webnovel

Forgotten Memories (tagalog)

Sa di inaasahang pagkakataon, nagkrus ang landas nina Jei at Wonhi. Ang akala ni Jei na paghanga sa idolong gwapong modelo ay unti- unting lumalalim. Ngunit... may mahal na siyang iba!

Ruche_Spencer · Urban
Zu wenig Bewertungen
56 Chs

Losing Hope

"You can't just give up hope!" sigaw ni Rain sa manager ni Wonhi. "You, of all people, huh?"

Hindi napigilan ng binata ang galit kaya ibinunton nito ang bugso ng kanyang emosyon sa mesang nasa harap niya. Hindi kumibo ang manager at tinitigan lamang siya nito bago bumuntong- hininga.

"Look. I know you're upset but you heard his doctors. I am not giving up hope, I am just being realistic. I'm sorry," paliwanag ng manager sa binata.

"Realistic, my ass! The tests are not done yet! How could you jump to a conclusion without waiting for the result?" hindi makapaniwalang tanong ni Rain.

"Rain, I understand where you're coming from but you have to understand my point. How long should I wait? Months? Years? Waiting for his recovery is pointless. We are not even sure whether he's gonna fully recover," sagot ng manager.

Napasuklay ng buhok si Rain gamit ang kanyang mga daliri bago marahas na tumayo. "Unbelievable! Hah! I am telling you. You'll regret this day. Mark my word," mariing saad ni Rain sa nakayukong manager.

Paglabas niya sa opisina ng manager ay nagdesisyon siyang maglakad- lakad upang pakalmahin ang kanyang sarili. Saktong naupo siya sa isang bench sa malapit na parke ng makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang kapatid.

"O. Musta ka na?" tanong nito sa kapatid. "Are you having fun at school?"

Mag- iisang buwan na simula ng lumuwas siya sa Korea. Sa mga nagdaang mga araw ay regular na nagtatawagan ang magkapatid para kumustahin ang isa't isa. Sa bawat araw na nagdaan ay laging luhaan si Jei sapagkat walang pa ring pagbabago sa kondisyon ng kanyang nobyo.

Ang malala pa ay nababasa niya sa social media kung paano purihin ng mga tao si Khamila sa pagbibigay nito ng atensiyon sa binata kahit wala na sila. Idagdag pang umaasa ang kanilang mga fans na ibalik ang relasyon ng dalawa kahit alam nilang may asawa na si Khamila.

"I should be the one next to you! Bakit ba malupit sa akin ang tadhana?" piping saad ng dalaga.

"Jei?" tanong ng kanyang kuya.

Tumikhim siya upang tanggalin ang nakabara sa kanyang lalamunan. "Sorry, kuya. Ano ulit yung tanong?" sagot niya. Narinig niyang tumawa ng marahan ang kanyang kapatid.

"Last year mo na di ba? Focus on your studies, Jei. I'll do everything I can here to bring him back," saad ni Rain.

"I am trying, kuya," sagot naman ni Jei na halatang walang sigla. May ilang sandaling katahimikan bago nagsalita si Rain.

"Jei... tough choices make us wiser. You understand, right?"

"Tama. May choice ba ako? Kung gusto kong makita ang aking mahal. Kailangan kong makapagtapos kaagad," sabi niya sa kanyang sarili.

Matapos ang nilang magkumustahan ay nagpaalam na si Jei ng saktong tumunog ang hudyat sa susunod niyang klase.

Samantala...

Hindi mapakali si Haneul ng magkasalubong sila ni Rain sa daan papasok sa ospital. Nagkulay suka ang matanda at agad nag-iwas ng tingin at lumihis ng daan. Hinayaan lamang ng binata ito at umaktong hindi niya ito nakita.

"Wonhiya ne ommaga yogi gyesyosso. Noe ommaneun noreul nomu pogo sipo. Irona jebal," masuyong saad ni Rain sa kaibigan. (Wonhi, your mom was here. Your mom misses you so much so please wake up!)

Araw- araw niya itong kinakausap at binabasahan ng mga sulat mula sa mga fans nito.

Kasalukuyan niya ito binabasahan ng sulat na galing sa isang avid fans mula sa America ng pumasok si Khamila. "Oh, you're here? How's your meeting?" kaswal na tanong nito.

Sumagot si Rain na hindi man lang nag- angat ng mukha, "Let's talk outside."

Tumango si Khamila. Pumasok sila sa isang cafe'.

"What do you want?" tanong ni Rain kay Khamila.

"Iced americano. Double shot," sagot nito.

"Two iced americano, double shot and two slices of blueberry cake, please," saad ni Rain sa nabibighaning dalaga. Tumikhim ang binata ng makitang hindi kumikibo ang kaharap niya at nakatitig lamang sa kanya.

"Ya, gwimogoriya? (Hey, are you deaf?)" singhal ni Khamila sa dalaga na agad nagbawi ng tingin matapos humingi ng pasensiya.

"Hey, you don't have to shout at her. She's just being human," sabi ni Rain kay Khamila na agad tumaas ang isang kilay. Pagkatapos ay bumaling siya sa staff na namumula sa kahihiyan.

"Mianhada. Ireumi mwoya?(I am sorry. What's your name?)" tanong ni Rain sa dalaga. Halatang hindi ito makapaniwalang kinakausap siya ng binata.

