webnovel

Chapter 34

Nang tuluyan nang humupa ang pag-iyak ni Mira at bahagya na siyang kumalma ay tinungo naman nila ang study room ng mansyon. Doon ay nakita nilang naghihintay si Gunther na animo'y balisa at si Liam na tahimik na nakaupo sa isang silya.

Pumasok naman doon si Sebastian habang hatak-hatak si Mira. Nakayuko ang dalaga habang mahigpit na nakahawak sa braso ng binata. Nanlalamig din ang mga palad nito at halos lumundag na ang puso niya sa kaniyang dibdib dahil sa sobrang kaba.

"Uncle, Gunther, she already know." Bungad na wika ni Sebastian at agad na napatayo si Liam. Nanlalaki ang mga mata nitong tumitig kay Sebastian na tinanguan naman ng binata.

"How?" Gulat na bulalas nito at napatingin kay Mira. "Mira..." Hindi malaman ni Liam ang sasabihin nang pagkakataong iyon. Tila ba umurong ang dila niya nang makita ang kalungkutan sa mukha ni Mira. Wala nang nagawa si Liam kundi ang lapitan ang dalaga at yakapin ito ng mahigpit.

Muli namang naglandas sa mga mata ni Mira ang masasaganang luha nang maramdaman niya ang init ng yakap na iyon ni Liam. Pareho silang napaiyak na animo'y wala na silang alam na gawin kundi ang ibuhos ang lahat ng nararamdaman nila sa pag-iyak habang magkayakap. Pahigpit nang pahigpit na din ang pagkakayakap dito ni Liam na animo'y natatakot siyang muling mawala si Mira sa kanyang bisig at panaginip lamang ang lahat.

"Gunther, hindi ba ako nananaginip?" Mayamaya pa ay tanong ni Liam. Si Gunther na noo'y nagpapahid ng kanyang luha ay biglang natawa dahil sa tanong ng kaniyang ama.

"Dad, you are not dreaming." Wika niya at napatango naman si Liam. Muli nitong tinitigan ang dalaga at pinahid ang luha nito.

"Mira, anak, patawarin mo ang Daddy kung hindi ko agad sinabi sayo ang lahat. Hindi ko alam kung paano mo nalaman ito pero, maaari bang ilihim muna natin ang lahat? Tulad nang naunang plano, I will have you as my adopted daughter. This is just a front, I hope you understand." Malumanay na wika ni Liam. Bakas na bakas sa boses nito ang labis na kagalakan dahil sa pormal na niyang nasabi kay Mira ang totoo. Ganun pa man ay kailangan pa rin nilang mag-doble ingat dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam kung sino ba talaga ang kanilang kalaban.

"Naiintindihan ko po." Sumisinghot na sagot ni Mira habang nagpapahid na din ng luha. Naiintindihan ito ni Mira dahil malinaw pa sa malinis na tubig ang dahilan kung bakit iyon ginagawa ng Papa niya. Kung kanina ay tila nalilito pa siya sa mga pangyayari—ngayon naman ay magaan sa dibdib niyang tinanggap ang katotohanang hindi niya tunay na pamilya ang mga taong kumupkop sa kaniya. Ganun pa man ay nais pa rin niya mabalikan ang mga gamit ng kaniyang nagsilbing ina dahil sa pagmamahal niya rito.

Hindi pa din mababago ng katotohanan ang pagmamahal na ibinigay ng kaniyang tumayong ina sa kanya noong nabubuhay pa ito.

"Call me Daddy hija, sooner or later magiging isang Von Kreist ka na din. Gunther will haste the adoption process nang sa gayon ay pormal ka na naming maipakilala sa buong mundo. " Sabik na wika ni Liam.

"Okay Dad, Nakaready na naman si Attorney Calderon." Nakangiting wika ni Gunther.

"Opo, Daddy." Tila nahihiya pang wika ni Mira. Lumapad naman ang ngiti ni Liam at muling niyakap si Mira.

