Prente ko lamang na pinakatitigan ang dalawang lalaking nakagapos sa isang malaking puno habang kapwa sila malamig na nakatitig sa akin habang ako ay nag-aalmusal sa kanilang harapan. "Hungry?", agad kong tanong sa kanila sabay turo sa mga pagkain na nasa lamesa at pareho lamang silang umismid sa akin.
Alam ko naman na kayang-kaya ni Tiyo na makawala diyan pero batid ko na ayaw niya rin umalis dahil kung makakaalis siya ay makakaalis din si Mino at batid ko na gusto niyang pahirapan ang mortal bilang ganti sa pagtama niya sa minanipula kong puno. Minsan lang talaga kapag walang magawa sa buhay si Tiyo ay kung ano-ano na lamang ang ginagawa niyang kinakasakit ng ulo ko.
"Masaya ba mang-inis ng isang magandang katulad ko?", mayabang kong saad sabay pareho silang napaubo na tila hindi sila sang-ayon sa aking tinuran. Agad akong napatingin sa kanila nang matalim at tinaasan ko sila ng kilay. "May angal?", matapang kong saad sa kanila. "Mas gaganda ka kung papakawalan mo kami dito.", malamig na turan sa akin ni Mino na agad na nagpangisi sa akin.
Mautak din talaga ang mortal na ito. Agad akong napatingin sa mga sugat na kaniyang natamo dahil sa ginawa nilang kalokohan sa akin kanina ngunti hindi ko na ito pinansin pa nang husto dahil sa aking inis. "You're just like your mother.", naiiling na turan ni Tiyo sa akin na siyang sinang-ayunan ko. It is a privilege to be labeled just like my mother. Ilang sandali pa ay natapos na ako sa aking pagkain habang mataman lamang sila na nanonood.
Akma na sana akong tatayo ngunit agad akong nakaramdam ng panlalamig at agad akong napatingin sa aking likuran. Agad akong nagulat dahil may bumubukas na portal na tubig na siyang unti-unting lumalaki. Ilang sandali pa ay nakita ko na si Ina sa kabilang bahagi nito na kumukumpas pagkatapos ay sinenyasahan niya ang mga kasama niya sa kaniyang likuran na mabilis naman na tumawid sa portal.
Agad akong tila nasabik dahil sa sunod-sunod na tumawid ang mga taga-baryo. Ilang sandali pa ay nakalabas na silang lahat ngunit halos madurog ang aking puso dahil ramdam ko na malaki ang nabawas sa kanilang bilang. Hindi ko alam ngunit gusto ko sila yakapin isa-isa lalo pa nang makita ko ang mga may benda at mga malulungkot nilang mukha.
Agad na nawala ang portal at nahawi sila upang padaanin ang aking Inang reyna. Agad akong yumakap nang mahigpit sa kaniya na siya niyang sinuklian. "Vreihya anong ginawa mo sa Tiyo at sa iyong kapareha?", agad niyang tanong dahil naramdaman ko ang pagpilig ng kaniyang ulo upang tignan sila. "Mga pasaway silang bata Ina.", malungkot kong sagot sa kaniya dahil ramdam ko ang kaniyang pagod.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang presensya ni Tiyo sa aking tabi at sa aking pagkalas ay siya naman ang yumakap kay Ina. Ginamit na niya ang kaniyang mahika upang makaalis at naramdaman ko ang marahang paglalakad ni Mino upang lumapit. Tila nawala na sa isip naming lahat ang nangyari kanina at kapwa lamang kami nakasentro sa mga taga-baryo na nandirito.
Hindi ko alam kung paano ko sila aaluin dahil tila ayaw din nila magsalita. I was about to utter some words ngunit agad na napukaw ang aking atensyon dahil sa tunog ng umiiyak na sanggol. Agad kong nakita ang isang babae na nanghihinang inalo ang kaniyang anak upang tumigil sa pag-iyak. Mabilis akong lumapit sa kaniya at inilahad ang aking mga kamay upang kunin ang sanggol. Agad siyang ngumiti nang maagan at inilahad sa akin ang umiiyak niyang supling.
