webnovel

Traveller's Knight

Geschichte
Laufend · 5.6K Ansichten
  • 2 Kaps
    Inhalt
  • Bewertungen
  • N/A
    UNTERSTÜTZEN
Zusammenfassung

"Bakit nagkakaganito ako? Anong ginawa mo sa akin? Sa isang iglap ay nais ko na lamang manatili sa iyong tabi kahit pa hindi naman ako nararapat dito." Siya ang binibining nakatakdang maglakbay sa panahon upang isaayos ang takbo ng kasaysayan. ~*~ "Nagmamakaawa ako sayo, manatili ka sa aking tabi, binibini. Kahit anong mangyari, ipangako mong hindi mo ako iiwan." At siya naman ang ginoong ang kapalara'y umibig sa isang dalagang ni hindi niya alam ang pinagmulan. ~*~ Kung silang dalawa ay magtatagpo, posible kayang mabuo ang pag-iibigan na kahit ang panahon ay hindi kayang hadlangan? Isang pagtatagpong itinakda ng tadhana. Kung ang lahat ng nagaganap sa mundong ito ay may may kadahilanan, ang kanilang hindi inaasahang pagtatagpo ang magiging sanhi ng lahat, at ang bunga... malalaman natin sa pagtakbong muli ng dalawang panahon.

Chapter 1Chapter 1: Travel back in time

Noong nakaraang taon natin ipinagdiwang ang ika-500 taon ng pagtatatag ng Kristiyanismo sa Pilipinas. At napaka-swerte ko ngayon dahil nasaksihan mismo ng mga mata ko ang pinaka-unang misa na naganap sa ating bansa sa pangunguna ni Ferdinand Magellan, isang Portuguese. Kung tama ang naaalala ko, naririto ako ngayon sa Limasawa, ang lupaing pinamumunuan ni Rajah Humabon at Reyna Juana, taong 1521.

Mabuti na lang ay pinagtuunan ko ng pansin ang history class ko noong elementary at high school, dahil doon ay hindi na ako nahihirapang maunawaan ang nagaganap sa aking paligid.

Pasensya na nga pala kung may pagkakataon na medyo malalim ang mga salitang namumutawi sa aking bibig. Just bare with me, please. Nahahawa na kasi ako sa paraan nila ng pananalita. Ikaw ba naman ang maglakbay sa sina-unang panahon...

Mukhang nakalimutan kong magpakilala muna. Aherm, aherm...

Ladies and gentlemen, the beautiful young woman who is currently narrating her point of view is none other than Alexandria Laviah Swift, 20 years old, from the 21st century. And I, thank you!

Kung iniisip n'yong isa akong TIME TRAVELLER, tama kayo.

Sa totoo lang, base sa calculation ko, halos dalawang taon na akong naglalakbay sa ibat-ibang panahon. Hindi yun isang abilidad na nagagawa ko na simula pa nang isilang ako, kundi isang regalo.

Normal pa ang takbo ng buhay ko noon. Ngunit nang tumuntong ako sa edad na labing-walo ay nagbago ang lahat. To cut the story short, bilang regalo sa aking 18th birthday ay ipinadala nina mommy at daddy ang isang lumang relong-pambisig na nagmula pa daw sa aming mga ninuno. Dahil mahilig talaga ako sa antique na mga bagay ay masaya ko itong tinanggap.

May kalakip pang sulat ang relo, ngunit hindi ko agad naunawaan ang pinupunto nito.

To our beloved Laviah,

My adventurer daughter, happy 18th birthday! Mommy and Daddy are very proud of you, baby. You grew up independent, strong, smart, and, of course, beautiful, like your mommy.

From today onwards, I am sure that you are going to enjoy every second of your life.

Sundin mo parati ang itinitibok ng iyong puso, anak. At sa mga desisyong isasagawa mo ay huwag mo na kaming isipin pa.

Sana'y masiyahan ka sa iyong magiging paglalakbay. Ingatan mo parati ang iyong sarili.

Love,

Mommy and Daddy

Ang weird, di ba? Hindi man lang nila ako in-inform na mag-ta-time travel pala ako.

Bigla tuloy akong napa-isip, marahil, ang totoong dahilan kung bakit sa US tumira ang mga magulang ko, at iniwan akong mag-isa sa Pilipinas ay upang sanayin akong tumayo sa aking mga paa, dahil darating sa punto na malalayo din ako sa kanila para maglakbay sa ibat-ibang panahon. At ang rason kung bakit hindi nila ako binisita noong kaarawan ko ay dahil ayaw nilang ma-miss ko sila sa aking pag-alis, sapagkat walang katiyakan kung kailan ako makakabalik, o kung makakabalik pa nga ba ako.

Ngunit, ang aking paglalakbay ay itinuturing kong isang malaking oportunidad at karangalan na hinding-hindi ko tatalikuran. Sa dinami-dami kasi ng tao sa mundo, ako ang nabigyan ng pagkakataon na masaksihan ang kasaysayan ng ating bansa, nasusulat man o hindi.

Noong nasa kasalukuyan pa ako, hilig ko na talaga ang pagbisita sa mga heritage sites at pangongolekta ng antique na mga bagay. Kapalaran ko nga siguro ang maging isang time traveller.

Kung tatanungin niyo ako kung nag-iisa ba ako sa mundo, hindi ko din alam ang isasagot. Nawalan na kasi ako ng pagkakataon na itanong kay ina ang hiwaga ng relong iyon, dahil noong subukan kong itama ang oras nito ay nagsimula na ang journey ko bilang time traveller.

Nagtataka ba kayo kung paano ko nakayanang mabuhay ng dalawang taon ng walang eksaktong matutuluyan o makakainan man lang. Isa 'yung lihim, ngunit dahil pinipilit niyo ako ay sasabihin ko na din. Ang totoo kasi niyan, hindi ako nakakaramdam ng pagod, antok, o gutom simula nang maglakbay ako sa panahon. In short, isa akong immortal time traveller.

At kung napapaisip naman kayo kung paanong hindi ako napapansin ng mga tao sa aking paligid sa kabila ng kakaiba kong pananamit at pagkilos, iyon ay dahil hindi naman talaga nila ako nakikita. O di ba, hindi lang ako immortal, invisible pa.

Hanggang dito na lang muna ang aking mga trivia, tapos na kasi ang misa na dinaluhan ko, at nais ko nang lumipat sa ibang panahon dahil batid kong sa mga susunod na araw ay magsisimula na ang hindi pagkaka-unawaan na mauuwi sa madugong laban sa pagitan ni Lapu-lapu at Magellan.

