webnovel

CHAPTER 44

" KASAWIAN P3 "

PREVIOUSLY....

Nakulong sila sa Silid ng repleksyon dahil sa kagagawan ni Agnes. at doon nila nakita ang kani-kanilang alter side. or sabihin na nating Darkside nilang lahat.

Habang sina Jake, Tyler at Raven naman ay naghahanda sa pag pasok sa Aydendril upang humingi ng tulong kay Olivia.

Alrighty but before that, I do apologize guys for taking so long. late na akong mag update. medyo busy lang ako ng very light.. and pag uwi sng bahay ayun tumba na dahil sa pagud. anyhow thank you for keep reading and pag support sa story very appreciate ng bongels ang mga feedbacks nyo...

Sino kaya ang masasawi ? Si Mia ?

Alpia? Jessel? Theo? Tyler o si Jake? Abangan...

So let's go and start the story..

Right now...

Habang nasa harapan sina Jake, tyler at raven ng Acacia. may biglang tumawag sa kanila..

" JekJek.... sandali sasama ako..!! " Sigaw ni Jessel.

" Oh ikaw pala binibining Jessel.. anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Raven.

" Well, I'm here pala tumulong sainyo and balita ko kay Mariang Sinukuan... Nasa panganib sila theo, Di ako pwdeng maupo sa tabi at walang gagawin. " Sagot ni Jessel.

"Ngunit Jesjes sino ang nag babantay sa kapatid mo ?" Tanong ni Jake.

" Wag kang mag aalala, dumating ang kapatid ng mama ko kanina.. so sya muna ang magbabantay kay nonoy. at bilisan na natin.. nararamdaman kung nasa panganib sila.. " sabi ni Jessel.

Agad nag usal ng Dasal si Tyler at sa pagkakataong ito ay nag bukas na ang Lagusan patungong Aydendril.

SAMANTALA sa mundo ng mga engkanto sa Dalakit.

Sa silid ng mga Repleksyon...

" Saan ba sila galing??? " sabi ni Mia habang pinapatamaan nya ang kanyang kamukha ng kanyang kapangyarihan.

" Nakakalungkot mang isipin mia, sila ay nangaling saatin.. sila ang kabaliktaran ng ating mga katauhan.." Sagot ni Alpia habang panay ilag sa mga tira ng kanyang kamukha.

" Miss Alpia, may alam kaba kung papano natin sila matatalo.. ?" Tanong ni theo.

" Wala akong alam theo... " sagot ni Alpia.

" So meaning Jenna sila ang mga Alter Ego's natin? tama ba ang narinig ko ? " tanong ni Ian.

" Oo, ilag katalina... " sigaw ni Jenna habang tinutulungan nya si Katalina.

" Salamat Insan.. muntikan na yun... " sabi ni Katalina.

"Mag dikit dikit kayo... " Sigaw ni Jenna. at yun nga ang kanilang ginawa. nag dikitdikit silang anim.

" Theo ang pananggalang... " sigaw ni Jenna. at ikinumpas ni Theo ang kanyang mga kamay. at ilang sandali pa ay may lumabas na maraming bula sa paligid, nag kumpol kumpol ito. at naging isang malaking bula at pumasok sila dito.

"Ngayon Jenna ano ang plano mo ?" sabi ni Alpia..

" Bilisan nyo dahil di magtatagal ang bulang ito.. " sabi ni Theo.

" Ganito ang gagawin natin.. " Sabi ni jenna. At isinalaysay ni jenna ang kani-kanilang gagawin.

" Ikaw ang mauna, Alpia... sa tingin mo sino ang makakaya mong Talunin?" tanong ni Jenna.

" Talunin? bakit? " naguguluhang sabi ni Alpia.

" Ang mga kamukha natin.. sila ang negative side natin at tayo naman ang positive side.. kung ipagsasama mo ang positive at negative anong magyayari? " tanong ni Alpia.

" Mag co-cause ng Negative reactions.. " sabi ni Ian.

" Very good... so ganito ang gagawin natin kunware ako ang positive side A at ang Negitive side ni Alpia ay ang Negative C. Ang misyon natin.. kelangang pumili kayo ng mga Negative side ng bawat isa upang madali natin silang matalo. dahil kung lalabanan natin ang sarili nating kamukha. alam natin kung hanggang saan ang abilidad natin.. so Ikaw mauna Alpia.. sino ang gusto mong makaharap?" Explanasyon ni Jenna.

Sa AYDENDRIL.....

" Sa wakas nandito na tayo... " Sabi ni Tyler.

" Ok na ba ang pakiramdam mo Ty?" tanong ni Jake. " Medyo okay na ako.. nakakaginhawa talaga ang sariwang hangin sa Aydendril. di katulad sa ating mundo, puno na nang pulosyon ang hangin. " Sabi ni Tyler.

" Pero Tyler, saan ba natin makikita ang Kaharian ni Olivia... ?" Tanong ni Raven.

" Sumunod kayo saakin.. " Sabi ni Tyler.

" Sge..." Sagot ni Jessel at sumunod sila kay tyler papuntang palasyo.

Sa PALASYO...

" Kamahalan.... may namataan kaming mga dayuhan sa bundok. at sa palagay ko dumaan sila sa lagusan ng punong acacia sa mundo ng mga mortal. " sabi ng kawal ni OLivia.

