webnovel

Chapter 7 - Hanap

"Good condition naman ang nanay niyo, it's sign na malapit na siya gumising."

Tuwang-tuwa kami nina Kevin at Irene dahil napansin namin kanina na gumagalaw ang kaliwang kamay ni inay. Nagyakapan kami after dumalaw ni Doc Ramirez kanina. 

"Makakapiling na natin si inay." sabi ni Irene at hinawakan ang kamay ko na maiyak-iyak siya.

"Oo, Irene. Gusto ko na makompleto tayong lahat kasama si lola." masayang sabi ko sa kanila.

"Gusto ko tuloy pumunta sa probinsya natin kapag okay na si mama." sabi ni Irene at pinisil ko ang pisngi niya.

"Aray! Ate naman masakit." daing niya.

"Kamusta naman amo mo?" tanong sa akin na nangingiliti sa akin sa tagiliran ko.

"Okay lang siya. Bakit may pagkakiliti sa akin?" sambit ko.

"Wala naman ate." yung mga tingin ni Kevin sa akin na parang may kailangan pa kong sabihin sa kanya.

Parang may hinihintay siyang sabihin ako pero hindi ko naman alam kung ano dapat kong sabihin sa kanya.

"Ano nga?" bored kong sabi sa kanya.

"Wala ate. Hindi ko lang pinakain si Pochi." mukhang handa na siya na batukan ko siya pero hindi ako magpapahuli kaya binatukan ko rin siya. Hindi niya pala inaalagan si Pochi ko. Aso namin 'yon sa bahay.

Tumingin ako sa orasan at mukhang kailangan ko na sunduin si Jacey.

"Kailangan ko na sunduin ang amo ko. Alam niyo naman kung paano umuwi diba?" sabi ko at tumango sila.

"Yes ate. Ingat," sabay nilang sagot sa akin. 

Umalis na ako sa kwarto ng inay ko at dumeretso na ako sa parking lot para sumakay sa kotse ni Jacey. Pinahiram sa akin ng butler nitong sasakyan at napa-carwash ko na rin ito sa amin.

Pagkarating ko sa building ni Jacey, mukhang hinahanap niya ang sasakyan na gamit ko kaya nagbusina ako sa kanya at napansin ako. Kumaway ako sa kaniya pero hindi niya ako pinansin.

"You're late." inis na sabi niya sa akin.

"Traffic kasi. Sorry naman." sabi ko na lang sa kanya para hindi na siya magreklamo sa akin.

Sumakay siya sa front seat at nagseatbelt ito. Sa tabi ko pa siya tumabi talaga.

"Kamusta work?" tanong ko at may karapatan akong magtanong kasi friends nga kami.

"Doing fine." sagot niya.

Nainis ako, "Tipid mo naman sumagot. Pwede naman pahabain ang sagot diba? Pwedeng 'Eto gutom na ko pwede ba tayo kumain sa labas'" Nagulat si Jacey sa sinabi ko, "Oh! Parang ayaw nito okay lang naman kahit wag na." biro kong sabi sa kanya at dinedma niya lang ako.

"Okay. Do you know who is Winry diba?" tumango ako.

"Oo naman." sagot ko.

"Napagalitan ko ulit siya binabago niya yung original na version na gusto ko. Kaya hindi kami matapos-tapos sa ginagawa ko. And marami pa kong pipirmahan kaso ikaw naghihintay na sa labas." iritang sabi niya at pahilot-hilot siya ng sentido niya sa sobrang inis niya.

"Baka kasi gusto ng bata yung own version niya. Mas komportable siya. Alam mo naman ang mga bata ngayon doon sila sa mas gusto nila kasi sa tingin nila kaya nila." sabi ko at tiningnan niya ko ng deretso.

Makatingin to parang may ipaglalaban?

"I told her na hindi bagay sa kanya yung version niya. Why she keep on pushing her own way to me?" 

"Edi iba magjudge sa kanya." sabi ko sa kanya at umiling siya.

