webnovel

CHAPTER 8

" Ang Libro ng Kahilingan Part 3 "

THE CONTINUATION...

Sa syudad...

"Teka, Marco saang Lugar ba ito ? " tanong ni Miguel kay sitan.

"May bibisitahin tayung isang dating kaibigan.. " sabi ni marco habang nakatingin sa isang bahay.

"Sino naman yun ? sa katauhan mo bang bilang marco o sitan ?" tanong ni Miguel.

"Kumapit ka saakin, di na tayu gagamit ng Door Bell. " sabi ni Marco.

" Bakit sasalakay ka nanaman ba?

Wow ha? Grabe sya..! " Sabi ni Miguel.

" TANGA ! Bibisita nga lang Diba ? At Alam kung may kinalaman at may Alam sila kung Saan na ang mga Enkantong Tao. " Sabi ni Marco at agad nyang kinuwelyuhan si Miguel, kasabay nito ang kanilang pag laho..

Samantala iniisip ni Cherry kung anong magandang gawin nya sa libro kung totoo man ang nabasa ni Argelie maaring maypahamak ng dahil sa libro.

" Oh, Late kana bes di ka ba papasok ? " Sabi ni Argelie.

" Bes, pano mo nabasa yung nakasulat sa libro eh, nung buklatin ko ito may mga letra na di ko mabasa ng bonggang bongga? " Sabi ni Cherry.

" Hindi ko Alam Cherry, Wag Kang praning malakas ang Pakiramdam ko sa Libro nato. May di magandang mangyayari. " Sabi ni argelie habang hawak nya ang libro.

" Ah ok ? Pero anong Oras na ba ? " Tanong ni Cherry.

" Mag aalas syete na bes. " Sagot ni Argelie sabay lapag sa libro.

" Patay late nako.. " Sabi ni Cherry.

" I told you, tsaka bes may pasok ako sa School later. And then may date kami Nina trisha, at Michael this 8pm sa retro bar. Sasama kaba ? " Sabi ni Argelie.

" Susunod ako bes, kung kaya ng sched ko at Sana walang bonggang paper works ngayon. " Sabi ni Cherry.

-----------------------------------------------------------

Sa bahay ng mga Adonis...

" Bat ka malungkot Tyler, ? Ayus ka lang ba ? " Sabi ni Jenna.

" Ayus lang ako ate Jenna, bakit parang unti-unting magkakawatak-watak ang ating gropo ate ? " Tanong ni Tyler.

" Ty, sina Ate Kat mo at Kuya theo, Diba nasa bundok yayaisa sila. Para mabilisang mailuwal ni ate Kat ang pamangkin mo. Kumbaga ---" Sabi ni Jenna ng biglang sumulpot sa kanilang likuran si Theo.

" Para mapabilis ang panga-nganak ni ate Kat mo. Kasi doon sa bundok yayaisa, may salamangkang ginawa ang mga diwata upang mapabilis an Oras at buwan doon. At konti nalang makakauwi na kami ni ate Kat mo. " Sabi ni theo sa likuran ni Tyler.

" Kuya ? Bat ngayon ka lang bumisita saamin ? " Sabi ni Tyler at agad nyang niyakap ang kapatid nya. Habang si Jenna Naman ay maluhaluhang nakatingin sa magkapatid.

" sensya na kayo, ngayon lang ako nagkaron ng Oras para bumisita.nandun si Diwatang Bulan at Alunsina upang samahan si ate Kat mo. " Sabi niTheo.

" Mabuti naman at napadalaw ka theo, kumain kana muna.. " Sabi ni Jenna.

" Sge na miss ko din ung lutong bahay.. " Sabi ni theo.

" dalhan mo din si katalina ng luto ko. I'm sure na mimiss na nya mga luto ko. Sandali at kukuha ako ng mga lalagyan. " Sabi ni Jenna.

" Teka bat wala sina Jake at Ian Saan ba sila?" Sabi ni Theo.

" Mahabang kwento kuya , kumain kana muna dyan. " Sabi ni Tyler.

" Si Ian, nag punta ng Aydendril upang kukuha ng gamot ni Tyler dahil.. lumabas ulit ang itim na kambal tubig ng oroskopyo ng Pisces. " Sabi ni Jenna.

At agad tumayo si Theo at tiningnan ang batok ni Tyler.

" Anong ginagawa mo Kuya.. " Sabi ni Tyler.

" Bakit theo anong nangyari ?" Sabi ni Jenna.

" Nauubusan na ng lakas ang kaluluwa ni Tyler, Sabi ko na nga si Tyler ang may gawa ng kakaibang bagyo dito sa Syudad. " Sabi ni theo.

" Bakit kuya anong ibig mong sabihing nauubusan ?" Tanong ni Tyler.

"Kung naalala mo pa, nung Ika bente uno mong kaarawan. Nangyari din sayo ang katulad ng nangyari sayo. Buti na lamang sa tulong namin nina Jake at diwatang si Magayon ay napigilan namin ang pagsakop ng oroskopyo ng Pisces sa katawan mo. At may engkantasyon na iniwan si Magayon sayo bilang ikaw ay kumakatawan sakanya. " Salaysay ni Theo.

