webnovel

Chapter 16 - Tahan

Malaking katahimikan sa bahay dahil hindi kami nagkakausap ng aking lola.

Tuwing lumalabas siya ng kwarto hindi niya ako pinapansin. Tahimik lang siya nagluluto ng ulam at kanin sa amin pero ni isang pansin wala akong natanggap.

I was trying to hide this from her, kasi alam kong hindi niya matatanggap. Hindi ko magets yung dahilan nila na kailangan ko matupad pangarap ni inay na magka-asawa sa lalaki pa.

Hindi ba mas okay kung malaya kayo nagmamahalan kahit anong kasarian niyo?

Sa tuwing tinatago ko ito, parang pinapakita ko na kinakahiya ko yung pagkagusto ko kay Jacey.

I feel so pathetic. Hindi ko maipaglaban pagkakagusto ko sa kanya dahil dito sa sitwasyon ito.

Naiinggit ako sa ibang tao na kayang panindigan pagmamahalan nilang dalawa. Paano nila nagagawa ipaglaban ang pagmamahal nila? Ngunit ako... Napakaduwag ko. Iniisip ko kung ano iisipin ng iba sa akin na dapat hindi naman.  

Biglang may kumatok sa aking pinto at bumungad sa harapan ko si Kevin na mukhang nag-aalala ito.

Niyakap ako ng mahigpit, "Magiging okay ang lahat." sabi niya sa akin at kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

"Kumusta na si lola?" pag-alala ko sa kanya, "May sinabi ba siya sayo tungkol sa nangyari kagabi?" tanong ko sa kanya. 

Tumango siya, "Hindi niya matanggap na nagkakagusto ka sa babae." huminga siya ng malalim.

"Pero ate, kahit hindi niya matanggap. Siguro naman ipaglalaban mo siya diba?" natulala ako sa sinabi ng kapatid ko.

"Hindi ako kasing tapang ni Jacey, Kevin."

"Ate... hindi naman sa pinipilit kita pero kung gusto mo talaga si ate Jacey, ipaglaban mo siya kay lola." sabi niya sa akin.

Binigay sa akin ang phone ko, "Bakit?" pagtataka kong tanong.

"Text mo siya. Pumunta siya dito para mapakilala mo siya sa amin." sabi niya sa akin.

"Hindi muna. Kailangan ko muna mag-isip." sabi ko sa kanya.

"Sige, ate. Ikaw bahala. Hindi kita pipilitin." sabi niya at niyakap niya ako. Pagkatapos, iniwan niya ako mag-isa sa kwarto.

Gusto ko man kausapin si Jacey pero wala akong lakas na loob para kausapin siya.

Paulit-ulit kong naalala ang mga nangyari kagabi, gusto kong sisihin sarili bakit pa sa babae ako nagkagusto pero hindi eh. Wala akong karapatan kasi 'yon talaga ang nararamdaman ko.

Hindi ko maiitatanggi kay lola ang lahat dahil narinig niya ang pangyayari pero sana maintindihan niya ganito ako. Nagkakagusto sa babae.

Wala akong lakas na loob na ipaglaban 'tong nararamdaman ko. Gusto ko man pero hindi ko kaya. 

Nanghihina ako.

"ATE!!" rinig ko ang boses ng isa ko pang kapatid na si Irene.

Matamlay pagbukas ko ng pinto, "Pupunta ka raw ba kay Inay ngayon?" tanong niya sa akin.

"Bakit?" matamlay kong tanong sa kanya.

"Wala raw magbabantay kay inay mamaya. Sabi ni lola baka raw pwede ikaw naman magbantay." sabi ni Irene sa akin.

"Sige. Ako na bahala." sabi ko sa kanya.

"Pero may trabaho ka, ate." pag-aalala niya sa akin.

"Hindi muna ako papasok." sabi ko at ginulo ko ang kanyang buhok dahil sobrang liit nito sa akin.

"Sige, ate. Sabihin ko kay lola." sabi niya at umalis na siya.

Nakita ko si lola na papuntang labas ng bahay namin. Siguro magwawalis sa harapan ng bahay. Kaya naman naligo ako at nagbihis. 

Naisipan ko na sabihin sa mga kabandmates ko na kailangan ko muna bantayan si inay. Mukhang maiintindihan naman nila 'yon. Kaya naman nila kahit wala ako sa Juxred bar. Dumeretso na ko sa cr para maligo.

