10:03am..
"Where is my tea?"
mataray na tanong ni Sophie.
Dali daling tumakbo patungo sa coffee room si Carlo..
"Here's your tea maam."
bitbit ang isang tasang tsaa after 3 minutes.
biglang naibuga ni Sophie ang tsaa nang malasahan ito.
"What is this?" nandidilat ang matang tanong niya.
"tea maam!"
"You called this tea??" sabay turo sa tasa ng tsaa..
"It's too sweet. ! My God gusto mo ba akong patayin sa diabetes?"
"Im sorry uulitin ko po!"
ani ni Carlo dali daling dinampot ang tasa at bumalik sa coffee room..after 5minutes.
"Nanadya ka ba. ? bakit ang tabang?palitan mo yan!"
nanggigigil na sabi ng amo.
"Bakit walang lasa?"
"Why it's cold?"
"Sobrang mainit!!palitan mo!"
"Bakit marumi ang tea cup?"
"bakit mapait?"
At marami pang bakit ang sumunod..
Mangiyak ngiyak na si Carlo paroot parito sa opisina ng among babae at coffee room malapit nang mag alas 12 hindi pa siya tapos sa report at maglulunch na. .
He felt exhausted already hindi pa nangangalahati ang araw. .
kung hindi siya tinulungan ni Gretta sa pagtimpla nang tsaa ng mahal na reynang bruha walang katapusan ang bakit nito..
"Natapos mo na ba ang report? I need it at exactly 1pm!"
mataray na utos ni Sophie.
"Tatapusin ko pa po maam!" sagot ni Carlo.
"So bakit ka pa nakatayo diyan?gusto mo itulak pa kita palabas?!!"
Hindi n sumagot si Carlo dali daling bumalik sa kanyang mesa.
"Pano ako matatapos ang arte arte mo!!dami mong utos!!hindi ko alam pano nakatagal si Meldy sa bruhang to!!"
mahina niyang sabi habang ang kamay ay nagchichek sa mga reports.
"Sinabi mo pa..yan din tanong ko kay Meldy eh!" sabat ni Gretta
"Para kayong kabuti.. bigla kayong sumusulpot!"
nabiglang saway ni Carl sa dalawang kaopisina.
"Anyways thank you Gretta sa help..hilong hilo na ako pabalik balik sa coffee room"
"ha. .ha. . ha.!"
Ani gretta na napabulanghit ng tawa.
"Saan ka maglulunch sabay ka sa amin sa cafeteria sa baba"
aya ni Gretta sa kanya.
"Hindi ako maglulunch!hindi pa ako nangangalahati pag hindi ko to natapos 1pm ewan ko lang baka kalbuhin ako ng bruha girl!"sabi ni Carl.
"Confirmed. . " ani ni Thess
"Anong confirmed?" nagtatakang tanong ni Carlo.
"bekky ka girl?"
"Hindi ba obvious?"nakataas na kilay ni Carlo.
"Hay sayang gwapo mo sana!"ani Gretta sabay pacute.
"eii tumigil ka kinikilabutan ako
beautiful eyes mo!"
saway ni Carlo..
natawa nalang si Thess sa reaksyon ng binata at sa pinag gagagawa ni Gretta.
"Alam mo girl kailangan mo mag lunch okay..
kasi pag hindi tapos may mali sa ginawa mo atleast busog ka..may energy ka mamaya!"
panghihikayat ni Gretta.
"tama!kasi pag gutom ka then may mali dyan sa ginawa mo naku girl...
double dead!!gutom kana toasta ka pa teh!!"
dugtong na sabi ni Thess.
"Tinatakot nyo ba ako?hindi kayo nakakatuwa!"
kinakabahang tanong ni Carlo.
"Hindi girl hinahanda ka namin sa mga posibilidad na mangyayari!kaya tara na chibog na tayo teh!
Afte 35minutes bumalik agad si Carlo sa opisina..
Naawa naman ang dalawa kaya tinulungan nila ito sa ginagawa..at exactly 1pm nailagay na nya sa table ni Sophie ang reports.
mabuti nalang hindi pa nakakabalik ang dalaga, Sinave na naman siya ni Don Emman. .alam niya ang daily routine ng matanda ayaw nitong minamadali ang pagkain.!
At 2pm dumating na ang bruha..
"Tea!"
sabi nito na hindi man lang lumingon sa kanya papasok sa opisina nito..
"tea!!!"
panggagaya ni Carl bago tumayo at pumunta sa mesa ni Gretta.
"Girl help me naman ulit please sa tea ng bruha!"
"Sure!"
Pagkalapag na pagkalapag niya sa tsaa sa mesa ng amo nagulantang siya sa biglang pagsigaw nito.
"What is this?"
sabay tapon ng isang folder sa harapan niya.Tinamaan nito ang nakapatong na folder sa gilid ng mesa kaya nalaglag sa semento ang ibang folder at nagkalat ang laman ng mga ito sa sahig.
"Thats the report po ng lahat ng branch natin!"sagot niya.
kaya pala ininsist ni Gretta and Thess na maglunch ako kasi expected na nila na ganito mangyayari ani ni Carl sa sarili.
"I know what it is, bakit ganyan?magulo!"
She asked irritatedly.
"Didn't Meldy give you an instruction how to sort this damn things out and arrange it according to the highest total sales of the day per branch down to the lowest?"
mataray tanong nang amo.
