webnovel

CHAPTER 44 - ETHAN AT THE THOMPSON HOSPITAL MEDICAL CENTER

CHAPTER 44 - ETHAN AT THE THOMPSON HOSPITAL MEDICAL CENTER

----------

KUYA PATRICK THOMPSON POV

I am worried kay Babygirl kung kamusta na siya lalo na nung nalaman ko na hindi niya pala kasama si Mica pauwi. Tanging yung driver lang daw na hindi naman namin kilala. Well, di ko din naman inalam kung sino yun. Tapos isa pa. sinabi din ni Mica na injured pala ang kapatid ko kaya sa ibang sasakyan sumakay. Kaya pinipilit ko siyang tawagan para makamusta. Medyo hindi din kasi ako mapanatag e.

Tapos hanggang ngayon hindi ko pa din macontact si babygirl pero

binigay naman na sakin ni Mica yung number ng driver niya.

PENELOPE THOMPSON POV

Inaya ko na sa loob ng sasakyan si Ethan dahil meron nang kumukuha ng litrato sa amin.

Pinaandar na ni Ethan yung kotse at sakto din naman mamaya maya ay biglang may tumawag sa phone. Aba naka on pala yung vibration ng phone ko.

0908******* is calling

Hmm? Number lang? Sino naman kaya to? Pero sinagot ko pa din naman.

"Hello po sir?" tanong ni Patrick na pagaakala niya ay ang driver ang makakausap niya.

"Hmm? Kuya? Hello? Ano kamusta? Kasmuta si Dad?"

"Nasa ICU pa din babygirl e, Na- Angioplasty na din si Dad and he's under observation pa daw. Mamaya lang siguro, possible na malipat na siya dito sa room. Nga pala, nasaan kana pala babygirl? I heard na injured ka?"

"Okay, Kuya. Sana bumuti na ang lagay ni Dad. Malapit na kami kuya around Manila na kami e."

"Okay, ingat kayo babygirl a. Loveyou."

"Love you too Kuya. Bye."

Call Ended..

ETHAN SMITH POV

After 30 mins of driving, I think malapit na kami. Penelope also guided me sa daan papunta sa Hospital nila.

Nagulat nga ako nung time na narinig ko yun. Ganun na pala siya ka successful.

Atlhough, inexpect ko naman na talaga na magiging maganda ang buhay niya dahil mga bata pa lang kami talagang may potential siya dahil napaka talino niya.

And finally, we're here.

"Thank you Ethan. Nandito na tayo sa hospital. Dito ka nalang magpark sa may gilid" wika ni Penelope.

Naipark ko na yung sasakyan.

"Wait lang Penelope ah, I'll request for a wheelchair for you kasi obvious naman na hindi pa masyadong okay yung paa mo." pagmamagandang loob ni Ethan.

"No, you don't have to do it. I'm fine, sana'y naman akong magtiis ng sakit." banat ni Penelope.

Pero lumabas pa din ako ng kotse para magrequest sa nurse ng wheelchair at laking pasasalamat ko na binigyan niya agad ako at habang papunta nako sa may kotse. Bigla namang binuksan ni Penelope ang pintuan at pag kalapat na pagkalapat ng kanang paa niya ay akmang matutumba na ito. Kaya agad akong napatakbo para saluhin siya.

"PENELOPE!"

Kita ko ang gulat sa mga mata niya.

"Sabi sayo e, di mo pa kaya." wika ni Ethan habang salu-salo si Penelope mula sa muntik nitong pagtumba.

"OMG! Madam Penelope?" sigaw ng mga nagulat na Doctor at Nurse.

Binuhat ko siya papunta sa may wheelchair. At nagulat din ako nang mapansin ko na nakatingin

ang lahat sa amin. At naalala kong wala nga pala akong suot na mask, shades, or cap. But wala na din akong time para gawin yun dahil agad kaming dumiretso sa loob ng hospital.

PENELOPE THOMPSON POV

Nung paglabas ko ng kotse sa totoo lang akala ko talaga na malalagpak nako sa sahig.

Buti nalang malapit lapit na sakin si Ethan nun. Pero yun nga lang nasigaw niya ng malakas yung pangalan ko ayan tuloy, simula nun nakatingin na ang mga tao sa amin kahit nung time na makapasok na kami sa hospital.

"Uy si Perfect Doctor yun diba?"

"Hala magjowa na pala sila?"

"OMG, si Dr. Penelope Thompson na ang nagwagi."

"May nanalo na pala mga ses!"

Kaloka tong mga naririnig ko. Hindi ako sanay sa ganitong atensyon sa paligid ko. Buti nalang din agad na umalalay ang mga body guard sa hospital namin.

Finally, nakasakay na din kami ng elevator. At yung elevator nato ay para lamang sa mga staff at may mga posisyon dito sa Hospital dahil nasa taas din ang headquarters ng Hospital na to o ang confidential na room kung nasaan ang mga papeles at mga mahahalagang dokumento nitong hospital. Pati ang room ni Dad nasa taas din.