Pagkatapos ko mag-ayos ng sarili, dumeretso na ako sa labas ng bahay at pinagmasdan si lola na kausap niya ang mga kaibigan niya.

"'La, aalis na po ako." lakas na loob kong sinabi sa kanya.

Hindi ako binigyan ng pansin at nagpatuloy lang siya sa pagwawalis.

"Pansinin mo naman apo mo." 

"Oo nga. Magkagalit ba kayo?"

"Manahimik kayo at nagwawalis ako dito." inis na sabi ni lola sa mga kaibigan niya.

Huminga ako ng malalim at sinarado ko ang gate para makaalis na ako.

Pagkarating ko sa hospital kung saan naka-confine ang inay ko, dali-dali akong binuksan ang pinto. 

Ganun pa rin siya maraming aparato nakadikit sa kanyang dibdib at may tube ito  na pinadaan sa bibig niya.

"'Nay, ako muna mag-aala sayo muna." maligayang sabi ko sa kanya.

Hinaplos ko ang kanyang buhok kahit nakabenda ito sa kanya. 

"May dala pala akong paborito mong prutas na manga. Kainin natin mamaya, inay." sabi ko sa kanya.

Sumilip muna ako sa phone ko kung sino nagmessage pero wala akong natanggap na kahit anong message galing kay Jacey. Bumaling ulit ako kay Inay na nakikita siyang nakadextrose.

Gumising ka naman, 'nay. Kailangan kita.

"'Nay kung alam mo lang pinagdadaanan ko ngayon." sabi ko sa kanya hawak ang kanyang kamay. Hiniga ko ang aking ulo sa kama niya at ilang sandali lamang umiyak ako.

Ang bigat sa pakiramdam na galit si lola at lalong hindi kami nagkakausap ni Jacey. Imbes na kailangan ko siya, hindi niya ako kausapin tungkol sa nangyari kagabi.

Natawa na lang ako mag-isa. Paano ba naman ako kakausapin ni Jacey, yung sinabi ko sa kanya ang dahilan kung bakit hindi kami nagpapansinan ngayon.

Pero sa totoo lang namimiss ko na yung mga panahon na magkasama kami. 

Yung pakiramdam na kinikilig ka sa bawat paghawak ng kamay niya sa akin. 

Napakahikab ako pagkatapos umiyak at tuluyang natulog ako.

Nandito ako sa upuan na mahaba na nakaupo at pinagmamasdan ang mga puno sa paligid namin. Parang nasa gubat ako. Sobrang peaceful dito dahil maririnig mo lang ang ibon at hampas ng mga dahon dahil mahingin ito. 

"Masaya ako na nagustuhan mo ang nakikita mo, anak." 

Napalingon ako dahil familiar ang boses na yon. Naiyak ako dahil paglingon ko nakita ko ang aking inay na nakasuot ito na puting bestida.

Totoo ba 'to?

"'NAY!" tinawag ko siya ng malakas at niyakap siya ng mahigpit.

Miss na miss ko siya.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Ilang sandali kumalas siya sa pagkakayakap naming dalawa.

"Ang laki mo na." naiiyak niya ring sabi sa akin.

"Kamusta na kayo?" napalitan ang pag-iyak ko ng lungkot.

"Okay lang kami, 'nay kaso hindi kami nagpapansin ni lola. May nagawa kasi ako na ikakagalit niya sa akin." umiwas ako ng tingin at tumingin na lang ako sa paligid.

"Ito ba ay tungkol sa sarili mo, anak?" pag-aalanganan niyang tanong niya sa akin.

"Oo 'nay. Pasensya na." sabi ko sa kanya at ngumiti siya at niyakap niya ako.

"Bakit?"

"Magagalit ka ba nagkakagusto ako sa babae?"

"Hindi, anak. Hinding-hindi. Hindi kita itatakwil."

"Pasensya na, 'nay."

"Hindi mo kailangan magsorry dahil lang sa kasarian mo. Pinili mo 'yan, anak. Kaya panindigan mo 'yan." sabi niya at kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

"Sino naman ang minamahal ng anak ko?" ngumiti siya sa akin.

"Mahal agad?" nahihiyang tawa ko at natawa din siya.

"Pangalan niya ay Jacey." ngumiti ako at pinagmasdan ang mga paligid. 

