webnovel

Fallen for you (Gabriel dela Torre)

Realistisch
Laufend · 52.8K Ansichten
  • 20 Kaps
    Inhalt
  • Bewertungen
  • NO.200+
    UNTERSTÜTZEN
Zusammenfassung

Mabait at maganda si Isabella o Ella pero para sa pamilya nya panget siya at walang kwentang. Buong buhay nya ay naghahanap sya ng pagmamahal sa pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang karamay nya pati na ang mga kaibigan nya. Maraming kabiguan ang nararanasan ni Ella hanggang sa dumating sa kanya ang isang Gabriel dela Torre. Isang kilalang magaling na doktor si Gabriel dela Torre idagdag pa na kilalang mayaman ang angkan nila. Gwapo, matangkad at maputi si Gabriel kaya naman ay maraming kababaihan ang nagkakagusto dito. Paano kung may darating sayong isang taong katulad ni Gabriel na mamahalin ka ng buong ikaw at ipagtatanggol ka hanggang sa kanyang makakaya. Magagawa mo pa bang magtiwala kung lahat ng taong minahal mo ay nasaktan ka na? *Gabriel and Isabella story* -Dela Torre brothers series 1

Tags
4 tags
Chapter 1Prologue

Hindi malaman kung paano ang gagawin ni Ella ng magising sya sa isang hindi pamilyar na kwarto. Laking gulat pa nya ng may makita syang isang lalaki na nakadapa sa tabi nya. Dahan dahan si Ella na tumayo at nagbihis. Kinuha nya ang bag at pagkatapos ay dali dali syang lumabas ng hotel. Agad na pumara ng taxi si Ella para makauwi.

Habang nasa taxi si Ella ay inalala nya ang nangyari sa kanya kagabi. Tumulo ang luha nya ng maalala kung bakit sya nagpunta sa club at uminom ng todo todo. Matagal na pala siyang niloloko ng boyfriend nya at ang masakit ay ang ate pa nya ang karelasyon nito. Kung hindi pa nya sinopresa ang boyfriend nya ay hindi nya malalaman na niloloko na sya nito. Nahuli nya ang dalawa na nagsesex sa kwarto ng boyfriend nya.

"Mga walanghiya kayo! Ang bababoy ninyo! Paano nyo nagawa sakin to. Ikaw! Kapatid pa man din kita pero anong ginawa mo." sabi ni Ella

"Ella magpapaliwanag ako. Natukso lang ako. Ayaw mo kasing pumayag na makipagsex sakin. Lalaki ako Ella, may pangangailangan din ako. Pero ikaw ang mahal ko." sabi ni Mark ang boyfriend nya ng 3 taon.

"Tanga ka kasi Ella. Tingin mo makukuntento si Mark ng pahalik halik lang?" sabi ng ate Karen nya.

"Tumigil ka Karen!" sigaw ni Mark.

"Ano? Hindi ba mas maganda na to, sabi mo hihiwalayan mo na siya di ba? Lalo pa at buntis na ako." duon na tumulo ang luha ni Ella sa sinabi ng ate nya. Buntis na ito at ang lalaking minahal nya ng 3 taon ang ama ng dinadala ng ate nya.

"Ella ikaw pa din ang mahal ko." sabi ni Mark.

"Mahal? Kung talagang mahal mo ako ay maghihintay ka sa akin." sabi ni Ella.

"Patawarin mo ako Ella, ayusin natin ito." sabi ni Mark.

"Ayusin? Buntis na ako Mark!" sigaw ng ate nya.

Dali daling lumabas ng condo si Ella at nagpunta sa club para uminom at makalimot. Pagdating sa club ay umupo agad sya sa isang lamesa at umorder ng alak.

Kahit anong piga ni Ella sa utak nya ay hindi nya maalala kung ano pa ang nangyari. Paano nya nakilala ang lalaking nasa kama. Pareho pa silang nakahubad at malamang may nangyari sa kanila kasi masakit ang pagkababae nya.

"Ang laking katangahan ang ginawa ko. Ang tagal kong iningatan ang pagkababae ko at hindi ko ibinigay kay Mark tapos binigay ko ito sa isang istranghero." sabi Ella sa sarili nya.

