webnovel

Ang Crush ng Crush Ko

Autor: Dmissusj
Teen
Abgeschlossen · 28.8K Ansichten
  • 10 Kaps
    Inhalt
  • Bewertungen
  • N/A
    UNTERSTÜTZEN
Zusammenfassung

Simple lang si Katie. Lumaki sa simpleng pamilya. Humanga sa isang simpleng tao. Pero crush kaya sya ng crush nya? At kung hindi, sino kaya Ang Crush Ng Crush nya? Lesson: Never expect. Never assume. Never demand. Less expectations, Less disappointments. If it's meant to be, crush will always find a way. Read. Like. Comment. Follow

Tags
3 tags
Chapter 1Klase ng Crush

Lahat tayo may crush, hinahangaan, pinupuri o gusto.

Yung taong kapag nandyan, kinikilig ka.

Kapag kinakausap ka nya, kinakabahan o pinagpapawisan ka pa.

Excited ka pumasok kasi alam mong makikita mo sya.

Kapag iniisip mo sya, napapangiti ka nalang bigla.

Kabisado mo lahat sa kanya. Kaibigan nya, schedule nya, section nya.

Likod nya palang, alam mo kung sya na.

Ultimong bag nya nga, alam mo yung tatak at itsura.

Makita mo lang sya, ang saya saya mo na. Yung parang kumpleto na agad yung araw mo.

Kapag may nakita kang kasama nyang babae, kulang nalang kulamin mo yung tao dahil lahat ng mali sa kanya sinasabi mo.

O kapag may girlfriend na sya, lahat na ng pwedeng gawin, ginawa mo na. Kahit ipagdasal pa na sana magkahiwalay sila.

Tapos ang pinakamadalas mong iniisip, sana ikaw nalang yung gusto nya.

Sana ikaw rin, crush nya.

O kaya, sana ikaw nalang yung girlfriend nya at walang sila.

May dalawang klase ng crush sa mundo.

Una,

Crush Ka Ng Crush mo.

Dito magkakaroon ka ng love story kasama sya at kayo ang bida.

Parang Cinderella na pahihirapan at gagawing utusan ng Evil Stepsisters at Evil Stepmother. Yung ililigtas ka ng Fairygod Mother at isasayaw ka ng Prince Charming mo.

Parang Snow White na ipapapatay ng Reyna kasi mas maganda ka sa kanya. Yung titira ka kasama ng Seven Dwarfs. Yung pakakainin ka ng apple at mamamatay. Tapos hahalikan lang ng Prinsipe para ikaw ay mabuhay.

Parang Sleeping Beauty na anak ng Hari at Reyna. Isusumpa ka ng Evil Witch dahil hindi lang sya inimbita sa pagsasalo nyo. Tapos pag 18 ka na, ipapahawak ka sa karayom at makakatulog ka na habang buhay. Pero darating si Prince para halikan at magising ka na.

O kaya naman, Little Mermaid na gusto mo lang naman maging tao. Tinulungan ka nga ng masamang pusit na si Ursula, gusto nya lang pala magreyna sa karagatan. Kaya tinulungan ka ng isang Prinsipe na nainlove sa boses mo para matalo sya.

Lahat ng fairytales na yun, hahadlangan sa una pero sa dulo, kayo at kayo parin ng taong mahal mo ang magkakatuluyan.

Yung may forever. Yung magtatapos sa happily ever after.

Pangalawa,

Hindi Ka Crush Ng Crush Mo.

Ito yung pinakamasaklap sa lahat. Hindi ka nya gusto. Extra ka lang. At higit sa lahat, ikaw pala ang kontrabida sa love story nila.

Ikaw si Stepmother ni Cinderella. O kaya ikaw yung isa sa Evil Stepsisters nya. Si Anastasia o kaya si Drizella. Mamili ka nalang sa dalawa.

Ikaw yung Reyna na nagbigay ng apple kay Snow White para mamatay sya.

O kaya yung Evil Witch na balak patulugin si Sleeping Beauty habang buhay.

O baka si Ursula na gusto lang maghari sa karagatan.

Ang sakit diba kapag hindi ikaw yung bida ng storya? Minsan kasi storya ng iba yun, extra ka lang pala. Pampagulo kumbaga.

Dun sa mga love story na yun, mahal nila ang isa't isa. Nainlove sila.

Pero may nakalimutan ka.

Hindi porket mahal nyo ang isa't isa, kayo na habang buhay.

Sabi nga sa quote diba,

Some people are meant to fall in love with each other but not meant to be together.

Kaya sila nagkatuluyan kasi para sila sa isa't isa. Maswerte lang sila kasi yung taong nakilala nila, yun na agad ang taong para sa kanila.

Tama naman diba? Hindi mo sya agad agad nakikita. Minsan sa iba tayo nakatingin. Minsan iba ang iniisip natin. Minsan iba yung nasa puso natin ngayon at nasa puso natin bukas.

Pero kapag nahanap mo na yung taong para sayo, kahit anong mangyari, umulan man o bumagyo, kahit ilan pang tao ang dumating sa buhay mo, akitin ka man nila o agawin, sya at sya lang ang taong nilalaman ng puso mo. Proven and tested na yan sa mga taong tumanda at namatay ng magkasama.

Crush ko sya.

Mahal ko na nga yata sya.

Kaya habang maaga pa, gusto kong malaman kung sino Ang Crush Ng Crush Ko.

- Katie

***

Das könnte Ihnen auch gefallen

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
4.7
303 Chs

TELL ME YOUR NAME (Filipino)

A Story of Choice Imagine finding yourself at the crossroads of fate, torn between two paths. One leads to the person you love deeply—someone who has captured your heart and soul. The other path leads to the person who loves you more than anything, someone who would do anything to make you happy. What will you do if fate forces you to choose? Will you follow your heart, or will you choose the person who treasures you most? It's a story of choice, where love and loyalty collide, and no decision comes without sacrifice. A Story of Drama Trust is a fragile thing. What if the person you trusted with your life, turned out to be the one who wanted to end it? Betrayal cuts deep, and when it comes from someone you never expected, it shatters your world. What will you do when the mask comes off, and the truth is revealed? Will you confront them, or will fear keep you silent? This is a story of drama, where trust is broken, and survival depends on your next move. A Story of Action Learning to fight is one thing, but fighting for love is a battle of a different kind. When the world around you is in chaos, and your heart is caught in the storm, will you have the strength to hold on to love? Or will the struggles and dangers force you to let go? In this story of action, love is put to the ultimate test. The fight isn't just against the enemies outside—it's also against the doubts within. A Story of Love At the heart of it all, this is a story of love. Love in all its forms—complicated, beautiful, painful, and true. It's about the choices we make, the trust we give, the battles we fight, and the love we hold on to, no matter the cost. In the end, it's love that defines us and drives us, even when fate, betrayal, and danger stand in our way. Please enjoy reading!

MissKc_21 · Teen
Zu wenig Bewertungen
127 Chs

Bewertungen

  • Gesamtbewertung
  • Qualität des Schreibens
  • Aktualisierungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund
Rezensionen
Beeindruckend! Sie wären der erste Rezensent, wenn Sie Ihre Rezensionen jetzt hinterlassen!

UNTERSTÜTZEN