webnovel

[1]

MATITINIS NA HAGIKHIKAN ng dalawang bata ang maririnig mula sa loob ng isang bodega.Tinig iyon ng isang batang babae at isang batang Lalaki.

"Mababagoong na naman sina Mario sa kahahanap sa atin," nakangising saad ni Gabi,pitong taong gulang,habang pasilip-silip sa maliliit na butas ng bodega.

"Oo nga.tingnan mo,hayun siya,kung saan tayo hinahanap,humahagikhik na susog ni Luna na anim na taong gulang naman.kahit madungis ang mukha at katawan babae dahil sa alikabok na nakuha nila sa pagtatago sa bodega,mababakas parin ang kakaiba niyang ganda.

Ang batang Lalaki naman ,kahit marumi rin ang mukha ay mababakas ang pagiging guwapito.

Matagal sila sa ganoong ayos.pasilip-silip sa mga butas ng dingding,manaka-naka'y nag hahagikhikan..

"

Halika na,baka hindi na makipaglaro sa atin ng taguan sina Mario dahil mababagoong naman sila",Yaya ni Luna.

"Shh! Mamaya na,hayaan mo silang mag hanap."

"Malapit nang gumabi,hahanapin na ako ni Mommy." Luminga-linga siya sa paligid.Mapusyaw na liwanag na ang pumapasok sa loob ng bodega.

"Hindi,ako'ng bahala.Sasabihin ko kay Ninang na ako ang kasama mo.Hindi ka papagalitan n'on,"mayabang na sabi ni Gabi.

Tumahimik si Luna.Mayamaya ay muling pinagmasdan ang paligid.talagang papadilim na,at ang bodega ito ay kinakatakutan ng mga nali dahil may multo raw.

Si gabi nga lamang ang malakas ang loob na pumasok dito,at isasama siya. Kahit takot siya sa multo,lunalakas ang kanyang loob dahil kasama niya ito.

"Gabi,halika na Dumidilim na,baka lumabas na ang mga mumo dito"Tinantang niya ang kamay nito.

"Shh!Huwag kasabing maingay,ako'ng bahala sa mga mumo.susuntukin ko sila kapag lumapit sa atin."tugon nito,abalang-abala parin sa pagsilip sa butas ng dingding.                                     

Talagang natatakot na siya,kaya nagsumiksik siya sa tabi ni Gabi.

"Umalis ma sila, tiyak na bukas ay aawayin tayo nina Mario. Halika na, umuwi na tayo."Hinila ni Gabi si Luna palabas ng bodega.

Sumunod naman siya sa kalaro Dahan-dahan silang lumabas sa bodega Sumalubong sa kanila ang malamig na hangin ng dapit-hapon.

"Ang Daya,nagkukulong sila sa loob ng bodega! salubong sa kanila ni Mario at ng ilang batang kalaro rin nila.

Nagulat sina Gabi at Luna Hindi nila akalaing nagtatago lang sa labas ang kanilang mga kalaro.

"Ang Daya ninyo,binabagoong ninyo kami ang ang ginagawa ninyo sa loob,ha?"nanunuksong tanong ng mga kalaro.

"Ah,alam ko na...Uy!Love mo si Gabi,ha?"sabi ni Carl kay Luna.

"Siguro,naglaro kayo ng bahay-bahayan sa loob,ano"sambat naman ni Alex.

"Uy!ligaw niya si Gabi"pang-aasar pa ni Neneth.

"Hindi naman, eh!Nag tatago lang kami sa loob dahil gusto naming mabagoong si Mario"pagtatanggol ni Luna.pero ang totoo,gusto na niyang maglupasay sa iyak dahil pikon na pikon na siya.

"Oo nga.Nagtatago lang kami sa loob dahil alam naming Hindi ninyo kayang pumasok doon dahil takot kayosa mumo!"Sabat ni Gabi,walang bakas ng pagkapikon sa mukha nito.

"Nako!Hindi kami naniniwala."pang-aasar ni Carl ni sa dalawa.

"Oo nga talagang ligaw ninyo ninyo ang isat-isa,"patuloy na panunukso ni Merio,inis na inis dahil nabagoong sa pagiging Taya.

"HINDI naman,eh Ang sasalbahe ninyo!'Hindi na napigilan ni Luna ang mapaiyak.Nagtatakbo siyang pauwi at iniwan ang mga kalaro

"Luna!"tawag ni Gabi.pakuwa'y galit na hinarap ang mga kalaro. "Nakita n'yo na,pinaiyak ninyo si Luna."

"Luna,nariyan si Gabi sa labas.may usapan daw kayong mamimitas ng bayabas," Sabi ni aling Maria nang pumasok sa loob ng kuwarto ni Luna.kasalukaluyang naglalaro ng manika ang bata.

"Ayokong sumama sa kanya,galit ko na siya,"nanunulis ang ngusong saad ni Luna.

"Bakit?may kasalanan ba sa iyo si Gabi?"takang-ta si aling Maria.

"Basta po, ayoko ko ng sumama kay Gabi."

Kahit ano pang pamimilit ni Aling Maria ay hindi ito napa sunod si Luna na lumabas ng silid at sumama kay Gabi.

Buhat sa maliit na bintana ng kanyang silid ay natanaw pa niya ang papalayong si Gabi.

Palingun-lingon ito sa bahay nila,na tila hinihintay na dumungaw siya.

Nakakaawa ang hitsura nito.Naka-cap na naka baligtad,nakasuksok sa likurang bulsa ang tirador,bahagyang nakasibi habang papalayo