webnovel

chapter 9

BATTLE OF TWO KINGDOM

ANG MGA DWARVES AT ANG KANILANG KASAYSAYAN

ILANG daang libong taon na mula nang sumiklab ang matinding digmaan sa pagitan ng teruvron at white counsel, isa ang mga matatapang at malalakas na dwarves ang nakipagtulongan sa hukbo ng white counsel.

Kinilala sila sa kanilang panahon ngunit lumipas ang maraming taon ang kanilang lahi't kabayanihan ay nakalimutan na.

Nakatayo sa mataas at malawak na bundok ang kanilang kaharian, malayo sa apat na kaharian. Napapaligiran ng matataas na bundok ang kanilang tahanan.

Toretirim land of dwarves, ang bundok ng kayamanan ngunit walang tubig. Ang ipinangako ni lord airin enirin sa hari ng toretirim ay hindi nya tinupad.

Ang toretirim ay hindi na nagtiwala pa sa mga elves dahil sa pagsisinungaling nito.

Tinungo ni tamberow laurhim ang bukana ng bundok at sa harapan nito may mga kawal ang nagbabantay.

Mahigpit at hindi basta-basta nagtitiwala ang mga kawal na nakabantay sa harap ng tarangkahan.

"Patawad ngunit hindi kayo maaaring pumasok sa palasyo ng hari!"

Hinarang ng isang dwarves ang matandang salamangkero at nagbigay ito ng babala sa kanyang kasama.

"Calar ririn tor"

(Pagbati mga magigiting na mandirigma)

"Ano ang pakay ninyo?"

Wala ng sinayang na oras si tamberow laurhim dahil alam nyang nalalagay sa panganib ang mga mandirigma sa tarzanaria.

"Ang inyong hari ang aking pakay, papasokin nyo 'ko at ako'y may sasabihin sa kanya!" Iniwan ni tamberow laurhim ang mga mandirigma ng white counsel dahil sa oras na makita ng hari ang kanilang mga kasuotan na gawa sa ginto ay magagalit ito.

"Sino ka? At bakit ka namin papasokin?" Saad ng kawal sa matandang salamangkero.

"Ako si tamberow laurhim ang kanyang kaibigan! Nandito ang kanyang kaibigan mula sa zbeirn (land of magic) nais ko siyang makita! Pakiusap!"

Nagkatinginan ang dalawang nagbabantay sa tarangkahan at saka tinignan si tamberow laurhim.

"Sige pasok na!"

Ang masaya at makulay na bundok ngayo'y natutuyo na dahil wala ng tubig ang dumadaloy sa bawat ilog. Ang mga puno't halaman ay unti unti ng natutuyo dahil iyon sa taggutom at kahirapan.

"Haring vinner gair mula sa lahi ni rien stand! Natutuwa akong makita kang muli!"

"Ang pagtanggap ng bisita ay labis kong ikinagagalak! Maibibigay ba ang aking hiling sa kilalang salamangkero? Ano ang iyong kailangan sa akin? Tamberow laurhim?!"

Tumayo ang haring vinner gair mula sa pagkakaupo sa gintong trono at naglakad palapit sa harapan ni tamberow laurhim.

"Haring vinner! Kailangan ko ang tulong mo at ang mandirigma mo upang tulongan ang mga naiwang kawal sa tarzanaria!"

"Uhmm! hindi ba't ang puting bundok ni airin enirin ang siyang dapat na tumugon sa iyong kahilingan?"

"Paumanhin ngunit nagmamadali ako! Ang punong kunseho ay wala na sa sarili kahit na ang makapangyarihang gaya nya ay natalo ni lord teraiziter dejirin! Pakiusap tulongan mo ang mga tao!"

Nächstes Kapitel