" Hindi pwede. Alam ko kung paano magjudge. Expert ako don pero I don't think she's going have to debut kung ganito kaming dalawa. Siguro maghahanap na lang ako ng iba." sabi niya.

"Give up ka na nyan? Hindi mo kasi nakita yung ineexpect mo sa kanya kaya lagi na lang mali tinitingnan mo sa kanya." napailing kong sabi.

"How am i supposed to do with that? Eh, puro mali lahat ginagawa niya." 

Buti na lang huminto kami sa pedestrian at maraming tao naglalakad.

"Look, Jacey. Hindi siya robot para gawin lahat ng gusto mo para sa kanya. She's trying to figure out things. Sabi ko nga bata siya. She may explore things pero sabi mo nga hindi pa rin nam-meet expectation mo sa kanya. Try mo na lang kung paano siya mag-iimprove in a better way. Doon mo siya i-guide. Let her do their thing." ilang sandali lang umiwas na ako kakatingin sa kanya kasi parang hindi ko na maalis yung tingin ko baka maestatwa pa ako sa kinalalagyan ko sa sobrang lapit naming dalawa.

"Hayaan mo kasi. Gawin niya yung gusto niya. Sisikat yan si Winry for sure. Nakikita ko may potential naman siya." sabi ko sa kanya.

"Sa bagay. Thanks for the advice." nakangiting sabi niya at napatingin ako saglit sa kanya.

Ang ganda niya ngumiti.

"Oo nga pala. Magm-meet kami ni Megan." at pakiramdam ko may bumagsak sa balikat ko at nanlumo ako noong narinig ko ang pangalan niya

.

"S-saan..." hindi ako makapagsalita ng maayos. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko at klinaro ko yung boses ko. Para kasing may bara kahit wala naman talaga.

"Tagaytay." sambit niya. 

Nagsimula na akong i-set yung route ng sasakyan pero hinawi niya ang kamay ko at nagkatinginan kami. Buti na lang nakahinto kami sa stop light. 

"A-ako na." binasag niya ang pagtitinginan namin dalawa. Nagpatuloy siyaang iset ang route papuntang Tagaytay. 

"Sige." klinaro ko yung boses ko.

"Bakit kayo magm-meet?" curious kong tanong.

"A-ano... mag-uusap lang kami." sabi niya pero alam ko she wanted to convince her to come back

.

Sana huwag na lang. Hindi ko sinasabi na tutol ako sa pag-iibigan nila pero tama na rin na magpartways silang dalawa. Hindi na heathy kay Jacey na ganitong set up nila.

Ayoko rin mangialam sa buhay nila kasi sino ba naman ako sa buhay ni Jacey? Alam niyo naman sasabihin ko, 'Kaibigan lang niya ako'. Atleast nag-improve tayo. Nagsimula bilang driver at sumunod ay kaibigan. So ano next? Friend zoned?

Huwag na natin pangunahin ang lahat. Hayaan na natin ang tadhana ang gagalaw para sa atin.

Basta ako kung ano man sign ni lord sa akin. G lang ako.

"About Mega-" mukhang gusto niya pag-usapan si Megan pero ako ayoko pag-usapan.

"Makinig na lang tayo ng music na maganda." suggestion ko at nilagay ko sa spotify playlist ko.

tila tala by syd hartha is now playing ...

Mukhang tamang-tama ang lyrics sa moment kong ito. Habang pinapakinggan namin ito, panay tingin ako kay Jacey habang nakatingin lang siya sa phone niya.

Kausap niya siguro si Megan. 

Megan agad? Pwede naman si Chloe at Clint kausap niya.

Pwede naman nanay niya or family niya. 

"Malapit na tayo." sabi ni Jacey na tumingin din siya sa akin at nagpanggap ako nakatingin sa side mirror.

Sinundan ko lang ang ruta ng waze at unti-unti nagdahan-dahan dahil magpaparking na ako. Nandito na kami.

"Kinakabahan ako." narinig kong sabi ni Jacey habang nag-aayos ng outfit sa pagkalabas niya sa sasakyan. Nagretouch siya konti at hinubad niya ang coat niya.

Lumabas ako at humarap sa kanya.

