webnovel

Liham

Sapul sa pagkabata lagi na lamang kita natatagpuan sa isang maliit na kwadradong semento, bumubulong sayo ng mga bagay-bagay na nangyayari sa amin araw-araw. Kinakamusta ka kung ano na ba ang kalagayan mo diyan? Sana naman di kana nagkakasakit diyan at sana di ka pinapabayaan ni Ama. Madalas ay naiinggit sa mga bata na katulad kong nakakapagsumbong sa kanilang tatay sa tuwing sila ay mayroong kaaway sa eskwela, madalas nga lagi ako ang nakikipag-away , wala ka naman kase para ipagtanggol ako. Parati akong honor student tatay tuwing sasapit ang marso at si Paput parati ang nagsasabit ng medalya sa akin. Nangibang bansa si nanay upang makahanap ng magandang trabaho para sa kinabukasan namin anim na magkakapatid. Nagloko sa pag-aaral si ate , dalawang taon siya sa kursong civil engineering at dalawang taon din sa kursong Information and Technology parehas yon ay hindi niya natapos naging tibo siya ,yung unica ija mo sumablay. Si Kuya Kid ,yung pinakamatanda mong lalaki nakapagtapos siya sa kursong Business Administration . Si Kuya Pakne naman nakapagtapos ng Marine Engineering pero sa kasamaang palad naaksidente siya dahilan para maoperahan ang kanyang kaliwang binti .Si Kuya Ninoy naman po naging babaero at ayaw mag-aral , naligaw ng landas subalit pilipit bumalik sa tamang landasin .Si Eton yung bunso eto inaalagaan ko maraming alam na kalokohan pero parehas na po kaming binata ngayon .Ako pinipilit na masuklian ang lahat ng hirap na isinakripisyo ng babaeng pinakasalan mo .Gustong gusto kong makapagtapos ng pag-aaral itay upang maging masaya si Nanay at baka sakaling diyan sa itaas ay may ngiti sa iyong mga labi. Kung sa panaginip na lang kita makakasama maaari bang pahabain pa ang dilim upang tumagal pa ang pagsasama natin sapagkat kulang na kulang ang panahon na ibinigay ng maykapal para makasama ka namin. At iyan ang aking ibig ipabatid sa iyo.