webnovel

CLOCK

"Entrante! Circa! Wala akong panahon para dito!" malakas kong sigaw at gamit ang aking bilis ay sinubukan kong tunguhin ang pinto na kaniyang binuksan kanina ngunit nang makalapit na ako ay bigla na lamang itong naglaho.

"You have every time in this world," agad kong rinig sa kaniyang tinig kahit pa wala siya mismo rito. "So here is our rules whether you like it or not," agad niyang panimula habang mag-isa na lamang akong nakatayo sa kadiliman at ang liwanag na nakatutok sa akin ang nagsisilbi kong ilaw.

Napakuyom na lamang ako sa aking magkabilang kamao dahil wala na akong magagawa. She is the ruler of this sanctuary at sa ayaw ko man o hindi ay mas malakas siya sa akin. This is her territory and her solemn duty. Ito ang kapalit ng aming pagtatago sa lugar na ito upang mapanatiling ligtas sa Mino.

Hindi ko maiwasang isipin kung ano ang kalagayan niya sa ngayon. Baka hindi niya kayanin ang ginagawang paglalaro sa kaniyang isipan. Agad akong napatingin sa aking harapan dahil sa tila paglabas ng isang larawan mula sa usok.

Kitang-kita ko ang isang mataas na tore sa gitna ng kabundukan ng sangtwaryo. Medyo may kalumaan na ito at nababalot na ng mga damo ngunit makikita na matatag pa din ito. "This is the tower of chaos," agad na panimula ng tinig ng diwata. Hindi ko alam ngunit agad akong nakaramdam ng kaba dahil sa kaniyang tinuran.

Agad akong napatingin dahil sa unti-unting nagliwanag ang aking paligid at malinaw kong nakita ang isang malawak na silid na may ladrilyong pader. Isa-isang nagkaroon ng sindi ang mga lampara na nasa silid. Muli akong tumingin sa usok na naglalabas ng imahe.

"You're in the lowest level of this tower and all you need to do is move to the top," paliwanag niya sa akin. Mabilis na nagningas ang aking mga makita nang makita ko si Mino at si Kypper na kapwa walang malay. Ang pareho nilang mga kamay ay nakagapos habang nakaangat sila sa ere. Gusto mo talaga ng laro Circa!

"Sa bawat mali na magagawa mo ay sila ang aking parurusahan," madiin na tinig ng diwata. "Entrante!" mabilis kong alma sa kaniyang tinuran. "Tignan natin kung gaano nga ba kalakas ang prinsesa ng kalikasan," mayabang niyang saad sa akin at agad ko ng nakikita sa aking isip ang kaniyang nakakapanlokong ngisi.

"Hindi ko na itatanggi Vreihya na nagustuhan ko ang iyong kapareha. After knowing everything about him ay talaga namang hindi ko maiwasan na mapahanga. He is a gem that needs to be polish," makahulugan niyang saad sa akin. Hindi ko maiwasan na mapangisi dahil sa agad niyang inamin ang kaniyang damdamin na hindi na nagdadalawang isip.

"Humanap ka ng para sa'yo," mapait kong pahayag sa kaniya. "Hindi maganda sa imahe ng isang diwata ng sangtwaryo ang titulong "mang-aagaw"," madiin kong pahayag sa kaniya at agad kong narinig ang pag-alingawngaw ng kaniyang nakakapanlokong tawa.

"I don't care about that pitiful title. Kung nalalaman mo lamang ang nalalaman ko ay talaga namang nanaisin mo din na mapasa'yo siya," natatawa niyang pahayag na siyang ikinakunot ng aking noo. Wala akong maintindihan sa kaniyang sinasabi. Gaano nga ba kaespesyal si Mino at kahit ang diwata ay tila yata nagkaroon ng interes sa kaniya?

"Explain!" madiin kong pahayag pabalik ngunit pagtawa lamang ang narinig kong sagot mula sa kaniya. She knew something that will change everything about him! Nababatid ko 'yon kaya ganyan na lamang ang kinikilos ng diwatang kanina ko pa gustong sakalin at ibalibag.

"Na ah princess," natatawa niyang saad sa akin na siyang ikinataas lamang ng aking kilay. Akma na sana akong magsasalita ngunit agad kong naramdaman ang tila pagyanig ng aking paligid kaya naman agad kong inalerto ang aking sarili. Mukhang magsisimula na ang larong ito.

