webnovel

Divorce Me Kuya!

Nine years ago with the age of seventeen, I married her. While waiting on the aisle I looked at her. My eleven-year-old bride. I knew all along that her existence will forever change my life. And I promised back then, that she alone will be my one and only beloved wife. But that was a long time ago. A very long time... Now, with a beauty of a nineteen-year-old lady, she stood once again in front of me. Her captivating blue eyes met mine. Just like nine years ago. Well not exactly like it was. Because this time, She asked for something that killed me. Will join us? As our story continues... On a raining day where she shouted at me . . . Divorce Me Kuya! ***** This is the Book 2 of Marry Me Kuya! If you haven't read the book one, I suggest you to check that first before reading this one. Rest assured that this is not an incestuous story. Cover above is also my work. All Rights Reserved 2017 #EARL0007

EARL0007 · Urban
Zu wenig Bewertungen
19 Chs

Chapter 16: New Memories

"Instead of spending too much time recycling old memories, how about we try focusing on making new ones now?"

*****

Eiffel's PoV

Naalimpungatan ako nang bahagyang nasilaw ang paningin ko ng sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kuwarto ko. Bumangon na ako at lumabas saglit nang nakita ko ang lalaking simula ngayon ay makakasama ko nang tumira sa bahay na ito muli. Busying nagbubuhat siya ng karton paloob ng kuwarto niya.

Shit, I can't help but to gaze on his flexed biceps at ang mukha niyang may mga butil ng pawis, why do I find him hot?

Calm down Eiffel!

I remembered how he hugged me last night at hindi iyon mawala wala sa isipan ko. Ano bang sumanib na masamang espirito sa kanya para gawin niya iyon? Sabagay hindi ko din namalayan ang sarili kong nagrespond, parang dati lamang na gawain naming magbatiang dalawa!

Hindi na pweding maulit iyon! Dieu merci Comtesse Eiffel! (Goodness Countess)

Unang araw palang may payakap yakap ka na, hindi ka dapat maging ganito kahina kapag kaharap mo ang taong iyan! You can't let him get through your walls once again!

Eiffel! You have to be strong!

Habang inaaway ang sarili ay nagpunta ako sa kusina at kumuha ng malamig na tubig. Ang init talaga dito sa Pinas, I suddenly missed the winter in Britain.

"Hey, can I have some too?" gulat na napalingon ako, wala akong kamalay malay na nasalikod ko na pala ang eskandalosong lalaki. Natapon tuloy ang lamang tubig ng baso ko sa katawan niya and I was like hypnotized watching how the water drip from his naked chest down to his well-toned packs. Those weren't used to be that big if I remember correctly.

"You can touch it for free, I'm on sale" ani niya na may nagiinis na ngisi. Namumulang tumalikod ako at kinuha ang pitchel saka inabot sa kanya.

"Laklakin mo, malunod ka sana" I remarked and passed him.

Pumasok ako a kuwarto ko at pabagsak na humiga ulit sa kama ko. Niyakap ang natutulog na si Puffy at pinangigilan.

UGHHH!!! Kasasabi lang sayo Eiffel na magpakatatag ka eh! Ang tigas tigas ng ulo mo! Kasing tigas ng abs niya-este... Basta!

"God! This is so embarrassing!" tili ko sa unan.

It was almost noon na nang magising akong muli, hindi ko namalayan na nakatulogan ko pala ang pangaaway ko sa sarili ko.

I went outside my room and Clyde inside the kitchen. Humarap siya sa akin and saw him wearing his old apron habang walang damit na pangitaas. Lumipas ang panahon at naging exhibitionist na pala siya?

"Gutom ka na ba? I just finished cooking" he asked and winked at me.

I rolled my eyes "No thanks, I don't want to be poisoned with your terrible cooking" nalala ko yung pinagluto niya ako noong unang beses kaming nagaway at hangang ngayon ay tila traumatized pa ako lasa non. If there was a cooking competition for the terrible taste, he would have won with flying colors.

"Grabe ka makalait. Matagal na panahon na iyon" nakangusong sabi niya. Tsk! Nagpapacute ba ang mokong na ito?

Inilapag niya sa counter and plato na kinalalagyan ng niluto niya at inabot sa akin ang isang tinidor.

