webnovel

Chapter 46

Pagdating sa kusina ay agad din siyang sumabay sa mga katulong na kumain. Nakasanayan na rin sa bahay nila ang ganoong scenario kaoag wala si Sebastian. Ayaw kasi ni Mira ang kumakain ng nag-iisa sa hapag, kaya kapag wala si Sebastian, sumasabay sa kaniya si Dylan o di kaya naman ay ang mga katulong.

"Siyanga pala hija, tumawag kanina ang Lolo ni Sebastian nangangamusta, kailan daw kayo bibisita sa mansyon?" Nakangiting tanong ni Manang Lorna.

"Kakausapin ko po si Sebastian mamaya." sambit niya at nagpatuloy na sa pagkain. Matapos kumain ay tinungo naman niya ang hardin na ipinagawa ni Sebastian para sa kaniya. Kasalukuyan nang nagsisitibuan ang mga punlang itinanim niya at mukhang malulusog naman ito.

"Ma'am siguradong magaganda ang magiging bulaklak nito." Wika ni Jane na siyang naging katuwang niya sa pag-aalaga ng mga pananim nila. Napangiti naman si Mira at tumango. Magiging maganda ito dahil galing ang punlang ito sa hardin ng kaniyang tunay na ina. Tila ba sa ganitong paraan ay nagkaroon siya ng koneksyon dito. Hindi man niya ito nakilala ay alam niya na minahal siya nito. Nakakalungkot mang isipin ay wala siyang magagawa kundi ang tanggapin na hindi na niya ito makikilala. Nagkakasya na lamang siya sa pagtingin sa mga photo album na ibinigay sa kaniya ng kanyang ama.

Kinagabihan pagdating ni Sebastian ay agad niya itong kinausap tungkol sa pagtawag ng Lolo nito. Dahil araw ng linggo kinabukasan ay nagdesisyon silang tunguin ang mga ito nang gabing iyon.

Tuwang-tuwang naman ang dalawang matanda pagdating nila sa mansyon. Mainit na yakap at matatamis na ngiti ang agad na sumalubong kay Mira. Tila ba sabik na sabik si Miranda sa kaniya, agad na siyang hinatak papasok ng bahay at nagsimula na itong magkwento ng kung ano-ano.

"Mira, nakapagdesisyon na ba kayo ni Sebastian kung kelan nag araw ng inyong kasal?" Tanong ni Miranda at napangiti naman si Mira.

"Balita ko ay natapos na ang proseso sa adoption ni Mira. Ano nag sabi ng mga Vonkreist tungkol sa kasal nyo?" Si Francis naman ang nagtanong na kasalukuyang nakaupo na sa sofa.

"Hihintayin lang na dumating si Grandpa Grandell para mapag-usapan na natin ang kasal." Simpleng tugon ni Sebastian at sumang-ayon naman ang dalawang matanda. Mas maigi nga naman na nandoon lahat upang magkasundo sila sa preparasyon.

"Ang side ng Papa mo?" Tanong ni Francis habang nakasimangot.

"It doesn't matter. Tutol siya sa kasal na ito at wala ring rason para imbetahan siya." Walang ganang tugon ni Sebastian at napabuntong-hininga naman si Miranda.

Ayaw din naman nilang magkaganito si Sebastian ngunit hindi din nila masisisi ang kanilang apo dahil sa dinanas nitong hirap sa poder ng sarili nitong ama.

"Lola Miranda, huwag na kayong mag-alala, kahit walang maganap na kasal ay hindi nun mababago na kasal na kmi ni Sebastian. " Nakangiting wika ni Mira at natawa naman ang matanda. Marahang pinisil nito ang mukha niya at napangiti.

"Silly girl, of course your wedding is important. Minsan lang mangyari iyon sa buhay mo." Mahinahong sermon naman ni Miranda kay Mira. Napipilan naman si Mira at alanganing napangiti. Ibinaling niya ang tingin kay Sebastian at ngumiti lang ito sa kaniya.

Sa paglalim pa nang gabi ay tuluyan na ngang nagpahinga ang mag-asawa. Lumipas pa ang mga araw at nakabalik na nga si Grandpa Grandell sa mansyon ng mga Vonkreist. Nang mabalitaan ito ni Mira ay agad din silang bumalik sa mansyon para salubungin ito.

Napuno ulit ng iyakan nang muling magkita si Mira at Grandpa Grandell, sa pagkakataong ito ay pareho na nilang alam ang tunay na koneksyon nila.

"Patawad Mira kung inilihim pa namin sa iyo ito." Wika ng matanda.

"Naiintindihan ko po. Huwag na po nating isipin iyon. Ang mahalaga, magkakasama na tayo ngayon." Samvit ni Mira at napangiti naman ang matanda. Sabay-sabay na silang nagtanghalian at sa kalagitnaan ay dumating si Gunther kasama si Veronica.

Nangislap ang mata ni Veronica nang makita ang kaniyang kaibigan . Agad siyang kumawala sa pagkakahawak ni Gunther at yumakap kay Mira.

"Magandang tanghali po." Nakangiting bati ni Veronica at nagkatinginan ang mga ito. Nagtataka sila nang makita ang dalaga doon na kasama ni Gunther.

"Dadalawin mo ba si Mira Hija, sumabay ka na sa tanghalian namin." Mahinahong alok ni Liam sa dalaga. Agad na nandilim amg mukha nito at marahas na bumaling kay Gunther. Walang anu-ano'y, sinipa niya ang binti nito at pinandilatan ang binata.

"Aw... Ano na naman ang kasalanan ko?"

"Kuya, hindi mo pa ba nasasabi kina Daddy ang sitwasyon niyo ni Vee?" Takang tanong ni Mira at napakamot naman si Gunther.