Nakauwi na ng apartment si Ella. Masakit pa rin ang ulo nya dahil sa dami ng ininom nya. Idagdag pa ang nangyari sa kanila ng lalaking nakatalik nya. Hanggang ngayon ay hindi nya maalala ang nangyari sa kanila. Pagbukas nya ng pinto ay sampal agad ang bumungad sa kanya.

"Ano na naman po ang ginawa kong mali?" tanong ni Ella habang hawak hawak ang pisnge nya.

"Sumasagot ka na sakin? Hoy Isabella anak lang kita. Ano itong mga larawan na ito? Kaya ka pala iniwan ng boyfriend mo at napunta sa ate mo dahil lumalandi ka. Mabuti pa ang mga kapatid mo hindi mga sakit sa ulo." sabi ng ama ni Ella. Nakahawak pa din ang kamay ni Ella sa pisnge nya habang patuloy pa din ang luha nya.

Nakangisi ang ate Karen nya. Alam na nya na kung ano ano na namang mga kasinungalingan ang sinabi nito sa mga magulang nila. Kung nabibilang ka sa isang pamilya Garcia ay inaasahan nila na magiging perpekto ang mga anak nito. Magaganda at matatalino yan ang tingin nila. Mataas ang tingin nila dahil sa kilalang pulitiko ang angkan nila. Ang ama nilang si David Garcia ay isang mayor sa Baler, Aurora. Ang kanila namang ina na si Eva ay isang prinsipal ng isang paaralan sa Baler. Ang ate Monica niya at isang Guro sa paaralan na pinamumunuan ng kanilang ina. Ang ate Karen naman nya ay isang modelo. Ang kuya Oliver nya ay kapitan ng isang barangay. Si Ella o Isabella ay ang bunso na itinuturing ng pamilya na isang kahihiyan. Maganda si Ella pero higit ang mga kapatid nya. Hindi sya matalino di kagaya ng mga kapatid nya na nakapagtapos ng kolehiyo na may mataas karangalan.

Buong buhay ni Ella ay ang kuya Oliver nya lang ang kakampi nya. Halos lahat sila ay basura ang tingin sa kanya. Kaya naman sanay na siya sa ganitong sitwasyon. Nakangisi pa ang ate Karen nya. Samantalang si Mark ay nakayuko lang. Tama tiklop nga pala ito sa ama nila.

"Ipaliwanag mo ang nasa litrato na ito!" sigaw ng ama nya.

"Ipapaliwanag ko pa ba? Maniniwala po ba kayo sakin kapag ipinaliwanag ko? Tama po ba ako?" sagot ni Ella. Sinampal muli sya ng ama nila.

"Papa, malamang masisira na naman ang pangalan mo sa ginawa nya. Halika na Papa, wala ka na naman mapapala sa anak mo na yan. Mabuti pa pag usapan na lang natin ang kasal namin ni Mark." masayang sabi ng ate Karen nya.

Tikom ang bibig ni Ella at ang nakatikom ang kamao nya. Gusto nyang lumaban pero wala siyang magawa. Lumabas ang ama at ate niya. Sumunod na din si Mark, pero bago ito makalabas ay lumingon ito sa kanya.

"Sorry Ella, hindi ko lang napigilan ang sarili ko." sabi ni Mark bago lumabas ng apartment nya.

Napaluhod si Ella at dinampot nya ang mga larawan na ipinakita ng ama nya. Patuloy pa din ang pagluha nya. Malamang ang ate Karen nya ang may kagagawan nito para bumango na naman siya sa ama nila. Kaya lahat ng kasiraan at sisi sa kanya ipinapasa.

Sobrang sakit ang nararamdaman ni Ella. Bukod sa niloko sya ng kasintahan nya ay kinasusuklaman na naman siya ng kanilang ama at malamang ng buong pamilya na nila. Minsan iniisip nya na ampon lang sya kasi kung ituring siya simula ng bata pa lang siya ay ibang iba sa mga kapatid nya.

