webnovel

EPISODE-NINETEEN

"Finale Part 2"

Sa pagpapatuloy...

Iniligtas ni Gelo ang ating Bida mula sa kamatayan.

"Wag kang susuko baliw!" Umiiyak na sabi ni Rexxy habang hawak nya ang kamay ni Gelo.

Lalaban pa sana ang senior mabuti nalang at dumating sina Mycka.

"Ilusa siempre konda!" Bigkas ni Mycka at parang naging bato ang buong katawan ng senior dahil Hindi ito makagalaw.

Kasama ni Mycka sina Cristine, Myda at Myan.

"Eloida, wag mong papatayin Ang senior. Bahala na ang konseho sakanyang kaparusahan." Sabi ni Myan.

"Ako nang bahala para Hindi sya makatakas." Sabj ni Cristine at isa-isang lumabas sa ilalim nang lupa ang malalaking ugat na pumulupot sa buong katawan nang senior.

"Ate tulong, nanghihina na ang pulso ni Gelo." Sigaw ni Rexy.

Agad naman silang sumaklolo.

Tiningnan ni Myda ang ugat sa leeg ni Gelo habang si Mycka naman ay sinubukan nyang pagalingin ang binata gamit ang kanyang kapangyarihan.

"Kelangan natin syang dalhin sa Ospital. Hindi sa panahong ito. " Sabi ni Myda.

"Ako, kaya ko syang dalhin doon sa Ospital." Sabi ni Renalyn. Tumango si Myda at inakay nila ni Renalyn ang nanghihinang katawan ni Gelo.

Ibinuka ni Renalyn ang kanyang pakpak at dito mabilis silang naglaho kasama sina Myda at Gelo.

Samantala sina Princess at Rea naman ay medyo nasa alanganin. Hawak ni Welnard si Princess.

"Umatras ka kung Hindi, pupugutan ko nang ulo ang kapatid mo." Banta ni Welnard.

"Edi wow?" Sambit ni Princess.

"Tahimik! Tutuluyan na talaga Kita." Banta ni Welnard sa dalaga.

"Princess!! " Sabi ni Rea na nakatingin lang dalawa.

"Kung ako Sayo, utusan mo ang mga puno na tumigil. Hindi ako nag bibiro." Sabi ni Welnard habang sakal si Princess.

"Ang sweet mo naman." Tumatawang Sabi ni Princess.

"May nakakatawa ba?" Tanong ni Welnard.

"Eh Kasi nakayakap ka tapos yung kamay mo naka sakal saking leeg. Diba ganito din yung position natin Nung naglalove making Tayo." Natatawang Sabi ni Princess.

"Tigil!" Saway ni Welnard.

"Yameti kudasai hahaha!" Pang aasar nya sa lalaki. At mabilis nyang inapakan ang lalaki sa paa. Na naging dahilan para makawala sya sa pagkakasakal.

"Ngayon na!" Sigaw ni Princess at isang malakas na kidlat ang tumama sa lalaki.

"Ang galing, Hindi ka pa din nag babago" Sabi Rea.

Mula sa likod nang malaking Puno, lumabas ang isang babae na may sout na kimono.

"Isang aso na naging barbeque." Ngiting Sabi ng babae.

"Kahit kelan maasahan ka talaga Jona." Ngiting Sabi ni Princess.

"Ako pa. Natapos na din ang misyon ko sa kasalukuyan. Salamat sa kwentas ni Eloida." Sabi ni Jona.

Balik kina Rexy, kasama na ni Ben o Doc Santos ang ama ni Rexy. Agad niyakap ng Condé ang kanyang anak.

"Anak maraming salamat, kung buhay lang ang iyong Ina tiyak na magiging Masaya sya saiyong katapangan." Sabi ng Condé.

Bago pa dinala Nina Myan at Christine ang Senior Ronnel, may iniwan muna ito bago umalis.