"Mas bagay na... " dahan-dahan kong inalalayan siya sa kanyang suot,"... suotin mo ang coat mo. Malamig dito sa labas." concern kong sabi sa kanya.

"Ayan! Ang ganda mo na." ngumiti ako sa kanya at natulala siya sa akin.

"Maganda ako. Alam ko naman." hampas kong sabi balikat niya. 

"Aray!" daing niya.

Tinawanan ko siya at napansin kong tumawa din siya.

"Jacey..."

Isang boses na alam ko kung kanino nanggaling.

Kay Megan.

Pabukas na ko ng sasakyan at napasilip ako sa kanila. Hahawakan na sana ni Jacey ang kamay ni Megan pero pumiglas ito at nagalit. Sinundan ko sila dahil hindi ako mapakali na hinawakan ni Jacey ulit ang kamay pero hindi na ito pumiglas. They were secretly in love. Naiinis ako kaya bumalik na ko sa sasakyan. Doon na lang hintayin matapos sila.

May Biglang may humila sa akin.

"Eto mam. Siya raw kakanta." Ha? Ako? Nakaharap ako sa isang manager na naghihintay sa akin na magsalita ako.

"Tamang-tama nagbackout yung singer na kakanta ngayon dito si Lucas Miguel. Kaya ikaw na lang. Kaya mo ba kantahin ang kanta niya?"

Sumiko sa akin ang isang waiter na humila sa akin. Loko to? Nangngugulat. Hindi nga ako ready magperform dahil sobrang kalawang na ko magperform pero dahil nandito na ko.

May magagawa pa ba ako?

"Magsalita ka." bulong sa akin ng waiter, "May bayad naman tf mo."

"A-ah. Y-yes. Ako? kaya ko naman. Ngayon na ba?" kinabahan tuloy ako kung ano kakantahin ko.

Kung hindi niyo alam... singer ako dati bago magaksidente si inay. Bata pa lang ako hilig ko na kumanta at yon ang pangarap ko. Alam kong tutol sa akin ang magulang ko dahil hindi naman daw ako yayaman sa pagkakanta ko sa mga bar pero yon talaga ang passion ko.

Sobrang passion ko kumanta kaya sobrang saya ko na may nakikita akong magjowa na nagdadate sa bar at kinakantahan sila ng favorite song nila.

May kumuha rin sa akin na producer dahil may sinulat akong kanta dati na kinakanta ko rin sa bar na sobra din gusto ng mga audience ko pero sinugod ang inay ko sa ospital kaya hindi sinipot ang producer noong araw na iyon.

Pero hayaan na. Hindi ko naman maibabalik na yung passion ko sa pagkanta dahil kailangan kong buhayin ang mga kapatid ko sa pagdadrive ko kay Jacey. Malaki naman halaga binibigay sa akin at sapat naman ang bayad sa akin para pag-aralin ko ang mga kapatid ko.

Sapat na sa akin na hindi ko man matupad ang pangarap ko pero pangarap ko sa mga kapatid ko ay kailangan kong tuparin.

Nandito na ako sa harap ng stage. Medyo ang daming lights sa akin kaya hindi ko makita yung mga audience pero keri ko naman magperform. Always ready naman ako.

"Test mic. Test mic." testing sa mic. Check! at naghiyawan ang mga audience.

"I'm Syn. if you don't know my name." pagpapakilala ko, "Alam kong malapit na Valentine's kaya sana makahanap tayo ng jowang ipaglalaban tayo. Isasali ko yung sarili ko kasi wala pa talaga akong jowa pero may gusto ako." Nagyiee ang mga audience.

"Kilala niyo naman si Lucas Miguel right? If you don't know him, I'll sing for you." nagstart na tumugtog ang ang naggitara.

Habang kumakanta ako ng verse 1 nakita ko yung spot na gusto kong pagmasdan. Buti na lang nag-dim ang lights kaya kita ko na ang lahat ng audience.

Si Jacey... magkatabi sila ni Megan.