Pinagmasdan ni Ella ang apat na lalaki sa larawan. Habang nagiiyak siya ay napaisip siya sa mga ito. "Sino kaya ang lalaki na nakatalik nya. Hindi nya na kasi nya tinignan ang mukha ng lalaki dahil sa pagkataranta nya. Pero napatitig siya sa isang lalaki na maputi at matangkad. Lahat naman sila gwapo pero ang isang iyon ay parang pamilyar sa kanya.

Pumanik si Ella sa kanyang kwarto at nahiga sa kanyang kama. Iniyak nya na ng iniyak ang sakit na nararamdaman nya hanggang sa unti unti siyang nakatulog.

Das könnte Ihnen auch gefallen

a love that never fades(TAGALOG) (BL)

ALTNF 1 Ben Cariaga's POV "Ano na, asan ka na?" Sabi ko dahil hindi ko na talaga siya makita. Asan na ba siya? Masyado nang mataas ang narating niya! Mamaya mahulog to eh. "Wait, teka lang babi! Ang kati ng likod ko. Jan ka lang!" Sigaw niya mula sa itaas ng puno. Sa totoo lang, kanina pa ako nangangalay dito. Paano ba naman, kanina ko pa bitbit ang pagkalaki-laking bayong na 'to na naglalaman ng mangga. Yep, nasa mango-hunting kami ngayon ni Kristal. "Ano na bes? Nakakangalay na! Asan ka ba? You are nowhere to be found!" Sigaw ko. "Nandito ako, look!" Hinanap ko siya sa itaas pero hindi ko talaga siya makita. Masyado kasing maraming sanga ang nakaharang. Maya-maya ay may ginalaw-galaw siyang mga sanga at hinanap ko iyon. Nang makita ko ito ay ako ang nalula sa sobrang taas. "Hala Kristal! Gagi ka ba? Ang taas mo masyado! Bumaba ka na dyan, bago ka pa mahulog at masisi pa ako ng masungit mong mudrakels dahil ako ang nagpaakyat sa'yo dyan!" Sigaw ko sa kanya. "Babi, magtiwala ka sa akin. Kaya ko 'to. Ang dami kaya dito. Ready mo na yang bayong, dali!" Sabi niya. I frowned. Ano ba 'yan, bigat na bigat na nga ako dito tas biglang change location. Huhu. Hinanda ko na ang dala-dala kong bayong. Tama siya, ang dami ngang bunga ng mangga sa pwesto niya. Kumpul-kumpol at malalaki na. Sana lang hindi pa hinog ang mga 'yam. "Kris, ang dami masyado. Bawasan mo. Baka sa ulo ko tumama 'yan imbes na shumoot sa bayong." She chuckled, "Ok." At hinulog na niya isa-isa yung mga mangga. Marami-rami rin kaming nakuha. No, marami talaga kaming nakuha. Samantalang kami lang din naman ni Kristal ang mangangain nito. You know, summer. Ang sarap ng may mangangata. "Marami rin tayong nakuha. Tirahan natin si kuya Japs ng lima." Sabi ko. Bumaba na si Kristal sa ng puno nang walang kahirap-hirap. Taong unggoy 'yan eh. Kayang umakyat ng puno kahit gaano kataas ng effortless. Kahit maliit na babae yan si Kristal wag mong mamaliitin yan. Maraming 'yang kayang gawin sa buhay. "Tatlo lang? Gawin mo nang sampu." Sabi niya. I gave her a meaningful look, "Ok, ok, fine, fine. Crush mo eh." "Huh? C-crush ka diyan, wala akong crush no." She said, blushing. "Asus, oke, sabi mo eh." Sabi ko naman. Nagligpit na kami ng mga pinanguha namin at umuwi na rin kami. Bago ang lahat. Ben Cariaga ang pangalan ko. Si Kristal naman itong kasama ko. Kristal used to call me "Babi" dahil, wala lang. Trip lang daw niya. Kami 'yung tipong unexpected best friends kasi pagkalipat na pagkalipat nila dito, inapproach niya kaagad ako. Then ayun, instant BFFs. Minsan tinanong niya ako if I'm a gay. Napansin niya daw sa behaviour ko at way ko ng pagsasalita.

johndrewmac · Realistisch
Zu wenig Bewertungen
20 Chs

UNTERSTÜTZEN