webnovel

MEMORY

Third Person's P.O.V

"Shall we start?" prenteng pahayag ng diwata habang akma na sanang aalma si Vreihya ngunit sa pagpitik nito ng kaniyang daliri ay agad na nabalot sa kadiliman si Vreihya. Wala na ang magandang kagubatan ng sangtuwaryo.

Kahit saan siya tumingin ay wala siyang makita kundi purong kadiliman habang tila may liwanag na sa kaniya lamang nakatutok. "Mino! Kypper!" agad niyang sigaw habang tumitingin sa kaniyang likuran ngunit wala siyang nakita.

"Circa!" agad na singhal ng prinsesa dahil batid niyang wala ang kaniyang mga kasama. "They have their own journey," prente lamang na pahayag ng diwata habang matamang nakatitig sa prinsesa. "Saan ba tayo huling natapos?" tila tamad nitong pahayag. She placed her fingers on her chin to indicate that she is thinking about something.

"No!" agad na singhal ng prinsesa dahil batid nito ang binabalak ng diwata. Akma na sana siyang tatakbo upang umatake ngunit agad na kinumpas ng diwata ang kaniyang kamay at sa pagtakbo ni Vreihya ay tila bumangga siya sa isang malaking salamin. Naramdaman niya ang pagkabasag nito sa kaniyang katawan at bigla na lamang nagbago ang kaniyang paligid.

Hawak niya ang kaniyang braso na siyang tumama sa tila salamin kanina habang pinagmamasdan niya ang lugar na siya ngayong kaniyang kinatatayuan. Agad na yumakap sa kaniyang katawan ang malamig na simoy ng hangin habang nasa loob siya ng lilim ng isang malaking puno.

Napagmasdan niya nang pandalian ang mga kagubatang natatanaw mula sa burol na kaniyang kinatatayuan. Tila tagsibol sa panahong ito dahil nagsisimulang magkulay berde ang mga puno sa paligid na nagpapakita na panahon na naman ng pag-usbong ng mga dahon nito.

She knew very well where she is and what kind of memory of this. This is the memory na isa sa mga ayaw na niya balikan. The sun is shing brightly while there is little to no cloud visible in the sky na siyang paborito nilang panahon upang magkita.

"Napaaway ka na naman! Sabi ng hindi ko gusto ng lalaking palaaway!" mabilis na napatingin si Vreihya sa kaniyang likuran dahil sa tinig na kaniyang narinig. Agad niyang nakita ang isang batang babae na nakasuot ng kulay asul na bistida at batang lalaki na nakasandal sa malaking puno habang may distansya sa kanilang dalawa. Sa murang edad pa lamang ng bata ay hindi na maitatanggi na magiging isang makisig at gwapong binatilyo ito.

Napangiti siya nang mapait nang makita niya ang kaniyang musmos na sarili habang nakatingin sa musmos na lalaki na prente lamang na kumakagat sa Loreka na siyang paborito din niyang prutas. "Hindi naman ako ang nagsimula Ihya huwag ka ng magalit sa akin," agad na paliwanag ng bata sa kaniya ngunit nagtaas lamang ng kilay ang batang prinsesa.

Tila nasabik naman si Vreihya nang muli niyang marinig ang tawag sa kaniya ng kaibigan. Matagal-tagal na din siyang hindi tinawag ng ganito na siyang tila musika sa kaniyang pandinig dahil muli itong nausal ng prinsipe.

"Sige na Ihya huwag ka ng magalit. Hindi mo na naman ako kakausapin niyan eh!" pagmamakaawa sa kaniya ng batang lalaki sabay abot sa kaniya ng kinagatan nito na Loreka na masaya namang tinanggap ng prinsesa. "Ano na naman ba ang dahilan mo ngayon?" mataray na saad ng batang prinsesa. Hindi naman maiwasan na mapangiti ni Vreihya dahil sa kaniyang nakikitang katarayan niya noon.

"Sinabi niya na hindi daw tayo magkakatuluyan kaya pinadugo ko ang ilong," naiinis na saad ng batang prinsipe na mabilis namang tinawanan ng batang prinsesa kasabay nang marahan na palo sa braso ng naiinis na prinsipe na marahas na pinunit ang dahon na napulot niya sa damuhan na kinauupuan.

"Hindi sila ang magsasabi ng ating kapalaran at walang sinuman ang pwedeng magdikta sa atin," masayang pahayag ng batang prinsesa upang mapagaan ang kalooban ng batang prinsipe. "Talaga?" tila napalitan ng galak ang tinig ng prinsipe dahil sa tinuran ng prinsesa. "Oo naman kaya hintayin lang natin ang tamang edad natin," masayang pahayag ng prinsesa.

Tila nakaramdam ng lungkot sa kaniyang puso si Vreihya habang nasasaksihan niyang muli ang matamis nilang pagkakaibigan ng batang prinsipe. Ito ang panahong hindi pa niya batid na may nagbabadya sa kaniyang mapait na katotohanan. Tila nais na lamang niyang manatili sa ganitong panahon na wala pa siyang nalalaman at tanging ang kasiyahan na makita ang kaniyang kabigan ang bukod tangi niyang pinananabikan.

Sa patuloy na pagtayo ni Vreihya ay tila pelikula na pinapakita sa kaniya ang maraming beses na nagkita at nagkuwentuhan sila ng batang prinsipe sa ilalim ng malaking puno. Maraming beses niyang nasilayan ang bawat laro, away at kulitan maging ang mga nakaw nilang paninitig sa isa't isa.

Tila binigyan siya muli ng pagkakataon upang maramdaman ulit ang buhay niya noong siya ay bata na kasama ang prinsipe ngunit napayakap ang prinsesa sa kaniyang sarili kahit pa nakasuot pa siya ng makapal na balabal dahil tila doble ang lamig ng kaniyang paligid.