Paano ako makakalipat sa ibang panahon? Simple lang, pipihitin kong muli ang parte ng relo na "crown" kung tawagin. Hindi ko batid kung saan ako sunod na dadalhin ng tadhana kaya't mas nakakapanabik, hindi ba? Huwag lang sanang sa gitna ng isang giyera.

Kinain ng puting liwanag ang buong paligid, hudyat na magsisimula na ang aking panibagong paglalakbay. Nang maglaho ang nakasisilaw na liwanag ay natagpuan ko ang aking sarili sa isang lugar at panahong ngayon ko lang narating.

Bahay kubo, mga kalesa, barong, baro't saya, at... mga espanyol?

Ang Pilipinas ay sinakop ng bansang Espanya taong 1565 hanggang 1898. Anong eksaktong taon kaya ako naroroon?

Napaka-linis ng paligid, isa sa mga katangiang bihira nang mamasdan sa kasalukuyan. Wala pang mga sasakyang nagbubuga ng maitim na usok at sadyang may disiplina ang mga mamamayan pagdating sa kalinisan.

Nakakatuwang pagmasdan ang kababaihan, bukod sa mahahaba at konserbatibo nilang kasuotan ay kapansin-pansin din ang pagiging mahinhin ng mga ito. Habang ang mga kalalakihan naman ay talagang maginoo.

Napako ang aking tingin sa isang babaeng papalapit sa aking kinatatayuan. Kilala ko siya! Hindi ako pwedeng magkamali... Kamukhang-kamukha niya si Raiza Kimberlea Arcayos, ang babaeng gustong-gusto ng crush kong si Johannes sa 21st century. Nakakainis, sa dinami-dami ng pwede kong ma-meet, ang ninuno pa talaga ng babaeng pinagseselosan ko. Unang beses itong nangyari kaya't nakakapikon talaga!

At dahil hindi nga niya ako nakikita ay tumagos lang siya sa akin. Kahit gusto ko siyang pigilan at sabihang, "Watcha doin' here, bitch?" ay hindi ko nagawa dahil kamag-anak ko ngayon si Invisible Man.

"Binibining marikit, sandali." Lumingon si Raiza sa lalaking tumawag sa kanya.

Ang babaeng ito, tinawag niyang marikit? Hanggang dito ba naman ay mapang-akit pa din si Raiza? Sinong uto-uto naman kaya ang naging biktima niya? Hayst! Hindi nga pala siya si Raiza, ninuno niya ito. Bakit ba inis na inis ako sa isang inosenteng tao!?

Lumingon din ako sa direksyon kung saan nanggaling ang baritong boses na iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang iisang dangkal na ang layo sa akin ng ginoong ito na napaka-gwapo. Gwapo ba ang nasabi ko? Ang ibig kong sabihin ay gago. Oo tama, gago.

Ngunit mas lalo akong nagulat noong maglapat ang aming mga labi at naramdaman ito ng buong sistema ko. SHEMSS! ANG FIRST KISS KO!

Teka lang, paanong naramdaman ko iyon? Kahit naman mabangga ko noon ang mga tao ay hindi ko nadarama ang katawan nila at ganoon din sila sa akin.

Biglang nanikip ang aking dibdib. T-teka, anong nangyayari? Bakit nahihirapan akong huminga?

Nawalan ako ng balanse at akmang babagsak sa sahig nang hawakan ng kung sino ang aking beywang.

"Binibini, ayos ka lang ba?" Tanong ng isang baritong boses.

Nakikita at nahahawakan niya ako? Gusto ko pa sanang magtanong ngunit tuluyan na akong nawalan ng ulirat.

~*~

Nagising muli ang aking diwa nang marinig ang pagtawag ng isang pamilyar na boses.

"Laviah, apo ko."

Iminulat ko ang aking mga mata at muling nakita ang mukhang matagal ko nang inaasam na makaharap muli. Si lola Theresa, ang ina ni Mommy. Napaluha ako sa sobrang galak. Niyakap ko siya ng mahigpit at gano'n din ang ginawa niya.

Teka lang. Kung ganon...PATAY NA AKO!?

"L-lola, p-patay na po b-ba a-ako?" Nauutal kong tanong. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot? Hindi ko naman kasi alam na nakakamatay pala ang halik ng isang gwapo- este gago

Bahagya siyang natawa dahil sa sinabi ko. Seryoso naman ako ah.

"Wag kang mag-alala apo, buhay na buhay ka pa."

I heaved a euphoric sigh of relief. Whew! Kinabahan ako dun ng very light.

Humarap siya sa akin at hinaplos ang mukha ko.

"Natutuwa akong makitang muli ang pinaka-maganda kong apo."

Patawa talaga itong si lola, syempre ako ang pinaka-maganda, ako lang naman ang apo niya e.

"Masaya din po ako lola, pero paano po nangyaring kaharap kita gano'ng buhay pa ako?"

"Naririto ako ngayon sapagkat naatasan ako ng ating mga ninuno na bumalik dito upang maghatid ng mensahe sa itinakda."

Medyo magulo ding kausap si lola. Anak nga niya si Mommy.

"Mensahe po? Itinakda?"

"Ganoon na nga, apo ko. Pero bago iyon ay nais ko munang ilahad sa iyo ang katotohanan sa likod ng pagkatao ng ating angkan at mga ninuno."

"Ang pagiging time traveller po ba?"

Tumango si Lola. "Hindi ko maaaring sabihin kung saan nag-mula ang relo, dahil isa iyong lihim na ikaw dapat mismo ang makatuklas. Ang maaari ko lang ibahagi sa iyo ay ang naging paglalakbay ng ating mga ninuno, kabilang na ang iyong ina at ako."

"Nakikinig po ako, lola."

"Ang bawat panganay na babae ng ating angkan lamang ang nabibigyan ng pagkakataon na maglakbay sa panahon upang gawin ang tungkulin ng ating pamilya."

"Ano po ba ang ating tungkulin, lola?"

"Tayo ang nakatakdang magtala ng totoong kasaysayan ng ating bansa."

"Kung gano'n po, ang itinuturo ng mga guro sa paaralan, pati na rin ang mga nakatalang kasaysayan ng Pilipinas sa libro ay isinulat ng ating pamilya? Extraordinary historians po tayo?"

