webnovel

CHAPTER 89 - THE HECTIC WEEK

CHAPTER 89 - THE HECTIC WEEK

----------

ETHAN SMITH POV



We're here at the mall. At Shagri'la Mall actually, tatlo lang kami ng asawa ko at ni bunso para bumili ng pang regalo namin sa mga families namin. Kasama na din dun ang pakulo ni Dad na exchange gift nakapag bunutan na din kami at magkasama kaming mamili ng asawa ko.

First time naming gawin to kaya naeexcite ako. Masaya din ako lalo sa nabunot ko.

Ilang oras din kaming namili at umuwi na din kami agad dahil hindi naman pwede ang asawa ko na maglakad lakad ng matagal.

PENELOPE THOMPSON POV

Pagkauwi namin ng bahay, sinorpresa namin ang aming mga kasambahay.

Binigyan namin sila ng extra budget para sa exchange gift namin at inadvance na din namin ni Ethan ang mga sahod nila.

Kaya din hindi namin sila sinabay sa pamimili namin dahil isa sa kanila ang nabunot namin. At ayaw naman namin silang bigyan ng idea. Tsaka bukod pa dun ay bumili din kami ng groceries para sa mga pamilya nila.

Kaya pagkaalis nila ay nag pack na kami.

"Naeexcite nako hon. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito no? Hindi naman kasi kami nag eexchange gift at tatlo lang nmn kami nila Mom and Dad. Nagbibigayan lang pero yung parang usual lang. Hindi gaya nito na exchange gift kasi exciting. Kasama maging ang mga kasambahay at driver natin. Haha." masayang kwento ni Ethan.

"Huy, bunso bat parang kanina kapa tulala dyan?" curious na tanong ni Penelope sa katabi nitong si Jessica.

"Kasi, Ate. Hindi ko alam kung magugustuhan ba to ng nabunot ko." nakangusong tugon ni Jessica.

"Hahaha ayaw mo naman kasi sabihin kung sino ang nabunot mo e. Tsaka bunso, haler. Kung sino man yang nabunot mo e mamahaling gucci chest bag yan ohh. Nako, napakaswerte ng nbaunot mo. Baka si Ethan yan ha? hahah" pangangantsaw ni Penelope.

"Aww. Swerte ko naman bunso hahaha." biro ni Ethan.

"Hahaha. Che! Hindi ikaw kuya no." nakangising tugon ni Jessica.

Makalipas ang buong maghapon, Kinabukasan...

Naisipan namin ng asawa ko na bumisita sa ampunan kasama si bunso para bago mag pasko ay may mga bago silang mga damit at pang noche buena na din.

ETHAN SMITH POV

Kahapon palang ay nagpadeliver na ako ng ilang groceries at damit na idodonate sa bahay ampunan.

Dalawang truck din ang inabot. Pero worth it naman dahil para naman sa kanila yun.

Ngayon nalang ulit kami nkabalik dito dahil sa naging busy at sa dami na ding mga naganap nung mga nakaarang buwan.

Pagkarating namin ay agad nanaman kaming sinalubong ng mga bata at niyakap. Gaya ng dati ay mainit pa din ang pagtanggap nila sa amin. Maging kay bunso na napaluha pa dahil ngayon nalang ulit siya nakabalik dito.

"Maligaya akong nakita ko kayong muli. Parang kelan lang Ethan na ibinalita mo sa amin na kinasal ka, at ngayon tignan mo. Blessing agad ang ibinigay sa inyo." nakangiting sabi ni Mother Liza.

"Oo nga po, Mother. Syempre hindi din naman po mangyayari to lahat kung hindi din dahil sa inyo. Alam ko na araw araw niyo po kaming pinagdadasal." habang kayakap si Mother.

Niyakap din ni Mother Liza si Penelope pati na din si Jessica.

"Kay gagandang mga babae oh. Napaka ganda niyo po Ma'am Penelope. Tiyak ay maganda din at pogi ang kambal."