Agad ko itong kinuha at sa aking bisig ay bigla siyang tumahimik at tila napayapa. I can't help but to smile lightly dahil sa tuwang aking nararamdaman na tangan ko ang sanggol. "Lahat kayo ay mananatili dito. Ligtas ang lugar na ito.", malumanay na pahayag ni Tiyo sa kanila at kapwa ko narinig ang mga natutuwang pahayag ng mga taga-baryo.
"May pagkain, tubig at tutulungan kayo ng prinsesa upang magtayo ng panibago ninyong mga tahanan.", malumanay din na turan ni Ina habang nakapako lamang ang titig ko sa sanggol na ngayon ay inilalahad ang kaniyang mumunting kamay na tila ba nais akong hawakan. "Natutuwa kami dahil hindi ninyo kami pinapabayaan mahal na reyna ngunit paano ang mga labi ng aming mga kaanak.", agad akong napatingin sa isang matanda na nagsisimula ng umiyak.
Mas lalong nadurog ang aking puso dahil hindi niya kasama ang kaniyang matandang asawa na lagi kong nakikita na kabiruan niya sa tuwing dadalaw ako sa baryo. Hindi ko alam ngunit tila nagkaroon ng galit sa aking puso. Madalas kong sabihin na magulo ang mundo ng mga tao ngunit narito din pala ang aming mundo na puno ng karahasan. Agad akong lumapit sa matanda at hinawakan ang kaniyang likod at kasabay nito ay ang kaniyang tuluyang pagluha.
Agad kong narinig ang mga impit at pinipigil na hikbi ng iba pang taga-baryo at tila sinaksak ng punyal ang aking dibdib. Kami dapat na mga maharlika ang siyang kanilang proteksyon at hindi ang mga nilalang na kikitil sa kanilang mga buhay. Hindi na nakatiis ang matanda kaya humarap siya sa akin at yumakap ngunit sa aking pagkabigla ay nawalan ng lakas ang pagtangan ko sa bata.
Ngunit laking pasalamat ko sa mabilis na paglapit ni Mino tsaka niya marahan na inalalayan ang aking paghawak sa sanggol at kinuha niya ito sa aking mga bisig. Pagkatapos ay buong higpit kong niyakap ang umiiyak na matanda. Lumipas ang isang araw kung saan pinagpahinga muna namin ang lahat sa palasyo at pinakain. Panibagong umaga ang siyang bumungad sa amin.
Magdamag akong hindi nahimbing dahil sa pag-iisip sa aming mga nasasakupan. This chaos needs to end! Pero sa papaanong paraan? Nasa ganoong estado ako ng pag-iisip nang tawagin ako ni Tiyo upang maagang maumpisahan ang pagbuo ng panibagong tahanan ng mga taga-baryo. Alam ko na hindi sapat ang bagong kaharian at tahanan upang mapalitan ang mga ala-ala nila sa aming palasyo dahil doon na sila lumaki, nagkapamilya, tumanda at nagkaroon ng mga masasayang ala-ala.
Maghapon man akong napagod dahil sa paggamit ng aking mahika upang bumuo ng kanilang mga tahanan ay pinabaunan ko sila ng matatamis na mga ngiti. Hindi nila maaaring makita ang matindi kong kalungkutan dahil kailangan nila ng mamumuno sa kanila na buo ang loob. Sinigurado ko na sa bawat tahanan ay naitanong ko kung ano ang paboritong bulaklak ng mga yumao nilang mahal sa bahay at inaalayan ko sila nito upang kanilang maalagaan bilang simbolo ng kanilang wagas na pagmamahal.
Nag-aagaw dilim na ng dumungaw ako sa veranda ng aming palasyo at napangiti ako kahit papano dahil sa aking natatanaw na mga nagliliwanag na kabahayan na dati ay malawak lamang na damuhan. Mahirap man na tila magsimula pagkatapos ng gulo na kanilamg naranasan na hindi ko man lang natunghayan ay karamay nila ako sa lungkot at sakit. Akma na sana akong papasok ngunit agad akong nagulat sa isang tinig na nagmula sa aking tabi.
