webnovel

CHAPTER 11: Mission

Jayzi's Point Of View

Isang linggo narin ang nakakalipas simula ng dumating sa buhay ko ang isang multo—si Jelly. Hindi man ako sanay na bigla syang sumusulpot sa likod o sa harap ko,nasanay naman na 'kong makipag-usap sa kanya in public,wala na rin akong pakeelam kung pinag-titinginan ako ng mga tao o kahit nila Ate at Kuya Carlo. Basta para sa'kin medyo komportable na'kong kasama si Jelly.

"Jay! Bangon na! May pasok kapa!" Agad kong tinalukbong ang kumot sa'king mukha. Tinatamad na'ko pumasok!

"10 minu---Aray!" Napatayo ako sa'king kama ng nay humampas sa'kin ng unan.

"Bangon na."

"Jelly!" Sigaw ko. Ang sakit ng hampas nya ah! Bigla itong sumimangot.

"Bumangon kana jan,kanina kapa inaantay nung bata sa baba."

"Eto na nga,babangon na." Inayos ko ang aking kama. "Hindi kaba sasama?" Dali-dali itong tumayo.

"Kailan ba'ko nawala sa tabi mo?" Malokong sabi nito.

"Psh." Bago pa man kami lumabas,bigla 'kong napaisip. "Teka,hindi ba makikita nila Ate yung damit ko na suot mo?"

"Nope,kung ano ang mga bagay na suot ko o hawak ko,nag-lalaho rin kaya 'wag kang mag-alala walang makakakita ng mga lumulutang na bagay sa bahay nyo." Natatawang sabi nito.

"Siguraduhin mo lang ha." Sarkastiko kong sabi.

"Oo,magtiwala ka!" Hinamapas nito ang aking likod pero sya lang rin ang nasaktan. "Bilisan mo na nga!" Napakatopakin nya talaga.

"Bilisan mo riyan at male-late kana." Sabi ni Ate ng makababa ako.

"Opo Ate." Agad akong naligo pag-katapos kong kumain,pinag-antay ko nalang sa labas ng banyo si Jelly dahil baka sumulpot na naman sya sa likod ko. "Alis na'ko!" Paalam ko kila Ate ng makapag-bihis ako.

"Bye Tito Jay!" Niyakap ko si Tummy at unalis na 'ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Jelly habang nag-lalakad kami.

"School." Tipid na sagot ko. Ngayon ko lang makakasama si Jelly sa School kaya medyo kinakabahan ako dahil kapag kasama ko sya nadi-distract ako.

"School? Ahhh...diba dun nag-aaral yung mga tao?" Napatingin ako rito.

"Oo,bakit ngayon ka lang ba makaka-pasok sa school?"

"Maliban sa bahay mo,sa supermarket at sa resto na pinasukan natin,hindi pa ko nakakapunta kung saan." Bigla tuloy akong na-guilty. Hindi kasi ako mahilig lumaboy kaya hindi ko masyadong nalilibot si Jelly.

"Sige,kapag may time ako ililibot kita sa mga magagandang lugar." Ngumiti ito. Isang ngiti na ngayon ko lang nakita mula sa kanya. Hindi ko ipagkakaila na maganda rin sya. "Matanong ko lang. Ganyan rin ba ang itsura mo noong nabubuhay kapa?" Napatingin ito sa'kin.

"Oo,pero sabi nung Lola sa'kin malaki rin ang nag-bago sa itsura ko." Biglang tumaas ang kilay ko.

"Lola?" Tanong ko. 'Kala ko ba ako lang ang nakakakita sa kanya? "Sinong Lola?"

"Sya yung dahilan kung bakit nag-karoon ako ng chansa na mabuhay,sya rin yung nag-sabi sa'kin ng misyon ko para mabuhay ulit ako." Medyo hindi ko nakuha yung sinabi ni Jelly.

"Multo rin ba sya?" Tumango ito.

"Nung namatay ako bigla ko syang nakita at sinabi nya ang lahat sa'kin at ang mga misyon ko para mabuhay ako."

"Tutal naman ilang araw na ta'yong mag-kasama,pwede ko na bang malaman ang misyon mo?" Ngumuso ito at parang nag-isip.

"Sige na nga." Yun oh! Ang tagal ko na kasing gustong malaman kung anong misyon nya,gusto ko rin kasi syang tulungan kahit papano para makabawi naman ako sa kanya.

"So,anong misyon mo?"

"Sabi nung Lola sa'kin na may isang tao akong pupuntahan na makakatulong sa'kin para magawa ang tadhana ko."

"Ako yun,tama ba?" Tumango ito.

"Ang unang misyon ko,alagaan ang taong tutulong sa'kin at kumbinsihin ko syang tulungan ako at kapag nakumbinsi ko na sya hahanapin ko naman ang sarili ko. Sabi rin nung Lola na baka yung alaga ko rin ang makahanap ng pagka-tao ko."

"Tapos?" Bigla kong na-curious. Medyo mahirap ang misyon ni Jelly dahil walang nakakaalam sa'min kung sino ba talaga sya.

"Yun lang yung sinabi nung Lola 'e."

"Yun lang?" Nanghihinayang kong tanong. Bitin naman.

Nakarating na kami sa Campus kaya hindi ko muna kinausap si Jelly kaya tahimik lang kaming dalawa.

Marami naring tao sa Campus kaya dumeretso na'ko sa unang klase ko. Bago pa man ako umupo tinignan ko muna si Jelly.

"Bakit?" Kinuha ko yung phone ko para hindi ako mag-mukhang baliw sa harap ng mga kaklase ko.

"Sa'n ka uupo?" Tanong ko kay Jelly.

"Dito nalang ako." Pinaupo na nya 'ko at nakatayo lang ito sa tabi ko.

"Sigurado ka?" Bulong ko. Ngumuti ito. Sabagay wala namang nakakakita sa kanya pero hindi ko naman matiis na nakatayo lang sya. Isang oras rin mahigit ang klase ko.

"Ayos lang ako,ayoko namang ma-distract ka ng dahil sa'kin tsaka kapag nangalay ako uupo nalang ako sa sahig." Bahagya itong tumawa.

Bigla kong napangiti. Na-realize ko kasi na may araw pala na nagiging anghel si Jelly. Tjis past few weeks kasi walang araw na hindi kami nag-asaran at nag-bangayan 'e,wala ring araw na hindi kami nag-sigawan at nag-barahan pero ngayon iba 'e,ang bait nya sa'kin at masyado naman akong nag-aalala sakanya.

Ano na bang nangyayari sa'kin? Sa buong buhay ko,maliban kay Ate at kay Mom wala 'kong nakasundong babae,para kasi sa'kin walang pag-kakaiba ang babae at lalaki noon kaya kahit babae ay sinasaktan ko pero ngayon may nakasundo akong babae,hindi nga lang tao pero masaya ako dahil na-realize ko na masaya pala mag-karoon ng babaeng kaibigan.

Oo,kaibigan na ang turing ko kay Jelly,isang tunay na kaibigan.

Nächstes Kapitel