A business man who reads business weeks is lost to fame. One who reads Proust is marked for greatness.
-John Kenneth Galbraith
*************
"Tsuya Cyde"
That was the first time I heard her calling my name and I felt so lucky to be alive.
"I want you to know that even though I'm away, I'll always think of you Kuya. Don't forget about me ok?"
She stated on the day where I let her go with a smile even if it kills me being away from her.
"Marry me Kuya!"
That was the day where my life which has stopped for three years continued again...
"If ever that I would be marrying other man, I guess I would hesitate... But I am marrying you"
She answered when I asked her if she was hesitating to marry me and all my fear of making her mine vanished the moment I saw her breathtaking smile.
"With this ring, I give you my heart, I promise from this day and forward, you shall not walk alone, may my heart be your shelter, and my arms be your home. I will love you until eternity itself fades."
She promised me on the day of our wedding and I felt so much joy as I imagine the both of us spending our life together.
Living under one roof with her was all like a dream, waking up each day to see her smile was enough reason to continue on living, being able to love her with all I have was more than a perfect fairy tale.
Oh how I wished it lasted forever...
"N-No! this all just a dream! A nightmare! Kuya Clyde will never hurt me like this! The Kuya Clyde I know loves me!"
That was when my world was destroyed. My heart broke into thousands of pieces as I saw tears fall down from those beautiful blue eyes of hers as she looked at me painfully.
"Stop it!"
And that was the last time I ever heard her voice as she run away from me...
The man she loved and yet also the one who hurt her enough to drive her into a suicide...
*
*
*
*
Lahat ng tao ay napapahinto at napapatingin sa lalaking naglalakad, lalo na ang mga babaeng kinikilig sa panonood dito.Ang iba ay kusang nagbibigay daan para dito, and iba naman ay abot tenga ang ngiti pag nadadaaanan.
Nakasuot ito ng gray suit at salamin, may clean haircut na mas nakakadagdag ng appeal. Matikas ang katawan dahil sa madalas na pagwowork out nito, broad shoulders and slightly tan complexion. Angat na angat ang kakaibang kaguwapuhan nito. Hindi maikakaila nino man na napakaguwapo nito, kahit siguro magsuot ito ng damit pulubi ay sasambahin parin ito ng mga kababaihan.
"Good morning Sir"
"Good morning Sir"
Bati ng nakakarami dito na tinatanguan lamang nito. Lahat ng mga empleyado ay nirerespeto ang binata kahit na madalas ay napakaseryoso nito. Mapamay edad man o baguhan ay hindi mapigilang hindi mamangha sa angking galing at talino nito sa pamumuno sa sariling kompanya.
Kilala sa mundo ng negosyo ang lalaking binatang ito bilang isang magaling na youngest Business Tycoon ng henerasyon na ito. Lahat ng mga nakakatransaksyon nito ay nagsasabing isa niyang mahusay at responsableng negosyante.
"Ang guwapo guwapo talaga ni Sir!"
"Swerte natin at nakita natin siya today."
"Kelan kaya niya marerealize na ako ang destiny niya?"
Ilan lamang yan sa mga bulong bulungang maririnig sa paligid.
"Gaga! Kasal na raw si sir!" sita naman ng isa.
"Oo nga, di mo ba napapansin ang singsing sa kaliwang kamay niya?"
Napanguso naman ang ibang babaeng empleyado.
"Eh kahit kelan naman ay hindi pa natin nakikita ang asawa niya ah!" tangol ng iba.
"Yeah! Malay mo palusot lang yun ni Sir para makaiwas sa mga babae!" Segunda ng iba pang kasama.
"Well may point ka, mahigit apat na taon na ako dito nagtratrabaho at kahit kelan ay walang siyang dinalang babae simula nang pinalitan niya ang tatay niya bilang presidente"
"O-M-G! Hindi kaya tulad nga ng mga sinasabi ng iba... Paminta si Sir?!"
"Anong paminta?"
"You know, pamintang buo or pamintang durog!"
Mas lalong napakunot noo ang mga nakikinig, halatang mas nagulhan.
"Hindi ka namin maintindihan girl"
"Hay naku! I mean Vice Ganda! Viveng Gandang Hari! Vaklush! Vinavae! Vading! Ganern!"
Lahat sila ay napasinghap.
"Oh no! Wag naman sana! Sayang ang biyaya ni Lord!" Puno ng panghihinayang na saad nila habang pinapanuod ang kakadaang lalake sa kanila.