At nagulat si Jacey. Tinuro niya ako kay Megan. Nagulat silang kumakanta ako pero dedma na lang ako. Kailangan ko magfocus sa pagkanta baka madala ako ng emosyon. Binaling ko ang atensyon ko sa ibang audience na nagkaakbay sa kanilang partner.

"Sa iyong mata na numiningning, 'di ko maiwasang mawala sa 'yong tingin... " tumingin ako kay Jacey at seryoso lang siya nakatingin sa akin, "Sa iyong ganda, walang dadaig, 'di makawala sa pag-ibig mong kay tamis. At ikaw lang, mahal." umiwas ako ng tingin sa kanya at may napansin din ako sa gilid ko na may host na nagprepare din. Mukhang matatapos na ang kanta.

"Okay! Thank you, Syn for your performance. Many of you are disappointed that Lucas Miguel is not here but we urgently need someone to swap with him. So, Syn you can still perform if you guys really like her to sing with your favorite songs." sabi ng host at naghiyawan ang mga audience sa akin ng 'more' pa.

Napasapo tuloy ako ng noo. Kinakabahan tuloy ako kung ano kakantahin ko.

"Lahat sila magsusulat ng favorite song nila sa tissue at ikaw ang pipili ng kakantahin mo." naintindihan ko naman ang sinabi ng host kaya nakita ko sa pwesto nina Jacey at Megan na nagbigay sila. Gusto ko man kantahin ang favorite song nila pero hindi ko alam kung ano ang handwritten nila.

"Here you go." ginawa niyang baraha ang tissue kaya kumuha ako sa bandang kanan sa pinakadulo.

Binasa ko yung title na nakuha ko.

Hanap by Autotelic

Wow ha? Hanap talaga. Gusto pa ko pasayawin nito. Ohmygosh! nakakahiya pero para sa mga audience ko ito gusto ko magenjoy sila.

"Ito ay para sa mga hopeless romantic na katulad ko. Kaya para sa inyo to." naghiyawan ang audience.

"Minsan ay napapaisip lang kaya bang abutin. Mga pangarap pangakong 'di maitaga sa nagbabato-batuhang puso. Meron pang natitira. Meron pang natitira. Meron pang natitira..." kanta ko habang may nagshake ng maraka.

Narinig ko naggitara na kasama ko sa pagkanta kaya napasayaw ako ng todo at mukhang nagenjoy naman ako at yung audience.

"Hinahanap kita, ooh. Ipagtagpi-tagpi. Pagkagising sa umaga. Ikaw ang unang una. Hinahanap kita." tumingin ulit ako kay Jacey at mukhang bet niya ang song.

Huwag niyang sabihin na siya ang nagrequest nito? Kasi kinakanta niya bawat liriko na binabanggit ko. Wow! ha? May music taste din pala to? Matchy kami.

"Hanggang ngayon, hiindi pa rin dumarating. Oh sana balang araw, Ay lilipas din oh. Mahahanap rin kita. Mahahanap din kita. Mahahanap rin kita.

Hinahanap kita, ooh. Ipagtagpi-tagpi. Pagkagising sa umaga. Ikaw ang unang una. Hinahanap kita. Hinahanap kita. Hinahanap kita."

Hinahanap. Wag ka nang mawawala. Hinahanap. Wag ka nang mawawala. Hinahanap, hinahanap."

Matagal ko nang hinahanap baka yung tao tinitingnan ko ngayon. Baka siya ang hinahanap ko.

Baka ikaw na yon, Jacey.

Pagkatapos kong kumanta, kinuha ko yung Talent fee kanina sa pagkanta ko kanina. Sabi nga daw nila kunin nila ako performer dahil marami daw nagenjoy sa performance ko. Gusto pa kunin yung cellphone number ko pero sabi ko hindi talaga ako tumatanggap ng raket. May trabaho na ko kaya ayun tinanggihan ko. Malayo din kasi sa bahay pero nagenjoy naman ako.

Alam kong marami nag video sa akin.

Nagpahinga ako sa kotse habang hinihintay si Jacey. 

Ilang sandali lamang, lumabas na si Jacey na mukhang badtrip ito.