" Nasaan ba si Jake ? Sumama ba Kay Ian ? Alam ni Jake kung papano ibalik ang lakas mo bunso. Bukod sa magjowa kayo ty, haha ! Kaya ka nyang pagalingin dahil sya ang ginawang karugtung Buhay ni Magayon sayo. " Sabi ni Theo.

" Oo kuya sumama sya Kay Ian. " Sabi ni Tyler at agad syang tumayo at umalis ng kusina.

" Ate Jenna may Wala ba akong alam dito ? " Sabi ni theo.

" Hayaan mong si Tyler na ang mag kwento sayo.. " Sabi ni Jenna.

" Tyler, sandali ! kwento mo sakin anong nangyayari dito ?" Sabi ni theo at agad nyang sinunandan si Tyler.

" Jusko Lord, unti-unti ng magkakawatak-watak ang gropo namin. Habang si sitan nararamdaman kung lumalakas na sya.. bigyan nyo po ako ng signs para ma fixed tung mga problema namin. " Sabi ni Jenna.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Balik sa lakad nina Marco at Miguel..

"Nasaan na ba yung tarut cards ko ? Dito ko lang naman nilagay sa cabinet bat nawala ? " Sabi ng isang babae.

" Kamusta Ophelia ? Ito ba hinahanap mo ?" Sabi ni marco sa likuran ni Ophelia.

" Anak ng tutubi.. bat kaba pagbigla-biglang sumusulpot dyan sa likuran ko marco. " Sabi ni Ophelia.

" nandito ako para kamustahin ang mga Enkantong Tao.. " Sabi ni Marco.

Agad kinabahan si Ophelia sakanyang narinig. At agad nyang kinuha ang mga tarut cards mula sa kamay ni Marco.

" Bakit mo sila hinahanap Sitan ? Anong kelangan mo sakanila ? " Sabi ni Ophelia. Habang nababalisa ito at nanginginig na inaayus ang mga baraha sa kanyang maliit na lamesa .

" Relax lang Ophelia, Hindi ko Sila aanuhin. In fact nandito ako para kamustahin lang sila. That's it! " Sagot ni marco.

" Maayus na sila sitan.. Namuhay na sila ng maayus. " Sagot ni Ophelia. At agad syang kumuha ng isang baraha sa kanyang lamesa. At mas natakot pa sya sa kanyang nakita.

" Uy Death Card ? " Sabi ni Miguel..

" Anak ng tutubi, Miguelito bat ka nanaman nagugulat batang to. " Sabi ni Ophelia sabay Palo sa ulo.

" Aray naman aling Ophelia.." reklamo ni Miguel.

" Maari ko bang malaman mga address ng mga Enkantong Tao Ophelia ? " Sabi ni Marco.

" Ay oo nga pala ung iba Wala na sa pilipinas.nag ibang bansa na sila. " Sagot ni Ophelia habang hinuhulaan nya ng palihim ang layunin ni Marco sa mga Enkantong Tao.

" Ayun sa napagsunduan ng mga Enkantong tao Bago sila tumira dito sa Syudad. Kelangan nilang ipaalam sa namumuno sa nila kung saan sila nakatira at nagtatrabaho. At ikaw yun Ophelia ang piniling pinuno nila. Ngayon Ophelia nasaan sila. ?"Sabi ni Marco.

" Sandali kukunin ko lang ang listahan.. " Sabi ni Ophelia sabay bukas sa isang compartment sa kanyang mesa.

" Maasahan ka talaga Ophelia. " Sabi ni marco.

" Ah aling Ophelia, may pagkain ba kayo ?" Sabi ni Miguel.

" Nasa kusina Miguelito, kumuha ka!" Sabi ng matandang babae.

"Ophelia, pinagtataguan na ba ako ng mga alaga mo? O baka Naman kumampi na kayo sa mga diwata ? " Sabi ni Marco.

" Sitan matanda nako, at kahit nino man Hindi kami naglilingkud kanino man . Kahit sa mga katulad mong Demonyo. Alam mo yan !" Sabi ni Ophelia.

" Kilalang-kilala ko kayo Ophelia, mga uri ng enkantadong Dalakit. Wala kayong kinikilalang pinuno. Ngayon nasaan ang mga Enkantong tao!" Sabi ni Marco habang nag aapoy ang kanyang mga kamay.

" Ako bay tinatakut mo Sitan ? Nanahimik na ang mga Enkantong tao dito sa Syudad. At sa pagkakaalam ko di kami sumumpa ng katapatan sayo. At may karapatan akong protektahan ang mga nasasakupan ko. Kaya di moko mapipilit na kung nasaan sila. Mas mabuti pang umalis na kayo!" Sabi ni Ophelia.

" Sabagay, Hindi kita pipilitin Ophelia. Pero Humanda ka ! Dahil balang araw ikaw na mismo ang mag susuplong kung nasaan ang mga galamay mo! " Sabi ni Marco.

" Ano marco? Uuwi na tayo ? " Sabi ni Miguel habang kumakain.