" Hindi kaya sina Theo at Tyler yun ? " sabi ni Olivia. habang katabi nya sina Sierra, Lina at Rica sa upuan.

" Maari nga mahal na reyna.. mabuti pang salubungin na namin sila.. " sabi ni Sierra.

" hindi na Reyna Sierra.. dumito na lang kayong tatlo. hayaan mo ang mga kawal ang sumiyasat. " Sabi ni Olivia.

Balik sa Dalakit... Ang Silid ng mga Repleksyon..

" Pumili na kayo... at Theo alisin na ang Pananggalang..." Utos ni Jenna. Naunang Pumili si Mia....

" Ikaw... " Sabi ni Mia sabay ng Kamukha ni Alpia.

" Bakit ako ? " sabi ng Darkside ni Alpia.

"Dahil----" naputol si Mia sa kanyang sasabihin ng biglang sumabat ang kanyang kamukha.

"Dahil, ingitera sya... matagal na nyang gustong maging kasing lakas mo, at naiingit sya sa mga nakukuhang papuri na ibinibigay ng gurong ofelia. pati na sa mga taong nakapalibot sakanya.. " Sabi ng kamukha ni Mia.

"Oo, guro... totoo yun pero matagal ko nang natanggap ang bagay na yan..at isa pa nirerespeto ko si alpia bilang Guro at nakakatandang kapatid." Sabi ng totoong mia.

" Kung gayon.. IKAW mia ang nais kung makaharap.. " sabi ni Alpia sabay turo sa kamukha ni Mia.

"Its my pleasure... " sagot ng kamukha ni mia at humakbang ito palapit sakanya. Habang si agnes ay natutuwa sa kanyang nakikita sa kanyang mahiwagang salamin.

"Sige tingnan natin kung hanggang saan ang lakas nyo.. nakakatuwa ang palabas na ito. tyak matutuwa si Sitan dito." Sabi ni Agnes.

BALIK SA SILID NG MGA REPLEKSYON...

"Ako naman nais kung makaharap si Jenna... " Sabi ni theo sabay turo sa kamukha ni Jenna. sabay hakbang...

"Ikaw, aking gustong makaharap.. " sabi ni Ian sabay turo sa kamukha ni Theo.

Ganito ang nangyaring arrangement...

Ian ---> Alter Ego ni Theo

Mia ---> Alter Ego ni Alpia

Alpia ---> Alter Ego ni Mia

Katalina ---> Alter Ego ni Ian

Theo ---> Alter Ego ni Jenna

Jenna ---> Alter Ego ni Katalina

" Good Luck guys... " sabi ni jenna at agad nyang binuklat ang kanyang mahiwagang libro. habang sina Katalina, Mia, Alpia, Theo at Ian naman ay inihanda nila ang kanilang mga sandata.

Balik sa Aydendril...

" Malapit na tayo... " sabi ni Jake.

" Sandali mga kawal ba yung paparating saatin..?" sabi ni Jessel.

"Oo nga.. may puti silang bandilang dala, so di karahasan ang kanilang hatid. " sabi ni Raven.

" Mukhang naramdaman ni Olivia ang pagdating natin dito.. gusto ko sana syang surpresahin.. " sabi ni Tyler. at ilang sandali pa ay huminto sa kanilang kinalalagyan ang mga kawal. Sakay sakay ang mga kabayo.

" Ako Jenleff.. ang taga pagsalita ng mga kawal ng palasyo.. nais ko lang malaman kung kayo nga ba ang mga kapanalig ng reyna olivia mula sa mundo ng mga mortal..?" Tanong ng pinuno ng mga kawal.

" Ka-kami nga Ginoo.." sagot ni Jake. Nang marinig ito ng punong kawal ay agad nyang tinanggal ang baluti na nakasuot sa kanyang ulo. at tumambad sakanilang harapan ang isang mahaba at kulay dilaw na buhok ng pinunong kawal.

" Hindi ako lalaki... isa akong babae.." sabi ng pinunong kawal.

" Pasensya na po binibini kami lamang ay nalilito." sabi ni Raven.

" Naiintidihan ko. Sumakay na kayo saamin upang maihatid ko na kayo sa palasyo.. " Sabi ng pinunong kawal. at Agad silang umangkas sa mga kabayo.

Samantala.. Sa silid ng Repleksyon..

" Sugatan na si Mia... kelangan nating pagalingin si Mia.. " Sabi ni Katalina.

" Kung nandito lang sana si jake.. makakakuha tayo ng halamang gamot para sa mga sugat natin. " sabi ni Theo.

" Oo nga, at lalong may lumalakas pa sila? sa bawat atake natin... Triple o doble ang ibumabalik sa atin..." sabi ni theo.

" yun nga din ang napansin ko ko Theo akala ko, ako lang ang nakakapansin... Ilag theo.. " sabi ni Jenna, sabay tira ng umaataking kamukha nya.

"Salamat Jenna... Anong plano natin..? " sabi ni theo.

" Sandali kelangan kung mag isip nang bagong taktika... " sabi ni Jenna.. nang biglang sumigaw si Alpia..

" WWWAAAAAAGGGGGGGGGGGGG!!!!!!"

 Nang makita nilang sinaksak sa Likuran si Mia nang kamukha ni Alpia..

TO BE CONTINUE...

Nächstes Kapitel