302 Silver Lining (3)

Translator: LiberReverieGroup Redakteur: LiberReverieGroup

Mabagal ang kaniyang pag-usad kumpara sa kaniyang na absorb sa Lin Palace, ngunit dahil sa limitadong sitwasyon, ang spiritual energy na inilalabas ng Embellished Wooden Bead ay ikinasurpresa ni Jun Wu Xie.

Sa tulong ng Embellished Wooden Bead, ang pagpapalago ng kaniyang sariling spiritual power ay mapapabilis habang siya ay nasa Qing Yun Clan!

Nang kunin ni Jun Wu Xie ang Embellished Wooden Bead sa maliit na kamay ni Little Lotus ay naramdaman niyang naglalabas pa rin ito ng init. Bigla namang lumitaw ang isang kaakit-akit na mukha sa kaniyang isipan.

Natigilan si Jun Wu Xie dahil doon.

"Jun Wu Yao..." Halos bulong na lang nang sambitin ni Jun Wu Xie ang pangalan iyon kasabay noon ay napasimangot siya.

Bakit niya biglang naalala si Jun Wu Yao?

Hindi maintindihan ni Jun Wu Xie kung bakit biglang sumagi sa kaniyang isip ang mukhang iyon at agad ding nawala. Ipinagkibit-balikat niya ito at nagpatuloy sa pag-absorb ng spiritual energy sa Embellished Wooden Bead.

Nagtatago naman si Ye Sha sa mga anino at sikretong pinoprotektahan si Jun Wu Xie. Namangha siya sa tatlong salitang ibinulong ni Jun Wu Xie, mahina iyon pero sigurado siya sa kaniyang narinig.

Hindi ba't iyon ang pangalan ng kaniyang Panginoon!?

Sa oras mismo ng iyon, ikinumpas ni Ye Sha ang kaniyang kamay at lumitaw ang isang itim na ahas sa kaniyang manggas at nahulog sa lupa. May isinulat siya sa isang papel at sinelyuhan ito ng paraffin wax bago ipinalunok sa ahas.

Nakita niyang dumulas ang ahas sa damo at nagsimulang gumapang. Nagpakawala ng buntong hininga si Ye Sha matapos niyon.

Panginoon! Iyan lang ang pinakamaitutulong ko sa iyo!

Pagkalipas ng gabing iyon, bihira na lang makita si Jun Wu Xie sa halamanan kapag umaga. Ngunit sa gabi, habang nagpapahinga na ang lahat, makikita si Jun Wu Xie na naglalakad patungo sa mga halaman.

Dahil sa katawa-tawa ng kilos na iyon ni Jun Wu Xie, ang mga kasabay niyang natanggap ay sikretong pinag-uusapan siya. Hindi na nangahas ang mga kalabanin siyang muli.

Ilang beses na sinundan ni Qiao Chu si Jun Wu Xie ngunit nakita niya lang itong inaamoy at pinuputulan ang mga halaman. Napagisip-isip niyang walang kwenta ang ginagawa nito kaya tumigil na siya sa pagsunod dito. Sa halip ay inistorbo niya na lang si Hua Yao.

Pagkatapos na magpalit anyo ni Hua Yao bilang Ke Cang Ju, ang araw-araw na tungkulin ni Hua Yao ay panatilihin ang malamig at aroganteng ugali at makisabay sa mga disipulo na nagsasaya sa kanilang mga buhay. Umaga man o gabi, tahimik na umaakyat si Qiao Chu sa bintana at lilitaw sa silid ni Hua Yao. Ngayong gabi, kakabihis lang ng Hua Yao para maghanda sa kaniyang pagtulog ng mapansin niya ang tampalasan na umakyat nanaman sa kaniyang bintana. Ang mukha niya ay naging katakot-takot.

"Whoa! Kapatid, huwag mo na ako ulit gugulatin at ganiyan ang itsura ng iyong mukha." Tinakpan ni Qiao Chu ang kaniyang mga mata para iwasan ang mga tingin ni Hua Yao.

Ang hawak ni Hua Yao na suklay na gawa sa kahoy ay naging pulbos.

"Ano nanamang ginagawa mo dito?!" Gusto na itong sakalin ni Hua Yao hanggang sa ito ay mamatay. Walang ginawa si Qiao Chu kundi ang galitin siya, hindi ba ito makahanap ng ibang iinisin?

Umupo si Qiao Chu sa mesa at nagsalin ng maiinom. "Narito ako para tignan ang sitwasyon dito. Mukhang maganda ang planong inyong ginawa ngunit bakit parang wala namang nangyayari sa loob ng ilang araw? Si Little Xie ay naglalagi lang sa botika o di kaya'y magtutungo sa mga halaman at tititigan ang mga iyon. At wala kang ginawa buong araw kundi magliwaliw? Kailan tayo kikilos? Mamamatay na ako sa sobran inip!"

Hindi iyon naintindihan ni Qiao Chu. Ang lahat ay nasasabik nang buohin nila ang plano, ngunit pagkatapos noon wala nang sinabi ang dalawa.

Hindi ba't ang kanilang napag-usapan ay gagawa sila ng away sa pagitan ng Elders at ni Qin Yu at buburahin nila ang Qing Yun Clan? Bakit parang hindi naman ito gumagalaw?

Huminga ng malalim si Hua Yao. Naisip niyang kailangan niyang ipaliwanag ng mabuti sa tangang ito.

"Darating si Qin Yue sa Hidden Cloud Peak bukas." Saad ni Hua Yao.

avataravatar
Nächstes Kapitel