webnovel

Chapter fifteen

Laging abala si Gabriel nitong mga nakaraan na araw at lagi itong wala pero hindi naman nakakalimot na kumustahin ako.

Tulog na rin ako sa tuwing umuuwi ito kaya hindi na kami nagkakausap, alam ko naman na kailangan siya sa trabaho niya kaya nauunawaan ko naman iyon.

Sabado ngayon at walang pasok pero ang kambal ay mayroong piano lesson kaya maaga itong gumising at hinatid na namin ni Kuya Mon ang driver namin.

Naisipan ko na dumaan sa grocery para bumili ng mga kailangan sa bahay dahil imbes na si tiya ang bibili ng mga ito ay ako na lang dahil wala naman akong gagawin.

"Hintayin na lang kita dito hija." Sabi ni Kuya Mon kaya napailing ako at inabutan ko siya ng five hundred para makabili siya ng miryenda niya kaya nagpasalamat ito.

Nilabas ko ang listahan ko at nagsimula ako sa can goods, pumunta ako sa section ng mga sardinas dahil nagpapabili ng spanish sardines si Carla.

Dinagdagan ko na ito dahil gusto ko rin ito na inuulam, kumuha rin ako ng tuna in can at corn in can.

Nawili ako sa pamimili kaya hindi ko na namalayan ang oras at ng matapos ako ay napangiti ako dahil medyo marami ang pinamili ko.

May budget naman lagi si Gabriel para sa grocery kaya hindi ako dapat mabahala na malaki ang gastos.

Nagpatulong na ako sa mga bagger na dalhin ang pinamili ko sa parking area.

"Sonata?" Napatingin ako sa babae na tumawag sa akin at nakita ko si Bianca na lumapit sa akin, mukhang mag-gogrocery rin ito at ang kasama niyang lalake.

"Hello Bianca." Nakangiti ko na bati sa kanya at napatingin siya sa mga pinamili ko na nilalagay na sa likod ng sasakyan at inaasikaso na ito ni kuya.

"Nag-grocery ka, by the this is my older brother Bryan." Pakilala niya sa akin sa kasama niya na kuya pala niya.

"Hello po." Bati ko dito na tumango lang.

"Mag-gogrocery rin kami nauna ka na pala." Nakangiti na turan ni Bianca kaya napatango ako.

"Napag-utusan lang ako ng tiya ko." Sabi ko sa kanya kaya napatango siya.

"Sige ha pasok na kami, kita na lang tayo sa monday." Paalam niya kaya napatangl na lang ako napatingin dito at napangiti na lang ako.

May kapatid pala si Bianca kaya napangiti ako at sumakay na ng kotse at umuwi na.

"May problema na naman yata sa kumpanya kaya laging abala ang amo natin." Napatingin ako kay Carla na nag-aayos ng mga pinamili ko at si Ate Isay.

"Problema na naman malamang kapatid na naman niya ang may kasalanan." Sabi naman ni Ate Isay kaya napailing na lang ako at pareho silang napatingin sa akin.

"May kapatid pala si Gabriel." Sabi ko mukhang marami pa akong hindi alam sa personal na buhay ni Gabriel.

"Hindi mahalaga yon kaya hindi mo alam, ayaw pag-usapan ito ni Sir Gabriel dito sa mansyon." Sabi ni Carla kaya nagtaka ako.

Dito nila kinwento na may tatlong kapatid si Gabriel, ang pinakamatanda raw dito ay may pamilya na at nakatira sa Canada, hindi raw iyon nakikialam sa mga kapatid at si Gabriel raw at iyon ang magkasundo at ang sila ang unang anak sa unang asawa ng kanilang ama.

Si Gabriel ang sumunod syempre isang bilyonarnong presendente ng kumpanya at hotel and resorts at wine industry.

Ang pangatlo naman ay ito yong pasaway at sakit sa ulo ni Gabriel dahil isa ito sa humahawak ng resort ng pamilya nila pero hindi alam magpatakbo ng isang resort ang kapatid na iyon ni Gabriel.

Ang bunso naman ay isang sikat na modelo sa Amerika at hindi iyon nakikialam sa mga kapatid.

Ang sakit sa ulo ni Gabriel ay ang kapatif na lalake at ang ina nito na tila sila ang may-ari ng mga ari-arian na naiwan ng ama nila na namatay tatlong taon na ang nakakaraan.

"Ngayon may alam na ako sa kay Gabriel kahit papaano." Sabi ko kay pareho silang natawa at pinagpatuloy na lang ang ginagawa.

"Pero alam kaya hindi sinabi sa iyo iyon ni sir dahil hindi mahalaga na malaman mo pa dahil mula noon hangang ngayon ay hindi naman niya tinuring na pamilya ang mga iyon." Sabi ni Ate Isay kaya napatango na lang ako at napailing na lang ulit dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Umakyat ako sa silid ng mga bata para mag-linis na lang dahil wala naman akong ginagawa, ayoko naman wala akong ginagawa kaya naisipan ko na ako na lang ang mag-lilinis ng kwarto nila.

Alas diyes ay susunduin na namin ang kambal kaya tamang-tama naman na tapos na ako nito.

Dahil nawili ako sa paglilinis ay hindi ko namalayan ang oras at napakunot ako ng noo nang may bumusina na magkakasunod sa baba kaya napapunta ako sa balkonahe dito sa kwarto at tinanaw ko ang dumating.

Nakita ko ang isang lalake at babae na tila pinapagalitan si Kuya Mon at si tiya na nakayuko lang.