"You're Grandpa will be glad, wala kang ideya kung gaano ako nangulila sayo hija.Simula nang mawala ka sa amin ay unti-unting nawala na din ang buhay ng ating pamilya. Nabubuhay lang kami sa pag-asang muli ka naming makikita. Pero ang Mommy mo, hindi niya kinaya ang pagkawala mo. She died blaming herself, she died full of regret for not guarding you well. Napakabata mo pa noon—ni wala ka pang limang buwan kaya ganoon na lamang ang panibugho ng Mommy mo." Mangiyak-ngiyak na kwento ni Liam habang hawak ang mga kamay ni Mira.

"Alam ko po, Dad nakikita ko sa isip mo ang lahat. Nakikita ko at nararamdaman ko kung ano ang nararamdaman niyo. Sa tuwing magdidikit ang ating mga balat ay nababasa ko ang isipan niyo. Ito din ang dahil kung bakit nalaman ko na kayo ang Daddy ko." Sambit ni Mira na lubhang ikinagulat ni Liam.

"Mira, nakakapagpagalaw ka ba ng mga bagay gamit ang isipan mo?" Agap na tanong ni Liam. Agad na tumango naman si Mira bilang sagot sa katanungan nito.

"Opo, bata pa lamang ako ay ganito na ako. Sabi sa akin ni Mama, huwag ko daw itong ipapaalam sa iba dahil mapapahamak ako." Wika ni Mira.

"Tama ang Mama mo, Mira hanggat maaari huwag na huwag mong gagamitin sa labas ang mga kakayahan mo. Kagaya ka rin ng Mommy mo, nakakapagpagalaw ng mga bagay gamit ang utak."

"Paano po nangyari yun? Akala ko ay sa mga libro at telebisyon lamang makikita ang ganoon?" Tanong ni Mira habang napapakunot ang noo dahil sa pagkalito.

"Totoo sila, isa kang buhay na patunay Mira. Ang Mommy mo ay galing sa angkan ng mga Sielvan, isang angkan ng mga taong may malakas na kaisipan. Hindi ko alam kung paano nagsimula ang angkan nila pero ayon sa sinabi ng Mommy mo noon, matagal nang nag-e-exist ang kanilang pamilya, mailap lamang sila sa mga tao dahil na din sa mga kakayahan nilang maaring magamit sa kasamaan." Kwento nito. Dahan-dahang ipinaliwanag ni Liam ang angkan na pinagmulan ni Allena na siyang ina naman ni Mira at Gunther.

Ayon pa kay Liam, isang babaeng punong-puno ng sigla ang kaniyang ina, nakilala niya ito noong minsan siyang mapadpad sa isang liblib na lugar na ang buong akala niya ay wala nang nakatira. Nabigla pa siya nang marating niya ang isang mayamang pamayanan sa dulo ng isang kagubatan. Hindi mo sila mapagkakamalang tribo o kung ano man dahil normal silang namumuhay katulad ng mga tao sa siyudad, mahing ang kanilang pamumuhay ay mas angat pa rin sa pamumuhay ng iilan sa siyudad.

Manghang-mangha naman si Liam nang masilayan niya ang napakalaking mansiyon kung saan niya nakita ang dalagang si Allena kasama ang dalawa pang babae na halos kahawig nito. Namumukod-tangi si Allena sa tatlo dahil na din sa mahaba at alon-alon nitong buhok na halos umabot na sa ibaba ng tuhod nito. Maganda at maamo ang malliit nitong mukha na aakalain mong isang manika.

Hindi na bago sa mga ito ang makasilay ng mga taong tagalabas na napapadpad sa kanilang lugar. Malugod nilang tinanggap si Liam at tinulungan upang kahit papaano ay makabalik ito ng maayos sa lungsod. Sa pananatili doon ni Liam ay mas nakilala pa niya si Allena hanggang sa nakapanatagang-loob na nila ang isa't-isa.

Di naglaon ay nangahas na ngang manligaw si Liam kay Allena na kaagaran din naman sinagot ng dalaga.

Nangingislap naman ang mga mata ni Mira habang nakikinig sa kwento ng ama niya. Hawak-hawak niya ang kamay ni Liam uoang makita niya sa alaala nito ang mukha ng kanyang ina. Napapaluha na napapangiti siya habang patuloy na dumadaloy sa isipan niya ang mga pangitain ng nakaraan ni Liam.