"Taste it, baka mahalikan mo pa ako sa sarap niyan. Though syempre mas masarap ako diyan" Kindat niya at nandidiring inirapan ko siya. Tinangap ko ang tinidor at tinikman ang luto niya, hmmm... Di narin masama ang lasa teka, baka binili lang niya ito sa Resto at nagsisinungaling na niluto niya?

He smiled at me triumphally pero hindi ko siya pinansin at nang akmang titikim ulit ako ay bigla niyang inagaw yung plato at bumusangot "Ni hindi mo man lang ba pupuriin ang luto ko? Heart and soul ko kaya ang binuhos ko sa pagluluto nito!" I ignored his childish antics and took my phone dialing a number. Okay, it's either poisoned or potioned ang luto niyang iyan.

"Hello? I would like to order two boxes of pizza with peperoni and-" Biglang nawala sa kamay ko ang phone ko at naiinis na tinignan ang magaling na snatcher.

Mahinang pinitik niya ang noo ko "No Fast foods for you my wife, I want you to be healthy spending your time with me" and smiled lovingly.

Holding my forehead, I failed to find words to respond to him, instead I sat down on the dining chair "Bilisan mo gutom na ako" utos ko na lamang. "Masusunod aking kamahalan!" parang sira ulong nagsalute pa ang gago at nagmamadaling inihanda ang lamesa.

Habang kumakain kami ay panakanaka niyang akong tinitignan hangang sa inis na sinalubong ko ang tingin niya. "If you have something to say just say it"

"I was meaning to ask if you wanna come with me later to the Department Store. Hindi na gumagana ang ibang appliances and I think we should buy again" mabilis na sagot niya.

Napatingin ako sa antique wall clock, it will be boring staying here so why not Eiffel?

Uminom ako at tumango "Ok"

"Really?"

Imbes na sagutin siya ay tumayo na ako at pumasok na sa kuwarto ko para maghanda. I took all my toiletries and towel. Pasak pasak ang headset sa tenga ko ay balewalang binuksan ko ang banyo para sana maligo nang mapansin ko ang dumadaloy na tubig sa tiled flooring. Dahan dahang tumaas ang paningin ko at nabato sa nakita ko.

.

.

.

"AAAHHHHHHHHHHHHHHH....."

"""

"Ang sakit" paulit ulit na inda ni Clyde habang tinutulak ang cart kasunod ko. Hindi ko pinapansin ang binibigay na tingin sa amin ng mga tao dahil busy pa akong pinapakalma ang sarili.

"Kung makareact parang siya ang nasilipan" bulong pa niya.

"Malay ko bang sira ang lock ng pintuan na iyon?!" minulagatan ko siya at akmang ibabato ang jar of jam na hawak ko. Mabilis na pinagkrus niya sa mukha niya ang dalawang kamay bilang depensa.

"Hep! Hep! Dalawa na ang bukol ko sa pagbato mo sa akin ng shampoo at body soap mo and I don't have any plans having three horns!" inis na nilagay ko nalamang ang hawak ko sa cart. Hindi nakakatulong ang kalokohan niya idagdag pa ang kanina pang mga tingin sa amin ng mga babaeng shoppers. Mga pilipino talaga, makakita lang ng gwapo parang gusto nang magparape!

"Kasi naman Wifey, you can always ask me if you want me hindi yung binibigla mo ako. I mean I'm your husband and you have all the rights to this wonderful body, I will gladly submit to you"

Napatigil siya nang bigla kong pinulupot ang mga kamay ko sa leeg niya at bahagyang tumingkayad. Nanlaki ang mga mata nung mga babaeng kaiikli ang damit, tsk sluts.

"Manahimik ka kung ayaw mong gawin kong sampo ang sungay mo. Dadaigin mo pa si satanas niyan" puno nang lambing na banta ko sa kanya at binalik ang atensyon sa pamimili. Ewan ko pero sawakas ay tumigil na rin siya.

Nang masatisfy ako sa kakadampot ng mga gusto ko ay iniwan ko na siyang nakapila sa may counter "pupunta na ako sa Appliance Center, Ill gonna get a finger print lock door" paalam ko.