"Parang ganon na nga, apo. Mula ang mga ito sa obserbasyon ng ating angkan, base sa kung ano ang nasaksihan nila sa loob ng tatlong taon na paglalakabay sa panahon."

"Tatlong taon lang po lola? Ibig sabihin po ba nito ay malapit nang matapos ang paglalakbay ko?"

Nakaramdam ako ng matinding lungkot. Kulang ang tatlong taon para sa akin.

"Apo ko..." Tiningnan ako ni lola na para bang lubos siyang naguguluhan sa akin. "Bakit mo ba naisipang hinalikan ang ginoong iyon?"

HUWATTT!? I was literally dumbfounded. Bakit napunta doon ang usapan? Kung gayo'y nakita ni lola ang nangyari? Explain, Laviah. Explain!

"L-lola, aksidente l-lang po iyon," pilit kong pagpapaliwanag.

"Apo, aksidente man o hindi, nalabag mo ang golden rule nating mga time traveller."

"M-meron po tayong rules?"

Bakit ba kasi hindi ako na-orient ni mommy?

"Ganoon na nga, Laviah. Bawal na bawal sa atin ang umibig sa sino mang ginoong mula sa ibang panahon."

HANUDAW? AKO? UMIBIG? DOON KAY GWA- GAGO!

"U-umibig? Lola, hindi ko iniibig ang lalaking 'yon."

"Ganyan ba ang kabataan ng makabagong panahon? Hinahalikan ang ginoo kahit hindi naman ninyo ito kasintahan? Apo, kinalulungkot ko ngunit buo na ang pasya ng ating mga ninuno. Kailangan mong harapin ang karampatang parusa para sa iyong ginawang paglabag sa nag-iisa nating batas. Kahit ito ay aksidente lamang o kahit hindi mo batid ang batas na ito."

That's unfair, isn't it? Pero dahil iginagalang ko ang aking mga ninuno ay kailangan ko itong tanggapin ng bukal sa puso.

"Ano po bang parusa ang ipinataw nila sa akin? Ano man po ito ay masaya kong tatanggapin."

Niyakap akong muli ni lola.

"Apo, hindi magiging madali ang misyong ibinigay nila sayo, ngunit batid kong makakaya mo itong mapagtagumpayan."

"Isang mahirap na misyon po ang aking parusa? Anong misyon po ito, lola?"

Kunwari'y natatakot ako, pero deep inside na-e-excite talaga ako.

"Nakikita mo ba ang mga kwintas na ito?"

Lumitaw sa harapan ko ang siyam na kwintas na may hugis pusong pendant na ibat-iba ang kulay.

"Para saan po ang mga mahiwagang kwintas na ito, lola?"

"Ang mga kwintas na ito ay makikita mong suot ng iyong mga misyon. Tanging ikaw lamang ang may kakayahang makakita nito."

"Dalawang kulay rosas, dilaw, asul, puti, at isang pula?"

"May kapares ang bawat kulay ng kwintas, ang kailangan mong gawin ay maging matchmaker ng sino mang may suot ng magkaparehong kulay."

"Matchmaker? So, makikita po nila ako, makakausap, at makakasalamuha?"

"Iyon ang nais mo, hindi ba?"

Napatalon ako sa sobrang tuwa. Yes! Finally! Magiging bahagi na din ako ng sinaunang panahon. Adventure, here I come!

Pinagmasdan kong muli ang mga kwintas.

"Huwag kayong mag-alala mga binibini at ginoo, magiging mahusay akong matchmaker-" Natigilan ako nang may mapansing kakaiba. "L-lola, bakit iisa po ang kulay pulang kwintas? Wala siyang kapareha?"

"Mayroon syempre, apo. Ngunit sa ngayon ay huwag mo muna itong alalahanin sapagkat kusa itong magpapakita sa iyo pagdating ng tamang panahon."

"Subalit, lola, paaano po kung hindi ko ito magawa?"

"Kung sakaling hindi ka magtagumpay, sa panahong ito ay makukulong ka habang buhay."

Kung hindi ko inaalala ang mararamdaman nina daddy at mommy ay siguradong ikatutuwa kong marinig na maninirahan na ako sa lugar na ito ng permanente.

"Ilang taon lang po ang ibibigay ninyo sa aking palugit upang matapos ang aking misyon?"

"Walang deadline apo ko. Tapusin mo ito kung kailan mo nais. Pakatatandaan mong mahalaga ang misyong ito. Kung hindi ka magtatagumpay ay may negatibong epekto ito sa hinaharap. May tiwala ako sayo, Laviah. Alam kong kakayanin mo."

"Salamat po, lola. Gagawin ko po ang lahat upang maging matagumpay ang misyong ito."

"Gumising ka na, mahal kong apo. Naghihintay na sayo ang iyong unang misyon."

"Isa pala itong panaginip, lola. Isang magandang panaginip na aalalahanin ko buong buhay ko."

Ipinikit kong muli ang aking mga mata. At nang imulat ko ito ay natagpuan ko ang aking sarili sa isang silid. Paanong napunta ako rito? Hindi ba't nasa kalsada ako nang mawalan ng malay?

Iginala ko ang aking paningin, totoong nasa makalumang panahon nga ako. Ngunit sino kaya ang may-ari ng tahanang ito? Masasabi kong may kakayahan sa buhay ang pamilya nila.

Iba na rin ang aking kasuotan at talagang napakaganda nito. Kay buti naman ng mga tao sa bahay na ito, pinatuloy nila ako at binihisan kahit pa isa akong estranghero.

Bumukas ang pinto ng silid kung saan ako panandaliang namamalagi. Pumasok ang isang pamilyar na itsura.

OWEMJI! Siya si Khalil Wade Koch,'yung famous guy sa university kung saan ako nag-aaral. Kilalang-kilala siya sa pagiging gentleman at gwapo. Ang swerte ko naman, nakilala ko din ang ninuno niya sa panahong ito.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo, binibini?"

Ma-respeto siya kagaya ni Khalil, sigurado na ako ngayong iisang dugo ang nananalaytay sa kanila.

Napadako ang aking tingin sa leeg niya. Damn! Bakit ngayon ko lang napansin ang kwintas na may kulay dilaw na pendant? Ibig sabihin, ang ginoong ito ay isa sa mga misyon ko?