Agad na bumuka ang sahig at mabilis na lumitaw mula dito ang isang payat at matangkad na nilalang. Mahahaba ang mga daliri nito at bilog ang hugis ng ulo ngunit wala itong mukha. Ang kaniyang payat na katawan ay balot na balot ng kulay itim na benda habang ang mga parte na hindi nabalutan ay kulay pula.

Sa kaliwa nitong kamay ay may hawak siyang tila isang bilog na orasan na siyang nakaharap sa akin. Iniangat nito ang kaliwa niyang kamay at iniangat ang kaniyang hintuturo. Iginagalaw niya pakaliwa at pakanan ang kaniyang hintututuro kasabay ng pagtunog ng kamay ng orasan.

Mukhang hindi ko ata gusto ang nais nitong ipahiwatig sa akin. "What is this?" naiinis kong tanong habang patuloy ang nilalang sa paggalaw ng kaniyang daliri at umaalingawngaw sa silid ang tunong ng orasan. "Goodluck!" rinig kong pahayag ng diwata sa akin kasabay ng isang nakakapanlokong tawa.

Entrante! Naiinis na talaga ako sa kaniya. I begun to focus my gaze onto the creature but it is hard to make a move if you don't have any idea about its ability or power. "Wala ka ng oras," mabagal at garalgal nitong pahayag na tila ba galing pa sa ilalim ng lupa ang kaniyang tinig.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at gamit ang aking bilis ay agad akong sumugod sa kaniya. Akma na sana akong aatake ngunit agad na nanlaki ang aking mata at biglaan akong napahinto dahil bigla siyang nawala sa aking paningin.

Agad akong napatingin sa aking paligid dahil tila mas lalong lumakas ang pagtunog ng orasan. Entrante! Hindi ko maramdaman ang kaniyang presensya! Sa aking paghahanap sa kaniya ay agad akong nawalan ng balanse at napasalampak sa sahig dahil sa naramdaman ko ang isang malakas na pag-atake sa aking likuran.

Nang tinignan ko ito ay nakita kong muli ang nilalang ngunit muli siyang naglaho. Mabilisan akong tumayo at muling pinatalas ang aking pakiramdam ngunit sadyang hindi ko siya maramdaman. Nakadaragdag pa sa pahirap sa akin ang malakas na ingay mula sa orasan.

"Wala ka ng oras," muli kong rinig sa kaniyang tinig sa aking kanan kaya naman humarap ako doon ngunit laking gulat ko ng mabatid ko ang kaniyang atake sa aking kaliwa at agad napatalsik nito. Mabilis na tumama ang aking likuran sa pader na siyang bahagya kong ininda.

Entrante! May kakayahan siyang itago ang kaniyang presensya at maglaho ng parang bula. Mas pinapahirapan pa niya ang kaniyang kalaban na magkaroon ng konsentrasyon dahil sa ingay ng kaniyang orasan. Tila paunti-unti na akong nabibingi dahil mas lalong lumalakas ang ingay nito at dumadagdag din ang bilis ng tunog.

Mabilis akong umayos ng pagkakatayo at bahagyang lumayo sa pader upang muli siyang pakiramdaman. Sinubukan kong pumikit ngunit ang malakas at mabilis na ingay ng orasan ang siyang tanging pumapasok sa isip ko. Kailangan ko ng matinding konsentrasyon.

"Wala ka ng oras," muli nitong pahayag at agad akong nakaramdam ng isang napakalakas na suntok sa aking kaliwang pisngi. Hindi man ako natumba dahil pinagtibay ko ang aking pagtayo ngunit ramdam ko sa aking buong katawan ang lakas ng kaniyang suntok.

Hindi pa din ako dumilat at nanatiling pinapakiramdaman siya. Pinipilit kong iwaksi lahat ng ingay na nagmumula sa kaniyang orasan. Nagsimula na akong kabahan dahil tila naiisip ko ng gamitin ang kapangyarihang matagal ko ng tinalikuran. Napakagat ako sa aking labi dahil batid ko ang kapahamakan na dulot ng ganoong mahika kaya hindi ko na ito muli pang gagamitin.

