webnovel

Kiss Of The Rain

Autor: MissLuzy
Urban
Laufend · 859 Ansichten
  • 7 Kaps
    Inhalt
  • Bewertungen
  • N/A
    UNTERSTÜTZEN
Zusammenfassung

Mula sa masakit na karanasan sa unang pag-ibig, tatlong taon ang lumipas nang mapagpasyahan ni Celestine na ituon na lang ang sarili sa kompanyang naman mula sa nagretiradong ama. Sa mga papeles at tanging sa trabaho na lamang niya ibinuhos ang buong atensyon upang makalimutan ang masalimuot na karanasan mula sa dating nobyo na nangloko at ginamit lang siya para sa pera niya. Hindi naging madali para sa kaniya ang lahat ngunit minabuti niyang huwag nang pagtuunan pa ng pansin ang paghanap ng lalaki na para sa kaniya o kung meron ba talaga. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang lalaki na bigla na lamang sumulpot sa kaniyang buhay. Hindi niya inaasahan na makakatagpo ng isang gwapo at matipunong nilalang na kahit ang ipis ay maaring mahumaling rito. Sa bawat araw na magkasama sila sa isla ay hindi mapigilang mas nahulog pa ang kaniyang loob sa lalaki. Paano na niya mapipigilan ang malalim na nararamdaman gayung alam naman niyang hindi rin magtatagal ay maghihiwalay rin sila ng landas dahil aalis rin siya sa lugar na iyon matapos magbakasyon? Kakayanin niya kayang mawalay sa piling nito o hahayaan na lamang ang kung anuman ang nararamdaman para sa binata?

Chapter 1WORKAHOLIC

HINDI na halos makatayo si Celestine sa swivel chair na inuupuan niya sa loob ng kaniyang opisina at mukhang wala na talaga siyang balak pang tumayo dun. Halos magdamag siyang nakababad sa mga papeles na mukhang makapal pa kahit na ilang pahina na ang tiningnan at inalisa niya. Ni kahit umagahan o tanghalian ay isinawalang bahala niya na lang.

Kung hindi lang sana umuwi sa probinsya ang sekretarya niya ay may katulong sana siya sa pag-aasikaso sa mga papeles nila ngayon, kahit papano sana ay nagkakaroon siya ng oras para magpahinga. Pero kanino pa ba siya aasa kundi sa sarili niya lang. Sa ngayon ay siya na muna ang gagawa ng lahat ng mga gawain sa kompanya na ipinamana sa kaniya ng kaniyang retiradong ama.

Simula nang ipinamana na sa kaniya ang kompanya ay naging gawain na niyang magpuyat at magbabad sa laptop. Araw-araw ay ganun ang ginagawa niya, pupunta siya ng opisina para magtrabaho magdamag tapos uuwi sa condo niya na pagod at gigising naman kinabukasan ng maaga na puyat.

Naging routine na niya iyon at sa halos tatlong taon ay nasanay na rin siya sa ginagawa. Ano pa bang magagawa niya? Sa kaniya ipinamana ang kompanya bilang nag-iisang anak ng mga magulang niya kaya wala na siyang ibang pagkakaabalahan pa kundi ang itutok ang sarili para sa kapakanan ng kompanya. After all, siya rin naman ang makikinabang sa benefits and shares na makukuha nila.

"Aba, Sis. Baka hindi ka na abutin ng trenta anyos niyan at mas mauna ka pa kay Lola Tisay na maiburol dahil sa lagay mong iyan. Naku, baka pinababayaan mo na ang sarili mo dahil sa kakatutok mo dyan sa trabaho mo ah?" Saad sa kaniya ng pinsan na si Carlie habang nagtitimpla ng kape.

Ang lola nilang magpinsan ang tinutukoy nito na nasa halos nobenta anyos na ang edad ay nakakalakad at malusog pa rin ang pangangatawan. Hindi nila ito mabisita dahil abala siya sa trabaho niya at malayo rin ang probinsya kung saan nakatira ang Lola nila.

'At dinamay pa nga si Lola Tisay.'

Napahawak na lang sa leeg si Celestine at ini-stretch ito dahil kanina pa siya nangangalay kakayuko kakaasikaso sa mga papeles sa kaniyang harapan.

"Hindi ko naman pwedeng pabayaan lang na nakatambak ang mga ito dito." Saad niya rito habang nakatutok pa rin ang tingin sa papeles na hawak at nililipat ang pahina nito.