"Anong iyong ngalan binibini?" Tanong niya nang mapansin ang malagkit kong pagtitig. "Kagabi ay dinala ka rito ng aking matalik na kaibigan, nawalan ka daw ng malay sa kanyang bisig. Nais sana niyang siya na mismo ang tumulong sayo kung wala siyang mahalagang aasikasuhin. Sabihin mo kung saan ka naninirahan at agad kitang ipahahatid."

Ako si Alexandria Laviah Swift mula sa makabagong henerasyon. Dapat ko ba itong sabihin? Obviously, HINDI! Kung gayo'y paano ko sasagutin ang katanungan niya?

"Binibini?" Pagkuha niyang muli sa aking atensyon.

Aha! Alam ko na.

"Ginoo, pasensya na ngunit wala akong maalala sa aking pagkatao. Hindi ko alam kung sino ako at kung saan ako naninirahan." Pagkukunwaring mukhang pinaniwalaan niya. Mas pinili ko na lang na magsinungaling kaysa sabihin ang katotohanang hindi naman kapanipaniwala.

"Gano'n ba? Magpahinga ka na lang muna, hayaan mo't makakaalala ka din. Patitingnang muli kita sa-"

"Hindi na po kailangan ginoo."

"Ikaw ang bahala, binibini." Nagulat siya sa naging pagtutol ko ngunit mas pinili niyang respetuhin ang aking desisyon.

"Ginoo, maari ba akong humiling sa iyo?"

Oras na para kumilos.

"Ano ang iyong nais, binibini?"

"Maari bang dito muna ako tumuloy sa inyong tahanan habang hindi pa bumabalik ang aking ala-ala?"

Kailangan kong manatili sa tabi ng aking misyon upang mas mapadali ang trabaho. At mukha naman siyang mabuting tao.

"Bukas ang silid na ito para sa iyo."

"Maraming salamat po, ginoo." Yumuko ako upang magbigay respeto at pasasalamat.

"Iiwan na kita rito upang makapagpahingang muli." Nasa tapat na siya ng pinto nang banggitin ang salitang "Callista".

"Ginoo?"

"Callista ang gamitin mong pangalan habang hindi pa bumabalik ang iyong ala-ala."

"C-callista? S-salamat po, ginoo."

Callista talaga? Pwede bang Calli na lang para mas masarap pakinggan?

Tuluyan na siyang lumabas ng silid. Ayos! Sa tingin ko'y pinapaboran ako ng tadhana. Ilang hakbang lang ang layo ko sa aking unang misyon.

Matapos ang ilang minuto ay pumasok naman ang isang binibining pamilyar sa a- OMYGULAY! Courtney Lourice Cabral? Kung tatanungin niyo ako tungkol sa katauhan niya'y isa lamang ang kaya kong sabihin. Ang totoo kasi niya'y hanggang tingin lang ako sa kanya sa school. Hindi siya pangkaraniwang babae kaya't tinagurian siya bilang nag-iisang "Queen of Sports" ng aming university. Hindi niya ako kilala, pero sobrang hinahangaan ko siya.

SHEMS! Suot niya ang kwintas na ang pendant naman ay kulay puti. Kung gayo'y isa din siya sa aking mga misyong kailangan kong pakitunguhan ng mabuti. Hindi ko na pala kailangan pang maghanap dahil sila na mismo ang kusang lumalapit sa akin.

"Binibini, hindi ba't ikaw ang babaeng dinala dito ni kuya kagabi? Napaka-ganda mo naman palang talaga, at bagay na bagay sayo ang aking mga kasuotan."

Kapatid niya ang ninuno ni Khalil? Silang dalawa ng kuya niya, batid ba nilang magiging sobrang sikat ng mga mukhang taglay nila sa future generation?

Star-struck talaga ako sa kanya ngunit kailangan kong magsalita at kumilos ng normal. Kunwari ay hindi ko siya kilala. Well, hindi naman talaga.

"Maraming salamat sa pinahiram mong mga damit, binibini."

"Hindi ko iyon pinahiram. Pag-aari mo na ang lahat ng iyon.

Tumayo ako at yumuko sa harap niya.

"Salamat sa kabutihan mo, binibini."

"Huwag ka nang yumuko at maging pormal sa akin. Sa totoo lang, naririto ako upang makipagkaibigan sayo. Ang pangalan ko ay Mayumi, mula sa pamilya Cruz. Ano ang iyong pangalan?"

"Kinagagalak kitang makilala. Ako naman si Callista. Wala akong maalala sa aking nakaraan kung kaya't binigyan ako ng pangalan ng mabuting ginoo."

"Callista ba ang iyong tinuran?" Tumango ako bilang sagot.

Tama naman, hindi ba? Imposible namang Callisto. Calita ba? Calisa? Ano ba talaga?

"Wala bang ganoong pangalan, binibini?"

"Mayroon, at napaka-ganda ng kahulugan nito. Totoo nga ang usap-usapang nabighani sa iyo ang aking kapatid."

N-nabighani sa akin ang ginoo? Imposible...

"N-nagkakamali po kayo, binibini."

Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. May pagka-wirdo din pala ang mga tao sa panahong ito. Mukhang magkakasundo kaming dalawa.

"Halika, ipapasyal kita sa aming tahanan."

Hinawakan niya ako sa braso at hinila palabas ng silid. Sumunod ang ilang tagapagsilbi upang alalayan ang binibini.

"Huwag na kayong sumunod. Diyan na lang muna kayo," madiin niyang utos sa mga ito.

"Subalit bini-"

"Sinusuway niyo na ba ako ngayon?"

"Hindi namin pangangahasang gawin iyon, binibini," napayuko na lang sa takot ang kanyang mga tagapagsilbi.

May sinusipil na ngiti sa labi ang binibini. Mga kawawang nilalang, halata namang binibiro lang sila ni Mayumi.

Nagsimula kaming maglibot sa loob at labas ng napakalaki nilang hacienda. Ipinakilala ako ni Mayumi sa lahat ng mga nakakasalubong namin. Totoong malapit siya sa mga katiwala nila, kaya't lubos na natutuwa sa kanya ang mga ito.

Ilang minuto pa lang kaming nag-iikot ay ramdam ko na agad ang malalim na paghinga ng binibini, tila ba nahihirapan siyang huminga. Hindi ito normal, napaka-bata pa niya. Wari ko'y dalawa o tatlong taon lang ang tanda ko sa kanya. At sa ganitong edad ay nasusungkit pa ni Courtney ang gintong medalya sa International Sports Competition, hindi lang sa iisang sport. Napag-sasabay niya ang training ng badminton, volleyball, table tennis, track and field, at swimming competition.