"Wala ka ng oras!" muli nitong pahayag na nagmumula sa aking kanan. Akma na sana akong aatake doon ngunit iminulat ko ang aking mga mata at agad na umamba ng suntok sa aking kaliwa. Mabilis kong nabatid ang pagtama ng kung ano sa aking kamao.

Agad siyang lumitaw at nakita ko kung paano tumama ang aking kamao sa kaniyang kaliwang pisngi at mabilis siyang tumilapon. Nakita ko ang bahagyang pagbaon ng kaniyang katawan sa pader at kung paano niya pinipilit na makaalis dito.

Ngunit agad akong kinilabutan dahil sa biglaang nagkaroon ng dalawang hiwa sa kaniyang noo at lumabas doon ang kaniyang mga mata. Kulay itim ang mga ito habang may pulang tuldok sa pinakang gitna. Hindi ko maiwasan na masuklam sa kaniyang anyo lalo na ng magkaroon pa ng hiwa at lumabas ang masaganang dugo roon.

Lumabas ang mga pangil mula sa hiwa at maging ang kaniyang mahaba at nakakadiring dila. Entrante! Ginalit ko ata ang nilalang. Nang makaalis na ito sa pader ay muli niya akong tinignan gamit ang kaniyang hindi magkapantay na mga mata.

"Wala ka ng oras!" muli niyang usal at mabilis na naglaho kasabay ng kaniyang presensya. Mas lalong lumakas at bumilis ang ingay ng orasan. Hindi na lamang nagmumula sa isang orasan ang ingay. Domoble ito at sabay na tumunog. Mabilis akong napahawak sa aking magkabilang tenga dahil sa nakakabinging ingay.

Entrante! Kahit pa masugatan ako dito nang malala ay hindi ko gagamitin ang mahikang iyon para lamang manalo sa duwelo na ito. Mas malaking problema kapag ginamit ko iyon na muli. Hindi ko man maiwasan na kabahan dahil mas lalong napakahirap na hanapin ang kaniyang presensya.

Akma na sana akong haharap sa aking likuran dahil tila doon ko siya naramdaman ngunit agad akong nabigla sa isang malakas na atake na siyang aking naramdaman sa aking sikmura. "Wala ka ng oras," agad niyang sambit habang muli siyang lumitaw habang kasalukuyang nakalapat sa aking sikmura ang kaniyang kamao at muli akong tumilapon.

Mas malakas ngayon ang pagkakatama ko sa pader at ramdam ko ang tila pagtunog ng aking buto. Entrante! Sobrang kirot! Agad akong naghabol ng aking hininga habang naririnig ko na ang paos na pagtawa ng nilalang.

Tila nagsisimula ng manginig ang aking tuhod sa takot ngunit kailangan kong tatagan ang aking loob. Tila yata wala akong laban sa nilalang na ito. Hindi ko siya makita at maramdaman. Hindi din ako makapag-isip nang maayos dahil sa lakas ng ingay ng kaniyang orasan.

Nanghihina na lamang akong napaangat ng tingin na para bang hindi ko na batid ang aking gagawin. Marahan kong pinunasan ang kakaunting dugo na lumabas mula sa aking bibig dahil sa atake niya kanina.

Nanginginig kong ibinaba ang aking kamay mula sa pagkakapunas nito sa aking dugo. Nawawalan ako ng ideya at lakas na talunin ang nilalang. Sinusubukan ko na patigilin ang panginginig ng aking tuhod at maging ang magpakita ng nararamdaman kong takot.

"Natatakot ka na ba?" garalgal na saad ng nilalang at agad kong tumingin sa kaniyang direksyon ngunit hindi ko siya nakita. Entrante! Paano ko siya lalabanan? Agad kong narinig ang pagak niyang pagtawa kasabay ng ingay ng kaniyang orasan na talaga namang nakabibingi.

Hindi ko na alam kung ano ang maaari kong gawin kaya napilitan na lamang akong pumikit muli at subukan na pakiramdaman siya ngunit sadyang nakakasira ng bait ang tunog ng orasan. Marahas na lamang akong nagmulat ng aking mga mata habang hindi ko na mapigil ang panginginig ng aking labi.