"A- a... nae ireumeun Misoya, (Uhm... my name is Miso.)" nanginginig na sagot nito.

Ngumiti si Rain bago magsalita, "Hmmm... Misoya no ippeungo ara?" (Hmmm... Miso, do you know that you're pretty?)

Hindi makapagsalita ang dalaga sa sobrang pagkagulat. Pagkatapos kunin ang kanyang order mula sa kamay nito ay kumindat pa ang binata bago pumunta sa kanilang mesa.

Tumigil si Khamila sa pagkain at bumaling sa binata. "What's your plan now?" tanong nito.

"What do you mean?"

"His doctors said that he might be paralyzed for the rest of his life. Knowing Wonhi, he'd rather die than live a painful life."

Hindi nakaimik si Rain sa sinabi ni Khamila kaya ibinaling na lang ang atensiyon sa pagkain kahit naglasang asido ang kape at cake sa bawat paglunok niya.

............x.x.x............

"Jei... Jei!" sigaw ni Laura. "Jei, good news!" Humihingal ito habang hinihipan ang bench sa harap ni Jei saka dumekwatro sa pag- upo.

"Laura, anong meron?" maang na tanong ni Jei sa nakangiting kaibigan.

"Good news!" sagot ni Laura na pumilantik pa sa harap ng dalaga.

"Ano?" walang excitement na tanong ni Jei.

"I know you got one. Hindi mo lang chinecheck ang email mo. Hay naku! Puro ka kasi Wonhi. Wonhi. Wonhi!" pangaral nito sa kanya na tinawanan lang niya. Hindi naman sa ayaw nito sa nobyo niya. Hindi lang nito maimagine na naging sila dahil sa sobrang realistic nito sa pananaw.

Kaya naman nang ibalita niya dito na magkasintahan sila ni Wonhi ay ni hindi ito nagreact at ang unang katagang namutawi sa mga labi nito ay "So? You're happy?". Wala man lang itong emosyon.

Natigil sa pagmumuni- muni si Jei ng tumikhim si Laura bago umpisahang magbasa. "Congratulations to the following students for maintaining 'A' grades. As a result, you are allowed to choose any of the companies and universities listed below for your first job. You've already been recommended so good luck and thank you in advance for making the university proud!"

"Ibinalita mo na ba sa parents mo?" tanong ni Jei. Tumango si Laura. Tumingin ulit sila sa laptop screen saka nagbuga ng hangin si Jei.

"Congratulations, Jei! You made it!" saad ni Laura bago yakapin ng mahigpit ang kaibigan.

Kumalas sa kanilang yakapan si Jei saka seryosong tumingin sa kaibigan. "Nope. We made it, Laura. We made it. Congratulations din sa yo," maluha- luhang sagot ni Jei.

"Yep. Thanks a lot. I still can't believe this is happening, Jei. Now, I can fully appreciate how much you've done to push me to study harder," nangingiting sagot ni Laura.

"And how many times we fought and made up," saad ni Jei. Nagtawanan sila.

Kinuha ulit ni Laura ang kanyang laptop saka nag- scroll down upang basahin ang listahan ng mga kumpanya at unibersidad.

"Alright! Let's see. Switzerland, China, Singapore, Russia, Denmark, USA, hmmm... kinda tough choices. Oh... South Korea is here. Seoul University is open for geneticists," saad ni Laura.

Parang may pakpak ang mga paa ni Jei habang tumatakbo papunta sa kanilang department office at magparehistro dahil alam na niya kung saan siya pupunta--- South Korea.

"Hang in there, oppa. I will be there soon," mahinang saad ni Jei.

Matapos ay tumawag ito sa kanyang kuya. "Eh... alam na ba ng kuya mo?" tanong ng kanyang itay.

"Hindi pa po tay. Pagkatapos po nating mag- usap ay saka po ako tatawag sa kanya. Siguradong abala siya sa pag- aasikaso kay Wo-- ah kuya Wonhi."

"O siya. Hala magreview ka na at ako ay kailangan ng bumalik sa mga alaga ko."

Natawa ang dalaga sa sinabi ng ama. Kahit kelan ay mas mahalaga ang kanyang mga alaga. Nung una ay nagseselos sila ng kanyang kuya ngunit nakasanayan na nila ito.

"Bye, tay!" nakangiting saad ni Jei bago patayin ang kanyang cellphone. Huminga ng malalim ang dalaga saka tumawag sa kanyang kuya.

"Hi, kuya!" excited na bati ni Jei ngunit biglang nawala ang ngiti niya ng biglang patayin ni Rain ang tawag niya.

"Bakit?" takang tanong ni Laura.

"I am not sure. But, kuya asked me to call him later," sagot ni Jei na hindi mapagilang mag- alala.

"Hey, baka busy lang siguro siya. Hayaan mo't tatawagan ka din niya mamaya for sure!" pampapalubag- loob ni Laura sa balisang kaibigan.

"I don't know. It's just... something's not right," mahinang saad ni Jei.

At tama si Jei sa hinala niya dahil sa kasalukuyan sa Seoul ay nagising sa wakas si Wonhi mula sa maglilimang buwang coma. Isa itong milagro saad ng mga doctor at specialists na umasiste sa binata.

Ang pagdiriwang ay agad binalot ng kalungkutan ng mapagtanto nilang hindi maalala ni Wonhi ang kanyang nakaraan bago ang aksidente.