"Salamat po Mother. Panong hindi po gaganda eh sobra pong mag alaga ang asawa ko. Talagang wala po akong masasabi sa kanya lagi po kaming inaasikaso." masayang kwento ni Penelope.

"Ehh etong si Jessica? Kamusta kana anak ko? Sobra kitang namiss. May nobyo ka na ba?" maintrigang tanong ni Mother Liza.

"Yiehhhh!! Si Ate Jessica may nobyo na. Hahaha." panunukso ng mga bata kay Jessica.

"Hala? hahah. Tumigil ha. Wala po Mother. Wala pa po yan sa isip ko  Looking forward lang nga po ako dahil magiging Tita na ako sa kambal ni Ate Penelope." nakangiting tugon ni Jessica.

"Edi maigi, pero Jessica nasa tamang edad ka na man na kaya kung may magustuhan ka hindi kana man na siguro pipigilan ng Kuya Ethan mo." sabay tingin kay Ethan at napangiti.

"Hahaha oo naman Mother. Pero syempre depende pa din. Ako ang unang kikilatis sa manliligaw nyan(Jessica)." nakatawang tugon ni Ethan.

Matapos ang aming mga biruan ay pinamigay na namin ang aming dala na groceries ,damit, at laruan.

Matapos ay maya maya lang ay nagpaalam na kaming uuwi na sa mga madre ng bahay ampunan maging sa mga bata.

At pag uwi naman namin ay nagpahinga na kami.

------

Kinabukasan (Dec.22) ay inasikaso naman namin ni Jessica kasama na din ang asawa ko at si Kuya Patrick ang pondo namin sa pagbibigay ng bonus sa mga Nurses and Doctors at iba pang empleyado ng Twin Tulips Hospital.

Magkasama naming tinalakay dito ang bonuses at syempre ang groceries nila. Nagset na din kami ng date para sa gaganapin na unang Christmas Party ng Twin Tulips sa Dec. 23.

Sobrang hectic ng sched namin isa din to sa mga dahilan kaya mga pagod na kami pagdating ng pasko. Dahil kanya kanya kaming pag aasikaso nila Dad at Mommy sa kanya kanyang businesses. Ngayon lang din ako nagkaroon ng katuwang sa pag aasikaso ng mga ito kaya mabilis lang naming natapos.

-----

Kinabukasan (Dec. 23)

Time Check: 7:00 pm

Nagduty na muna ako. At pagktapos ay dumiretso na kami sa pag aasikaso sa pag gagayak ng aming Christmas Party. Hindi na din makakadalo sina Mom and Dad dahil meron din silang kanya kanyang party ngayong araw.

Matapos ang pag aayos ay nagsimula na ang party. As usual si Bella na ang ginawa naming host. Konting speech from the CEOs at nag bigay din ng award sa mga matatagal na sa serbisyo. Nagkaroon din kami ng paraffle, dance at singing contest sa mga empleyado.

Masaya at nakakapagod din at the same time ang gabi na yun. Worth it dahil succesful naman ang event at bakas din ang kasiyahan sa mga empleyado namin.

PENELOPE THOMPSON POV

Matapos ang event ay nag aya na akong umuwi dahil sumasakit na ang binti at balakang ko. Umaga palang kasi ay nasa office na kami.

Pag uwi namin ay natulog na din kami. Sa kwarto kaming tatlo natutulog. Sa kama kami ni bunso at sa sofa naman ang asawa ko.

Kinabukasan at pagbaba namin para makapag paaraw ay merong nangangaroling sa tapat ng bahay namin. Isang matanda at isang buntis. Medyo nag aalangan pa nga kami kasi paano sila nakapasok sa subdivision namin? Pero dahil mabait ang asawa ko binigyan niya pa din ang mga nangangaroling.