"Nagkakamali kayo nang tinulungan, Hindi talaga ako ang tunay na kalaban dito." Sabi ng Senior.

"Tahimik!" Sigaw ni Myan.

"Lalo kana Eloida, alam kung may nawawala Sayo. Isang importanteng bagay. Isang makapangyarihang bagay." Ngiting Sabi ng Senior habang naka tingin Kay Mycka.

"Mahal na Condé dadalhin na namin sya. Mauuna na kami." Sabi ni Myan.

"Sasabay nako sa Luna Esta." Sabi ni Ben. Tumango lang sina Myan at Cristine.

"Teka papa, kelangan ko munang magbalik sa kasalukuyan. Si Gelo. Papa, sumama ka saakin. Doon maninirahan tayong walang stress. Ipapakilala Kita sa ikalawang tatay ko." Sabi ni Rexy.

Tinitigan ng condé ang dalaga sa mga mata at saka nag salita.

"Ija, Hindi ako makakatawid sa kasalukuyan. Isa pa ang taong ito ay sobrang layo na. Dito nalang ako. Kelangan pa ako nang mga tauhan ko. Itatayo ko ulit ang Santa Helena." Sabi ng Condé. At niyakap sya nang napakahigpit ni Rexy.

"Nandyan naman si Tiya Eloida mo, Este si ate Mycka mo. Alam kung Hindi ka nya pababayaan. Kung gusto mong bumisita dito. Tawagin mo lang ako. O bigkasin mo ang pangalan ko at nang iyong Ina. " Sabi ng Condé.

"Sige na bumalik na kayo sainyong panahon." Ngiting Sabi nang kanyang ama.

"Teka nasaan sina Princess?" Tanong ni Mycka.

"Princess?" Tanong nang condé.

"Oo papa, sila ang tumulong namin sa kagubatan ng Esperanza" Sabi ni Rexy.

Nanlaki ang mata nang condé nang marinig nya ito.

"Bakit po?" Tanong ni Mycka.

"Ah Wala ija, mabuti pa dalhin mo na si Rexy sa inyong panahon." Sabi ng Condé.

Bago umalis si Rexy ay nagpaalam ito sakanyang ama.

Nagbukas nang lagusan si Mycka, ngunit patuloy nya pading naiisip ang huling sinabi ng Senior sakanya. Nawawala nga ang kanyang Kwentas, ngunit hindi nya maalala kung saan.

"Ate bakit?" Tanong ni Rexy.

"Ah Wala, medyo pagud lang." Sagot ni Mycka.

"Gusto mo ba ate dito kanalang sa Bahay ako na magpupunta sa Ospital." Sabi ni Rexy at Hindi nila namalayan na nasa Bahay na Pala sila.

"S~sige." Sabi ni Mycka sabay syang napahipo sa kanyang dibdib.

Samantala sa Ospital..

"Salamat ate rena, babalik lang ako." Sabi ni Myda at nagmamadali itong lumabas nang kwarto. Habang si Gelo ay nakahiga sa kama at Wala pa din itong malay.

Nakaramdam nang kakaibang init sa kamay si Rena nang Makita nyang unti-unting naglalaho ang kanyang kamay.

"Anong nangyayari?" Tanong nya.

Sa Luna Esta...

"Mukhang nanawala na ang kamay mo General Caballero. Maging Ikaw din punong tagapayo Gentallan. Mukhang, pinaparusahan na kayo nang dyos nang oras. Sa pangi-ngialam nyo sa mga panahon." Sabi ni Senior Ronnel. Nagkatitigan lang silang dalawa at mabilis nilang isinara ang kulungan.

"Mukhang, mabubura na kayo sa panahong ito. Sinabihan ko na kayong wag magtitiwala sa mag kapatid na haponesa, pero nakakatuwa dahil para kayong mga Batang takot na takot!" Sabi ni Senior Ronnel.

"Tumahimik ka!" sigaw ni Myan.