" Magandang araw sayo Ophelia at Kamiy aalis na!" Sabi ni Marco at Agad silang naglaho sa bahay ni Ophelia.

" Wag na kayong babalik dito.. " Sabi ni Ophelia at biglang sumulpot si Gassia.

" Mabuti naman Ophelia at nakipagtulungan ka saakin. " Sabi ni Gassia.

" Lapas tangan kayong mga Demonyo at Diwata. Bakit nyo pinapakialaman kaming mga Engkanto. Matagal ng panahon hinati ni Bathala ang Mundo sa ibat ibang demensyon. At ngayon may gyera kayo bat pati kami nadadamay. " Sabi ni Ophelia.

"Tama ka nga Ophelia, ngunit kahit hinati ni Bathala ang Mundo. Lahat tayo ay maapektuhan sa mga plano ni Sitan. Halimbawa, nasira ang kanlaon at si sitan na ang maghahari sa lahat demensyon. Sa tingin mo Ophelia magkakaroon ba ng katahimikan sa ibat ibang demensyon. Kahit bumalik kapa sa Mundo mo. Wala ding mangyayari magkakagulo ang lahat. At salamat din sa impormasyon mo. Bibigyan ko lang sila ng Basbas.upang maging protektado sila. Wag Kang mag aalala iiwan ko sayo ang rosas ng pagkadalisay. Upang di na makapasok ang anumang kampon ni Sitan. " Sabi ni Gassia.

" Maraming salamat kung ganun pero, sila sitan lang ba papano kayong mga diwata ? " Sabi ni Ophelia.

" Hindi na kami babalik dito at mag iingat ka Ophelia, " Sabi ni Gassia at agad ding naglaho si Gassia.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa Paaralan kung saan nag aaral ang kaibigan ni Cherry na si Argelie.

" Sandali, bat nandito tung Libro ni Cherry ? Weird ?" Sabi ni Argelie.

" Miss Malig-on ?Are you okay ? " Sabi ng Guro ni Argelie.

" Yes ma'am I'm okay sorry. " Sagot ni Argelie.at nagpatuloy sa pag discuss ang kanyang guro ng biglang mag ring ang bell ng School.

" Alright, guys it's time to take ur Lunch break so Please be here on exactly 1pm. See you !" Sabi ng Guro ni Argelie.

" Argelie saan tayo ngayon ? " Sabi ng kaklase ni Argelie na si Maria.

" Hoy Jusko ano kaba maria, less gulatan naman oh. " Sabi ni Argelie.

" Fren, u look so haggard naman. Ok ka lang ba nakatulog kaba ? " Sabi ng isa pa nyang kaibagan na si Shirley.

" Parang nanghihina ako.. " huling nasabi ni Argelie Bago sya nawalan ng malay at agad syang dinala sa clinic ng School.

" Yun lang naman naalala ko So far, " Sabi ni Argelie.

" Dinala ka ni Roger dito sa clinic girl." Sabi ni Maria.

" Yiz, at sya pa ang nagbuhat sayo..parang Romeo and Juliet ang peg nito. " Sabi ni Shirley.

" Tumigil nga kayo, sandali babangon ako Teka saan ung bag ko ?" Sabi ni Argelie.

" Ayun sa may lamesa.. Teka sandali Argelie baka mahilo ka !" Sabi ni Maria.

" I'm ok na," Sabi ni Argelie at nagpupumilit na tumayo ng biglang matumba ito at tyempo naman na papasok na sa silid si roger. Mabuti nalang nasalo nya ito.

" I catch you, " Sabi ni Roger.

" Salamat.. " sagot ni Argelie habang nagtitiggan silang dalawa. Habang ang dalawa naman sina Shirley at Maria ay kinikilig ng todo.

" Ah eh, Pwde muna akong bitawan roger. " Sabi ni Argelie.

" Ah sorry, ito kumain ka nag Drive thru nako.. " Sabi ni Roger.

" Are we included sa food ?" Sabi nina Maria at Shirley.

" Yeah, Hali na kayo kumain na tayo.. madami naman ito. " Sabi ni Roger.

" Teka Argelie ayus ka lang ba ? First time kung nakita ka na nagkasakit ka. Bakit anong nangyari sayo. May Sakit kaba ngayon !" Sabi ni Roger.

" Hindi ko alam.. " sagot ni Argelie.

Ang Hindi nya Alam ay kinuha ng librong itim ang kanyang lakas upang magkaron ng kakayahang magpalipat lipat ng lugar.

Sa Cr ng School. .

" Tanya, bilisan mo dyan.. " Sabi ng isang babaeng studyante na nanalamin.

" Yes, wait lang I need to change my napkin.. " Sabi ng babae sa Loob ng cubicle.

" Hey Tanya sayo ba ang book nato.. ? " Sabi ng babae ng binuklat nya ang libro. Nagkaron sya ng isang kakaibang sigla sa kanyang katawan.

At binasa nya ang nakasulat..

" Isulat ang iyong kahilingan. " Basa ng babae. Agad nyang kinuha ang kanyang ballpen. At isinulat nya ang kanyang Hiling.

TO BE CONTINUE...

Nächstes Kapitel