webnovel

Chapter 6

"Namamahinga ang haring rieuin? Sino sa'tin ang gagabay?"

"Tama!walang mamumuno sa natitirang mga hanay ni haring rieuin! Sino ang gagabay sa inyo sa digmaan? Kayo ba ay tatakbo na parang mga bata?"

Pang-iinsulto ni haring lurril steil sa mga elfs na naroroon sa loob ng palasyo.

"Ang mga elfs! Walang kinakatakutan! Wala kaming inaatrasang digmaan" wika ni haring fiurin laktanger tiriin.

Nagulat ang mga mandirigmang elfs gano'n din ang mga kaibigan ni haring rieuin nang makita ang anak ng hari. Sila ay natutuwang makita ang bagong pinuno ng kanilang hanay.

"Fiurin laktanger tiriin!anak ni haring rieuin tiriin, mula sa lahi ng mga elves! Ang hari namin, maligayang pagdating kamahalan!"

Ang mga magigiting na mandirigma ni haring rieuin tiriin ay sabay sabay na nagbigay galang sa haring fiurin laktanger tiriin, inaasahan nilang kaya nitong pamunuan ang hukbo ng kanyang ama.

Ang mga taong naroroon ay saksi sa pagdating ng magiting na hari ng mga elfs, sa kanyang pagdating isang nakakatakot na pandama ang siyang naramdaman ni haring lurril steil.

"Naririnig nyo ba ang dagongdong mula sa lupa? At ang pagyanig ng mga pader? Ang kanilang hukbo ay parating na"

Saad ni haring lurril sa mga nilalang na nagtitipon, Mabilis na tumakbo si haring lurril pabalik sa kanyang mga kasama upang bigyang babala ang mga ito.

"Maghanda kayo! Nandito na ang ating kalaban!"

Naghahanda na rin ang mga kabalyero mula sa randeror, pinamununuan ito ni haring reviin tur. Nakabantay sila sa harap ng tarangkahan.

*DOM! DOM! DOOMMMMM!*

(Tunog ng tambuli)

Mga bakal at mga palasong may lason ang siyang unang tumama sa hanay ni haring reviin tur, hindi nila nakita ang biglaang paglipad ng mga palaso sa eri.

Hanggang sa sunud-sunod na tumama sa pader ng tarzanaria ang mga naglalakihang mga bato at kahoy, nawasak ang ilang tore ng tarzanaria.

Gawa sa purong bato at bakal ang pader ng tarzanaria, sinadya iyon upang protektahan ang mga tao sa loob. Sinunod nila ang pagwasak sa tarangkahan ngunit hindi iyon matinag tinag maliban kung bubuksan sa loob.

"Hindi ko makita ang kalaban!"

Matatanaw ang malawak na kapaligiran ng tarzanaria na puro ulap. Nababalot ng makapal na hamog ang buong paligid ng kabundukan.

Nagbagsakan ang ilang kawal ng tarzanaria sa ibaba dahil sa palasong tumama sa leeg ng mga ito. Naubos din ang mga nagbabantay sa itaas ng tore dahil sa palasong tumatama dito, hindi nila makita ang kalaban dahil sa hamog at napakapal na ulap na bumabalot sa paligid ng palasyo.

"Nakalalasong palaso mula sa teruvron! Ibig sabihin bumalik si haring thron?" Saad ni haring lurril kay haring reviin.

Natalo ang hanay ng mga elves at elfs sa ibabang bahagi ng bundok kaya't ang mga evilders at goblins ay naglakad patungo sa tarangkahan ng tarzanaria.

"Hindi!hindi siya bumalik ng teruvron! Marahil nagmamasid lamang siya dito sa tarzanaria pagkatapos matalo ang dalawang hanay. Marahil inutusan siya ni lord teraiziter na wasakin ang mga tore ng tarzanaria upang walang mag espiya! " Wika ni haring reviin sa kasama nito.

"Patunogin ang trumpetang babala!" Malakas na sigaw ni haring fiurin laktanger sa kanyang mga kasama.

Hanggang sa isang magandang dilag ang siyang umakyat sa palasyo ng tarzanaria. Nakadungaw ito sa bintana at pinagmamasdan ang mahamog na kapaligiran ng bundok.

Itinaas nito ang kanang kamay at makikitang may binubulong ang babaeng iyon. Isang orasyon at gamit nya ang lengwaheng elves.

"Nuir nerbin rrin ner"

[Bumalik ang liwanag at kami ay gabayan]

Sa isang iglap makikitang nawala ang hamog na bumabalot sa paligid ng tarzanaria mountain. Nagulat ang lahat at nagtaka kung sino ang babaeng iyon.

"Nandito si lady qenhrin! Nandito siya loob ng palasyo!"

Saad ni haring rieuin habang nakahiga, hindi nya aakalaing makikita nya ng harap harapan ang isa sa pinuno ng puting bundok at ang kataas-taasang reyna ng mga elfs.

"Midsidar airin"

[Hari ng mga elfs]

"Sarin lady of moon! Lady qenhrin son of niwotin goddess of moon" pagbati ni haring rieuin tiriin sa magandang dilag na nakatingin sa kanya.

Nagkaroon ng pag-uusap ang dalawa hanggang sa pagalingin ni lady qenhrin si haring rieuin tiriin.

"Salamat my lady!"

"Tidir narkin tarzanaria muntir!"

[Tulongan mo ang tarzanaria bumangon ka at lumaban"

Agad ding naglaho ang high elves  at hindi na ito nakita sa loob ng palasyo. Marahil gumamit ito ng mahika para makarating ng gano'ng kabilis sa tarzanaria.

Makikitang napakaraming evilderians at goblins  ang nakabantay sa paligid ng palasyo ng tarzanaria,hindi lang ang mga goblins at evilders ang naroroon sa labas ng palasyo dahil ang mga rebdi ay isa isang nagdatingan at mas dumami pa ito.

"Nakahanda na ang pagsalakay!" Saad ni haring thron sa kanyang mga kasama.

-BATTLE OF TWO KINGDOM-

Nächstes Kapitel