"Binibini, maari bang magpahinga muna tayo? Medyo hinihingal na ako." Gumawa ako ng rason upang bigyan siya ng oras na makapag-pahinga.

Huminto kami sa ilalim ng puno na matatagpuan sa napaka-ganda nilang hardin.

"Ito ang paboritong lugar ni kuya. Iyon ay dahil nahahawig ito sa hardin ng aming dating tahanan. Kung hindi lang dahil sa akin, marahil ay doon pa din kami naninirahan ngayon."

"Sinisisi ka ba ng iyong kapatid, binibini?"

"Hindi niya kaylan man pinaramdam sa akin na kagagawan ko ang mga nangyari. Ngunit, simula nang ipatapon kami sa tahanang ito ay hindi ko na nakita ang totoong ngiti sa labi ni kuya at ina. Pinipilit lang nilang ngumiti upang hindi na mahirapan pa ang aking kalooban. Dahil doon ay mas lalo kong naramdaman ang matinding kalungkutan. Ang dating masayahin kong ina at kapatid ay tila naiwan sa dati naming tahanan."

Nalulungkot ako para sa kanya. Anong maari kong gawin upang maibsan ang bigat na dinadala niya. Ang munting binibining ito ay akin pa ding misyon, kaya't dapat kong pagaanin ang kanyang loob.

"Hindi sila nagdaramdam sayo dahil ayaw nilang maramdaman mo din iyon sa iyong sarili. Kung mamarapatin mo, maari ko bang malaman ang nangyari, binibini?"

"Isinilang akong may hindi matukoy na karamdaman, kaya't walang nakababatid kung ito ba'y nakahahawa o hindi. Ang aking sakit ang ginamit ng legal na asawa ni ama upang palayasin kami sa tahanang kinalakihan ko. Batid naming ginawa niya ang kalupitang iyon sapagkat natatakot siyang agawin ni kuya ang pamana na maaaring iwan ni ama sa panganay niyang anak, dahil mas matanda naman talaga si kuya," nagsimula nang bumuhos ang kanyang mga luha.

Hindi pala sila ang legal na pamilya.

"Naniniwala ka ba sa tadhana, binibini?"

"T-tadhana? Totoo ba ito?"

"Para sa akin, ang lahat ng bagay na nagaganap ay may kadahilanan. Kung naririto ako sa tahanan ninyo ngayon, siguro iyon ay dahil kailangan mo ng payo ko. Nakatadhana akong pagaanin ang loob mo. Gano'n na rin ang pag-alis ninyo sa kinamulatang tahanan. Isipin mo, kung manatili kayo sa magulong lugar na iyon ay may tiyansang manganib ang inyong buhay dahil tiyak na gagawin ng sakim na asawa ng iyong ama ang lahat upang maangkin ang yaman na para daw sa kanila. Ipinag-adya ng tadhana na dito kayo manirahan upang mas maging ligtas ang buo mong pamilya. Anong masasabi mo, bininibi?"

"Marahil tama ka." Pinunasan niya ang kaniyang mga luha.

"Tama talaga ako, binibini. Kaya't huwag mo nang sisihing muli ang iyong sarili, maari ba?"

Tumango siya sa akin at ngumiti. Si Mayumi... isa pa siyang inosenteng bata, tila masyadong malupit ang tadhana sa kanya.

"Mayumi na lang ang itawag mo sa akin, at ate naman ang itatawag ko sayo. Ate Callista, hindi mo batid kung gaano mo ako napasaya ngayon." Niyakap niya ako ng mahigpit.

Ang puso niya, masyadong malakas ang pagtibok nito. Bakit unti-unti siyang bumibigat? N-nawalan ba siya ng malay?

"Mayumi, ayos ka lang ba?"

Hindi siya sumagot. LAGOT! Ito na nga ba ang sinasabi ko, may heart failure nga siguro siya

"TULONG! ANG Binibini!"

Kaagad na sumaklolo ang kanyang mga tagapagsilbi. Dinala nila si Mayumi sa silid nito. Parang gusto ko tuloy sisihin ang aking sarili. Ang dami ko naman kasing alam! Hayst!

Kumalabog ang pinto dahil sa pagpasok ng ginoo. Patungo siya sa direksyon kung nasaan ako. Hindi naman siya galit, hindi ba? Marahil ay nag-aalala lang.

"Ikaw daw ang huli niyang kasama bago siya nawalan ng malay. May sinabi ka ba sa kaniyang masasakit na salita? Pinagod mo ba siya?" Kalmado ngunit may diin niyang tanong habang hawak-hawak ng mahigpit ang aking balikat. Confirmed! Galit nga siya.

"Kuya, walang kasalanan si ate Callista. Lubos lang akong natuwa kanina. Paumanhin kung pinag-alala ko kayo."

Nagkamalay na ang binibini, mabuti naman.

"Ganoon ba mahal kong kapatid? Naiintindihan ko na ngayon." Ginawaran niya ng halik sa noo si Mayumi. "Lalabas muna kami upang makapag-pahinga kang muli."

"Ate, bukas na lang ulit tayo mag-usap. Matutulog muna ako."

Nginitian ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Matulog ka nang mahimbing, Mayumi."

Sabay kaming lumabas ng ginoo sa silid ng kapatid niya.

"Kung mauulit pa ito ay mapipilitan akong paalisin ka."

Nagsimula na siyang maglakad palayo. Bakit niya ako paaalisin? Ako nga itong nagpagaan sa dalahin ng kapatid niya.

"Ginoo, ang totoong nararamdaman ni Mayumi, nalalaman mo ba?"

Tumigil siya nang marinig ang pangahas kong tanong. Ano bang pumasok sa isip ko't sinabi ko iyon!?

"Higit kanino man, ako ang mas nakakakilala sa kanya."

"K-kung ganon, alam mo bang may matinding poot si Mayumi sa kaniyang sarili?"

"Imposible ang sinasabi mo. Kagaya ng iyong nakikita, masayahing binibini si Mayumi."

Manhid ba talaga sila?