Huminga ako ng malalim. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi.

"May problema ba?" tanong niya sa akin.

"I just feel lose touch with her. Everytime na may magandang nangyayari sa amin. Parang binibigyan niya ako ng distansya kaming dalawa." sabi ko at napailing ako.

"Alam mo ba dahilan kung bakit siya ganyan?"

"I don't know. It makes me feel confused. But she wanted more than  friends kami. Gusto niya maging girlfriend ko siya." inis na sabi ko sa kanya, "Ang bilis kasi nang pangyayari, gusto niya maging kami agad. Eh, hindi ko pa nga sinasabi kay lola tungkol dito. Biglang  narinig ni lola ang usapan namin. Naiinis ako pero hindi dahil kay Jacey pero sa nangyari." sabi ko.

"Naiinis ka dahil sa nangyari. Bakit naman?"

"Hindi ako handa na umamin kay lola dahil alam kong tutol siya."

"Hayaan mo na ang lola. Malaki na siya para umintindi ng mga bagay-bagay. Maiintindihan din niya kung bakit nagkagusto ka sa babae. Hindi mo kailangan ipaliwanag ang lahat para maintindihan ka. Hayaan mo siya ang umintindi sayo."

Those words encourage me to fight my love for Jacey. Siguro kailangan ko pakinggan kung ano nasa puso ko. Pero handa ba ako? Kaya ko ba siya panindigan? 

"Paano kung hindi pa rin niya tanggap kaming dalawa?" lumapit siya sa akin.

"It's up to you to fight for her or makinig ka sa lola mo."

Natatakot ako.

"Sa tingin mo 'nay handa ako magmahal ng katulad niya?"

"Alam mo 'nak. Bago lang sa'yo nararamdaman mo, Siyempre natatakot ka. Pero tingnan mo lang siya hindi dahil sa kasarian niya pero bilang mahal mo at parte ng buhay mo. Oo, may pagkakaiba tayo. Mahal ko ang itay mo pero lalaki siya pero ikaw mahal mo naman ay babae. Ang pagmamahal hindi nagbabase sa kasarian, anak. Pero alalahanin mo tumingin ka dito." tinuro niya ang puso ko, " Kasi dyan nanggagaling ang lahat. Pakinggan mo at sundin mo yan."

Biglang naglaho unti-unti ang inay ko.

"'Nay... 'Nay!" 

Hinahanap ko siya ngunit nawala siya na parang bula. Kahit panaginip lang 'yon parang totoo na nakasama ko sandali ang aking inay.

Bigla akong nagising.

It feels so real.... totoong luha na dumadaloy sa akin mga pisngi.

Pinagmasdan ko si inay at kanyang ECG Monitor na patuloy pagtibok ng puso niya.

Kasi dyan nanggagaling ang lahat. Pakinggan mo at sundin mo yan.

Kinapa ko ang aking puso at ramdam ko ang pagkabog nito.

Biglang nagbukas ang pinto at bumungad si Irene. Ang aking kapatid.

Napatingin ako sa relo ko 7pm na. Kailangan ko nang umuwi sa bahay. Ang haba pala ng tulog ko pero yung panaginip ko sandali lamang.

"Nandito ka na pala." sabi ko sa kanya at inalalayan siyang hubarin ang kanyang bag.

"Si Kevin kasama sa pagbabantay?" tanong ko.

"Oo, ate. Pero paparating na rin po siya." napansin kong dala niya ang lunch box. May kinuha siyang hotdog stick at kinain niya.

"Ikaw ate kumain ka na ba?" tanong niya.

"Hindi pa pero sa labas na lang ako kakain." sabi ko sa kanya at binitbit ko ang aking bag.

"Aalis ka na, ate?" tumango ako at ginulo ko unti ang buhok niya.

Pero inayos naman niya, "Oo, uuwi na ako." matipid kong sagot sa kanya.

"Ingat ka." sabi ni Irene sa akin habang kumakain.

Bago ako umalis, hinalikan ko sa noo ang aking Inay ko bilang pagpapaalam sa kanya, "Aalis na po ako." sabi ko sa kanya.

At tuluyang umalis na ako.

Pagkalabas ko ng hospital, naglakad ako pauwi sa amin. Wala kasi masakyan dito na jeep kaya maglalakad ako para sumakay sa may overpass.