Samantala ay dirediretsyong nagpatuloy ang lalake sa paglalakad at pumasok sa isang malawak na silid sa pinaka mataas na palapag ng gusaling pagmamayari nito.
Pagbukas niya ng pintuan ay agad siyang napabuntong hininga.
"It's so early in the morning and there you go again Sir" saad ng isang babaeng seryoso ang mukha.
Maayos na nakapusod ang buhok, nakasuot ng balot na balot ngunit presentableng damit at may salamin. Nakatayo ito sa tapat ng lamesang puno ng mga nakatambak paper works.
"Good morning too Lovely Ana" nakakalokong nginitian ito.
Nagpangap na walang narinig ang babae at emotionless na lumapit sa amo.
"Here are the reports that the Marketing Department sent." Aniya at binigay ang isang folder. Kinuha naman ito ng nasabing amo at ini-scan ang laman habang niluluwagan ang necktie na laging kinaiiretahan.
"You also have the Board Meeting this afternoon, at 4 o'clock sharp" paalala nito habang binabasa ang maliit na notebook.
"And Sir" at seryosong tiningnan ang amo. "Miss Chan kept on calling you since yesterday"
"It's Clyde, Ana." Sawakas ay nagsalita rin ang binata at umupo sa swivel chair niya.
"You've been working for me for five years and it's just the two of us here, stop addressing me in such a cold manner"
Tinangal ng babae ang suot nitong salamin.
"Ok Clyde. Please lang, nagmamakaawa na ako sayo. Halos mabingi na ako sa kakaring ng telepono dahil kay Miss Chan. Kung pwede lang ay putulin ko na ang linya ng Pldt e gagawin ko na!" freak out na bulalas ni Ana at nawala ang seryosong aura nito.
Natawa naman ang binata sa nakikitang iritasyon sa mukha empleyadang daig pa ang Ice Queen sa pagiging malamig at walang emosyon.
"Wag mo nalang pansinin yon"
"Madaling sabihin" naiinis na sabi ni Ana at nagtungo sa coffee table at naghanda ng kape.
"Oo nga pala. Kalat na sa Finance Department ang chismis na paminta ka raw" dagdag nito at napasimangot ang amo.
Simula Highschool at College sinasabihan na itong isang bading, hangang ngayon ba naman na successful na siya ay hindi parin nilulubayan ng mga ganitong chismis ang buhay niya!
"Ano bang bago doon? Pasalamat sila at magagaling sila sa trabaho nila kaya hindi ko sila maidispatsya eh"
Naglakad ang sekretarya at inabot ang tasa ng kape sa binata "Bakit kasi hindi ka na lang maghanap ng nobya. In that way, hindi ka na pagkakamalang bakla, hindi ka narin kukulitin ni Miss Chan at matatahimik na ako sa buhay ko. Everybody happy!"
"Bat hindi nalang ikaw ang maghanap ng nobyo? In that way, magkakakulay naman ang boring mong buhay" pangagaya niya.
Tumalikod naman ang babae "No thanks, allergic ako sa lalaki. Sayo lang ako immune"
"Patay. Basted nanaman pala si Willam" pangaalaska niya patungkol sa matalik niyang kaibigan.
"Huh, pasalamat siya at kaibigan siya ng amo ko kundi matagal ko na siyang pinadeport pabalik sa China" naiinis na aniya ni Ana at inaayos ang sariling lamesa.
"Yeah, matagal ko na ngang pinlano yan" sakay ng binata at pinaikot ang swivel chair paharap sa glass wall.
Mula roon ay matatanaw ang halos buong kabuuwan ng Manila. Parang mga langam kung tingnan ang mga sasakyan sa ibaba. Malinaw na malinaw ang pagpatak ng ulan sa labas at nanatili ang tingin niya na tila may inaalala.
Natigil ang sekretarya niya sa ginagawa at napatingin sa amo. Kitang kita ang lungkot sa mga mata ng binata habang pinagmamasdan ang ulan.
Naputol ang pagititig nito sa labas ng glass wall ng biglang may kumatok sa pintuan. Agad sinuot ng babae ang kanyang salamin at tumingin sa amo.
"I guess it's the start of the day" saad ni Clyde at inikot pabalik ang upuan saka inayos muli ang necktie.
Clyde's POV
"Ok that's all, meeting adjurn." Pahayag ko at nauna nang umalis papalabass ng meeting room kasama ng Secretary ko.
"That's everything for today Sir." Sabi ni Ana habang dala dala ang folder niya.