"Eto ho tatay. Para sainyo po at sa kasama ninyo."

pag abot ng asawa ko ng pera ay kinuha naman ng babaeng buntis. Kaloka hinaplos pa ang kamay ng asawa ko.

"Ah eh, salamat Doctor Ethan Smith. Tama po ba?" tanong ng buntis na habang nagtatanong ay nakatingin sa black na boxers ni Ethan.

"Ah hehe. Sige po. Mauna na po ako ha at kailangan pa ako ng asawa ko." wika ni Ethan na tinatakpan ang bakat sa suot na boxers na kanina pang tinitignan ng buntis.

At pagkaalis ng mga nangangaroling ay biglang may sasakyan na bumusina sa tapat ng bahay.

OMG! Sino naman to? Naka sports car na color yellow. At dahil wala nga ang asawa ko dahil pinagsuot ko na muna ng short kaya ako na muna ang lumabas.

At pagsilip ko sa may gate.

"Hi Penelope!" masayang bati nina Enzo at Noah.

Ohh! Kaya pala ang gara ng sasakyan e. Sakay ang mga babaero ng Pilipinas.

Pinabukas ko na sa guard namin ang gate at pinapark nalang dito sa garahe namin.

"Grabe ha, anong meron?" nagtatakang tanong ni Penelope habang bumababa ng sasakyan sina Enzo at Noah.

"Eto Penelope, may dala kaming gift sa kambal."

Sakto din ang paglabas ni Ethan.

"Ohh, ang popogi naman ng bisita ko." wika ni Ethan sabay bro hug sa dalawa.

"Eto bro, gift namin sa kambal." wika ng dalawa.

"Aba salamat ha." nakangiting pasasalamat ni Ethan na parang nag aabang pa ng kasunod.

"Ohh? San kayo pupunta?" Tanong ni Ethan.

"Sa loob daw bro ah, inaaya na kami ng asawa mo. Ano pa bang inaantay mo dyan?" nagtataka ding tanong ni Noah.

"Ano? Sa kambal lang kayo may regalo? Hahaha." sabay lakad na din papasok ng bahay.

ETHAN SMITH POV

Hay nako tinawanan lang ako ng dalawa. At pumasok na kami sa loob. At tumambay na muna sa may living room.

"Eh bro, para kanino naman yang hawak mo?" tanong ni Ethan nang makita ang nakapaper bag pa na regalo na hawak ni Enzo.

"Hahaha. Kanino pa ba? Bukangbibig niya yan kanina pa. Ipabibigay niya daw sa Assistant mo tong regalo niya. Grabe bro, simula nang makilala niya yun, si Jessica talagang baliw na baliw na ang ga*o." pangangantsaw ni Noah kay Enzo.

"Hahahaha. Talaga ba bro? Bakit mahal mo na ba ang Assistant ko?" gatong ni Ethan.

Na hotseat ngayon ang kaibigan kong si Enzo at wala syang kaalam alam na nasa kitchen area lang si Jessica kasama si Nanay Helen dahil tumutulong siya na magprepare ng pagkaen at for sure rinig na rinig nila ang usapan namin.

"Ano? Di makasagot? Pinag titripan mo lang ata yung Assistant ko e." wika ni Ethan.

"Di naman sa ganun, bro. Oo may feelings nako sa kanya pero gusto ko muna din siyang kilalanin. Friends muna ganun. Ganun ko siya kagusto. Gusto kong makilala siya ng lubos." tugon ni Enzo na sanhi ng pagkakilig ni Penelope sa may gilid.

"OMG!! Kinikilig ako!! Hahaha." di mapigilang emosyon ni Penelope.

Sabay senyas sa akin ni Nanay Helen na ready na ang pagkaen.

"Tara na bro, let's eat na muna."pag aya ni Ethan sa mga kaibigan nito.

At pagtalikod ay hindi akalain ni Enzo na nandun din sa lamesa si Jessica katabi ni Penelope nag tumulong din sa pag paprepara sa kakainin namin.