Agad akong lumabas ng balkonahe at akma akong lalabas pero nasalubong ko si Carla.

"Anong nangyayari Carla?" Tanong ko sa kanya na tila kinakabahan.

"Nandyan ang kapatid ni Sir Gabriel at asawa nito at gustong pumasok pero bawal silang pumasok." Taranta na sabi ni Carla kaya napakunot ako ng noo.

"Tawagan mo agad si sir at huwag kang lalabas ng kwarto maliwanag." Sabi niya kaya tumango na lang ako at kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Gabriel.

Ilang ring lang ay agad naman itong sumagot at si Carla ang pinasabi ko na kung sino ang dumating.

Napakagat ng labi si Carla at tumango ng sunod-sunod.

Bumaba na ako matapos ang ilang minuto na sigawan sa baba dahil dumating si Gabriel na galit na galit.

Hindi ako makapaniwala na may ganitong bahagi ng buhay si Gabriel at nakita ko kung gaano ito kagalit sa mga tao na dumating kanina.

Natagpuan ko si Gabriel dito sa library at nakaupo sa sofa at nakayukyok ang ulo.

Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ko ang likod niya kaya napatitig siya sa akin.

"Good thing that they didn't saw you." Bulong niya kaya napatango ako at kinabig ko na lang siya payakap sa akin.

Dito niya sinimulan na sabihin sa akin ang lahat kung bakit ganon na lang ang galit niya sa mga kapatid niya.

Namatay ang kanyang ina dahil sa mga ito at sa pangalawang asawa ng kanyang ama, at tila sila pa ang may ganang magalit at magreklamo sa lahat.

Sumugod ang kapatid niya dahil nalaman ng mga ito na may binabahay na babae si Gabriel, at alam ko na ako ang tinutukoy nila.

"Wala na silang ibang ginawa kundi ang pasakitin ang ulo ko at nagtatagumpay sila sa pang-iinis sa akin." Galit na saad ni Gabriel kaya pinakalma ko siya at napahinga ako ng malalim.

Hindi lang pala ang sister in-law niya ang sakit niya sa ulo kundi pati ang sarili niyang pamilya.

Hinayaan ko lang si Gabriel na nakayakap sa akin at naramdaman ko na nakatulog na pala ito kaya dahan-dahan ko na lang siyang hiniga dito sa sofa.

Tinangal ko ang sapatos niya at at tinangal ko na rin ang ilang butones ng polo niya at tinangal ko pati ang relo niya at pinatong ko ito sa lamesa.

Tumayo ako at kinuha ko ang obang unan at nilagay sa gilid pa kung malaglag man siya ay may unan na sasalo sa bigat niya.

Saka ko hininaan ang aircon at kumuha ng blanket at kinumot ko ito sa kanya, alam ko na pagod na pagod siya at walang ring tulog nitong mga nakaraan na araw kaya nakatulog agad.

Pinagmasdan ko lang siya at hinaplos ang pisngi at napangiti, hindi ako makapaniwala na pwede ko itong gawin ngayon sa kanya at mapagmasdan ang gwapo niyang mukha.

Naisip ko na ako ang magluluto ngayon para sa kanya para pag-gising niya ay makakain na siya agad.

Lumabas na muna ako sa kwarto at nasalubong ko si tiya na may dalang tsaa.

"Nakatulog po tiya kaya mamaya na lang ito ako na lang ang iinom." Sabi ko sa kanya na tumango at sabay kami na pumasok sa kusina.

"Ilang taon na akong naninilbihan sa bahay na ito at nakita ko na kung ano ang mga nangyayari dito at naaawa ako sa batang iyon dahil nakaatang lahat sa kanya ang responsibilidad na naiwan ng kanyang ama." Kwento ni tiya kaya napatingin ako sa kanya at nalungkot ako dahil ganito pala ang buhay ni Gabriel.

"Pero sana naman tinutulungan siya ng kapatid niya diba tiya?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin ar napailing.

"Si Gael ay isang doktor sa Canada at ang asawa nito ay isang guro at may tatlo na silang anak at mas pinili nito na manirahan doon, hindi naman dahik sa walang pakialam si Gael pero napagod na rin ito sa ugali ng asawa ng kanilang ama at ng kapatid nila sa ama." Sabi ni tiya kaya napahinga na lang ako ng malalim at walang masabi dahil napaka-komplikado talaga ng buhay nila.

Nagluto na lang kami ni tiya ng tanghalian ang kambal ay si Carla na at Kuya Mon ang sumundo.

Naglalagay na ako ng mga plato sa lamesa nang dumating ang kambal at agad silang humalik sa pisngi ko at nagmano kay tiya kaya napangiti ako.

"Kumusta ang piano lesson niyo?" Tanong ko sa dalawa na nagkwento sa activity nila kanina kaya napangiti na lang ako.

"Para ka na talagang nanay ng kambal bessy, hindi na ako makapaghintay sa magiging totoo niyong anak ni Sir Gabriel." Tila nangangarap nito na turan kaya sinaway ko siya at nag-init ang pisngi ko.

"Para ka talagang sira tumigil ka nga." Sabi ko sa kanya na ikinatawa niya ng malakas kaya sinaway siya ni tiya na nakangiti lang na nakatingin sa amin.

Kahit kailan talaga sira talaga itong si Carla, pero napaisip ako sa sinabi niya tungkol sa anak kaya lalong namula ang pisngi ko dahil hindi ko maisip na magkakaroon kami ng anak ni Gabriel.