webnovel

Chapter 38 : Finale (Part 1)

"Kamusta kayo?" nanghihinang tanong nito. Magkahalong tawa at iyak naman ang naitugon ng mga ito sa binata. Napayakap naman si Mina dito at napaubo si Isagani. Pilit nitong iniangat ang kanyang kamay at iniyakap din ito sa katawan ng dalaga.

"Salamat, Mina." wika nito na halos pabulong na dahil sa sobrang panghihina. Napailing naman si Mina habang umiiyak. Hagulhol ang ginagawa nito dahil sa hindi parin siya makapaniwalang nakabalik na si Isagani. Muli namang nakatulog si Isagani nang mga na iyon. Si Amante na ang nagpasan dito para makababa na sila sa bundok.

Pagdating nila sa paanan ng bundok ay halos tirik na ang araw sa kalupaan. Pagod man at puyat ay pinilit pa rin nilang maglakad hanggang sa marating nga nila ang isang lugar kung saan maraming magsasaka ang dumadaan.

May iilan ding nagmagandang loob sa kanila na pasakayin sa kangga ng kalabaw. Isinakay nila doon si Isagani at ang dalawang ermetanyo. Nagpatuloy na ang kanilang paglalakbay pabalik sa bahay ni Tata Teryo.

Hapon na at papalubog na ang araw nang masipat nila ang bahay ni Tata Teryo. Masaya itong sumalubong sa kanila habang walang patid sa pagkaway ang matanda.

Agaran din silang nagpaabot ng pasasalamat sa mga magsasakang tumulong sa kanila bago naagpaalam. Sa paglapit ni Tata Teryo ay agad sila nitong kinamusta habang naglalakad papasok sa kubo nito.

Dagli naman nilang inihiga si Isagani sa papag upang makapagpahinga na ito ng maayos. Umupo naman si Mina sa isang bangko sa tabi ng papag upang matingnan lung meron pang ibang. Nang masiguro niyang ligtas na at walang sugat ang binata ay doon lamang nakahinga ng maayos si Mina.

Ilang sandali pa ay dahan-dahan na din siyang hinahatak ng pagod at antok hanggang sa tuluyang na nga niyang maihilig ang kanyang ulo sa papag na hinihigaan ng binata at nakatulog.

"Mina..." Hindi na naituloy ni Luisa ang sasabihin nang makita niyang nakatulog na si Mina habang nakaupo. Nilapitan niya ito at nilagyan ng kumot uoang kahit papaano ay hindi ito lamigin at lamukin. Agad din siyang bumalik sa kusina uoang ipagbigay alam sa mga kasama ang nangyari.

"Hayaan niyo munang makapagpahinga sila. Kumain na kayo at magpahinga na rin pagkatapos. Alam kong pagod na pagod na kayo.* Wika ni Tata Teryo at agad na nilang nilantakan ang mga pagkain inihanda ng matanda.

Kinaumagahan ay nagising si Mina nang marinig niya ang pagtilaok ng tandang na nasa labas ng bahay. Pagmulat ng mata ay agad niyang nakitang gising na din si Isagani habang titig na titig ito sa kanya.

"Magandang umaga Gani. Kanina ka pa bang gising?"

" Kakagising ko lang. " Nakangiting wika nito. Saglit silang nagkatinginan at tila ba nagkakahiyaan pa.

"Mina."

"Gani."

Halos sabay nilang wika at pareho pa silang natawa.

"Ang buong akala ko hindi na kita makikitang muli." Wika ni Isagani na siyang bumasag sa namayaning katahimikan sa kanilang dalawa. Agad na napasimangot si Mina dahil sa narinig.

"Inalis mo ang alaala ko, paano kung hindi kita naalala?" Sumbat nito sa binata at napakamot naman ito ng ulo.

"Patawad kong nagawa ko iyon sayo. Wala na din kasi akong maisip na paraan. Batid ko ang plano nila Sitan kapag nakuha nila ako kung kaya naoagdesisyunan kong ipatanggal sa gabay mo ang iyong alaala." Wika ni Isagani at napaluha naman si Mina.

"Kung ganon balak mo talagang mamatay sa kamay ko ?" Humihikbing tanong ni Mina. Marahang tumango ang binata at lalo lang siyang napaiyak.

Sa isip-isip ni Mina, kung hindi niya ito nagawang maalala sa tamang oras ay malamang patay na ngayon si Isagani at siya ang dahilan nito. Napahagulhol na lamang siya dahil sa sobrang kalungkutan at takot na nararamdaman. Niyakap nman siya ni Isagani at marahang hinaplos ang likod nito.

"Tahan na, hindi ba't buhay pa ako ngayon. Nagkita ulit tayo at nagkasama.at may isa pa pala akong sasabihin sayo." Nakangiting wika ni Isagani. Napatanga naman dito si Mina at marahang pinahid ang kanyang mga luha.

"Ano yun?" Tanong ni Mina.

"Habang naglalaban kami ng kaluluwa ni Sutan ay may ginawa si Adlaw sa bertud ko." Wika ng binata at iniluwa nito ang kanyang bertud upang ipakita sa dalaga.

Gulat at pagkamangha ang kanyang nadaram nang makita ito. Ang dating kulay itim nitong bertud ay naging kulay puti na. Nagmistulang malaking perlas iyon na kasinglaki ng bunga ng kalamansi.

"Ano ang ibig sabihin niyan?"

"Hindi ko rin alam, hindi ko pa kasi nagagamit ito simula nang baguhin ito ni adlaw. Maaring nawala na ang pagiging aswang ko at naging isang ganap na akong tao. " Tuwang-tuwang wika ni Isagani. Bakas sa mukha nito ang kaligayahang hindi maparisan.