Naglalakad ako ngayon habang tinext ko si Hero na bukas ako babalik sa pagkanta. Pagkatapos, kinuha ko ang aking earphones at nilagay sa aking magkabilang tenga.

Naisipan kong gumawa ng playlist habang naglalakad.

May biglang humarang sa aking harapan na van at dinakip ako ng mga lalaki. Tinadyakan ko ang lalaki sa kanila paa pero hindi nila ako binitawan hanggang makapasok ako sa loob ng van.

May pinasinghot sa akin gamit ang panyo.

"TULO—"

Huli na ang lahat...

Unti-unti akong nakatulog.

***

"Gising!"

Binuksan ko agad ang aking mata. Nakita ko may isang babaeng naka-numero quatro ito nakaupo malayo. Medyo madilim ang paligid at hindi ko masyado makita siya.

Naka-mask ito. Pati na rin ang mga kasama niyang lalaki na mismong nakatabi rin sa akin.

Nasaan ako?!

Nakatakip ang aking bibig gamit ang masking tape kaya hindi ako makasalita.

"Pakitanggal ang tape sa bibig niya." 

Babae ang boses nito at alam kong siya ang mastermind.

Tinanggal ang aking tape sa bibig at binigla ang pagkatanggal ng tape sa aking bibig. Ito ang dahilan pagka-aray ko.

"Sino ka ba?!" giit kong sabi sa kanya habang pilit ko tinatanggal ang aking tali sa mga kamay.

Pinigilan ako ng kaliwang lalaki sa pagtanggal ng tali. At hinigpitan niya ang tali sa magkabilang braso ko.

Sumenyas siya na lumayo ang mga lalaki kaya naman lumayo sila at naiwan kaming dalawa dito.

" Anong kailangan mo sa akin?!" 

"Kailangan?" natawa siya sa sinabi ko.

"Kung pera ang usapan, wala akong maibibigay sa'yo!" iritang sabi ko sa kanya.

"Let's say you need money for your mother's medical expenses." seryosong sabi niya.

Anong kinalaman ng inay ko dito?

"Bakit mo alam?" pagtataka kong tanong sa kanya.

"It's just... I know about you." natatawa niyang sabi sa akin.

"Ano kailangan mo?" tiningnan ko siya ng masama.

"I want you and Jacey... na maging kayo."

"Maging kami?" natawa ako sa kanya. Siya lang ang kidnapper na gusto maging kami ni Jacey. Nahihibang ba siya?

"Sino ba kayo bakit ba nangengeelam kayo sa buhay ko?"

"Hawak ko ang buhay ng mama mo kaya manahimik ka!" hinila niya nag buhok para manahimik ako.

"Bakit mo 'to ginagawa?"

"Because I will be the one who will ruin her life. It will start with you." lumapit siya sa akin, "You will know soon kung sino ako pero hindi pa sa ngayon. Sundin mo lang ang inuutos ko and I am the one who will cover you medical expenses of your mother. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Sa tingin mo papayag ako?"

"Hindi ako papayag. Pinagloloko mo lang ako!"

"You don't have a choice, 'cause I know who hit your mother."

"Ha? Alam mo?!"

"If magkakasundo tayo sa usapan natin."

Hindi. Hindi pwede.

Hindi ako naniniwala dito sa babaeng kausap ko. Alam ko pinaikot-ikot niya lang ako. 

"Hawak ko ang ebidensiya." hawak niya ang kanyang phone at nakapause ang video, "I can give this evidence to a private investigator of Mr. Geronimo kung natupad ang kondisyon ko."

"Hindi ako naniniwala sayo!"

"Ayaw mo maniwala," bigla niya akong sinabunutan at may binigay ang lalaki sa kanya na laptop. 

Isang CCTV footage. 

Naisip ko na...

Siya ang may kakagawan kaya walang mahanap ang mga pulis dahil siya ang nakakuha.

Pinanood ngayon sa akin ang isang CCTV footage na may isang kotse binangga ang inay ko. Nilapit niya ang view para makita ang  plaka ng kotse pero tinigal niya ang video.

"Bakit mo tinigil?" inis na tanong ko sa kanya.

"Hindi naman ako tanga para ituloy ko yan. Malamang hahanapin mo ang kotse na yan kapag pinagpatuloy ko." napailing ito sa akin at tiniklop niya ang laptop. Binigay niya sa kasama niyang lalaki, "Hindi ako kasing tanga mo."