"I forgot, naging busy kasi ako sa kompanya."

"What situation?" Nagtatakang napatingin naman si Liam at Grandell sa dalawa.

"Dad, Vee is Kuya Gunther's wife." Si Mira ang bumasag nang katahimikan biglang namayani sa pagitan nila. Natawa naman si Sebastian dahil sa reaksyon ni Liam at Grandell.

"Kayong mga bata kayo, ang hilig-hilig niyo sa sorpresa. Hija, halika umupo ka na dito at nang makakain ka na. Kilala ko ang Lolo mo, kung hindi mo naitatanong, isa rin ito sa naging matalik na kaibigan namin nitong Lolo ni Sebastian." Kwento ni Grandell at naupo naman si Veronica sa tabi nito.

"Talaga po, bakit hindi naikwento ng Lolo?"

"Hindi ka pa nasanay sa abuelo mo, kelan ba siya naging makwento? Parang isang agila ang Lolo mo tahimik pero mabagsik kapag nakakakita na ng kaniyang kaaway. Pero hindi mo siya maririnig na magkukuwento. Kahit noong nasa kampo kaming tatlo ay hindi yung nagkukwento, nagulat na lang kami ikinasal na siya sa Lola mo." Kwento nito habang napapailing pa.

Natawa naman si Veronica dahil totoo nga ang sinasabi ng Lola niya noon. Tahimik at hindi palakibo ang Lolo niya.

"Teka, maiba ako, ano naman ang dahilan niyo at biglaan kayong nagpakasal, hindi ka naman siguro buntis hija?" Tanong ni Liam at nangislap ang mata ni Grandell.

"Hindi po." Alanganing tugon ni Veronica at natawa naman si Mira na agad din kinalabit ni Sebastian.

"Mira, akala ko kaibigan kita." Nakabusangot na wika ni Veronica at lalong natawa si Mira. Imbis na magalit ay natawa na lang din si Veronica at ito na ang nagkwento nang buong pangyayari. Tumagal ng halos dalawang oras ang naging tanghalian nila dahil sa tawanan at kwentuhan nila, habang si Gunther at Sebastian ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. Panaka-naka lang silang sumasali kapag sumasagot o napupunta sa kanila ang topiko.

Kinagabihan ay kanya-kaniyang nagsiuwian na rin ang mga ito. Dahil may pasok na kinabukasan ay hindi muna sila nanatili roon at nangako na lamang na babalik sa susunod na bakasyon.

"Are you happy?" Tanong ni Sebastian habang nakahiga na sila sa higaan. Nakahiga si Mira sa braso niya habang marahan niyang hinahaplos ang buhok nito.

"Oo naman, Pakiramdam ko kompleto na ako ngayon. Sana hindi na magbago ang ganito. Sana lagi tayong masaya." Turan ni Mira at natawa naman si Sebastian.

"Wait until we have our own little family, that's when you can say you are complete." Pabulong na wika ni Sebastian at kinintalan ito ng halik sa noo. Matapos nilang mag-usap ay agad na din silang nagpahinga.

Sa kalagitnaan ng pagkakahimbing ni Mira ay isang panaginip ang biglang nagpabalikwas sa kaniya. Humahangos na bumangon siya at napansin niyang madilim pa rin ang buong paligid. Kinapa niya ang higaan at doon niya nahawakan ang braso ni Sebastian.

Agad din namang naramdaman ni Sebastian ang pag-gising ni Mira at kusot-matang bumango ito at kinausap si Mira.

"What's wrong?" .

"Bastian nanaginip ako. Hindi ko alam kung panaginip ba o pangitain ito." Nag-aalalang wika ni Mira. Minsan kasi ay hindi na niya natutukoy ang tunay sa panaginip.

"Ikwento mo sa akin." Suhestiyon ni Sebastian.

"⁸Bastian, sa panaginip ko nakita ko si Veronica. Tinangay siya ng mga kalalakihan, hindi ko maaninag ang mga mukha nila ngunit pare-pareho silang nakaauot ng itim na damit." Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang panaginip niya. Naglalakad silang dalawa sa labas ng school para umuwi. Nakita niyang tumayo sila parehonsa labas ng gate at naghihintay ng kanilang mga sundo. Sa pagkakataong iyon ay bigla siyang napalingon dahil may kumausap sa kanya. Narinig na lamang niya ang pagsigaw ni Veronica at nakita niya ang isang kulay itim na Van at ang mga lalaking nakaitim na hatak-hatak na si Veronica at doon na siya biglang napabalikwas.

"It's just a dream, don't worry." Pag-aalo ni Sebastian at niyakap ang asawa.

"Pero Bastiaan, parang totoo ang panaginip na iyon. Paano kung magkatotoo ang panaginip ko? Mapapahamak si Veronica. "Naiiyak na niyang wika. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maipaliwanag ang kabang kanyang nararamdaman. Pakiramdam niya ay hindi iyon isang panaginip bagkus ay isang babala. Babala na may mangyayaring masama kay Veronica.

"Sssshh. Don't mind it. Magpahinga ka na." Suhestiyon ni Sebastian at niyakap ito bago sila nahiga. "We'll tell Gunther tomorrow, walang nangyayaring masama kay Veronica. " Dagdag pa ng binata at wala nang nagawa si Mira kundi ang tumango at ipikit ang kaniyang mata.

Kinabukasan ay maaga pa lamang ay pumasok na siya. Pinagmasdan niya ang kaniyang paligid kung may pagkakahawig ito sa panaginip niyang iyon. Lumipas ang maraming araw at ganoon lagi ang ginagawa ni Mira hanggang sa tuluyan nga niyang nakalimutan ang panaginip na iyon. Subalit nagkamali siya...

Nächstes Kapitel