Kitang-kita niya ang kaligayahan ng kanyang mga magulang nang ikasal na ang mga ito at unang biniyayaan ng panganay na anak—si Gunther. Tila isang pelikula ang nasisilayan ni Mira at ninanamnam niya ito at pilit na ibinabaon sa kaniyang isipan. Ang mga alaalang iyon ang siyang tanging natitira sa kanyang ina.

"Napakaganda po ni Mommy." Wika ni Mira.

"Napakaganda, kamukhang-kamukha mo siya nang kabataan niya." Sang-ayon naman ni Liam. Bahagya utong umubo at huminga ng malalim.

"Dad, magpahinga na muna kayo. Hindi na ako mawawala kaya maging panatag ka na at magpagaling. Marami pa tayong alaalang bubuuin sa pagdaan ng panahon." Malumanay na sambit ni Mira.

Wala nang nagawa si Liam kundi ang sundin ito. Maingat siyang inihatid ni Mira sa kwarto at pinahiga roon.

"Goodnight po." Wika ni Mira at muling niyakap ang ama.

"Good night hija." Nakangiting tugon nito bago ipinikit ang mata. Nang masiguro na niyang nakatulog na ito ay saka lamang siyang lumabas ng kwarto. Nakaabang naman si Gunther sa labas habang nakangiti.

"Kuya..." Wika ni Mira at sabik siyang niyakap ng binata.

"God, Mira. Salamat at muli ka na naming makakapiling." Wika ni Gunther.

"Noon pa man ay gusto na kitang maging kapatid at sino amg mag-aakalang magkapatid nga tayo. Kuya, salamat at hindi kayo huminto na hanapin ako." Sambit ni Mira. Akmang iiyak na siya ay bigla naman siyang pinigilan ng binata.

"Don't cry, tama na ang pag-iyak Mira, sige ka kapag nasobrahan ka ng iyak papangit ka. Kapag pumangit ka, siguradong iiwan ka ni Sebastian. " Tukso pa nito at napakagat naman ng labi si Mira para pigilan ang pag-iyak niya. Agad namang natawa su Gunther nang makita ang reaksyon ni Mira. Agaran na niyang hinatak ang dalaga at inihatid na ito sa kwarto nila ni Sebastian.

"Pasok na, magpahinga na kayo. Kanina ka pa hinihintay ng asawa mo." Wika ni Gunther at tumango naman si Mira sabay paalam na dito.

Pagkasara niya ng pinto ay bumungad sa kaniya si Sebastian na matiyagang naghihintay sa kanilang higaan. Agad niya itong nilapitan at mahigpit na niyakap.

"Thank you Bastian." Bulong ni Mira. Nakaupo si Sebastian sa gilid ng higaan habang nakatayo naman si Mira sa harap nito habang nakayakap sa kanyang leeg. Sebastian is a tall man to begin with kaya kahit nakaupo ito ay higit pa ring mas matangkad itonsa kanya.

"You are most welcome, sweetie." Nakangiting wika naman ni Sebastian at hinapit nito ang beywang ng dalaga bago nito ginawaran ng isang halik.

He kissed her slowly at first until she responded and he deepened the kiss which took Mira's breath away.

This was their first real kiss .

Tila isang nawawalang tupa si Mira sa isang napakalawak na kaparangan dahil sa halik na iyon. Sebastian awakened her every single cell and numbing it at the same time. She felt like riding a soft fulffy clouds and her body felt light.

Nang muli siyang bumalik sa kaniyang huwisyo ay nakahiga na siya sa kama habang si Sebastian ay nakapaibabaw na sa kanya.

"Mira, I will stick to my word that I will only have you when we get married again after you graduate." Wika nito habang bahagyang hinahabol ang hininga. "Don't get the wrong idea that I don't want you because only God knows how I badly want you. " Dagdag pa ng binata. A complicated storm brewing from beneath his eyes.

Nächstes Kapitel