Napangiti naman si Mina dahil doon. Batid niyang ang inaalala nito ay ang pagiging aswang nito at iyon ang isang malaking pasanin sa kanya.

"Bago kayo maglambingan diyan, lumabas na muna kayo oara makakain. " Pabirong tawag ni Amante sa kanila. Agad na silang lumabas ng silis at tinungo ang kusina.

Pagdating roon ay agad na bumungad sa kanila ang kanilang mga kasama na abala na sa paghigop ng kani-kanilang mga kape. Umupo naman si Mina sa tabi ni Sinag at si Isagani sa tabi ni Tandang Karyo.

Masayang-masaya si Tandang Karyo dahil sa buhay nilang nabawi si Isagani at walang malubhang pinsala silang nagawa rito dahil sa pakikipaglaban nila kay Sitan. Nagkamustahan ang mag amain. Napakasaya nila nang mga araw na iyon.

"Mina, baka bumalik na muna ako sa Sta. Monica. Baka nag-aalala na din kasi si Padre Dama . Marami akong natutunan sa ating mga karanasan. Sana dumating ulit ang araw na muli tayong magkakasama sa iisang misyon. " Nakangiting wika ni Miguel habang nagpapaalam sa kanila.

"Maraming salamat sayo Miguel. Napakalaki ng naitulong mo sa amin. Kung hindi dahil sa iyo ay hindi namin mababawi si Isagani." Wika ni Mina. May kung ano itong hinugot sa bulsa at ibinigay sa binata. Isang kapirasong buto ng isang kahoy iyon. Para iyong itlog ng pugo at hindi naman mawari ni Miguel kung anong klase ito. Ganunpaman ay hindi na siya nagtanong at isinilid na lamang niya ito sa kanyang bulsa habang nagpapasalamat.

Daraan ang panahon at isang di inaasahang pangyayari ang siyang maglalagay ng buhay ni Miguel sa panganib at ang butong iyon ang siyang magliligtas sa kanyang buhay. Ngunit sa ibang kwento na iyon magaganap, bakik tayo sa kwento.

Matapos magpasalamat ay isa-isa naman siyang niyakap nil Luisa at Gorem. Maging ang mga antinggero at mga ermetanyo ay maayos ding nagpaalam sa binata. Noong tanghali ding iyon ay nilisan na ni Miguel ang Bayan ng Belandres. Nakatanaw si Mina sa landas na tinatahak ng binata hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin.

"Bakit Mina ?" Tanong ni Isagani nang mapansin nito ang paglalim ng iniisip ng dalaga.

"Nagtataka ako Gani. Nakilala ko lamang noon si Miguel sa simbahan kung saan ko natutuhan ang mga dasal na latin."

"Nagtataka ako dahil, tila ba sinadya ng panahon ang pagkilala naming iyon. Tila ba sinadya ng Panginoon na mapasama siya sa aming paglalakbay at pakikipaglaban kay Sitan. Kung wala si Miguel, malamang ay hindi kami magtatagumpay na maibalik ka sa katawan mo. Siya ang gumawa ng ritwal ng pagpapalayas kay Sitan. Maging ako ay hindi ko kayang gawin iyon. " Wika ni Mina. Aminado kasi siya na lubhang napakapanganib ng ritwal na iyon. Sa isang pagkakamali lamang ay buhay ng sinapian at buhay ng gumagawa ng ritwal ang malalagay sa panganib. Isang maling bugkas ng mga kataga ay siyang magpapawalang bisa naman ng ritwal na iyon. At higit sa lahat kung hindi wagas ang iyong pananampalataya, ay hindi maisasakatuparan ang ritwal na iyon.

Hangang-hanga naman si Mina sa binata. Dahil napakabata pa nito para sa ganoong ritwal subalit naisagawa niya ito ng walang kahirap-hirap.

"Kung gayon ay si Miguel pala dapat ang aking maging tagapagligtas?" Nakangiting wika ni Isagani at tumango si Mina.

"Mina, kung manliligaw ba ako sa iyo ngayon, ayos lang ba sa iyo?" Biglang tanong ni Isagani na ikinagulat naman ng dalaga. Saglit siyang natulala dahil sa mga katagang binitawan nito. Bahagyang sumilay ang ngiti sa mga labi ni Mina at napailing.

"Bakit ka pa manliligaw kung pwede namang maging tayo?" Simpleng sagot ni Mina at halos mapatalon sa tuwa si Isagani. Mabilis niyang niyakap ang dalaga at hinagkan iyon sa noo.

"Mina, sobrang saya ko. Kung alam mo lng kung gaano katagal akong naghintay na marinig iyan sayo. Salamat at binigyan mo ako ng pagkakataon." Masayang wika ni Isagani na siya namang ikinatawa ni Mina. Maging siya ay nasisiyahan din. Alam niyang hindi din naman tututol si Sinag sa relasyon nilang iyon. Maging ang kanyang Amang si Lando ay hindi rin tututol.

Lumipas pa ang mga araw at doon na nga naramdaman ni Mina ang kasiyahang kanyang minimithi. Walang araw na hindi siya nakangiti dahil sa mga taong kanyang nasisilayan. Naging tahimik ang Belandres kahit pa may mga aswang pa rin na minsang naliligaw sa bayang iyon.

Sa susunod na kabanata ay ang pagbabalik nila sa Bayan ng Lombis at doon magaganap ang pinakahihintay ng lahat.

Nächstes Kapitel