"D*mn." pagkapasok niya sa kotse.

"Bakit naman?" naubo ako sa iniinom kong juice. Nalunok ko ata yung buto ng kalamansi.

"Nandyan ang fiance niya. Pinakilala niya sa akin kaya siguro pumayag siya makipagkita sa akin." inis niyang sabi sa akin.

"Umuwi na tayo."

"Teka." sambit ko.

Tumingin ako sa cellphone ko na puro missed call ito galing sa kapatid kong si KEvin at tumawag ako ngayon sa kanya.

Sinagot niya ito at may narinig ako sa kabilang linya na sumisinok siya.

"Umiiyak ka ba?" tanong ko.

"Ate, nandito sina Francis at mga tropa niya. Hiinahanap ka. Kukunin daw lahat ng gamit niyo kung hindi ka mkakakapagbayad ngayong araw." maiyak-iyak niyang sabi ng kapatid ko.

Utang ko.

Hawak nila pamilya ko. I need help pero ayoko magpatulong kay Jacey.

"Ako na bahala, Kevin. Dyan lang kayo. Sabihin niyo magbabayad ako ngayon." sabi ko sa linya at huminga ako ng malalim.

Naalala ko si Megan.

Yung usapan namin na babayaran niya yung utang ko kung tutulungan ko si Jacey magmove-on sa kanya. Alam kong wala akong karapatan sa buhay ni Jacey pero I have no choice to do it. Gagawin ko para maitawid ko tong problema ko kahit sa ganitong paraan. Hindi rin naman niya malalaman ito dahil sa amin lang to ni Megan. Tatanggapin ko yung offer niya. Gusto ko protektahan pamilya ko.

Pasensya na kay Jacey. Kailangan ko talaga.

"Saan si Megan?" seryosong tanong ko kay Jacey na nagulat ito sa akin dahil nagsalita ako.

"N-nandoon pa rin siya sa venue." Agad akong lumabas nung pagkasabi niya.

Tumakbo ako na parang marathon para hanapin si Megan at nang makita ko siya, kasama niya ang kadate niya. Ito siguro ang fiance niya.

"Oh! Nandito si Syndra este Scarlet." tuwang-tuwang sabi sa akin ni Megan.

"Tinatanggap ko na yung offer mo." sabi ko at kita kong nag-isip siya kung ano tinutukoy ko.

"Ah! Right! Your 500k. Sure send me your bank details later." sabi niya sa akin at nakipagholding hands siya sa fiance niya.

"Ngayon na sana. Kailangan ko yung pera. Alam kong nakakaistorbo ako pero sorry kailangan ko talaga yung pera ngayon." sabi ko sa kanya at sinend ko yung bank details.

Napansin kong nag-iba ang mood ni Megan naging mataray ang mood niya sa akin ngayon.

"Pasensya na." sabi ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya. Hinawi niya ang kamay ko.

"Stop apologizing. Nakakarindi sa ears." nagulat ako sa asta niya na parang pinandidirian niya ako.

Ganito pala ang totoong Megan na nakita ko.

"I'm done na. Go away." iritang sabi niya.

Nataranta ako tingnan sa digital banking kung pumasok ba. Pumasok nga at trinansfer ko agad kay Francis ang pera at nakahinga ako ng maluwag.

Natapos ang problema ng ganon lang. Kaso alam niyo naman may kondisyon ang lahat kaya kailangan kong sundin.

Kailangan kong tulungan si Jacey makamove-on. Madali lang naman diba? Nandyan lang ako sa tabi niya makinig sa problema niya about Megan, Magpayo at samahan siya sa mga trip niya sa buhay.

Kaibigan lang naman kami. Walang feelings madadawit dito. Naninigurado lang. 

Bumalik na ko sa kotse at nakita kong tinatawagan niya ako sa phone. Sinagot ko ito habang papalapit ako.

Sorry kailangan kong protektahan pamilya ko, Jacey.

"Where are you? Hinahanap kita sa venue wala ka. Umuwi na tayo."

Bakit niya ako hinahanap?

