webnovel

CHAPTER 73

" THE PRIEST OF DARKNESS PART 2 "

PREVIOUSLY...

Nang makabalik si Jessel sa kanilang Baryo. Agad sya Sinalubong ng kilabot. Habang iginigala nya ang kanyang mga mata sa Paligid. Ay nakita nya ang batang si Chacha na hinahabol ng mga maitim na kawal ni Sitan. At nakilala din naman nila si karen, ang dating kaibigan ni Jessel sa Baryo.

RIGHT NOW...

" Dyan na muna kayo mag tago... " Sabi ni Karen habang binubuksan nya ang isang maliit na Pintuan sa mga Halamanan. Kasabay din nyan nang makapasok na sina Chacha at Jessel ay kumuha sya ng isang hibla ng kanyang buhok at Itinapon nya ito sa may halamanan.

" Karen may kausap ka ba dito? " Sabi ng isang matandang Babae. nanakaitim ang kasuotan.

" W-wala po sister.." pagsisinungaling ni Karen sa matandang Babae. At iginala naman ng matandang Babae ang kanyang paningin sa paligid.

" May narinig akong aso na tumatahol kanina... Nandito ba ang batang si Chacha? " Tanong ulit nang matandang Babae sakanya habang si Karen naman ay nakayuko ito tila ba sunud sunuran ito.

" Wala naman Akong narinig na tumatahol sister France. Tungkol sa batang si Chacha. Malamang ay napaslang na ito ng mga Kawal ng demonyo sa labas." Sagot ni Karen.

" Kung ganun... Pumasok kana dito sa Loob, nagsisimula na ang pagbabahagi ni Father Santiago ng kanyang karunungan." Sabi ni Sister France.

Si Sister France ay Kasama nina Father Rowell noong nilinlang sila ni Father Santiago tungkol sa papaging Alagad ng Dilim. O pagsamba sa Kadiliman.

" Dito nalang po ako Sister France, tapos nakong mag dasal kanina..." Sagot ni Karen at pumunta sya sa isang Bangkong Kawayan at doon umupo.

" Kung ganun... Maiiwan na kita dito. " Sabi ni Sister France. Nang makapasok na ang madre sa Loob nang Simbahan. Ay bigla namang Dumating si Father Rowell.

" Karen nakita ko si Chacha dito.. may kasama sya. Kung Hindi ako nagkakamali ay kapatid yun ni Nonoy?" Sabi ni Father Rowell.

" Po? Pa-papano nyo nalaman?" Utal utal na sagot ni Karen.

" Karen Hindi ako kalaban. Katulad mo may tatak man ako nang Demonyo. Ay naniniwala pa din ako sa ating panginoon. " Sabi ni Rowell.

" Father... Anong nangyayari? Bakit nilapastangan nila ang bahay ng Diyos! " Umiiyak na Sabi ni Karen.

" Karen! Karen wag kang magpapakita ng emosyon. Baka malaman nilang nalalabanan natin ang Sumpa. Ang mabuti pa, may Alam akong pwde kayong makapagtago. " Sabi ni Rowell.

" Saan po.. sinubukan ko nang tumungin sa paligid Wala nang ligtas na lugar.." sagot ni Karen.

" Ang mabuti pa sundan nyo ako... " Sabi ni Rowell at agad itong bumalik ng simbahan at ngayon ay sa Likud na ito nang Simbahan dumaan. Samantala agad namang nilapitan ni Karen ang halamanan na pinagtataguan nina Chacha at Jessel.

" Chacha! Jessel mae.. lumabas na kayo.. May alam na ligtas na lugar si Father Rowell." Sabi ni karen.

Nang makalabas sina Chacha at Jessel.

" Karenita Loka-loka ka padin.. tinawag mo talaga ako sa kompleto kung first name." Sabi ni Jessel.

" Eh Ikaw nga tinawag moko ngayon Karenita.. ang Sagwa!" Sabi ni Karen.

" Sandali ate Karen.. saan kami magtatago.?"tanong ni Chacha.