"I need the evidence!" sigaw ko sa kanya.

"Do my condition, Scarlet." tiniklop niya ang braso niya at umupo siya, "Hindi naman mahirap gagawin mo, e."

Anong mahirap? Mapapahamak si Jacey dito. May balak siyang masama sa kanya. Ayokong mapahamak si Jacey nang dahil sa akin. 

Pero kailangan ko ang ebidensya.

Hawak niya ito. Kung papayag ako sa kondisyon niya, magiging delikado si Jacey.

Ang hirap pumili.

Biglang may tinawagan ang babae, "Hello, Jacey. Long time no talk."

Pinindot niya ang speaker para mapakinggan ako.

"Tulong, Jacey! Kinidnap nila ako!" 

"Where are you?"

"I'll send you the location." sabi ng babae sa kanya at binaba niya. Binalik ang phone ko sa bulsa.

"Pumapayag ka na?" tanong niya sa akin.

"Evidence or si Jacey?"

Pero alam ko sa sarili kung ano mas importante.

"Evidence."  Kailangan kong sagipin ang inay ko pero hindi magbabago ang nararamdaman ko kay Jacey.

I am the one who will protect you.

Gagawin ko ang lahat para protektahan ka.

"Anong gagawin natin dito sa babaeng ito, Ma'am?"

"Itapon." at tuluyang umalis ang babaeng kausap kanina. 

Sobrang takot ang nararamdaman ko pero nanatili pa rin akong matatag kahit itatapon nila ako.

May pinaamoy na naman sa akin.

"TULONG! TULON—" 

and everything went black.

***

Nagising ako sa amoy ng pagkain at napamulat ako.

Hindi ito ang bahay namin.

May nakita akong dalawang matatanda na tumutulong sa pagluto. Tumayo ako at nakita ko may umiinom sa aking harapan na lalaki kaya nagulat ako.

Napasinok ako.

Hindi ako 'yon.

"Gising ka na pala." sabi ng matandang babae sa akin. Naghanap siya ng baso at nagimpis ito sa pitsel.

Binigay sa akin ang baso, "Hindi po ako nainom, 'nay." sabi ko sa kanya.

Pero pilit pa rin sa akin pinapainom ang tubig, "Sinisinok ka kaya uminom ka." cold na sabi ng lalaki sa akin.

Edi iinom ba't galit? Inirapan ko ito dahil napakasungit.

Uminom ako ng marami at sinauli ko ang baso sa matandang babae.

"Ano po pangalan niyo? Ba't nandito ako?" sunud-sunod kong tanong sa kanila.

"Ako si Rosario," turo sa kanya, "Siya si Paulito, ang aking asawa." turo naman sa unica iho nila, "Ang anak ko naman ay si Ian." tiningnan ko ito na umiinom ng beer can.

Lasinggero pala anak niya.

Bumaling ako kay Aling Rosario na naghihiwa ng upo. Magluluto ata sila ng tinola kaya nasa kusina si Mang Paulito. Siya ang tagaluto.

"Ako lang naman nakakita sayo sa damuhan na nakatali ka. Pasalamat ka may-awa ako." sabi ni Ian sa akin sabay inom ng beer can habang nanonood siya ng tv.

Nagulat ako na nakahiga pala ako sa sofa nila. Mga ilang oras kaya ako nakahiga.

"Bibig mo, Ian." striktong sabi ni Mang Paulito. 

"Ihanda mo na 'to Ian sa lamesa." utos ni Aling Rosario sa kanya.

Umupo ako sa mahabang sofa nila. Habang naghihintay ng tamang oras para makapagpaalam sa kanila.

Kinapa ko ang aking phone sa bulsa at tiningnan ko ito kung tumawag na ba si Jacey sa akin.

Pinadala kaya ng babae kanina yung location kay Jacey? Mukhang hinahanap na ako ni Jacey.

Napansin ko sa phone ko na walang signal. Kinalabit ko si Ian na busy kakatawa sa pinapanood niya. 

"Ian, saan ba mayroong signal?" tanong ko siya at sinamaan niya ako ng tingin dahil nakakaistorbo ako sa pinapanood niya.

"Malay ko." 