"You are doing great!", malumanay nitong saad at halos gusto ko siyang sigawan sa aking pagkakagulat. Talagang gumagaling na siya sa pagtatago ng kaniyang presensya dahil nandirito siya sa aking tabi na hindi ko man lang siya naramdaman. Kapwa kami ngayon nakadungaw sa veranda habang minamasdan ang mga taga-baryo na pilit ibinabalik ang lahat sa normal.
"I saw how you tried to place a smile on their faces princess ngunit gusto ko lamang sabihin sa'yo na somehow I feel that it is my fault too.", agad akong napatingin sa kaniya na may gulat na ekspresyon dahil ito ata ang unang beses na nagsabi siya ng kaniyang damdamin na hindi ko siya pinipilit. Inutos ba ito ng Dyosa sa kaniya?
"It burdens me to see them that way kaya ngayon pa lang nais kong sabihin sa'yo na I want to protect them too.", tila mas lalo akong napahanga sa kaniyang tinuran. Is he starting to like our world and our kind despite the threats for his life? Nagsisimula na bang mahalin ni Mino ang aming mundo o sadyang utos lamang ito ng Dyosa na sinusunod niya upang siya ay makauwi.
Napakahirap unawain kung personal ba niya itong kagustuhan o para lamang ito sa mabilisan niyang pag-uwi? I was about to ask him to clarify some things ngunit agad akong nagtaka dahil may iniabot siya sa akin na tila isang kwaderno. Nagtataka ko itong kinuha mula sa kaniya at mas malinaw ko itong nakita. It is indeed an old notebook na may kakaunting pilas sa bawat gilid ngunit ang nakapukaw sa akin ay ang mumunting mga bahid ng dugo dito.
"What's this?", nagtataka kong tanong sa kaniya dahil hindi ko siya maunawaan. "Kanina habang tinutulungan ko magbuhat ng gamit ang isang bata ay naiiyak niyang inabot sa akin ang notebook na iyan. Then she said that it was his deceased brother's notebook at ibinilin na iabot sa'yo sa kalagitnaan ng pag-atake ng ibang kaharian.", punong-puno ng kalungkutan ang kaniyang pagpapaliwanag sa akin at naiintindihan ko kung bakit. Isang inosenteng bata ang namatay at naiwanan ang kaniyang nakakabatang kapatid.
"I already read that and it makes me look at you at a very different perspective.", mahina nitong paliwanag at agad na napaawang ang aking bibig dahil sa kaniyang tinuran. Ano ang laman ng kwadernong ito at bakit ganiyan na lamang ang naging epekto kay Mino?
"I guess you are indeed kind after all.", mabilis nitong sabi sabay talikod sa akin at walang ano-ano ay nawala na siya sa aking tabi at nakalabas na sa aking silid. Hindi ko alam kung bakit tila hinampas ang aking puso dahil sa kaniyang inusal. Naguguluhan man ako kung bakit ganoon ang kaniyang mga naging kataga ay nanginginig kong marahan na binuksan ang kwaderno.
Hindi ko alam ngunit awtomatiko na pumatak ang aking luha sa pahina ng kwaderno pagkatapos kong mabasa kung ano ang laman nito. "Bakit si Prinsesa Vreihya ang pinakamagandang prinsesa sa lahat?", mabagal kong basa sa itaas na bahagi ng pahina. "Hindi lamang ang kaniyang panlabas na anyo ang kaakit-akit ngunit maging ang pag-ibig niya sa mga katulad kong hamak na batang taga-baryo lamang. Siya lamang ang prinsesang bumababa sa karwahe at nag-aabot ng magagandang bulaklak. Siya lamang ang prinsesang hindi nais na luhudan ngunit matindi ang nais na maglingkod.", hindi ko na napigil ang panginginig ng aking labi dahil sa tila hinaplos ang aking puso sa aking mga nabasa.
Marahan ko itong inilipat sa kasunod na pahina at mas lalo akong nalungkot sa pagpanaw ng batang siyang may akda sa mga mensaheng ito. Agad akong tila sinapian ng isang matinding pagnanais. Isang matinding kagustuhan na bumalik at bumawi. Nais ko ng hustisya! Nais kong ipaglaban ang kaligtasan ng mga batang katulad niya!