Wala na ang mga berdeng mga puno at ang malalagong mga halaman sa paligid. Ang dating damuhan ay natatakpan na ngayon ng puting nyebe na siyang lubusang nagpapalamig sa paligid at maging sa kaniyang pakiramdam. She felt the sharp pain on her heart while this memory is beginning to unfold on her mind.

She saw her younger self covered with warm and thick clothes habang nakaluhod sa kaniyang harapan ang batang prinsipe na hindi na kailangan pa ng pangontra sa lamig. She saw how the little prince's shoulder shakes as he started to cry. "Hindi ba tayo ang para sa isa't isa?" nahihikbi nitong pahayag na marahan lamang na inilingan ng munting prinsesa.

Her mother said that she should never cry in front of her friend. She should make herself stronger to cut whatever it is that they are feeling right now. She should be tough to let go of that blossoming feeling that is starting to warm their hearts. Kahit pa tila gusto na ding umiyak ng munting prinsesa ay pilit niyang pinatatag ang kaniyang loob.

She practiced this confrontation many times upang hindi siya maiyak. "Magkaibigan lamang tayo Calix," seryoso lamang nitong saad kahit pa tila nais na niyang aluin ang kaniyang kaibigan. She have this feelings for him ngunit sa nalaman niyang katotohanan ay kailangan na niyang tumalikod dito.

"Ayaw mo ba sa'kin?" umiiyak na pahayag ng prinsipe at kasabay nito ay ang tila pagbilis ng pagbagsak ng nyebe maging ang paghampas ng malamig na hangin at napayakap ang munting prinsesa sa kaniyang sarili. "Gusto kitang kaibigan at hanggang doon lang 'yon," marahan na turan ng munting prinsesa kasabay ng pagkagat niya sa kaniyang mga labi upang pigilan ang pagnanais na umiyak.

"Pero-" usal ng prinsipe ngunit agad itong natigilan sa pagsinghal ng prinsesa. "Ikaw ang bahala! Kung ayaw mo na hanggang kaibigan lang ay huwag ka na lang lalapit sa akin!" malakas na sigaw ng prinsesa upang patatagin ang kaniyang sarili na huwag magpakita ng malungkot na emosyon sa kaniyang kaibigan.

"IHYAAAA!" agad na umiiyak na sigaw ng prinsipe. "IHYA NAMAN EH!" reklamo nito habang napasalampak na siya sa sahig at humahagulgol. Nagsimula na niyang iritableng pinagsisipa ang mga nyebe na nasa kaniyang paa at marahas na pinupunusan ang kaniyang mga mata na namamanhid na kakaiyak.

Tila sinaksak ng punyal si Vreihya habang nasasaksihan niyang muli ang kaniyang sarili at maging ang musmos na si Calix. "Yakapin mo siya Vreihya," utos ng prinsesa sa kaniyang batang sarili. "Aluin mo siya pakiusap!" madiin na saad niyang muli na tila ba nagmamakaawa sa kaniyang batang sarili.

Napaangat na lamang siya ng tingin sa nagyeyelong puno habang pinipigil ang kaniyang pag-iyak. Malalim ang naging sugat ng tagpong ito sa kaniyang buhay. Ilang beses niya bang pinagsisihan na hindi man lang niya pinagaan ang loob ng kaibigan. Hanggang ngayon ay tila gusto niyang yakapin ito at humingi ng patawad at magpaliwanag.

"Pakiusap Vreihya yakapin mo siya nang mahigpit. Patahanin mo siya," mahina niyang bulong kasabay ng muling pagtitig sa kaniyang musmos na sarili habang nakayuko na ang prinsipe sa malamig na nyebe habang patuloy ito sa pag-iyak. Tuluyan ng napaluha ang prinsesa sa kaniyang nasisilayan. Nakaramdam siya ng matinding awa para sa prinsipe dahil sa murang edad ay tila umibig na ito nang husto sa kaniya kaya naman maaga din itong nasaktan.

Muling tumingin ang naluluhang prinsipe habang may bakas pa ng nyebe sa kaniyang mukha. Pinatigil muna nito ang kaniyang sarili sa pag-iyak at seryosong tumingin sa munting prinsesa na kanina pa nais na umiyak at yumakap sa kaniyang Ina dahil hindi na niya kinakaya ang ginagawa niyang pananakit sa kaibigan.

"Liligawan kita hanggang sa ating pagtanda! Hindi ba ako ang kapareha mo Ihya? Hindi ba ako lang?" naiiyak nitong pahayag habang napaiwas na ng tingin ang munting prinsesa at lubusan ng tumakas ang kaniyang luha. Tila gusto na niya sabihin na nagbago na ang propesiya at hindi na siya ang nakatadhana para sa kaniya.

Tuluyan ng tumalikod si Vreihya dahil hindi na niya matagalan pa ang makita ang nangyayari sa kanilang nakaraan. Tila sumariwa sa kaniya kung paano siya ilang taon na sinuyo ni Calix ngunit paulit-ulit niyang ipinapasok sa isip nito na magkaibigan lamang sila dahil hindi niya din kaya na mawala ang prinsipe at mabali ang kasunduan nila ng kaniyang Tiyo.

Sa kabilang banda ay napangising muli ang diwata sa kaniyang nasaksihan. Mukhang may nais na naman siyang ungkatin na ala-ala habang nakikita niya kung paano marahan na lumuhod ang prinsesa habang unti-unting nagdidilim ang paligid. Maliwanag niyang naririnig ang mga hikbi ng prinsesa kasabay ng pagsapo nito sa kaniyang dibdib.

"This is going to be extremely painful," prente lamang na pahayag ng diwata habang nakangising umiiling.

Nächstes Kapitel