webnovel

Kabanata 32: Pagbalik sa Hilltop Compound

Kabanata 32: Pagbalik sa Hilltop Compound

Pagdating ng grupo sa Hilltop Compound, napuno ng kasiyahan ang buong kampo. Tagumpay ang kanilang misyon—hindi lamang nila nailigtas ang pamilya ni Rina, kundi nakapag-uwi rin sila ng isang doktor na malaking tulong sa kanilang grupo.

"Good news, mga kasama! May bago tayong miyembro, at doktor pa!" masiglang anunsyo ni Mon habang pinapakilala si Monchi.

"Monchi, ito ang magiging bahay mo," sabi ni Mon, itinuro ang isang maliit ngunit maayos na bahay sa loob ng compound.

Napalunok si Monchi sa kanyang nakita. "Grabe, Mon. Ang ganda naman dito! May tubig, may sarili pang bahay, at ang ganda ng bakod ninyo. Para akong nasa ibang mundo!"

"Ganyan talaga dito, Monchi. Pinaghirapan namin ito," sagot ni Mon habang tinapik sa balikat ang kaibigan. "At para sa iyong proteksyon, ito." Inabot ni Mon ang isang handgun kay Monchi. "Alam ko, hindi ito ang forte mo, pero kailangan mo ito sa mga panahon ngayon."

Habang nagkakatuwaan ang grupo at nagpapahinga mula sa kanilang mapanganib na misyon, hindi maiwasan ni Mon ang malalim na pag-iisip. Tahimik siyang tumayo sa isang sulok ng kampo, nakatanaw sa malawak na tanawin ng kagubatan sa labas ng kanilang bakuran.

"Kamusta na kaya sila?" bulong niya sa sarili, iniisip ang kanyang pamilya. "Siguro okay naman sila. Sana nakarating sila sa probinsya nang walang aberya."

Ngunit alam ni Mon na mahirap nang makasunod sa kanila. Sa sitwasyon ngayon, sarado na ang mga pantalan, at wala nang barkong bumibiyahe. Kahit gusto niyang sundan sila, imposibleng magawa iyon.

Napa-iling siya at pilit ngumiti. "Kailangan kong magpasalamat sa kung anong meron ako ngayon," naisip niya. "Think positive. Ito na ang bago kong mundo, at gagawin ko ang lahat para mapanatili itong ligtas para sa aming lahat."

Sa kanyang pag-iisip, lumapit si Joel, dala ang isang tasa ng mainit na kape. "Mon, mukhang malalim ang iniisip mo."

"Wala naman, Joel. Iniisip ko lang ang pamilya ko," sagot ni Mon.

"Naiintindihan ko. Pero tandaan mo, pamilya na rin tayo dito. Gagawin natin ang lahat para mabuhay at manatiling ligtas," sagot ni Joel sabay tapik sa kanyang balikat.

Nakangiti si Mon. "Salamat, Joel. Tama ka. Tayo-tayo na lang talaga ang magtutulungan."

Sa loob ng Hilltop Compound, unti-unting nagkakaroon ng pag-asa ang grupo. Alam nilang marami pang pagsubok ang kanilang haharapin, ngunit sa ngayon, sapat na ang magkaroon ng ligtas na lugar na maituturing nilang tahanan.

Nächstes Kapitel