webnovel

CHAPTER 60

" Pagsamba sa Kadiliman P2 "

Previously...

Nang makarating sina Mang Gaspar, Tyler, Mia at Alpia kasama na rin nila ang anak ni Mang Gaspar na si Helena. Nakita nilang nakahandusay ang kanilang mga kaibigan sa sahig. Inakala nilang sinalakay sila ng mga alagad ni sitan. Yun Pala ay pinatulog sila ng Batibat. Habang si Raven naman ay nagulat din sa kanyang nakita pagkauwi nya sa unit ni Ian Ay ganoong eksena ang kanyang nakita. Samantala, Inutusan si Raven ni Ian na sundan ang mga kakaibang mga tao na sumasamba na kay sitan.

I know madami kayong tanong.. Alright Ito na ang karugtung. Enjoy mga mahal..

Right now....

 " Mang Gaspar mag tatagumpay kaya sila?" Tanong ni Raven sa matanda.

" Magtiwala ka Iho.. malakas ang mga kaibigan mo. Tiyak akong mananalo sila.!" Sabi ni Mang Gaspar. Habang si Alpia naman ay binigyan ng pagkain si Helena.

" Helena.. alam kung gutom kana Iha.. ito kumain na muna kayo. " Sabi ni Alpia sabay abot sa mag ama sa pagkain. Ngunit tinanggihan ito ni Mang Gaspar.

" Maitanong ko lang po Mang Gaspar. Alam ko po may issue talaga ang tao at Engkanto. Since the beginning of the time pa talaga. Lilinawin ko lang po. Ang pagkain na aking inihanda ay Hindi galing sa aming mundo sainyong mundo ito. Di ko nilagyan ng anumang Uri ng Salamangka ang pagkaing ito. " Sabi ni Alpia.

" Pagpasensyahan muna si Tatay Ate.. Kasi Kinuha kasi ng mga kauri nyong Engkanto si Ate Delia ko dati. " Sabi ni Helena.

" Oo Mang Gaspar, inaamin ko! Laganap ang pandudukot ng mga kalahi namin sa Inyong mundo. Ngunit Katulad ninyong mga tao may mga Engkanto ding mabubuti. Hayaan nyo po susubukan kung hanapin ang inyong anak sa aming mundo ng Sandaling makabalik nako doon." Sabi ni Alpia at inilapag nya ang pagkain sa Mesa.

" Tatay, Di naman bad si ate.. Isa pa isa sya sa mga Sugo ni Papa God diba ?" Sabi ni Helena.

" Pagpasensyahan muna ako Iha. Di ko lang matanggap na nawawala pa rin ang aking anak hanggang ngayon. " Sabi ng matanda sabay yuko.

" Mang Gaspar... Katulad nyo ay Di kami sang-ayon sa pandudukot ng mga kalahi namin. Kami ni Alpia, Kalahating Tao at Engkanto po kami.." Dagdag na Sabi Raven.

" Tatay... Tahan na po. Maraming Salamat po sa pagkain ate. " Sabi ni Helena at Agad syang kumuha ng pagkain na inihanda ni Alpia sakanila nang biglang umungol si Jenna tila ba nasasaktan ito.

" UHHHHH !! "

" Mang Gaspar anong nangyayari? " Sabi ni Alpia at Inaalog-alog nya si Jenna. Pilit nya itong ginigising.

" Naging masama na ang panaginip ni Jenna.. kelangan nila Tyler at Mia na magising si Jenna. " Sabi ni Mang Gaspar habang pailing-iling ang Ulo ni Jenna.

Pumasok naman tayo sa Panaginip ng Bawat isa.

Jenna's Dream.

 Kitang-kita ni Jenna ang nag gagandahang Uri ng Bulaklak sa Paligid. At tila sa dulo ng kalsada na kanyang nilalakaran, tanaw nya ang isang Pamilyar na maliit na kubo.

" Bahay namin yun.. at si Gloria ba yun?" Sabi ni Jenna habang tanaw nga sa malayo ang bahay nila at ang pinsan nyang Gloria.

" Gloria! Gloria! Nauwi kana Pala ng pilipinas?" Nagmamadali lakad ni Jenna patungo sa kanyang Pinsan.