"That's perfect. I'll meet Willam at the bar tonight. Nagbabakasakali siya na baka gusto mong samaahan kami" and to my expense, my stoic secretary just rolled her eyes.
Pagkapasok sa office ko ay nagtungo siya sa designated desk sa sulok ng malawak kong office at inayos ang gamit.
"No thanks Clyde. May date ako" sagot niya.
"Sino? Ang mga multo sa apartment mo?" joke ko at umupo sa lamesa ko.
"Yeah si Casper at Mourning Mertle" she retorted at napangisi ako.
"Clyde, naisend ko na sa E-mail mo ang secretary list, mamili ka nalang doon ng papalit sa akin" paalala niya.
"Please don't do this to me my Lovely Ana, wag mo kong iwan" pagdradrama ko and for the second time, she just rolled her eyes again hearing my monologue.
"I'll just be having my one-month vacation Clyde. Diba matagal na natin itong napagusapan? At saka hindi ka pa ba nagsasawa sa mukha ko? Limang taon na akong nagtratrabaho sayo. Nagtataka nga ako bakit hindi mo pa ako sinesesante e" Nakapamaywang na litanya ni Ana.
"Hughh... para ka kasing napkin ko. I feel safe with you" joke ko at sawakas ay napangiti narin siya.
Madalas ay binibilang ko talaga kung ilang beses ngumingiti sa isang araw ang sekretarya kong ito at ngayong araw ay ito ang unang beses siyang ngumiti.
"Don't worry, ako mismo ang nagcheck ng background ng mga yan at wala pa naman silang case ng attempted rape, you're safe" at kumindat pa siya.
Mas napasimangot ako. Buo na talaga ang desisyon niya at kahit na ako ang Boss sa kompanyang ito ay wala akong magagawa.
"Ok, pagmay masamang nangyari sa puri ko ay ipapahouse arrest kita kasama ni Willam" banta ko.
"No, magsusuicide nalang ako" kipit balikat na sagot niya at tumayo na.
"Don't drink too hard Clyde. Baka madisgrasya ka sa pagmamaneho at tambak pa ang schedule mo bukas, wala akong planong saluhin ang mga iyon" bilin niya at naglakad na papunta sa pintuan. Napakasweet at caring talaga ng Secretarya ko no?
"Good bye Sir" paalam niya at tumango na lamang ako.
Sa totoo lang ay hindi maintindihan ng nakakarami kung bakit kinuha ko si Ana bilang sekretarya ko. Madami ang nagsasabing hindi bagay ang itsura niya pag sabay kaming naglalakad, lagi din daw itong masungit at walang imik. Mas Boss pa nga raw itong magsalita kesa sa akin. Pero hindi ko nalang pinapansin ang mga ganitong komento patungkol sa sekretarya ko.
Lovely Ana Montero, she's probably the only one in this Company na hindi nagkagusto o magkakagusto sa akin kahit kelan. I was in hitch the time na pinasa sa akin ni Dad ang kompanya dahil sa plano nila ni Mom na mag around the world tour.
Parang isang normal na papel lang na basta basta ibinigay sa akin ni Dad ang mga papeles ng lahat lahat ng ari arian nila ni Mom. I was only 22 years old noon at kababalik ko lang mula sa America pagkatapos kong makuha ang degree ko. Dahil masyado pa daw akong bata ay walang bilib sa akin ang mga empleyado at board members nang mga panahon na iyon.
I needed someone who can be flexible at versatile with me. Natrauma pa ako noon dahil sa una kong secretary. The nerve of that woman, first day palang niya sa trabaho ay inakit agad ako at nagalok pa ng "service". Agad kong sinesante yun at ako mismo ang naghanap ng bagong kapalit.
Papunta na ako sa kompanya ng makabunguan ko si Ana, pinulot ko yung nahulog niyang folder at nabasa ko ang resume niya. Tandang tanda ko pa ang itsura niya that day. Violet Floral longsleeve na pinatungan ng kupas na pink coat at hangang tuhod na plada. Magulo ang buhok at may makapal na salamin. She looked like someone who will go to a comedy show than to a job interview.
I asked her what does she think of me and she looked at me with those eyes full of dislike and answered:
"You're a guy?"
I smiled hearing her answer and told her she's hired.
At first ay inayawan niya ako telling me that she's allergic to guys at dahil doon ay mas nagustuhan ko pa siya. But since kailangan niya talaga ng trabaho ay nakuha ko din siya!