Wala talagang kwenta kausap 'tong mokong na 'to. Napansin kong sinunod niya ang utos ng kanyang nanay kaysa sagutin ako ng matino.

Kung kapatid ko lang 'to, matagal ko na 'tong sinapok sa ulo.

"Tama na muna ang pagc-cellphone, iha. Kain na muna." sabi ni Aling Rosario.

Umling ako, "Hindi na po ako kakain. Hinahanap na po kasi ako ng kasama ko." sabi ko sa kanila.

"Hindi kita pipilitin iha." sabi ni Aling Rosario sa akin at ngumiti ako, "Okay ka lang ba?" pag-alala niyang tanong sa akin habang inaayos niya ang aking damit.

"Thank you po pala sa pagsagip sa akin." sabi ko sa kanila.

"Kilala mo ba ang mga dumakip sayo? May nakuha ba sila sa'yo?"

"Hindi nga po eh. Kinidnap po ako pero wala naman po silang nakuha sa akin." sabi ko sa kanya.

"Marami dito tinatapon ng mga kidnaper at yung iba maraming namamatay sa damuhan kung saan ka kanina nakita ni Ian." kwento sa akin ni Aling Rosario, "Kaya mag-ingat ka. Huwag kang magtitiwala agad kahit sino." sabi niya at pinisil ang aking braso.

"Saan may signal po? Wala po kasi signal dito." tanong ko at tumingin sila kay Ian na nauna nang kumain.

"Kumain ka na pala, hindi ka nagsasabi." natawa ako dahil binatukan siya ni Mang Paulito. "Asikasuhin mo muna ang bisita natin." sabi ni Mang Paulito, "Ihanap mo siya ng signal." sabi nito kay Ian at naningkit lang ang paningin niya sa akin.

Tumayo siya at sumunod ako sa kanya.

Naglakad kami paakyat ng bundok dahil ang sabi niya mayroon naman signal doon pero duda ako dito sa lalaking 'to.

"Pinagloloko mo lang ata ako. Wala naman signal dito." panay taas ko ng phone dito para makahanap ng signal.

"Maghanap ka lang. Kapag gusto, may paraan." cold na sabi ni Ian sa akin.

Ilang minuto ang lumipas wala pa rin ako masagap na signal. Palubog na ang araw, pinagpapawisan ako sa kakahanap ng signal. Wala pa rin.

"Nakakainis naman." daing ko.

"Akin na nga." kinuha niya ang phone ko at sa sobrang tangkad niya tinaas niya ang phone ko para makahanap ng signal.

"May signal na." cold niyang sabi.

"Pwede pasuyo, pasend ng message ko at paki-tawagan na rin." nahihiyang sabi ko sa kanya at nagpacute ako sa kanya.

Natulala siya sa akin at patuloy pa rin ako sa pagpapacute sa akin.

"Maganda ba ako para titigan mo ko?"

"Tss. Eto na." inis na sabi niya sa akin at nakita kong tinawagan niya si Jacey. Pinindot niya ang speaker.

Biglang sinagot ni Jacey ang tawag ko.

"Scarlet, saan ka ba? Hindi kita mahanap?!" iritang sabi ni Jacey mula sa kabilang linya.

"Anong location ng bahay niyo?" tanong ko kay Ian.

"Ako ba kausap mo?" tanong ni Ian.

"Hindi nga po eh. Kinidnap po ako pero wala naman po silang nakuha sa akin." sabi ko sa kanya.

"Marami dito tinatapon ng mga kidnaper at yung iba maraming namamatay sa damuhan kung saan ka kanina nakita ni Ian." kwento sa akin ni Aling Rosario, "Kaya mag-ingat ka. Huwag kang magtitiwala agad kahit sino." sabi niya at pinisil ang aking braso.

"Saan may signal po? Wala po kasi signal dito." tanong ko at tumingin sila kay Ian na nauna nang kumain.

"Kumain ka na pala, hindi ka nagsasabi." natawa ako dahil binatukan siya ni Mang Paulito. "Asikasuhin mo muna ang bisita natin." sabi ni Mang Paulito, "Ihanap mo siya ng signal." sabi nito kay Ian at naningkit lang ang paningin niya sa akin.

Tumayo siya at sumunod ako sa kanya.

Naglakad kami paakyat ng bundok dahil ang sabi niya mayroon naman signal doon pero duda ako dito sa lalaking 'to.