" Ikaw Pala insan. Magandang Umaga! " Bati ni Gloria sakanya habang nandidilig ito ng Halaman. Ilang Sandali pa ay lumabas ang Tatay ni Jenna galing sa maliit na kubo.

" Tatay? Ikaw ba Yan ?" gulat na Sabi ni Jenna.

" Anak bakit ? Parang gulat na gulat ka?" Sabi ng Tatay ni Jenna na may hawak ng isang tasang Kape.

" Ayus ka lang ba insan.. anong pinagsasabi mong si tiyo ba itong kasama natin. Syempre Oo. Ayus ka lang ba pinsan? Masama ba pakiramdam mo?" Sabi ni Gloria.

" Hindi bat nasa Ibang bansa ka. I mean nangibang bansa ka. At kasalukuyan Kang nag tatrabaho sa flower shop ni Alpia sa U.S. Wala kang maalala?" Sabi ni Jenna kay Gloria.

" Insan Hindi ko alam yang sinasabi mo. Sinong Alpia ? Ay nko gutom kalang siguro. Halika pumasok ka dito at nakapagluto na rin ako. Tayo na kumain na tayo." Sabi ni Gloria. Ngunit takang-taka si Jenna sa mga kaganapan.

" Hindi busog pako insan.. Sandali may pupuntahan lang ako." Sabi ni Jenna at nyang ginamit ang kakayahang makapaglaho.

Nang marating nya ang lugar na kanyang pinuntahan. Agad syang pagtaka sa kanyang nalaman.

" I'm sure nandito lang ang Casa Villa margarita." Sabi ni Jenna habang palingon lingon ito sa Paligid.

" Yes Po miss... May hinahanap ka ?" Sabi ng isang guard sa isang malaking building.

" Magandang araw po. Saan po ba Dito ang Villa Casa Margarita? Ang alam ko po dito nakatayo ang Villa Casa. Dito mismo " Sabi ni Jenna sabay turo sa malaking building na binabantayan ng Gwardya.

" Ah miss Di ko alam yang sinasabi mo.. " Sabi ng Gwardya. At agad naglaho si Jenna.

" Bumalik na naman ako sa Bahay ? " Sabi ni Jenna nang bigla nalang syang dinala sa Tapat ng bahay nya.

" Uy Gloria nandito na si Jenna.. pagbuksan mo Di ako makatayo. Tung batang to kung saan saan nalang pumupunta." Sabi ng Tatay ni Jenna. At biglang naalala nya na matagal nang Patay ang kanyang ama.

" Hindi Ikaw si Tatay. Patay na ang aking ama.. lapastangan kang gumamit sa itsura ng aking ama. " Sigaw ni Jenna.

" Ako ito anak ? " Sabi ng Tatay ni Jenna at unti-unting nagbago ang wangis nito at naging isang matabang babae na may kakaibang itsura.

" Hello Jenna...hahahaha !" Sabi ng Batibat.

" Mabutit ipinakita muna saakin ang iyong tunay na wangis. Ba-ti-bat !" Sabi Jenna. Agad nyang binuksan ang bag nya. Kukunin nya sana ang libro ng karunungan ng biglang wala syang makapang anuman sa Loob ng bag.

" Nasaan na yun..." Sabi ni Jenna.

" Jenna nasa Mundo ka ng mga panaginip. At ako ang may kontrol sa mundong ito. Di ka maliligtas ng iyong Kapangyarihang maglaho. Dahil kaya kitang patayin anumang Oras. " Sabi ng Batibat sabay Sakal kay Jenna sa Leeg.

" Bi-bitiwan mm-moko Di ako makahingahh!" Sabi ni Jenna habang nahihirapan sa paghinga. Nang biglang dumating si Tyler at tinulungan sya upang makawala sa pagkakasakal.

" Sensya na kung late nako Ate Jenna. " Sabi ni Tyler.

" Tyler ? Tunay kaba ?" Sabi ni Jenna.

" Oo.. naman ate Jenna ano bang klaseng Tanong yan." Sabi ni Tyler.

" Kung Ikaw ng si Tyler patunayan mo.." Sabi ni Jenna. Habang si Batibat naman ay sasalakayin na sana nya si Tyler nang biglang may tubig na bumalot sa buong katawan nito at ginawa nyang Yelo.