Humahangos namang nagtungo si Ben sakanila.

"Ben bakit?" Tanong ni Christine.

"Tingnan nyo, mukhang naglalaho Tayo." Sabi ni Ben.

"Anong ibig sabihin nito?" Wika ni Myan sakanyang sarili.

Samantala sa Mansyon nina Rea at princess.

"Kung ganun ilang oras nalang ay maglalaho na ang mga lumabag sa batas nang panahon at oras?" Sabi ni Princess.

"Sana naman Hindi kami kasama Nyan, dahil tinulungan ka namin ng kapatid ko na makuha ang Kwentas na yan Mula Kay Eloida na si Carlotta lang Pala ang nagtatago. " Sabi ni Rea.

"Sympre.....uhmnnn " ngiting Sabi ni Jona.

"Sympre ano? Kakabahan naba ako?" Sabi ni Rea.

"Syempre kasama kayo." Sabi ni Jona at malakas itong tumawa.

Ngunit isang babae ang dumating sa Mansyon, at kakaiba ang babaeng ito. May dalawang sungay at may itim na pakpak.

"Jona, akin na ang Kwentas!" Sabi ng babaeng kakaiba ang itsura.

"Sino sya?" Sabi ni Princess.

"Cathlea, ang tagapag bantay nang oras at taga balanse nang liwanag at kadiliman." Sagot nang babae sabay kumpas nang kanyang kamay. At sa isang iglap ay napunta sakanyang kamay ang Kwentas ni Eloida.

"Cathlea Adonis! Ibigay mo saakin yan! Isusumpa Kita!" Sigaw ni Jona. Ngunit agad namang naglaho si Cathlea...

Balik Kay Rexy sa Kasalukuyan..

"Gising na ba sya?" Tanong ni Rexy Kay Myda.

"Natutulog pa sya miss Morales but don't worry, hes okay. But I guess you should kiss him para pang fairytale effect." Sabi ni Myda.

"Nakakahiya naman." Namumulang Sabi ni Rexy.

"Nako Rex, wag kanang mahiya." Sabi ni Mycka at Kinindatan nya kapatid.

Agad inilapit ni Rexy ang kanyang mukha sa lalaki at dito dahan-dahan nyang binulungan si Gelo.

"Alam kung gising kana, magnanakaw kananaman nang halik ganun ba?" Bulong nya.

Ngunit hindi pa din ito umimik.

"Ate bakit Wala pa din?" Mahinang Sabi ni Rexy Kay Mycka.

"Say the magic word." Sabi ni Myda.

"Magic word?" Naguguluhang Sabi ni Rexy.

At nag sign language naman si Myda.

Inalapit ulit ni Rexy ang kanyang mukha sa lalaki at dito nag salita Ang dalaga.

"Yes, sinagot na Kita."

Mabilis na hinalikan ni Gelo ang dalaga at agad nyang niyakap.

"Salamat, I love you so much." Sabi ni Gelo.

Mula sa likuran ay lumabas sina Cristine, Myan, Doc Santos at Renalyn.

" Sa wakas, panalo ako!" Sigaw ni Doc Santos nakatingin Kay myan. Maging si Cristine.

"Oo na libre ko na." Nakasimangot na Sabi ni Myan.

Sa wakas ang lalaking napapanaginipan ko Gabi Gabi, at Ang boss kung kengkoy ay iisa lang.

Sa puntong ito, Hindi ko masasabi na happy ending. Kasi ang buhay ay punong-puno nang surprises. Basta wag lang nating kakalimutan, everything happens for a reason, but you don't know what happen on my 11 years of marriage. Hindi ko Pala yan linya, yun na nga may reason talaga ang lahat. Basta lahat mga nangyari sa buhay natin Gawin nating inspiration upang makabangon Mula sa pagkakadapa. This is your it girl Rex Reina "Rexy" Morales.

The End....