" Oo nga bilisan nyo sundan nyo ako.. heto itali nyo ito sa daliri nyo sa kaliwa. " Sabi ni Karen at natanggal nanaman sya nang buhok ngayon ay nalaman na ni Jessel kung bakit unti-unting nakakalbo si Karen.

" Oo jessel.. isa sa mga kakayahan ko ay magtago. Gamit ang hibla ng aking buhok. Bilisan nyo ikukuwento ko nalang sayo ang nangyari.. bilisan nyo." Sabi ni Karen nang naitali na nila Chacha at Jessel ang buhok ni Karen sa kaliwa ay Agad silang nagtungo sa sinasabing lugar ni rowell.

" Saan ba tayo ate ?" Tanong ni Chacha.

" Basta sundan mo kami Chacha.." sagot ni Karen at nang makita nya si Rowell sa isang pasilyo ay suminyas ito nang Tahimik. At tila naiintindihan din naman nang aso ang mga nangyari dahil nang dumaan si Father Santiago kasama ng mga taga sunod nya ay tumahimik ito.

" Ikaw pala Karenita? Anong ginagawa mo dito? " Tanong ni Father Santiago.

" Ay may inutus lang po Sakin si Father Rowell. " Nauutal na Sabi ni Karen.

" Ah ganun ba.. magsisimula na ang misa ko. Di kaba pupunta." Sabi ni Father Santiago at hinawakan nya si Karen sa Mukha. Di naman pumalag si Karen alang-alang sa kanyang kaligtasan.

" Ah father Santiago inutusan ko lang si Karen na mag linis nang mga silid sa itaas. Hayaan mo at susunod na ako doon." Sabi ni Rowell.

" Ganun ba rowell.. Nako mamayang Alas Sais pa ang misa mo. Magpahinga kana muna.. at Karenita.. pakilinisan na din ang Kwarto ko. " Sabi ni Father Santiago, pagkautos nya ay Agad nasyang umalis kasama ang kanyang mga tagasunod.

" Bilisan na natin..." Sabi ni Rowell.

Pagkalipas ng ilang oras ay nakarating na sila sa Silid ni Rowell.

" Pasok kayo dali..." Sabi ni Rowell.

" Ah Father Rowell.. ilang buwan nakong naglilinis ng mga kwarto lalong lalo na sa pari ng kadiliman. Ngayon lang ako nakapasok sa Kwartong ito. " Sabi ni Karen.

" Dahil dalawa ang aking kwarto.. Jessel mae at Chacha pwde na kayong magpakita.." Sabi ni Rowell at agad naman nilang tinanggal ang buhok na nakatali sa mga daliri nila.

" Ah father may pagkain po ba kayo.. gutom na kami ni Toto. " Sabi ni Chacha.

" Meron.. paalalay naman Jessel. Nasa Cabinet ang mga pagkain" Sabi ni Rowell at binuksan nga ni Jessel ang cabinet laking gulat nya nang makita nyang napakadaming pagkain doong nakatambak.

" Ang daming pagkain father.." Sabi ni Jessel.

" Oo nung Di pa lumusob ang Kampon ni satanas dito. Ay bumili nako nang maraming pagkain dahil isa sa Sabi ni Father Santiago saamin ng bago kami naging katulad nya ay lahat ng pagkain sa mundo natin ay magkakaroon ng tatak ng demonyo. Kaya bago pa nangyari yun ay nag ipon nako. Kaya kayo wag kayo kakain Basta basta" Sabi ni Rowell.

" Father ibig sabihin.. ang Kwartong ito ay ang dati mong kwarto ? So ibig sabihin ang kwarto na nililinis ko sa itaas ay.." naputol ang sasabihin ni Karen ng biglang nakaramam ng kakaibang hangin sa loob si Karen. Wala namang bentelador o bintana sa loob ngunit parang napakasariwa nang hangin ang dumadampi sa kanyang katawan. At ilang sandali pa ay sina Chacha at Jessel naman ang nakaramdam.

" Father Rowell... Anong nangyayari? " Tanong ni Jessel.

