webnovel
#ADVENTURE
#ROMANCE

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Zu wenig Bewertungen
303 Chs
#ADVENTURE
#ROMANCE

Chapter 34: Crashed

"Babe, gusto mong tawagan ko nalang kuya mo?. Sunduin ka nalang dito.." pilit ni Jaden. Baka raw kasi maaksidente ako.

I laughed at his remarks. "Ang oa mo babe. Malapit lang naman bahay namin eh.."

"Kahit na...." nag-aalala na ang kanyang mukha.

Hinawakan ko ang kamay nya. I look straight into his expressive eyes. "Wala ka bang tiwala sakin?.."

"May tiwala ako sa'yo babe.. pero sa ibang tao.. wala.." umiling pa sya.

Alam ko naman yun eh. Same lang tayo. Mahirap magtiwala sa iba.

I then, nodded and promise him to drive safely. He didn't answer me. He just kissed me tenderly. I blushed when our lips met. Para akong dahon na sinilaban. Unti unting kumalat saking katawan ang apoy na galing sa aming mga labi. Mabuti nalang at sya na rin ang bumitaw. Nakalanghap muli ako ng hangin. Nang, medyo nahimasmasan. Nagpaalam na ako para hindi na nya makita pa ang pamumula pa rin ng aking mukha. Damn!.. Yung labi nya!. Parang pagkain. Kung pwede lang ayoko nang tigilan pa. Suskupo Bamby!.. Umayos ka nga!..

Agad kong pinaharurot ang sasakyan palayo sa kanya. I saw him standing still with hands on his waist. His forehead creased while watching me. I saw it all on the side mirror.

Noong nakalabas na ako sa barangay nila. I slowed down. Kasabay noon ay ang pagtunog rin ng cellphone ko.

"Yes babe?.. Miss mo agad ako?.." I teased. Muli na namang nag-init ang aking pisngi dahil naalala ko ang labi nya. Damn it!.

He sighed heavily.

"You're too fast. Slow down baby.. You're making me crazy here.." Yun ang salubong nya sakin. Hindi sinasagot ang sinabi ko kanina.

Gosh!.. Baby?!..

Nag-alala siguro sya nang makita kung paano ko pinatakbo ng mabilis ang sasakyan. Ginawa ko lang naman yun para agad akong makalabas sa kanilang barangay at para na rin pakalmahin ang sarili sa halikan namin. Gosh!... Tsaka para di ako matraffic sa lansangan. Noong nasa main road naman na ako. Mabagal na ang patakbo ko. Kasing kupad ng pagong.

"I already slowed down babe.." himig ko habang kagat ang labi. Hindi ako makapaniwalang naghalikan kami kanina lang. Feeling ko, lumilipd ako ngayon dahil sa tuwa at kilig na dulot ng mainit nyang halik. Damn!!. I can't get enough. Dumagdag pa ang bansag nyang baby. Suskupo!.. Like I'm gonna die!..

"Are you sure?.." Hindi pa sya nakuntento. Hiningi ang speed ng takbo ng sasakyan ko. I told him na sobrang bagal ko na. Ang sabi pa rin nya. Bagalan ko pa. Suskupo!.. Anong oras ako makakarating sa bahay kung babagalan ko ng todo?..

Para maniwala sya. I took a photo of the meter tank. Sinend ko sa kanya habang ang isang kamay ay nagdadrive.

"Naniniwala ka na?.." I called him again.

"Hmmm..." mukhang ayaw pa rin maniwala. Haiyst!..

"Bat ayaw mong maniwala?.."

"Naniniwala ako.." He paused. "It's just that, I'm too nervous. Knowing you.. are not still at your home.."

"Malapit na ako.." nakangisi kong sagot. "You're too worried baby. Relax okay?.." lumilinga ako sa mga sasakyang dumaraan.

"I want you home safely.." he insisted.

Paliko na ako sa intercession papunta sa aming subdivision nang may pick up na bumagsak. Nabasag at nagkalat ang laman nitong mga bote ng softdrinks. Lumaki ang mata ko.

"I am ba--..bogggshhh.. cssrsshhssh!..." tunog na ito nang isang pick up na paparating. Nakatagilid na ito at papunta na sa aking gawi. Nataranta ako at natakot. Damn!. Katapusan ko na ba?.. "Jaden!.." I called his name. Narinig ko pa ang boses nyang tinatawag ako. Nahimigan ko rin ang pagkabalisa nya. Tinatanong kung anong nangyari. I opened my mouth to even say some words but I have no strength to speak. Gulong gulo ang aking isip. Gusto kong patakbuhin ng mabilis ang sasakyan upang iwasan ito pero huli na. Tumama ito sa right side ng sasakyan at tiinulak hanggang sa punong mangga na kung saan sa left side ako nakaupo. At talagang tatama sa katawan nang punong mangga..

And there, "Bamby!. Shit!.. may nangyari?. Ayos ka lang?. Babe, answer me?.." dinig ko pang boses ni Jaden.

Sinubukan kong magsalita pero wala akong lakas. At... biglang nagdilim na ang aking paningin.