino 'yan?" Nanginginig pero pasigaw na tanong ko sa may tapat ng pinto ngunit wala akong nakuha o narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto. Muling namutawi ang kalabog sa aking dibdib. Shet, wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may mangholdap sa akin, ako lang mag-isa dito sa bahay at dis oras na rin ng gabi, tulog na ang neighborhood sa mga oras na 'to. Bago pa man ako makaisip ng mga karumal-dumal na bagay ay pinindot ko ang video recorder ng phone ko at inilagay ito sa flower vase na malapit sa kinakatayuan ko. Tinakpan ko ito ng mga bulaklak but I made sure na makukunan pa rin ang view sa may pinto, pinahinaan ko rin ang brightness nito para makasigurado. Syempre, if ever na may mangyari sa aking masama ay may maipapakitang ebidensya sa otoridad kapag nag-imbistiga sila. Iba na ang wais sa panahon ngayon duh.  Pagkatapos kong iset-up ang phone at agad rin akong bumalik sa tapat ng pinto at huminga muna ng malalim bago hawakan ang doorknob at dahan-dahan habang pigil hininga ko itong pinihit nang paunti-unti.  At nang tuluyan ko na itong mabuksan ay nakahinga ako ng maluwag dahil puro tunog lang ng mga kulisap ang naririnig ko at wala nama akong kakaibang nararamdaman sa paligi---- "SURPISE!"  "T*NG*N@ MOOOOOOO!" Agad kong tinakpan ang aking bibig nang mapagtanto kung sino ang biglang sumulpot sa harapan ko. Pakiramdam ko'y milyun-milyong bultahe ng ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang habang kaharap ang nilalang na nasa harapan ko sa pagkakataong ito. Tila ba'y natutop ang aking bibig at walang lumalabas na boses mula rito. Pati ang aking mga paa ay wari'y nakadikit sa sahig at hindi ko ito maigalaw. A boy full of sweat on his face is smiling in front of me while holding a camera with his right hand and a paper bag in his left hand. My online boyfriend Rigel Petterson is in front of me right now. 

kylnxxx · Teen
Zu wenig Bewertungen
102 Chs

Bewertungen

  • Gesamtbewertung
  • Qualität des Schreibens
  • Aktualisierungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund
Rezensionen
Beeindruckend! Sie wären der erste Rezensent, wenn Sie Ihre Rezensionen jetzt hinterlassen!

UNTERSTÜTZEN