" Dahil dito. " Sagot ni Rowell sabay Turo sa isang Altar na nakasarado.

" Maari ba naming buksan Father?" Sabi ni Jessel

" Sge..." Ngiting Sabi ni Rowell.

" Ang Cross, Agua Bendita, at Ang statwa ni Mama Mary. " Sabi ni Karen.

" Sana nakikita ito ni Mama Mary at ni Papa Jesus... " Sabi ni Chacha habang umiiyak ang bata. Niyakap naman ito ni Rowell.

" Hayaan mo Chacha. Di tayo pababayaan ni Papa Jesus. Mahal na mahal tayo ni Lord, pati na din si Mama mary. Kelanman di mananalo ang kasamaan sa Kabutihan.." Sabi ni Rowell habang Yakap ang bata.

" Ah Karen, At Father Rowell.. Nais ko lang sanang itanong kung nasaan si Aling Ising at Nonoy? " Tanong ni Jessel.

" Si Teacher Isadora...ay naging katulad na ng mga tao sa baryo. Si nonoy nailigtas ko sya. " Sabi ni Rowell.

" Kung ganoon saan po sya?" Tanong ni Jessel. Laking gulat ni Jessel nang ituro ni Rowell ang tuta na si Toto.

" Si Toto? " Naguguluhang Sabi ni Jessel.

" Papano nangyari na naging aso ang Kapatid ko father... Nang gogood time lang po kayo?" Sabi ni Jessel.

" Sandali Kilala ko ang Marka nang batang ito.." Sabi ni Karen nang mapansin nya ang balat sa kabilang braso ni Chacha.

" Charity? " Sabi ni Karen.

" Bakit tinawag mong Charity si Chacha..?" Sabi ni Jessel.

" Jessel mae.. naalala mo ba nung transferee natin sa Unibersidad. " Sabi ni Karen.

" Oo naalala ko sya.. " sagot ni Jessel.

" Nung binigyan na kami nang kapangyarihan. Sa mga Di lumaban.. isa sa katulong ko upang itago ang kapangyarihan ko ay si Charity. Sa tuwing ininspeksyon ni Father Santiago ang aming kakayahan si Charity ang laging tumutulong saakin.

" Ngayon Karenita ipakita mo saamin ang kapangyarihan mo.." Utos ni Father Santiago.

" Opo!" Sagot ni Karen

Habang si Charity naman ay pinapagalaw nya ang mga kagamitan sa loob ng simbahan. Ang inakala nilang kapangyarihan yun ni Karen. Yun pala ay kay charity.

" Nag desisyon kaming Dalawa na ilihim ang mga kapangyarihan namin sa lahat. Ako kaya kong maging invisible.. si Charity naman ay kayang magpagalaw ng bagay pero kaya din nyang magpalit anyo." Salaysay ni karen.

" So ibig sabihin ginawang tuta ang Kapatid ko?" Sabi ni Jessel.

" Kung si Charity si Chacha.. at si Nonoy ang asong yan... Baka may kadahilanan si Charity." Sabi ni Father Rowell.

" Charity nakilala moko?" Sabi ni Karen..

" Hindi po ako si Charity. Ako Po si Chacha..hinahanap ko po ang mama ko!" Sabi ni Chacha.

" Kelan ka ipinanganak?" Tanong ni Jessel.

" January 12 1992 " sagot ni Chacha.

" Si Charity ka nga..." Sabi ni Jessel

" Oo nga Alam ko Din ang birthday ni charity. Dahil last 20017 nag celebrate pa nga tayo sa bahay nila. Pero bakit walang maalala si Charity?" Naguguluhang Sabi ni Karen.

" Dahil sguro upang maprotektahan nya ang kanyang Sarili. madalas, kelangan nating mawalan ng Alam upang makatakas. " Sabi ni Rowell

" Kung ganun.. si Charity lang ang may alam kung ano ba talaga ang nangyari.. " Sabi ni Jessel.

TO BE CONTINUE...

Nächstes Kapitel