webnovel

Chapter 22: Bihag

Pagkabalik nila sa kanilang bahay ay agaran naman silang pumasok doon. Pinaupo nila ang matanda at binigyan iyon ng maligamgam na tubig upang makainom at maibsan ang labis nitong uhaw at pagod. Isinara na ni Isagani ang pintuan nang masiguro nitong walang nakasunod sa kanila.

"Manong, pasensiya na po kung pinagmadali namin kayo, tungkol naman sa sasabihin namin, tungkol iyon sa ibinigay na karne sa inyo ng matabang babae kanina sa palengke. " Wika ni Sinag at kinuha sa kamay ng matanda ang supot ng karne at isda. Marahan niya iyong inilapag sa maliit na mesa at inilagay sa isang palangganang gawa sa kahoy. Matapos nito ay naghiwa siya ng kalamansi at piniga iyon sa karne at isda na nasa palanggana.

"Manong, isang aswang ang nagbigay sa inyo ng karneng ito. At paniguradong binabalak niyang salinan kayo nag pagiging aswang ng mga ito." Wika pa ni Sinag.

Napatda naman ang tingin ng matanda sa supot na nasa palanggana. Ilang minuto pa ang lumipas ay unti-unting nagbago ang anyo ng kaninang sariwa pang karne at isda. Biglang nabulok ang mga ito, na may nangingitim pang mga karne at may naggagapangan uod at mga kulisap dito. Umalingasaq din sa bahay ang amoy nitong tila nabubulok na laman ng hayop. Napaduwal naman ang matanda kaya agad itong ibinigay ni Sinag kay Isagani upang mailibing na iyon sa lupa. Hindi naman nagreklamo si Isagani at agad na sinunod ang nais ni Sinag.

Pagkuway' pinakalma muna ni Sinag ang matanda bago ito muling kausapin. Habang kalong-kalong naman ni Mina ang apo nitong nagtatakang nakatingin lang sa kanila. Tila ba wala itong kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa kanila.

"Hindi na kayo maaring bumalik sa lugar na iuon dahil paniguradong babalikan kayo ng mga kalahi nito."

"Ngunit iho, wala na kamimg matutuluyan pa. Iyon na lamang ang kaisa-isang bagay na meron ako. Nandoon ang alaala ng aking yumaong anak."

"Manong, sa buhay natin, meron tayong kailangan bitawan upang maprotektahan natin ang mas mahalagang bagay na natitira sa atin. Hindi kayo ang totoong pakay ng mga aswang kundi itong apo ninyo. Gustong gusto ng mga aswang na kumain ng mga sanggol at mga bata. Kaya naman ang nais nila ay yanggawin ka at patayin, saka nila kukunin itong apo ninyo. "

"Kung tahanan ang inyong pinoproblema ay maari kayong manatili dito sa amin, Mabait sianong Ricardo kaya paniguradong papayag ito. Ito lang ang nais namin. Hangga't maari at hangga't kaya namin, nais naming iligtas ang mga tulad niyong walang kamuwang muwang sa mga nilalang na nagkukubli sa kadiliman. " wika pa ni Sinag dito.

Napatingin naman ang matanda sa nakangit niyang apo at nanlumo ito. Masakit man sa kanyang iwan ang tahanang naglalaman ng lahat ng alaala ng kaniyang yaong anak ay wala itong magagawa dahil mas mahalaga ang buhay nilang mag Lolo.

Matapos nilang mapapayag ang matanda ay agad nilang ipinagbigay alam kay Manong Ricardo ang kanilang ginawa. Tulad ng inaasahan ay hindi ito tumutol bagkos ay nag-utos pa ito sa isang panday na ipagawa ang tahanan ni Sinag upang kahit papaano ay hindi sila magsiksikan dito. Masaya naman nagpasalamat si Berto at Sinag dahil sa kabutihang loob na ipinapakita ng matanda.

Kinabukasan ay sinimulan na ngang ayusin ngga panday ang bahay nila Sinag. Dahil marami sila amg gumawa ay agad ding natapos aang bahay nila na lubha namang ikinatuwa ng matanda.

"Manong Celso, o ayan, siguro naman mapapanatag ka na. Mamuhay lang kayo ng masaya dito. Hindi naman iyon ikabibigat ng buhay namin." masayang wika ni Mina habang nilalaro ang batang babae.

"Salamat Iha, napakabubuti ninyo. " Hindi alam ng matanda kung paano niya masusuklian ang mga tulong na ibinigay nila Mina at Sinag kaya naman palihim siyang nangako sa sarili na tutulong din siya sa abot ng kanyang makakaya.

Lumipas pa ang isang linggo at muling nasipat ni Isagani ang isang taong naglilibing ng kung ano sa palayan ni Manong Ricardo. Marahan niya itong nilapitan at walang pag-aatubiling sinunggaban ito upang mahuli na niya ito.

Mabilis na nagpumiglas ang taong iyon sa pagkakahuli ni Isagani ngunit dahil sa lakas ng binata ay wala itong nagawa kundi ang sumigaw na lamang sa galit.

Sa inis ni Isagani dahil sa ingay nitong sumigaw ay mabilis niya itong sinuntok sa mukha dahilan upang ito ay mawalan ng malay. Pinasan niya ito na tila ba pumapasan siya ng bigas at dinala iyon sa tahanan ni Manong Ricardo. Halos magsitakbo ang mga tao roon nang makita nilang may pasan-pasan si Isagani na tao. Ang buong akala nila ay patay na ito ngunit nang marahas itong binitawan ni Isagani ay napaungol ito sa sakit at doon lamang nila napagtanto ng mga tauhan ni Ricardo na buhay pa ito. At dahil kilala nila si ISagani ay agad nila itong nilapitan upang tanungin kung sino ang bitbit nitong tao.