"Kahit paalisin mo man ako ngayon dahil sa mga sasabihin ko, ginoo, nais ko pa ding marinig mo ito. Batid mo bang ikaw at ang inyong ina ang mas lalong nagpapahirap sa kalooban ng binibini? Nagkukunwari siyang masaya para sa inyo, ngunit sa kabila nito ay nakikita pa rin niya ang kalungkutang patuloy ninyong dinadala. Dahil doon ay napuno ng pagkamuhi sa sarili ang kanyang puso, sapagkat wala siyang ibang masisi kundi ang kanyang sarili lamang. Kahit isa akong estranghero, pakinggan mo sana ang paki-usap ko. Para kay Mayumi, sana ay kalimutan na ninyo ang nakaraan at maging masaya sa kasalukuyan."

Tinalikuran ko siya at kaagad na

bumalik sa aking silid. Mahirap na, baka totohanin niya ang pagpapaalis sa akin. Saan na lang ako pupulutin nito? Mabubulilyaso pa ang plano ko. Bakit naman kasi walang preno itong bibig ko?

~*~

Malalim na ang gabi ngunit hindi pa din ako dinadalaw ng antok. Napag-desisyunan kong lumabas muna upang makalanghap ng sariwang hangin.

Habang naglalakad-lakad ay natanaw ko ang ginoong magpahanggang sa ngayon ay hindi ko pa din batid ang totoong pangalan.

Kinakabahan ako sa maaaring mangyari matapos ko siyang pagsalitaan ng masakit, kaya't dahan-dahan akong tumalikod at tahimik na naglakad palayo upang hindi niya mapansin ang aking presensya.

"Callista." Narinig ko ang kanyang mga yabag na papalapit sa aking kinatatayuan.

Shaks! Naramdaman pa din niya ako.

"Magandang gabi, ginoo," magalang kong bati matapos yumuko sa harap niya.

"Hindi ka din ba makatulog, binibini?"

"Opo. Ganoon ka din ba, ginoo?"

Tumango siya.

"Binagabag ako ng mga salitang binitawan mo."

Sinasabi na nga ba! SHEMZZ! Mission failed.

Lumuhod ako upang magmaka-awa at humingi ng isa pang pagkakataon.

"Patawad. Hindi ko sinasadya, ginoo. Sana'y bigyan mo pa ako ng-"

"Binibiro lang kita, Callista."

Tumingin ako sa mukha niya. Nakangiti ang ginoo. Ibig sabihin ba nito ay hindi talaga siya nagdaramdam? Hu! Aatakihin ako sa mga biro niya. Sana last na 'yun.

Inilahad niya ang kanang kamay upang suportahan ako sa pagtayo.

Nagsimula na siyang maglakad-lakad habang ako naman ay nanatiling nakasunod lang sa kanyang likod.

"Ginoo, maari ba akong magtanong?"

Pagbasag ko sa nakakabingging katahimikan.

"Ano ba ang tawag sa iyong ginagawa, binibini?"

Binigyan niya ako ng isang nakakalokong ngiti. Sa halip na mapikon ay napangiti na lang din ako. Hindi ko inaasahan na aking makikita ang side niyang ito.

"Totoo pala ang sinabi ni Mayumi na dati kang masayahin, ginoo."

"Si Mayumi, kay bilis niyang magtiwala. Sa maiksing panahon ay nakuha mo ang loob niya."

"Malambot ang puso ng binibini, ito marahil ang dahilan kung bakit mabilis din siyang masaktan."

"Ano nga pala ang nais mong itanong, Callista?"

"Ginoo, may iniibig ka na ba?"

Nanlaki ang mata niya at napa-iwas ng tingin.

SHAKS! Wrong move Laviah! Ang gaga mo talaga.

"N-nagbibiro lang ako, ginoo. Inaasar mo ako kanina kaya't bumawi ako. Ipagpaumanhin mo sana. M-medyo malalim na ang gabi. Babalik na po ako sa aking silid, hiling ko ang mahimbing mong pagtulog."

Sa huling pagkakataon ay yumuko ako at dali-daling umalis. Nakakahiya. Bakit kasi hindi muna ako nag-isip bago nagsalita. Last na 'yun, promise.

~*~

Nang sumunod na araw ay nagising ako dahil sa malalakas na katok sa pinto ng aking silid. Si Mayumi siguro iyon. Mukha ngang maayos na siya. Binuksan ko ang pinto nang hindi man lang tinitingnan ang aking repleksyon sa salamin.

"Mayumi, magandang umaga." Masayang bati ko sa kanya. Napansin ko ang presensiya ng kung sino sa tabi ng binibini. "G-ginoo, narito ka rin pala. Nawa'y maganda din ang iyong gising."

Humarap ako sa kanila nang hindi man lang nag-aayos. Tila hindi ako isang binibini. Kahihiyan na naman.

"Halika ate, samahan mo kami ni kuya sa pag-eehersisyo."

"Ngunit, hindi pa ako nakakapag-ayos, Mayumi. Maaari niyo ba akong hintayin kahit ilang-"

Hinila niya ako palabas ng silid. Eto na naman siya.

"Ayos lang, natural naman ang taglay mong ganda, ate. Hindi na iyon kailangan."

"Mayumi, huwag mo siyang hilahin. Nasasaktan ang binibini."

Huminto si Mayumi at bumitaw sa aking braso.

"Nasasaktan ba kita, ate? Pasensya na."

"Hindi naman. Ayos lang ako."

"Hindi naman daw, kuya. Bakit tila sobra ang iyong pag-aaalala kay ate? May dapat ba akong malaman?"

"A-ano ba iyang sinasabi mo? Halina na nga kayo." Nauna na itong maglakad palayo.

"Kuya, bakit namumula ang tainga mo? May sakit ka ba?" Sumunod si Mayumi upang asarin ang kapatid, ang kulit talaga.

Ang dalawang ito, nakakatuwa silang pagmasdan.

~*~

Isang oras kaming naglakad sa ilalim ng sikat ng araw. Matapos iyon ay sabay-sabay kaming nagtungo sa hapag-kainan. Naabutan naming nag-hihintay doon ang ginang na sa kabila ng edad ay lumulutang pa din ang kagandahan.

"Ina, magandang umaga po." Masiglang bati ni Mayumi, sabay halik sa pisngi ng ina.

"Kamusta ang iyong pakiramdam, mahal kong anak?"

"Maayos na po, kaya't huwag na kayong mag-alala pa."

Sunod na lumapit ang ginoo upang yakapin ang ginang.

"Hindi mapapantayan ng umaga ang taglay mong ganda, ina."

Smooth... Uso din pala ang punchlines sa panahong ito.

"Ikaw talaga, Arturo. Ilaan mo na lamang ang iyong matatamis na salita sa iyong mapapang-asawa."