Ohh tama sabi nga pala ni Meldy na from highest to lowest yun pala ibig sabihin noon!
sa loob ng isip ni carl.
"I'm sorry maam uulitin ko po!"
buntong hiningang sagot ng binata, at nanlulumong niligpit isa isa ang nagkalat sa sahig na mga dukomento.
"I need it in 20minutes!"
"Po?pero. ."
"May reklamo ka?"
nakataas na kilay na tanong ni Sophia.
"Wala po!"
Parang hilong talilong sa pag
re-arranged ng lahat ng reports si Carl at hindi niya alam kung paano ito tatapusin in just 20 minutes..
may mga kasamahan pa siyang nagsasubmit ng kanikanilang report..
"Maluloka ako nito.!"
aniya sa sarili.
after 30minutes pumasok siya ulit sa loob bitbit ang mga folders.
Pagkalagay na pagkalagay niya s mesa tiningnan ni Sophie ang relo at tinaasan siya ng kilay as if saying you are late again.
mabuti nalang hindi ito nagsalita at dinampot ang pinakaibabaw na folder,pangalawa,pangatlo at pagdating sa pangapat biglang kumunot noo nito itinaas ang mukha at tinaasan siya ng kilay.
"Read it!"
initcha nito sa kanya ang folder.
"MARPHIE'S CLOTHING!" basa niya.
"Open it!"
utos ng dalaga.
"MARPHIE'S COLLECTION!"
"My God!"
kinakabahang sabi ni Carlo sa sarili.
"The same or not?!ulitin mo yan!!"
sigaw ng dalaga sabay hawak sa mg folder at ittapon sana..
Mabuti nalang at nasalo ito ni Carlo kung hindi lahat lahat uulitin niya sa umpisa!
malapit na mag 3pm..supposedly yong new report na ang inaatupag niya para makauwi siya ng 5pm. .but he doesn't think so!
"Lord please help me!"
dasal ni Carlo.
After 30 minutes nilagay niya ulit ang reports sa mesa ng dalaga..this time nakahinga siya ng maluwag nang wala nang naging problema.
4pm..
Ring.. ring.. ring..
"Hello ms. Sophia Madrigal's office good afternoon!"
sagot ni Carl.
"Helo good afternoon. .may I talk to ms. Madrigal please. .tell her its Eddie.!"
"Okay stay on the line for a while please!" tumayo si Carl at pumasok sa opisina ng amo.
"Maam telephone po line 2 Eddie daw po!"
"Sabihin mo wala ako!"
"okay maam!"
"Hello sir, sorry po.!" bungad ni Carlo sa naghihintay sa telephono.
"Sinabi ng amo mo na wala sya umalis at hindi mo alam kung saan pumunta?"
anito na parang nahulaan na ang susunod nyang sasabihin.
"pakisabi sa kanya ulit kung hindi siya sasagot tatawagan ko ulit ang lolo niya at sasabihin kung magpapakasal na kami agad bukas, mamili siya kakausapin nya ako o kasal!"
mahabang litaniya ni Eddie.
"Pero sir wala na po talaga si maam umalis na po!"
"Whats your name Mr.?"tanong ni Eddie .
"Im her secretary po..Carl.!"
"Okay Carl mamili ka sasabihin mo kay Sophie ang sinabi ko or bukas wala ka nang trabaho!tatawagan ko si Don Emmanuel at sasabihin ko na ayaw mong ipakiusap sa akin si Sophia !"
pananakot ni Eddie.
"Hay okay.. okay..wait for a while po!"
pabuntunghingang sagot ni Carl.
Ano bang meron sa araw nato?bakit ba palaging trabaho ko ang ponagdidiskitahan nilang lahat!
himutok ni carl sa sarili, sarap niyong lasunin lahat!!!
"Maam Sophie ang kulit po ng Eddie, paghindi niya po daw kayo nakausap tatawagan nya po daw lolo nyo at magpapakasal po daw kayo agad bukas!"
"What?!!fuck that bastard!"
sabay hawak sa telepono at pinindot ang line 2.
"You bastard!!what do you want?"
Pasigaw na sabi ni Sophie sa kausap..halos natuliglig ang taynga ni Carl sa sigaw nito.
May kinakatakutan din pala ang bruha na to ahh..Who are you Eddie?
I want to be a friend of yours..you can control this freak!!ha. .ha. !
sabi ni carl sa isip.
"Carl?!"
tawag ni Sophie sa binata sa intercom.
dali dali namang pumasok si Carl sa opisina ng dalaga
"Yes maam?"
"I want all the reports for tommorow, submit it today!"
mala tigreng sabi ni Sophie.
"Today po?pero malapit na po mag 5pm maam!"
"So?"
nakataas na kilay na saad ni sophie.
"May date po kasi kami ng boyfriend ko maam!"
sagot nang mangiyakngiyak na si Carl ..
"Boyfriend l?!" Sophie snap when she realized what Carl just said.
Carl nodded.
"Then, fine you choose between your work or your date!"
Walang nagawa si Carl kundi bumalik sa kanyang mesa at umpisahan ang mahaba habang report para bukas na gustong ipagawa sa kanya ng bruha niyang amo.
All he could do is cry in silence..
"Wohh. .what a day?!"
himutok nya sa loob loob.
"Its just like my first day in hell!!"
Carlo almost screams in frustration.