"Nasan ba ang sekretarya mo? She can help you with that or much better na siya ang gumawa niyan. Anong silbi ng pagiging sekretarya niya kung sayo lang din naman iaasa ang lahat ng gawain na siya dapat ang gumagawa? Ano, ikaw na lang ba palagi ang aasahan?" Iritado nitong sambit at naglapag ng tasa sa lamesa niya.

"Thank you." Kinuha niya ang tasa at ininom ang tinimplang kape na hindi inaalis ang tingin sa papeles na hawak.

"Wala siya ngayon, nagleave siya ng letter for excuse. Kailangan niya daw kasi puntahan ang tatay niyang may sakit sa probinsya nila para alagaan. Lumala na daw kasi ang kalagayan kaya kinailangan nang dalhin sa hospital. Kaya pinayagan ko na siya. Alangan naman na pagbawalan ko, kawawa naman yung tao."

Paliwanag niya. Palipat-lipat lang siya sa ginagawa, pupunta ang tingin sa laptop para magcheck at mag-analisa ng files tapos babalik ulit sa papeles.

Minsan naman ay sinisingit niya yung pagsusulat ng sariling kwento saka inililimbag.

Matagal na rin siyang nagplano na magpatayo ng sariling bookstore sa harap lang ng kompanya niya na matatapos na sa susunod na buwan.

"Pero hindi mo naman kailangan na gawin yan lahat. Dapat nagpatawag ka na lang sa pwedeng gumawa niyan at pumalit muna sa sekretarya mo habang wala pa siya. Baka nakakalimutan mong ikaw ang Boss dito ah. Oo nga't parte na ng trabaho mo bilang Boss dito na tulungan ang mga empleyado sa mga gawaing pangkompanya, pero hello! You don't need to work it all, as if na kaya mong ihandle lahat."

Napailing-iling na lang siya sa mga sinasabi nito habang patuloy pa rin sa ginagawa.

Kinuha nito ang isang papel sa lamesa niya saka inisa-isang tingnan. Pinukol niya pa ito ng masamang tingin nang magtangka na naman itong magbungangera tungkol sa mga papeles niya kaya itinikom na lamang nito ang bibig.

Si Carlie ay malapit niyang pinsan na tinuring na rin niyang kapatid kaya Sis na ang tinatawag nito sa kaniya. Bata pa lang sila ay magkalapit na silang dalawa. Sa lahat niyang mga pinsan ay ito lang ang malapit sa kaniya.

Hindi kasi siya masyadong nakikipagkaibigan nung mga bata pa sila. Si Carlie rin ang lumapit sa kaniya at nakipagkaibigan. Ito rin ang naging dahilan kung bakit nagkakaroon rin siya ng mga kaibigan. Halos araw-araw ba naman itong nagdadala ng mga kaibigan sa kanila para ipakilala sa kaniya.

Bungangera rin si Carlie, palasermon sa kaniya at matapang na babae. Maraming nang-aaway sa kaniya na mga babae dati noong high school pa lang sila dahil yung mga hinahangaan nila ay sa kaniya nagkakagusto at nanliligaw, gayunpaman ay hindi siya pinabayaan ni Carlie at ito rin ang nang-aaway pabalik sa mga babaeng maharot.

Matanda rin ito sa kaniya ng dalawang taon 27 na siya, 29 naman si Carlie. Kaya palagi rin siguro siyang napagsasabihan nito kapag madalas siyang nakakagawa ng maling desisyon.

"Maiba ako, naalala mo ba si Chiara? Yung pinakilala ko sayo last month na kaibigan ko? She is getting married next week and she invited me. Actually, you're invited too that's why I came here to tell you about it." Maarte nitong sambit na hindi niya naman tinapunan ng tingin.

"I'm afraid I can't go there, Carlie. As you can see I'm a busy woman and there's still a lot of work to do that I still need to finish. Infact, I don't attend events like that, I might get bored if I go there."

"Oh, really! Kaya di ka na makahanap ng makakarelasyon eh. Masyado kang workaholic. Para sabihin ko sayo Sis ah, hindi ka matutulungan niyang pagbababad mo sa work to get a happy life. It doesn't suit you, honestly." Maarte nitong saad.

"Matanong ko nga, ikaw ba Sis eh may balak pang mag-asawa or kahit maghanap man lang ng makakarelasyon? You're already twenty-seven this year and after three years from now, thirty ka na. But guess what? Siguradong hindi ka pa mag-aasawa sa edad na iyon with that case. Just look at you now."