" Wag Kang makikialam kung nag uusap ang mga Butterfly. Langaw kalang !" Sabi ni Tyler sabay Ngiti sa Batibat.

" Aaahhhhh!! Pagbabayaran mo to kutang Lupa ka!" Sigaw ng Batibat

" Alam ko kung sinong Crush mong Diwata..." Sabi ni Tyler.

" Sino aber ? Kung nalaman kung nanghuhula ka..---" naputol na ang sasabihin ni Jenna ng masagot ni Tyler ang ngalan ng diwatang kanyang nagugustuhan.

" Si Lakambini.. " sagot ni Tyler.

" Ikaw nga si Tyler.. " masayang Sabi ni Jenna.

" See.. nako Ate Jenna mabuti pa gumising kana dahil gigisingin ko pa ang iba. " Sabi ni Tyler at agad naman itong naglaho. At nang lingunin ni Jenna ang naka Freeze na Batibat. Ay Wala na Ito sa paligid.

" Kelangan ko nang magbalik para matulungan ko sila. "

Ilang Sandali pa ay Nagising si Jenna, Kasunod naman si Katalina.

" Anong nangyayari ? " Sabi ni Katalina.

" Alpia ? Mabutit ligtas ka..." Sabi ni Jenna agad naman syang niyakap ni Alpia.

"Mabuti naman ate Jenna at Katalina gising na kayo.. " Sabi ni Raven.

" Si-sino sila Alpia ?" Tanong ni Jenna.

" Sya nga Pala si Mang Gaspar at ito naman ang anak nya si Helena. " Pakilala ni Alpia kina Mang Gaspar at Helena.

" Hello po ate, mabutit gising na po kayo" Sabi ni Helena.

" Kay Ganda mong bata." Sabi ni Jenna.

" Ngunit bakit tulog padin sila.. " Sabi ni Katalina.

" Katulad nyo nasa Kapangyarihan pa din sila ng Batibat. nagising lang kayo dahil sa tulong nina mia at Tyler. " Sabi Alpia. At inabutan ni Raven sina Jenna at Katalina ng mainit na kape. Ilang Sandali pa ay umungol naman si Theo.

" Insan si Theo..." Sabi ni Katalina. Agad kinuha ni Jenna ang Libro ng karunungan. At nang bubuklatin nya ito ay nag tanong si Mang Gaspar sakanya.

" Sandali lang Iha. Ikaw ba si Jenna ?" Tanong ni Mang Gaspar.

" Oo ako nga po. " Sagot ni Jenna.

" Kilala ko ang libro na hawak mo.. yan ay pag aari ng Ama mo." Sabi ni Mang Gaspar.

" Oo nga po kay tatay nga ito. " Sagot ni Jenna.

" ang Tatay mo ba ay si Ricardo ? " Tanong ulit ni Mang Gaspar.

" Hindi po. Tatay ko po si Hernando.. " sagot ni Jenna.

" Teka insan Mamaya na Yan. Dumudugo na ilong ni Theo.." Sabi ni Katalina. Di na nakasagot si Jennam nagulat man sya sa narinig na ngalan na ibinanggit ni Mang Gaspar. Ay binabalewala nalang nya ito at naghanap ng remdyo kung papano matatalo ang Batibat.

" Libro ng Liwanag karunungan ay saakin ibigay.. sumpa ng Batibat iyong wakasan.. " Basa ni Jenna sa Libro na kanyang Hawak sobrang liwanag ng libro habang binabasa nya ito.

Naunang nagising si Jessel, Susmihta, Mia, Ian at Charles ( A.k. a. Charlie ).

" Anong nangyari?" Tanong ni Ian.

" Ngunit bakit di parin magising si Theo at Tyler ?" Tanong ni Raven.

" Sandali susubukan kung silipin.." Sabi ni Katalina. Nang hawakan nya ang mga Ulo ng magkapatid. Wala syang nakitang anuman sa kanyang ikatlong mata.

" Bakit Wala akong makita ? "

" Susubukan ko pa ulit !" Sabi ni Katalina.

Ngunit Wala talagang makita si Katalina.

TO BE CONTINUE...

Nächstes Kapitel