Arturo pala ang pangalan niya. Now I know.

Teka, mapapang-asawa? Mayroon na siya nito?

Tumingin sa aking gawi ang ginang. "Siya ba?"

AKO?! Isa itong hindi pagkaka-unawaan.

"M-magandang umaga po, donya. N-nagkakamali po kayo. Wala po kaming relasyon n-ng anak niyo."

Bahagya siyang natawa dahil sa aking sinambit. May mali na naman ba sa sinabi ko?

"Binibini, akin lamang itinatanong kung ikaw ba ang panauhin ni Arturo at Mayumi. Tunay nga'ng kay ganda ng iyong mukha. Kinagagalak kitang makilala."

Ayan kasi, kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Babawas-bawasan ko na talaga ang pagpupuyat.

Yumuko ako sa harap ng ginang.

"Sa akin po ang karangalan, donya-"

"Ina na lang din ang itawag mo sa akin, binibini."

"Po?"

"Nabanggit ni Arturo na wala kang maalala tungkol sa iyong nakaraan. Kaya't habang naririto ka sa aming tahanan, ako muna ang ituring mong pansamantalang ina."

"Sobra-sobra na po ang kabutihang ipinapakita ng inyong pamilya sa akin."

"Ate, ang pagtulong ay hindi sinusukat. Hanggat kaya naming tumulong ay walang alinlangan naming gagawin iyon."

Napaka-buti ng pamilyang ito. Alam ko na ngayon ang dahilan kung bakit magpahanggang sa kasalukuyang henerasyon ay pinagpapala sila.

"Maraming salamat, Mayumi, ginoong Arturo, at... ina. Habang buhay ko po itong tatanawing utang na loob." At hanggang sa kasalukuyan ay hindi ko makakalimutang minsan sa buhay ko ay kinupkop at itinuring akong pamilya ng mga taong gaya ninyo.

~*~

Nagpapaligsahan kami ngayon ni Mayumi sa paglalagay ng kolorete sa mukha. Buong husay kong ipinakikita sa kanya ang talento nating mula sa makabagong herasyon.

Inayusan ko ang binibini na para bang nagmula siya sa modernong panahon. Hindi makapal na korete sa mukha at kulot na buhok, bagay na bagay talaga ito sa kanya. Ganyan din ang ayos niya sa tuwing lumalaban siya sa intramurals, district meet, at iba pang beauty contest na related sa sports.

Samantalang binigyan naman niya ako ng makalumang estilo ng ayos ng buhok at hindi rin kakapalang make-up.

"Anong masasabi mo, Mayumi?"

"Kakaiba ngunit napaka-ganda. Mahusay ka ate. Ikaw, ano ang iyong masasabi? Nagustuhan mo ba? Ganyan ang parati kong ini-aayos kay Ina."

"Magaling din ang iyong mga kamay, binibini. Ngunit tila hindi ito bagay sa akin."

"Nagkakamali ka, mas lalong lumutang ang iyong kagandahan, ate."

"Tama si Mayumi." Si ginoong Arturo iyon.

Nakalimutan kong kasama namin siya. Kanina pa kasing tahimik lang na naka-upo sa gilid ang ginoo habang nagbabasa ng aklat.

Ang paraan ng pagtitig niya sa akin ay puno ng emosyong hindi ko mapangalanan. DugDug-DugDug.

"N-napaka-aliwalas ng panahon hindi ba? Halina kayo sa labas." Bigla akong napaiwas ng tingin upang mabaling sa iba ang aming atensyon.

Darn! Nababaliw na yata ako. Ang lalaking ito ay misyon ko at wala nang iba pa. Ang mahulog sa kanya ay isang lang kalokohan.

Masayang natapos ang araw na iyon. Ang bawat araw na kasama sila ay totoong napaka-sarap sa pakiramdam. Napapansin kong mas sumisigla at lumalakas na si Mayumi nang dahil sa pamamalagi namin sa tabi niya. Sana ay magtuloy-tuloy ang pagbuti ng kalusugan ng binibini.

Sa loob ng limang araw ay nanatili lang ako sa loob ng mansion nila. Itinuring akong tila totoong kadugo ng pamilya Cruz. Kumakain nang kasama sila, ginugugol ang bawat sandali sa piling ng isa't-isa, at tumatawa nang sama-sama. Isang uri ng pamilya na tiyak kong pangarap ng lahat.

~*~

Ngayon ang ika-pitong araw ko sa dinastiyang ito. Kagaya ng nakagawian ay nagtungo kami ni Mayumi sa hardin upang samahan si ginoong Arturo na wari ko'y nagbabasa na naman ng mga aklat.

"Kuya, maari ba kami dito?" Kaagad na tanong ni Mayumi.

"Walang problema," nakangiting tugon ng ginoo.

"Bigla kong naalala, nais nga pala akong makita ni ina ngayon. Sabi niya'y mag-isa daw akong magtungo sa kanya. Kuya, dito muna si ate ah. Itigil mo muna ang pagbabasa at kausapin siya, maari ba?"

Inagaw niya ang librong hawak ng ginoo at patakbong umalis na may sinusupil na ngiti. Ano na naman kayang pumasok sa isip ng binibini? Kinabahan ako bigla.

Ilang minuto din kaming tahimik ni ginoong Arturo at maging ang paghinga ay tila ba napakahirap.

Ano ba itong nararamdaman ko? Parang may kakaiba sa aking tiyan. Hindi maari! Ito ba ang sinasabi nilang "Butterflies in my stomach"?

MALI! MALI! MALI!

Sinubukan kong ayusin ang aking sarili. Hindi ito tama, kailangan kong tanggalin itong kakaiba niyang epekto sa akin.

Nilakasan ko na ang loob ko't tinawag ang kanyang pangalan.

"Hm?"

"Ang totoo niyan, wala naman talaga akong nais sabihin ginooo, nais ko lang basagin ang nakakabinging katahimikan."

"Ganoon ba?" Tumango ako bilang tugon. "Kung gano'y ako na lang ang magsasalita."

"Magsalita po kayo hanggang nais niyo, makikinig ako."

"Nais ko lang sabihing," sandali siyang tumigil. "Ang kasagutan ko sa tanong mo limang araw na ang nakararaan ay mayroon at ikaw 'yun." Hanu daw? Tumayo na ang ginoo. "Bumalik ka na muna sa iyong silid. Ipagpaumanhin mo ang kakulitan at pagiging pilya ng binibini. Likas lang talaga sa kanya iyon." Nagsimula na siyang maglakad palayo.