Kaya dalawa lang kami ni Ethan ang nandito sa loob.

"Ba't naman kasi wala kang face mask?" tanong ni Penelope.

"Nagmamadali na kasi ako e. Nawala na sa isip ko. Hayaan mo na."

Ting!

Nakababa na kami at finally, we're here sa room kung nasaan ang family ko at si Dad.

PATRICK THOMPSON POV

"Oh. Finally, babygirl. Wait, who's with you? was that Ethan?" tanong ni Patrick habang kinikilatis ang naiilang na si Ethan.

Nginitian ako ni Ethan sabay kaway sa akin.

"Hi po, Kuya Patrick. Long time no see po." nakangiti na bati ni

Ethan sa Kuya ni Penelope.

Actually, noon pa talaga kaming magkakilala ni Ethan. Dahil nga

pabalik balik ako sa Pilipinas at States at isang araw napadpad ako sa UK sa school kung saan schoolmate niya yung naging asawa ko na si Bella Adams. Yun nga lang ni minsan hindi ko ito nabanggit sa kapatid ko dahil, aware naman ako sa past nila at ayaw ko nang makielam sa bagay na yun.

"Long time no see Ethan. Babygirl. Bakit pala kayo magkasama?"

curious na tanong ni Patrick kay Penelope.

"Hayy nako kuya. Intriga agad ha? Teka asan pala si Mommy?"

"Tsaka ano yan? Bakit ka ba nainjured?" pangungulit ni Patrick sa bunsong kapatid.

"I'll explain everything later Kuya. Anyways, Ethan, I am here now. My brother can take care of me. You can go now, please. Thank you." mataray ngunit nakangiting sinabi ito ni Penelope.

Wow, nagulat ako sa attitude na yun nga kapatid ko towards Ethan. Pero gaya nga ng sabi ko. Hindi ako mangingielam sa kanilang dalawa.

Knock! Knock!

Come in

MOMMY PATRICIA POV

"Oh finally sweetheart, I miss you." pagyakap ni Mommy Patricia sa bunsong anak.

Ohh, at bigla kong napansin. May lalaki na sobrang familiar. Hmm? Kaya pala ang daming marites sa baba.

"Perfect Doctor? Am I right?" nakangiting tanong ni Mommy Patricia.

"Yes po, Tita. Nice to meet you po. You can call me Ethan nalang po." pagpapakilala ni Ethan sa Mommy ni Penelope.

"Nice to meet you too.. Ang bango bango mo naman at napakakisig pa. Bakit po pala kayo napaparito Perfect Doctor? M-magkasama po kayo ng anak ko? Anak ko po yan

si Penelope, Doctor din po siya. Isa po siyang neurosurgeon."nakangiting sinabi ni Mommy Patricia na para bang nirereto ito kay Ethan.

"Ahm. Tita, actually po I just helped her po kasi hindi pa po sya makalakad ng maayos.

Gawa po ng meron po siyang minor ankle sprain. She had a minor accident po while surfing."

paliwanag ni Ethan.

"Oh really sweetheart ? Bat di mo naman sinabi sakin?"

"Eh Mommy okay lang naman ako no need to worry. Asan na nga pala si Dad? Ano nang balita sa kanya?" pagtatanong ni Penelope.

"Galing nga ako dun kanina. Mamaya lang ilipat na daw ang Dad mo dito." balita ni Mommy Patricia.

"Anyway, Thank you so much po The Perfect Doctor a. Sa pag aalaga niyo po sa anak ko."

"Ethan nalang po Tita. No problem po at salamat din po. Sige po mauna na po ako."pagpapaalam ni Ethan kay Mommy Patricia.

"Oh wait Penelope?" wika ni Ethan habang sinesenyas yung phone niya na nasa bag ni Penelope.

"Huh? Ano yun? Phone mo?" nagtatakang tanong ni Penelope.

"Ano namang gagawin ko sa phone mo?" naiiritang tanong ni Penelope habang nag hahanap ng cellphone sa bag niya.

PENELOPE THOMPSON POV

Talagang pagbintangan pa ako sa nawawala niyang phone. Ano naman gagawin ko dun.

Hanggang sa pagbubuklat ko ng bag, OMG! dalawa nga ang phone na nandito.

Shocks! Kaya pala same pala kaming black ang casing tapos same phone din?

Nagkaiba lang dun sa wallpaper. Ang wallpaper ko kasi ay yung family picture namin samantalang yung kay Ethan naman ay picture ng Tulip.

Wala nang tanong tanong o salita basta inabot ko nalang bigla sa kanya. Habang titig na titig sakin sila Mommy at Kuya mga nakangisi pa. Oo na ako na napahiya.

"Thanks po. Babye po. Tita Salamat po a, Kuya Pat salamat. Penelope thank you din mauna na ako bye. Regards nalng po kay Tito. I'll try to visit po tomorrow kung pwede po?" paalam ni Ethan sa pamilya Thompson.

"Bye. Ingat ka sa pag uwi mo Doc. Ethan."

Nächstes Kapitel