Umupo ito sa isang silya at nag Indian sit pagkatapos ay ipinagkrus ang dalawang braso sa ibaba ng dibdib.

"Hayy naku Sis, masyado mong tinutuon ang sarili mo sa trabaho, can't you atleast do something else other than work? Like, magbakasyon ka muna or pumunta ka sa mga places na makakapaglibang sayo. Or maybe, subukan mo ulit na makipag-date with some other guy. Malay mo may makita ka nang tamang tao na para na talaga sayo." Saad ulit nito na nakapagpatigil sa kaniya.

Naisip na rin niya ang tungkol sa bagay na iyon ngunit sa tuwing nais niyang subukang muli ay naaalala lang niya ang mga masaklap na nangyari sa kaniya sa dating karelasyon tatlong taon na ang nakakalipas.

Tila isa itong bangungot na hindi na mawala-wala sa kaniyang isipan na hanggang ngayon ay dala-dala na niya. Mukhang ayaw pa nga yata siyang payagan ng tadhana na lumigaya dahil palagi na lamang siyang napag-iiwanan ng mga lalaking dumaan na sa kaniyang buhay kaya palagi rin siyang nasasaktan.

Kaya mas pinili na lamang niyang maging single at kung pagpipilian siya ay siguradong mas pipiliin na lamang niyang maging single hanggang sa pagtanda. Tama na iyong nakaranas siya ng sakit mula sa mga lalaking dumaan na sa kaniya.

Sa katunayan ay marami naman talagang nagkakagusto sa kaniya. Maganda naman kasi talaga siya. Ewan niya lang kung bakit sa dami ng pwedeng magustuhan niya ay yun pang manloloko at manggagamit na ex niya ang napili niya. Kaya sobra talaga ang panghihinayang niya kung bakit iyon pa ang naging boyfriend niya.

Das könnte Ihnen auch gefallen

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urban
4.8
131 Chs

Si Makisig at Si Maganda (Love is Beautiful)

[Completed] Genre [Mystery, Romance] Isang trahedya at misteryo ang nangyari isang linggo bago ang kasal ni Maki at Bea na siyang nagpabago sa kapalaran nilang dalawa. Nagkaroon ng kasiyahan para sa nalalapit nilang kasal. Ngunit nagising si Bea na kasama ang asawa ng ate niya sa kwarto kung saan lumilitaw sa imahe niya na isang lalaki ang gumamit sa kanya nang nagdaang gabi nang paulit-ulit. Natagpuan naman niya si Makisig na halos walang kasuotan kasama ang ate niya sa kwarto nito. Bitbit ang hinanakit ay nilayuan niya ang lalaki sa loob ng apat na taon para mangibang bansa kung saan siya mas nakaranas ng pagdurusa. May pagkakataon pa ba silang magkatuluyan sa huli? Sa pangalan lang ba sila bagay? ****** Nakatingin siya sa lalaki at naghihinagpis ang kalooban niya. Dumadaloy ang luha sa pisngi ni Bea na akala mo ay uubusin nito ang lahat ng natitirang tubig na nagmumula sa mga mata niya. Lumapit ito para yakapin siya pero agad siyang umiwas. "Bea, trust me..." mahinang sabi nito. Mas matagal na nakatitig siya dito, mas lalo nitong pinapatay ang kalooban niya. May mga bagay na hindi talaga tugma kahit napapanahon. May mga bagay na tugma, kahit hindi napapanahon. May mga tao na kailangan lang ang isa't isa kaya nila mahal ang bawat isa. May mga tao na mahal nila ang isa't isa kaya kailangan nila ang bawat isa. May mga tao na para sa isa't isa. At may mga tao na kahit pilitin nila, hindi sila ang magkakatuluyan sa bandang huli. Minahal niya ang lalaking nasa harapan ng sobra-sobra. Halos hindi niya masabi ang mga salita pero kailangan sabihin. "Ayoko na..." Kapag doble-doble ang sakit. Doble-doble ang pahirap. Sa mundo at sa panahon na iyon, alam niya na hindi pa napapanahon. They are not meant for each other, she guessed. "A..alis na ko.. Paalam.." ***** My First Love is a Problem Boy [COMPLETED] My First Love is a Genius Girl [on going] At the end of the rainbow [COMPLETED] Workplace Romantic [COMPLETED] Love Me, My Prince [COMPLETED] The Devious Soul [on going] Thousand mornings with you [on going] ***** Photo © sookimstudio

Feibulous · Urban
4.9
6 Chs