"Ohh. Hahaha." wika ni Noah na gulat na gulat nang makita si Jessica sabay tingin sa kaibigan(Enzo).

Kitang kita ko ang pagpatak ng pawis ni Enzo dito sa full airconditioned naming bahay. Di namin mapigilan ni Noah na tuksuhin ang aming kaibigan. Hahaha. First time ko din syang makita na namumula.

At umupo na nga kami. Tahimik pa din si Enzo. Hanggang sa matapos kaming kumain.

Inaya ko din silang maligo sa may pool area. Hot temprature ang pool ngayon dahil malamig naman ang panahon sa may labas.

"Ano na bro? Tameme? hahaha. Asan na yung matinik na Enzo? Bat parang boneless bangus ka ngayon? Hahaha." biro ni Noah kay Enzo habang nakatambay sa pool area.

"Nga pala mga bro, naaya ko na si Lucas kaso may party din daw sila sa Resort e. Kaya kayo ang aayain ngayon kung pwede ba kayo sa 25? May small gathering lang dito sa bahay. Kung gusto niyo lang naman ha at kung free kayo." pag iimbita ni Ethan.

"Naku, di ako pwede bro. May sched ako sa 25. Alam nyo naman, hindi nababakante ang Santa Claus nyo. May papasayahin lang tayo sa gabi na yun. Hahaha. " sabay kindat kina Enzo at Ethan.

"Walangya ka bro. Hahaha." tugon ni Ethan kay Noah.

"Eh ikaw bro?" tanong ni Ethan kay Enzo na kanina pang tulala sa gawi kung nasaan si Jessica.

"Bro, dito na ba siya nakatira?" tanong ni Enzo habang nakatulala.

Tinapik ko na muna si Enzo bago ko sinagot.

"Hahaha. Bighaning bighani ka bro a. Pero, Oo. Dito na sya for good. Bunsong kapatid namin ni Penelope. Bakit mo natanong ha?" sabay akbay kay Enzo.

"Di, wala naman bro. Hehe. Pero oo pupunta ako bukas. Wala akong anumang appointment tapos ang family ko nasa abroad pa." tugon ni Enzo.

Sabay lapit ni Jessica para magpasalamat kay Enzo sa regalo niya.

"Hello po kuya. Salamat po sa gift mo a. Ang ganda po." nakangiting pasasalamat ni Jessica sabay alis at balik sa tabi ng kanyang Ate Penelope.

Nakangiti kaming lahat sa pangyayaring yun.

"Salamat daw kuya!" kantsaw ni Noah.

"Shut up bro, kesa naman ate ang itawag sakin diba?" sabay ngiti na tugon ni Enzo.

"Pinagtatawanan ka ng kuya oh." sumbong ni Noah sa tawang tawa na si Ethan.

"Hahaha sorry bro. Epic lang kasi e. Pero hinde, I know Jessica bro. Gumagalang lang yun lalo hindi pa kayo lubos na magkakilala. Dati nga diba sir pa ang tawag sayo? Tapos ngayon kuya nalang. Malay mo baby na ang sunod. Naks! Hahaha biro lang. Sakin ka dadaan bro bago mo ligawan ang bunso namin. Hahaha." biro ni Ethan sa kaibigan.

Matapos ng aming mga kalokohan ay nagswimming na kami at konting tambay sabay nag aya na ding umuwi ang dalawa kong kaibigan.

What a super fun day. Binuo nila ang mga araw namin.

"See you tomorrow Enzo, tapos ikaw Noah, Goodluck. Mabuntis mo sana yang babae mo. Hahaha." wika na Ethan sa paalis na sina Enzo at Noah.

"Hahah. Shut up, Ethan. No way bro. Baka ilibing ako ng maaga." biro ni Noah.

"Bye bro, See you tomorrow. Penelope bye. Jessica bye. See you guys." nakangiting paalam ni Enzo.

Nächstes Kapitel