"Pinagloloko mo lang ata ako. Wala naman signal dito." panay taas ko ng phone dito para makahanap ng signal.

"Maghanap ka lang. Kapag gusto, may paraan." cold na sabi ni Ian sa akin.

Ilang minuto ang lumipas wala pa rin ako masagap na signal. Palubog na ang araw, pinagpapawisan ako sa kakahanap ng signal. Wala pa rin.

"Nakakainis naman." daing ko.

"Akin na nga." kinuha niya ang phone ko at sa sobrang tangkad niya tinaas niya ang phone ko para makahanap ng signal.

"May signal na." cold niyang sabi.

"Pwede pasuyo, pasend ng message ko at paki-tawagan na rin." nahihiyang sabi ko sa kanya at nagpacute ako sa kanya.

Natulala siya sa akin at patuloy pa rin ako sa pagpapacute sa akin.

"Maganda ba ako para titigan mo ko?"

"Tss. Eto na." inis na sabi niya sa akin at nakita kong tinawagan niya si Jacey. Pinindot niya ang speaker.

Biglang sinagot ni Jacey ang tawag ko.

"Scarlet, saan ka ba? Hindi kita mahanap?!" iritang sabi ni Jacey mula sa kabilang linya.

"Anong location ng bahay niyo?" tanong ko kay Ian.

"Ako ba kausap mo?" tanong ni Ian.

"Hindi siya." mahina kong sabi, "Malamang ikaw," pilosopo kong sa kanya.

Ibababa na niya sana ang kamay niya, "Eto naman hindi mabiro."  sabi ko sa kanya.

"145 San Lucerne Valley Brgy. South, Pampanga." kinausap  ni Ian sa speaker at binaba niya.

"Ba't mo binaba?" hindi na niya ako pinansin at binigay sa akin ang phone ko.

"Pagabi na kailangan na natin bumaba." cold niyang sabi sa akin.

Nagmamadali kami bumaba ng bundok at pagkarating namin sa bahay ni Ian, nakita ko ang familiar na kotse. Alam kong kotse to ni Jacey.

"Maraming salamat po sa pagsagip kay Scarlet. Utang na loob namin po yon. Pasensya na po sa abala." familiar ang boses at nakita ko sa malayuan si Jacey na patuloy pa rin sa pagpapasalamat.

"Nandyan na pala sila." sabi ni Mang Paulito.

Biglang tumibok ang aking puso na makita ko si Jacey na lumingon siya sa akin.

Parang kagabi lang kami nagkita pero kulang ang araw nang hindi siya makita.

Sa dami-dami nangyari sa akin ngayon, siya lang kokompleto ng araw ko.

Naalala ko na naman sinabi ng inay ko.

Kinapa ko ang aking dibdib at pinakinggan ko ang pagtibok ng puso ko. 

Kasi dyan nanggagaling ang lahat. Pakinggan mo at sundin mo yan.

Siya lang ang dahilan ng pagtibok ng puso ko.

Niyakap niya ako, "Pasensya na nahuli ako para sagipin kita. Pero nandito na ko." sabi niya sa akin at kumalas siya sa pagkakayakap niya.

Hindi ko inasahan na hinalikan niya ako sa labi at iniwan akong nakatulala.

First kiss lalo na in public pa.

Napatingin ako kay Ian, "Bading..." natawa si Aling Rosario kay Ian.

Magsasalita sana siya kaya lang sumakay na kami sa kotse at may pinadala si Aling Rosario na kumot sa akin dahil malamig. Nagpasalamat ulit ako sa kanila.

Tinaklob ko ito dahil malamig.

"Bibisita po ako sa susunod po. Salamat po pagsagip sa akin kahit sandali lang po tayo nagkasama." sabi ko sa kanila at kita kong ngumiti sila at kumaway.

"Aalis na tayo." hudyat ni Jacey sa akin.

"Paalam po." sabi ko sa kanila. Kumaway rin si Ian kasama ang mga magulang niya. 

Tuluyang pumunta kami ng Maynila kasama si Jacey.

Like it? Add to Library! Don't forget to leave some votes and comment on my story. If you have time, follow my social accounts below:wattpad: @leavamarie ; dreame: @leavamarie ; twitter: @leavamarie

leavamariecreators' thoughts
Nächstes Kapitel