"Papunta na. Nandito na ko sa harap ng kotse mo." tiningnan niya ko at nakahinga siya ng maluwag.

Pumasok na ko kotse at simula na ko paandarin ang kotse.

"Hey? Are you okay?" concern na sabi sa akin ni Jacey.

Concern as a friend lang.

"Okay lang ako." ngiti kong sabi sa kanya at naconvince ko naman siya na okay lang ako.

"Bakit nawala ka kanina? Bakit hinahanap mo si Megan?" sunud-sunod na tanong niya.

"May nakalimutan akong sabihin sa kanya tungkol sa b-bag na inoffer niya." instead of the bag, money talaga ang pakay ko kay Megan.

What a liar.

First time ko lang masinungaling sa katulad niya na walang kaalam-alam pero kailangan ko tong gawin.

"Kanina nakita kita magperform. Ang galing mo rin magperform. Nagperform ka na ba dati?" tanong niya sa akin.

"Yes." sabi ko at nagulat siya.

"Sa Juxred Resto bar?" tanong niya sa akin.

B-bakit alam niya ang resto bar na dati ako kumakanta doon? Doon ako kumakanta when I feel alone in my life na ako lang ang nagsusuporta sa pangarap ko.

May alam ba siya sa akin?

"Y-yes. Bakit mo alam?" curious kong tanong sa kanya.

"Bakit hindi ka sumipot dati?" Anong sumipot?

"Ha? Kilala ba kita dati?" sabi ko sa kanya at natatawa kong sabi. Tumingin ako na mukhang seryoso siya.

"Si Timothy. Siya yung hindi mo sinipot noong gabi." sabi niya.

"Mukhang familiar yung name pero hindi ko na matandaan." Liar. First time ko ulit marinig ang kanyang pangalan.

Successful na ba siya ngayon? Kamusta na siya? Kilala niya pa rin niya ba ako?

He's my ex-boyfriend. 

"I'll send his contac-" mukhang ibibigay niya sa akin ang number pero tinakip ko yung phone niya.

"Nagdadrive ako. Huwag na." sabi ko sa kanya. Mukhang hindi na kailangan pa magkaroon kami ng koneksyon.

Mas okay na kami sa ganito kahit walang closure.

"Gusto ko yung performance mo kanina. Pwede kita kunin bilang artist ko." sabi niya sa akin.

Umiling ako, "Wala akong panahon para dyan." sabi ko habang nagbreak ako dahil nasa stoplight kami.

"Maganda ka. Performer ka. You know how to entertain the audience." Umiling ako. Kahit ano pang convince niya sa akin hindi niya ako mapapayag.

Pero thank you sa kanya kasi maganda ako sa paningin niya. 

"Marami pang talented dyan, Jacey. Kailangan ko muna buhayin mga kapatid ko." sabi ko sa kanya at hindi na niya ako kinulit.

Matagal ko nang sinuko ang pangarap ko.

" Ikaw lang talented na nakita ko ngayon. Just let me know, kung gusto mo talaga." 

"Sure. Thank you." ngumiti ako sa kanya at nagkatinginan kami. Pero umiwas kami ng tingin sa isa't isa. 

Nang makarating na kami sa bahay niya, pinarada ko sa tapat ng pinto na nag-aabang ang kanyang butler niya para kunin ang bag na dala-dala ni Jacey. Lumabas na siya at pinababa niya sa akin ang glass mirror ng kotse.

"Scarlet..." tumingin ako sa kanya.

"Nag-enjoy ako kahit malungkot ako ngayon." sabi niya sa akin at iniwan niya ako mag-isa. 

Kinikilig.

Nagulat ako sa sinabi niya.

Nagb-blush ba ako? 

Tumingin ako sa salamin sa rear view mirror. Oo nagb-blush ako.

Hay! Buhay! Delikado na 'to.

Like it? Add to Library!

Don't forget to leave some votes and comment on my story. If you have time, follow my social accounts below:

> wattpad: @leavamarie

> twitter: @leavamarie

This story is also available on Wattpad!

leavamariecreators' thoughts
Nächstes Kapitel