webnovel

Biglang Pagkagiliw (4)

Redakteur: LiberReverieGroup

Magaling makipag-usap si Ning Xin, ngunit pagdating kay Jun Xie ay parang titiklop siya. Walang pumapasok sa kaniyang utak at wala siyang maisip na maisasagot dito.

Naramdaman ni Ning Xin na kapag pinagpatuloy niya pa ang usapang ito ay mas lalala lang ang sitwasyon. Ang ugaling pinapakita ni Jun Xie ay marahil sa nararamdaman nitong poot kay Yin Yan. Mukhang kailangan niyang palapitin dito si Yin Yan para humingi ng tawad.

Matapos pagdesisyunan ang kaniyang susunod na gagawin hindi na nagpumilit pa si Ning Xin na kausapin si Jun Xie. Ibinaling na lang niya ang kaniyang atensyon kay Fan Zhuo. Nagpakita siya ng lubos na pag-aalala dito.

At dahil sa likas na mabait si Fan Zhuo, inanyayahan niya si Ning Xin na magtagal pa.

Mabilis na inilatag ni Ning Xin ang pagkaing kaniyang inihanda. Naghanda rin siya ng para kay Jun Xie, isang paraan para mapalapit siya dito.

Tahimik namang nakaupo si Jun Xie sa isang tabi at hawak ang itim na pusa. Masyadong halata ang ginagawa ni Ning Xin. Matagal na siyang namamalagi dito sa kakahuyan ngunit kailanman ay hindi niya nakita si Ning Xin dito. Nang matapos ang Spirit Hunt ay bigla itong mapaparito at makikipaglapit sa kaniya.

Kung hindi pa mahahalata ni Jun Xie ang ginagawa ng pakikipaglapit ni Ning Xin, walang kwenta ang kaniyang dalawang buhay.

At dahil mayroong naparito para mapahiya, wala siyang nakikitang dahilan para tanggihan iyon, hindi ba?

Kumuha si Jun Wu Xie ng pagkain at kakaiba ang paraan ng pagkagat nito. Nang makita ni Ning Xin na kinain ni Jun Xie ang kaniyang dala, siya ay kumalma.

Si Fan Zhuo ang pinakanatural sa kanilang tatlo. Parang wala itong alam sa nangyayari at nakikipag-usap lang sa kaniyang kasama sa bahay.

Nakisabay pa si Ning Xin at lihim na inoobserbahan si Jun Xie.

Kung hindi dahil sa ilang purple spirit na tao sa likod ni Jun Xie, sa ugaling pinapakita nito sa kaniya malamang kanina niya pa sana ito pinatumbahan ng mesa.

Ngunit sa sitwasyong iyon, walang magawa si Ning Xin kundi ang magtagis ang mga bagang at pilit na pinapanatili ang matamis na ngiti sa kaniyang mukha. Wala siyang magawa kundi ang magtiis.

Nagawa namang pagtimpian iyon ni Ning Xin ng halos kalahating araw. Pilit na pilit siya sa kaniyang sarili na panatilihin ang ngiti nang siya ay magpaalam kina Fan Zhuo at Jun Xie. Nagmadali siyang makaalis sa kakahuyan, hindi na inaalala ang dala nitong lunchbox. Kahit na ang totoo ay para siyang sasabog anumang oras.

Matapos umalis ni Ning Xin, ibinaba ni Fan Zhuo ang hawak na pagkain at Nag-angat ng tingin kay Jun Xie.

"Little Xie, nagustuhan mo ba ang meryendang ito?"

Sumagot si Jun Wu Xie: "Huwag mo 'yang pansinin."

"Kung hindi mo gusto, 'wag mo na lang kainin." Inabot ni Fan Zhuo ang kalahating natira ni Jun Xie para ibalik sa lunch box. Isinarado niya ang takip non at itinapon sa kusina. Maya-maya ay naglabas ito ng chestnut cake at inalok kay Jun Xie.

Tahimik namang inobserbahan ni Jun Wu Xie si Fan Zhuo at biglang may pumasok sa kaniyang isip. Tiningnan niya si Fan Zhuo habang nginunguya ang cake.

"Hindi mo siya gusto?" Biglang tanong ni Jun Wu Xie.

Saglit na natigilan si Fan Zhuo, pagkatapos ay humalakhak: "Hindi siya makakabuti, Little Xie. Dapat mo siyang iwasan."

Tumitig si Jun Wu Xie sa malas na binatilyong ipinanganak na mahina. Ilang sandali rin siyang nakatitig sa mukha nito at nang makitang hindi naglaho ang ngiti sa mga labi ng lalaki, yumuko siya at hindi sumagot.

Nang gabing iyon, habang dumidilim ang paligid, bumangon si Fan Zhuo. Nakasuot ito ng roba at tumungo sa kusina. Sinindihan nito ang kalan at itinapon sa nagbabagang-apoy ang lunch box.

Maririnig ang tunog ng pagkasunog ng lalagyang iyon. Bumabakas sa mukha ni Fan Zhuo ang kulay pulang apoy. Hindi makikita sa mukha nito ngayon ang madalas na mahinahon at palangiting mukha. Ang mga mata nito ay parang nagyeyelo dahil sa lamig ng titig nito habang umiilaw dahil sa liwanag na dulot ng apoy.