Entrante! Nakakaramdam na ako ng takot! Akma na sana akong tatayo ngunit napatingin ako sa aking kamay dahil sa nabatid ko na tila may dumapo dito. Agad kong nakita ang isang kulay asul na paro-paro habang kulay ginto ang katawan nito. Ang asul nitong pakpak ay may mga pulang nagkalat na guhit.

Sinubukan ko itong bugawin ngunit bumabalik lamang ito sa aking kamay. Agad akong napangisi dahil sa aking napagtanto. Kahit saan ko igalaw ang aking kamay ay talagang sumusunod ang paro-paro dito at dumadapo.

Marahas akong napatayo at agad na lumitaw ang nilalang na mayroon na ngayong nakakalokong ngiti sa kaniyang nakakadiring labi. "Wala ka ng oras," garalgal niyang pahayag kasabay ng pagtawa ng pagak.

Agad siyang naglaho na muli at kasabay nito ang paglakas ng kaniyang orasan. Muli akong pumikit at ng bahagya kong maramdaman sa aking harapan ang tila atake ay agad kong kinagat ang aking palapulsuan at marahas na dumilat. Mabilis na umagos mula sa aking kagat ang aking dugo at agad akong humarap sa aking likuran.

Agad kong naramdaman ang kaniyang suntok sa aking pisngi ngunit sinikap ko na mahila ang kahit ano sa kaniyang katawan at agad kong ipinahid ang aking duguan na palapulsuan. Muli akong tumilapon ngunit agad kong napigil ang ibayong paglayo.

Mabilis kong dinilaan ang aking sugat at mabilis itong naghilom dahil ako lang din naman ang may kagagawan nito. Agad na lumitaw ang nilalang at agad kong nakita ang aking dugo sa kaniyang dibdib. Agad akong napangisi at muli siyang naglaho.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at ako na mismo ang sumugod sa kaniya. Mabilis akong umatake at naramdaman ko ang pagtama ng aking kamao sa kaniyang katawan. Mabilis siyang lumipat sa aking likuran habang hindi pa din niya pinapakita sa akin ang kaniyang kabuuan. Mabilis ko siyang sinipa at hindi ako nagkakamali dahil batid kong panga niya ang aking tinamaan.

Agad siyang sumigaw nang malakas ngunit mabilisan ko siyang hinawakan at hinila papalit sabay mabilis ko siyang tinuhod na agad niyang ininda. Napaatras siya ng kaunti ngunit dahil siguro wala na siya sa kaniyang matinong pag-iisip dahil sa nalalaman ko na kung nasaan siya ay unti-unti ko ng nararamdaman ang kaniyang prensenya.

Unti-unting humihina ang ingay sa kaniyang orasan dahil siya na ngayon ang nawawala sa konsentrasyon. Kahit hindi ko pa din siya nakikita ay batid ko kung nasaan siya kaya naman mabilis kong tinawid ang aming distansya at agad ko siyang kinalmot nang malalim.

Dahil dito ay agad siyang napainda at mabilisang lumitaw. Kitang-kita ko ang masaganang kulay itim na tila dugo na lumalabas sa kaniyang leeg. Nanghihina siyang napaatras at nabitawan niya ang kaniyang orasan na siyang dahilan kung bakit ito nabasag.

Natigil na ang nakakabinging tunog ng orasan habang paunti-unting napapasandal ang nilalang sa pader habang pinipigil niya ang pagdurugo ng kaniyang malalim na kalmot sa leeg. "Pa- Paano?" nahihirapan niyang tanong gamit ang garalgal at nanghihinang tinig.

Agad akong napangisi sa kaniya habang nakikita ko ang tila pagpikit na ng kaniyang mga mata. Iniangat ko ang aking hintuturo at sabay-sabay na dumapo ang tatlong paro-paro. "Naaakit sa dugo ang mga paro-parong ito. Binahiran kita ng aking dugo at dumapo sila sa iyong katawan," prente kong pahayag sa nilalang.

Ito ang dahilan kung bakit batid ko kung nasaan siya. Sinusundan ng mga paro-paro ang kaniyang katawan dahil sa aking ipinahid na dugo.

Unti-unti na itong napapikit at agad na nilamon ng apoy ang katawan nito. Tsaka ko naramdaman ang panghihina ng aking katawan dahil sa mga natanggap kong pag-atake. "This is going to be a freaking long journey".

Nächstes Kapitel