"Gusto ko kung sino at ano ang binibini, ginoo. Ngunit, ano ang ibig mong sabihin sa-"

Nakangiti siyang umalis. Pinaglalaruan ba niya ako? Tinalikuran niya ang isang naguguluhang binibini?

Sa aking tanong limang araw na ang nakakaraan, ang sagot niya ay "Mayroon at ikaw 'yun". Ano nga ba ang itinanong ko? Napakadami na naming napag-usapan noong mga nakaraang araw para maalala ko la-".

"Ginoo, may iniibig ka na ba?" Biglang pumasok sa isipan ko ang nakakahiyang tanong na ito.

Shaks! Hindi kaya iyon ang tinutukoy niya.

K-kung ganon... m-mayroon na siyang iniibig at a-ako iyon.

Disaster is about to come! Malaking pagkakamali ang mga nangyayari. Anong dapat kong gawin?

Das könnte Ihnen auch gefallen

Enchantress Amongst All Alchemist Ghost Kings Wife (Tagalog)

Paglalarawan Si Mu Ru Yue, ay isang kahalili sa kanyang nakapagpapagaling aristokratikong pamilya sa Hua Xia. Matapos pinatay ng kanyang kalaban, muling nabuhay siya sa katawan ng isang kamakailan lamang na namatay na walang kabuluhan na Miss sa Mu Family ng Martial God Continent, na binugbog hanggang sa kamatayan. Sa silid ng trono, nakangiting tumanggap siya ng paunawa sa kasal upang magkaroon ng pagbabago sa pag-aasawa upang ikasal ang isang kamangmangan na Ghost King mula sa Kaharian ng Zi Yue. Kilalang-kilala na ang Ghost King ay tanga at tanga, na may hitsura ng multo. Ngunit sino ang nakakaalam na siya talaga ang pinaka-dalawang mukha na tao? Nagtawanan ang lahat, na iniisip na ang isang magandang-para-walang-akma ay tugma sa isang tanga, ngunit hindi sa kanilang mga ligaw na pangarap ay itinuring din nila na siya ay isang tunay na henyo sa paggawa. Nang tiningnan ni Mu Ru Yue ang lalaki, na may guwapong hitsura ng Diyos, sinabi niya, na kumakutot sa kanyang mga ngipin, "Ye Wu Chen, nagsinungaling ka sa akin. Paano ka ba tanga? "Nakangisi ang Hari ng Ghost habang mahal niya itong niyakap. "Sa tabi mo, handa akong maging tanga na malaya mong mai-order." Buod ni Miki Ang dating may-ari ng katawan ni Mu Ru Yue ay nalason. Dahil dito, ang kanyang mga meridiano ay naharang, na humadlang sa kanyang paglilinang, na kalaunan ay humantong sa kanya na kilala bilang basurahan. Matapos mabugbog hanggang sa kamatayan, si Mu Ru Yue, na orihinal na naging kahalili sa isang nakapagpapagaling aristokratikong pamilya sa Hua Xia, ay muling nagkatawang-tao sa kanyang bagong katawan. Gusto nilang i-seal ang aking landas? Sasanayin ako upang maabot ang rurok ng mga lupain! Binigyan nila ako ng isang hangal na prinsipe bilang aking asawa? Maaari kong gawin sa kanya. Mas madali para sa akin na makitungo sa kanya, kaysa sa ibang mga kandidato na ibabato sa akin sa hinaharap. Sinisikap kong maging sapat na makapangyarihan na walang sinumang magagalit o papatayin ako.

Gina_Reyes · Geschichte
Zu wenig Bewertungen
65 Chs

HIS EYES, FAMILIAR

( Past ) Year in 1922 Meet Salome Y Arguelles she's the last daughter of Ms. Alexandra Ordonio Arguelles and Leonardo Tomas Arguelles a known pre-war Filipino General and a minister of colegio de maynila.. Arguelles Family one of the wealthy family are invited in reunion party for the second son of Valdez. Meet Fidel Y Valdez finally returning to San Miguel, Manila after 8 years of study in Spain as attorney. Kapitán Pedro, a family friends, bids him to spend his first night in San Miguel,Manila where pedro hosts a reunion party at his riverside home on their hacienda.. Fidel Valdez obliges to go in dinner then he encounters old friends, Manila high society, and the other wealthy friend family of them.. Araw ng reunion party ang unang pagkikita nina Fidel at Salome ng hindi pa lubos na magkakilala but Arguelles and Valdez are best-friend since year of 1800's.. Pipiliin ba nilang mag stay sa isa't isa kahit na nahihirapan na sila sa sitwasyon na hindi nila inasahan? Isang trahedya ba ang magbibigay ng wakas sa pagmamahalan nila? Pipiliin parin ba nila ang isa't isa kahit nagkakagulo na ang kanilang pamilya? Lovers turn to Enemy Enemy turn to tragic Their Love Story started but their love story are sad and tragic end.. ( Present ) Year in 2019 A Broken Heart and a tragic fate .. Is it possible to fix their destined? Meet Lenzy Marie Flores, a 22 year old girl and 4th year college.. She is the only daughter and single since birth. Meet Rocky Facun, a 25 year old guy.. A lucky guy attorney and basketball coach.. He is also single since he broken. Their first meet.. *Are Enemy?* Pero para kay lenzy ang pagtitig nito sa mga mata ni rocky ang syang kilabot at kakaibang pakiramdam.. Para bang hindi yun ang unang pagkikita nila ng lalaki.. But, *Enemy turns to Friends* because lenzy is involved in a crime and she need attorney then their meet again for the second time. Bawat araw na nagdaan unti unti silang nahuhulog sa isa't isa ng hindi nila namamalayan.. Bawat oras, minuto at segundo hindi nila napapansin ang ngiti at saya na nararamdaman nila para sa isa't isa. *Until their LOVERS* Hanggang sa unti unti nilang sabay na maalala ang nakaraan ng kanilang pagmamahalan. Muli bang mangyayari ang trahedyang pilit nilang tinatakasan? Muli na naman bang mag wawakas sa malungkot ang kanilang pagsasama at pagmamahalan? Is it possible their tragic end turns to happy ending in their second chance? A tragic destined turn to a happy destined?

Pica_gurl · Geschichte
Zu wenig Bewertungen
14 Chs