And from employee to employer relationship ay naging kaibigan ko na siya sa tagal ng pagtratrabaho niya sa akin.
She's so focused on her works at walang oras sa ibang bagay kahit pati sa sarili niya kaya laking gulat ko nang nagpaalam siya na magbabakasyon daw siya.
Napatingin na ako sa orasan ko at tumayo na. Lumabas na ako ng office ko. Lahat ng madadaanan kong mga pauwing empleyado ay binabati ako. Pagdating ko sa parking lot ay agad akong pumasok sa loob ng aking kumikinang Lamaborgini Veron. Tinangal ko ang salamin ko at ang necktie saka agad pinaandar ang kotse ko.
Pagpunta ko sa paboritong Bar ni Willam ay agad ko siyang nakita sa counter at may kausap na babae. I silently rolled my eyes. Naglalakad ako papalapit sa siraulong chinito nang biglang may umangkla sa kamay ko.
"Hi there handsome." Bati sa akin ng isang babaeng nakasuot ng skimpy bloody red dress at halos lumuwa na ang kanyang dibdib at tinernohan ng napakataas na stilettoes. Para siyang napasubsob sa spasol sa kapal ng make up niya.
"Wanna join me? I'll make sure you'll never get bored" nangaakit na dagdag niya.
And because I am gentleman, I just smiled and raised my left hand, enough to show my glittering blue diamond ring.
"I'm married" magalang na sagot ko at mabilis na nahulas ang kanyang ngiti na parang naconscious.
"T-Too bad... I guess" awkward na sabi nung babae at umalis na. Hindi na bago sa akin ang mga ganitong pangyayari. Saka walang sino man ang makakatapat sa pagkadesperada ni Elizabeth pagdating sa akin.
"Ohhh! The sure-kill-attack! No one can defeat that one" nakangting saad ni Willam habang naglalakad papalapit sa akin at inabot ang isang brandy glass.
Walang pinagbago si Willam for the past years. Well, gumwapo siya oo. Hinding hindi mawawala ang aura ng isang mayamang happy-go-lucky sa pustura niya. Parehas parin ang pangaalaska niya sa akin at pangbwibwiset. Kahit na sa Harvard ako nagaaral ng ilang taon ay nanatili ang pagakakaibigan naming, minsan nga ay nagbabakasyon pa siya sa America para makatakas sa mga responsibilidad niya at madalaw ako.
Who would thought that this guy is now the newly appointed Hospital President of the most modernized hospital in the country?
After niyang matapos ang kurso naming Business Administration ay nagaral siya ulit para matupad ang matagal niyang pangarap na maging Doctor and now ay siya ang nagtake over ng lahat ng branches ng kanilang family hospitals sa buong Pilipinas and he's still in the process of expanding it.
Sumilip siya sa likod ko at sumimangot "Where's my Lovely Ana?"
I took a sip from my glass and smiled at him. "She has a date with Casper and Mourning Mertle" sagot ko.
"Last time ang sabi niya ay dadalawin daw siya ng pusa niya" nakakunot ang noong sabi niya at inakbayan ako.
"Samahan mo ako brad! Sobrang sakit ng mga paraan ng pambabasted niya sa akin!" sigaw niya at inakay ako sa counter at umupo sa tabi niya.
"One martini please" order ko.
"Ang babaeng yon! Wala na ngang puso, wala pang balunbalunan!" pagapatuloy parin niya sa drama miya.
Napabuntong hininga ako. Talagang tinamaan ang chinitong ito sa secretary ko.
At sa totoo lang ay nagulat ako, kasi kahit gaano ka playboy at kalandi ang lalaking ito ay ngayon ko lang siya nakitang nainlove ng ganito. Hindi ko din maintindihan kung ano ang nagustuhan niya kay Ana. They're totally opposite!
"Kumusta nga pala ang pinakamamahal kong Ana?"
"She'll be having her vacation in Nueva Viscaya."
"Oh talaga? Bago to, humingi ng vacation leave ang robot na babeng iyon, siguro kailangan din niyang magpareboot sa factory na pinangalingan niya but why so sudden?" Gulat na tanong niya.
"Sa pagkakaalam ko ay haharapin niya yung lalaking pinagkakasundo sa kanya ng mga magulang niya."
Pagkarinig niya sa sinabi ko ay agad niyang naibuga ng wala sa oras ang ininom niya.
"What!" sigaw niya at nilabas ang cellphone niya.
"Hello Doctor Cruz! Ikaw na muna ang bahala diyan sa ospital! Pupunta akong Nueva Visca-" bilin niya.