Somehow, I found myself being well entertained by the sales men on the stated place which somehow annoyed me. Do I look like a freaking shoplifter?

"Ma'am ano po bang hinahanap niyo? This one is the latest delivered product po galing Japan" nakangiting inabot niya sa akin ang isang Coffee Maker which I took and scanned when a hand suddenly extended between me and the salesman.

Pareho kaming napatingin sa may ari ng kamay na iyon na nakangiti sa akin.

"I think this one is better, mas makapal ang salamin nito at hindi madaling mabasag kahit na sa highpressure, though sana hindi lang ito ang madaling mabasag dito" nawala ang mga ngiting tumingin sa namumutlang salesman.

"I think we don't need a Coffee Maker in the house, I prefer your handmade coffee my wife, kahit 3 in one pa nga eh" muling nakangiting bumaling siya muli sa akin at binalik sa shelf ang hawak kong Coffee Maker saka iniwan ang nasindak na salesman. Seriously? Bipolar ba ang taong ito? Una nakangiti tapos maya maya nananakot.

"Asan na ang mga groceries?" untag ko sa kanya na busying chinecheck ang mga nakadisplay na kagamitan.

"Si Carlo na ang pinapila ko doon, I thought you needed my assistance and I was right" was he referring to the one who drive for us? That quiet and stoic guy?

"I don't need you" tangi ko and he just smiled again. Kelan pa naging palangiti ang lalaking ito? Dati ay ayaw na ayaw niyang nagpapakita ng emosyon sa akin pero parang ibang iba ang Clyde na nasa harapan ko.

Napalitan kaya siya ng Alien?

"Will you stop smiling?! It creeps me out!" sita ko.

Parang wala siyang narinig at tinawag ang isa pang sales man.

"We'll be taking this Dishwasher, that AC, Washing Machine, Vacuum cleaner, Microwave, the Oven over there and can you suggest what is the best TV set between these two?" sunod sunod na utos niya at dahil abala siya ay umalis na muna ako at tinginan ang iba pang shelves na kinalagyan ng kitchen tablewares.

Tinitignan ko lamang ang mga nakadisplay nang maagaw ang atensyon ko, I took the two couple mugs on the upper shelf and remembered our old mugs. It's been so long the last time we used those.

"Do you like that Ma'am? Madami po ang bumibili niyan and last pair na po iyan" pagbibigay alam nung sales lady, napangiti ako. Well its design is so eye-catching and cute so it's no wonder.

Umiling ako at binalik ang dalawang mug "No"

Oras na matapos ang kasunduan namin ng lalaking iyon, matatambak lang ang mga ito at makakalimutan din lamang just like our old couple mugs. It will be thrown away so I think it's better being used by those real couples who truly loves each other, those who are not like us.

Ora oradang pinadeliver ni Clyde ang mga pinamili niyang appliances at dahil wala naman akong ginagawa ay tinulungan ko na siyang magtangal sa boxes nung ibang pinamili pagkauwi namin kasama ng driver niyang pipe.

"Carlo help me put this one on the kitchen" utos ni Clyde at magkatulong na binuhat ang oven.

Nakaupo naman ako sa sala kandong kandong si Puffy at binuksan ang huling maliit na kahon.

Anong laman nito?

Curious na binuksan ko ito at napamaang ng makitang nasa kamay ko muli ang isang pares na mug na hawak hawak ko sa Mall kanina.

"Bakit ito andito?" I asked out loud and a voice replied.

"Masyado nang luma itong mugs natin so I thought of buying new ones" Clyde answered me holding the two old mugs we used in the past.

I looked at the mugs he's holding, so he's going to throw those now that he has new ones? I felt a little bit pain in my heart.

Napakunot noo ako nang imbes na ilagay niya ang mga iyon sa basurahan ay inilapag niya sa glassed display cabinet sa sala.

"Are you not throwing that out?"

"Huh? Why would I do that?" tanong niya pabalik sa akin.

"There's so many memories these two old mugs hold. I think it is better treasuring them and with that mugs you have there we will be creating new memories again" he said and smiled at me.

Unti unting napatingin ako sa mug na hawak ko and without noticing it, I was already smilling too.

"""

I really enjoy replying to the comments last time hahaha. Comment lang kayo at nang may mapagkatuwaan tayo!