"Nahuli ko siyang naglilibing na naman ng kung ano sa palayan, kaya minabuti ko nang hulihin upang iharap kay Manong Ricardo." tugon ni Isagani at inupuan ang likod ng taong binihag niya. Ilang sandali pa ay lumabas na ng bahay si Manong Ricardo, nagulat pa siya ng makita ang taong nakabulagta sa lupa na inuupuan ni Isagani na animoy isa itong sako ng buhangin.

"Magandang araw ho Manong Ricardo, naglilibot ako sa palayan ninyo nang makita ko ang taong ito na naglilibing ng isang bagay sa lupa. Hindi na ako nagdalawang isip na hulihin siya dahil iyon ang bilin ni Kuya Sinag sa akin." wika ni Isagani at tumango lamang si Ricardo habang sinisipat kung buhay pa ba ang taong iyon. Nang makita niyang banayad pa ang paghinga nito ay doon lamang napanatag ang loob niya. Hindi sanay makakaita ng karahasan ang buong pamilya ni Ricardo kaya naman gulat na gulat siya sa ginawa ni Isagani. Hindi rin niya magawang alisin sa isip niya na baka ikamatay iyon ng taong bihag nila.

PInalaking isang mabuting tao si Ricardo ng kanyang mga magulang. Simula't sapol ay puro pangaral na ang inabot niya sa kanyang mga yumaong magulang. Hindi dahil nakakaangat sila sa buhay ay may karapatan na silang hamakin ang mga taong mas nakakababa sa kanila. Tinuruan din siya ng mga ito na mahalin ang mga taong nasa paligid niya, kaibigan man ito o kaaway. 

"Isagani, halika dito. Nasasaktan na yung tao." marahang wika ni Ricardo habang inaayang tumayo ang binata. Sinunod naman iyon ni Isagani ngunit nagpahabol muna ito ng isang tadyak sa lalaki na ikaungol nito.

"Nasaan ba ang Kuya Sinag mo?" tanong ni Ricardo habang sinisipat sipat ang tao sa lupa.

"Pumanhik lang sila saglit sa taniman ng kakao, Manong . Babalik din sila agad. Nakapag-abiso na din ako sa kaniya na nahuli ko na ang taong may sala." Wika pa niya. Wala nang nagawa si Ricardo kundi ang hayaan si Isagani sa gusto nitong gawin. Itinali ng binata ang lalaki sa isang puno habang nakaupo ito upang hindi ito agad makatakas. Nang dumating na sina Sinag at agad nilang tinungo ang kinaroroonan ng lalaki. Ginising nila ito sa pamamagitan ng pagbuhos dito ng malamig na tubig.

"Sino kayo, anong kailangan niyo sa akin?" Natatarantang tanong ng lalaki nang tuluyan na itong magising sa kanyang pagkakatulog. Nang makita nito si Manong Ricardo ay napayuko ito na tila nahihiyang tumingin sa matanda. Napahagulhol naman ito nang hindi nito maatim ang pagtitig ni Manong Ricardo sa kanya.

"Patawad, napag-utusan lang po ako. Hindi ko naman kagustuhan ito." Umiiyak na wika nito.

"Sino ang nag-utos sayo?" Mahinahong tanong ni Manong Ricardo. 

"Hindi ko kilala, pero isang matandang babae. Sabi niya ilibing ko raw ang mga itim na tela sa buong paligid ng mga lupang pagmamay-ari ninyo. Manong, alam kong mabuti kayong tao. Pakiusap huwag niyo akong sasaktan. Ginawa ko lang ito dahil hawak ng babaeng iyon ang buhay ng mag-ina ko. Ilang linggo ko na silang hindi nasisilayan. Nangako sa akin ang babaeng iyon na ibabalik niya sa akin ang asawa at anak ko kapag matagumpay kong nailibing sa lupa ang mga nais niya." Mangiyak-ngiyak na wika nito. 

Agaran namang lumapit si Mina dito habang nag-uusal. Iniihip niya iyon sa noo ng lalaki, pagkuway' hinawakan niya ang ulo nito at napapikit. Minuto lamang ang lumipas nang muli niyang iminulat ang kanyang mata. Napatitig siya sa mga mata ng lalaki at malungkot itong nginitian. 

"Nagsasabi siya ng totoo. Hindi ko masilayan ang mukha ng babaeng nag utos sa kanya dahil nababalot iyon nag malakas na sabulag. Ang mag-ina naman niya ay kasalukuyang nasa paanan ng kabundukan ng Sarong." Wika ni Mina na lubhang ikinagulat ng lalaki. 

"Kaya niyo bang iligtas ang mag-ina ng taong ito?" Tanong ni Manong Ricardo kay Sinag. Napakamot naman ng ulo si Sinag at ngumiti. 

"Sigurado ho kayo Manong?" Tanong ni Sinag.

"Higit kanino man ang panginoon lamang ang may karapatang humusga sa mga tulad nating tao." Wika nito at napatango lamang si Sinag. Dahil sa sinabi ni Ricardo ay lalo nilang napatunayan ang likas nitong maawain at mabuting tao. Hindi na nag dalawang isip pa si Sinag at Isagani na kumilos upang mailigtas ng mag-ina ng taong bihag nila. Nang mga oras din yun ay napagdesisyunan nilang dalawa na tunguin ang naturang lugar.

Nächstes Kapitel