"It was just a joke" putol ko.
"What?!" natigil siya sa pagbibilin niya at pinandilatan ako. Nakangiwing binalik niya ang atensyon sa hawak hawak niyang phone.
"H-Hello... I-I'm sorry Doc Cruz, never mind sige pasensya na sa abala, enjoy your evening" malambing na paalam niya at pinatay niya ang tawag
"Brad naman! Napahiya tuloy ako sa Vice President ng hospital!
"Masyado ka kasing OA!"
"Malamang! It's my Lovely Ana whom we're talking about here!"
Wala sa sariling napabuntong hininga ako.
"There are so many girls out there, someone who would gladly be your girl, ba't siya pa ang pinipilit mo?" tanong ko and I suddenly saw sadness in his eyes.
"Cause she's the only one I yearn for from the very beginning..."
"Willa-"
"Musta nga pala ang negosyo mo?" Mabilis na pangiiba niya sa usapan. Napailing ako at sinakyan na lang ang trip niya.
"Ayos lang, tumaas ang rating sa Stock Market. Nakapag-arrange narin ako ng meeting sa CEO ng Atlanta Oil company sa Italy. I hope na maconvince ko siya into investing in the company. Malaki ang maitutulong non sa Fuentabella Financial Group"
"Grabe ang pagpapayaman mo brad! Di ko mabilang ang mga mansion, condo units, at villas mo sa ibat ibang panig ng pilipinas. You have Ferrari. Rolls Royce, Lamborghini, Ducati, three yatches, two private Planes and a Chopper that costs billions! Ang multi billion company mo hindi pa kasama ang mga investments mo sa iba pang negosyo!" saad ni Willam.
"Yung totoo? Kanino mo ipapamana ang mga yan? Saan ka nakakita sa panahon ngayon na 26 years old na lalaki ay virgin parin? Umamin ka nga? Ni first kiss ay wala ka pa nga ata!"
"Shut up Willam. Anong gagawin ko sa yaman ko, hintaying iporkbarrel ni Napoles? Mas maganda ng nakikita ko ang mga pinaghirapan ko" pagtatangol ko sa sarili ko. I have this hobby of collecting vehicles like some kid who keeps on buying car toys for his collection.
"Ang akin lang naman ay nagaalala ako sayo brad I am a doctor afterall, mamaya magka prostate cancer ka! Alam mo ba nayan ay makukuha mo pag hindi mo pinapasaya ang BESTFRIEND mo?" bulalas niya at mabilis na binatukan ko siya.
"Gago! Atleast prostate cancer lang sa akin. E ikaw? Baka lahat ng Stds ay nakuha mo na!"
"Hey it's not about me ok? It's about you. Ni hindi mo man lang ako pasalamatan sa pagaalala ko sayo!" diin ni Willam.
"Anong gusto mo? Maappreciate ko ang concern mo sa sex life ko?" singhal ko at natawa nalang siya.
"Clyde, my friend" simula niya at inakbayan ako.
"There is nothing wrong smelling the fresh flowers around us, with your looks and background, there is no sane woman who will decline your invitation"
Nandidiring lumayo ako sa kanya "nakakadriri ka talaga"
Bigla niya akong inabutan ng sigarilyo "chill lang brad!" nakangising sabi niya pero tiningnan ko lang siya ng masama.
"I don't smoke anymore"
I reminded him that made him laughed "napakamasunurin mo talaga brad! Ilang taon na bang tumigil ka sa bisyo natin? Bilib nga ako sayo at nakakayanan mo"
"It's almost nine years..." malungkot na sabi ko at napatingin sa singsing ko.
"Nine years... Ang tagal na rin pala..." at pareho kaming natahimik.
"I bet she turned into a beautiful woman" comment ni Willam pagkatapos ng ilang sandal.
"She's always been beautiful Willam, from the inside to outside, she's always been the most beautiful girl in my eyes"
"I know brad"
Nilagok ko ang alak sa aking kopita at napapikit.
Aanhin ko ang limpaklimpak na salapi at mga yaman ko kung pagdating sa gabi ay magisa ako sa malawak at malaki kong kama?
Hindi mabibili ang salapi ang nagiisang kaligayahan ko.
Kung kinakailangang magbayad ako ng milyon para lang makakasama ko siya, kahit bilyon ay handa akong ibigay.
But... It's just a useless and pathetic dream of mine.
""""
What do you think of the first chapter? I hope it's enought to set your mood as you read this!
Like it ? Add to library!