webnovel

His Eyes (Tagalog Short Story)

Urban
Laufend · 12.9K Ansichten
  • 3 Kaps
    Inhalt
  • Bewertungen
  • N/A
    UNTERSTÜTZEN
Zusammenfassung

"Eyes is the mirrow of our soul." Sabi nila sa mata raw makikita ang katotohanan. Hindi ko alam kong bakit pero gusto kong makita ang mga mata niya na laging natatakpan ng kanyang buhok. Sa tuwing nakikita ko siya, parang may kung anong bumabagabag sa'kin at gusto ko siyang kausapin. Parang may kung ano sa kanya na gusto kong malaman. Tama nga ang sabi nila 'Curiosity kills the cat' dahil gusto kong malaman ang lahat sa kanya. * * *

Chapter 1His Eyes - 1

"Eyes is the mirrow of our soul."

Sabi nila sa mata raw makikita ang katotohanan.

Hindi ko alam kong bakit pero gusto kong makita ang mga mata niya na laging natatakpan ng kanyang buhok.

Sa tuwing nakikita ko siya, parang may kung anong bumabagabag sa'kin at gusto ko siyang kausapin. Parang may kung ano sa kanya na gusto kong malaman. Tama nga ang sabi nila 'Curiosity kills the cat' dahil gusto kong malaman ang lahat sa kanya.

* * *

Summer break namin nang mapagpasyahan kong magbakasyon sa tita ko. Kaya umuwi ako sa probinsiya namin sa Davao. Gusto ko kasing makalanghap ng sariwang hangin at makapagpahinga ng walang iniisip na school projects or assignments.

Maganda sa probinsiya dahil malapit iyon sa dagat. Napakarelaxing ng lugar na iyon para sa kagaya kong matagal nang namalagi sa Maynila.

Ilang araw na akong nandito sa tita ko. Madalas ay naglalakad ako sa may tabing dagat. Namiss ko kasing gawin ito. Ang tagal na rin kasi ng huling punta ko rito.

Napansin kong hindi lang pala ako ang naglalakad sa tabing dagat.

May isang lalaki ang madalas rin nakatingin sa dagat. Hindi ko nakikita ang buo niyang mukha dahil sa nakaside view ito pero hindi maipagkakailang magandang lalaki ito.

I mean he looks handsome.

May kahabaan ang bangs nito na halos matakpan na nito ang kanyang mata.

Lumipas ang mga araw ay lagi ko pa rin nakikita ang lalaking iyon sa may tabing dagat. Nakatanaw at parang may malalim na iniisip.

Kung titingnan mo, parang hindi marunong ngumiti ang lalaking ito, parang lahat ng bagay sa kanya ay seryoso at napakamisteryoso.

Bakit palagi siyang nakatanaw sa dagat? may nakikita pa ba siya? halos takpan na ng buhok niya ang mga mata niya.

Bakit parang nagiging interesado na ako sa lalaking iyon?

Ano naman kung nakatanaw siya palagi sa dagat?

Naisipan kong itanong kay tita ang tungkol sa lalaking iyon.

"Ah, 'yon bang lalaking iyon?" May hawak siyang bayong dahil galing itong palengke.

"Opo. 'Yung lalaki sa may tabing dagat. Palagi ko kasing nakikita doon."

"Naku, lagi 'yan nandito tuwing summer kaya kilala na rin namin siya. Ken ang pangalan niya."

"Tita, anong dahilan kung bakit nandito siya tuwing summer?" Tumulong na rin ako sa paglinis ng mga gulay na pinamili niya.

"Bumisita lang, dati daw kasi silang nakatira dito." Tumango-tango ako. Iyon siguro ang dahil niya kaya siya nandito. Siguro namiss nya lang talaga ang lugar na ito.

Isang gabi, hindi ako makatulog. Hindi ako dinadapuan ng antok kaya lumabas na lang ako para magpahangin baka maya-maya rin antukin na ako. Lumabas ako ng bahay pero agad din ako napabalik sa loob dahil sa lamig ng hangin.

Naglakad lakad ako. Hindi naman delikado sa lugar namin dahil halos magkakilala naman ang lahat ng nakatira dito.

Maya-maya ay nakarinig ako ng tunog ng gitara. Sinundan ko kung saan ng galing ang tunog. Nakita ko ang isang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Si Ken.

Nakaupo ito sa isang putol na sanga ng puno. Siya pala ang kumakanta. Napangiti ako dahil napakaganda pala ng boses niya. Punong-puno ito ng emosyon.

Ramdam ko ang kalungkutan sa musika niya. Sa tingin ko ay makungkot siya base na rin sa kung paano nya ito kantahin pero hindi mapagkakailang may maganda talaga siyang boses.

"I know im praying for much too much

But could you send back the only men she loved

I know you dont do it usually

But dear lord she's dying

To dance with my father again

Every night i fall asleep and this is all i ever dream.."

Hindi ko napigilan ang sarili ko na pumalakpak. Nagulat siya ng makita ako.

"Ang galing mo pa lang kumanta." Nakangiting lumapit ako sa kanya. Gusto kong makita ang buo niyang mukha.

Maamo ang mukha nito, may matangos na ilang at magandang kutis. Nakita ko nga ang mukha nya pero hindi ang mga mata niya.

"Sorry kung bigla-bigla na lang ako sumulpot, nagpapahangin kasi ako kanina ng makarinig ako ng kumakanta. Kaya sinundan ko kung saan ito nanggaling." Tumingin ako sa kanya pero tahimik lang ito. Nakagat ko ang ibabang labi. Awkward.

"Ah! sorry kanina pa kita kinakausap pero hindi pa pala ako nagpapakilala."

Mas pinalawak ko ang ngiti ko. "Ako nga pala si Yui." Inilahad ko ang kanang kamay ko sa kanya. Akala ko hindi niya ito tatanggapin pero nang hawakan niya ang kamay ko ay di sinasadyang napahigpit ang kapit ko rito.

"I'm Ken."

Simula noon lagi na akong pumunta sa tambayan n'ya. Kung saan ko siya unang narinig kumanta. Hindi naman ako nabigo dahil palaging siyang nando'n at nag-gigitara.

Madalas akong magkuwento ng kung anu-ano dahil gusto kong maging magaan ang loob niya sakin. Pakiramdam ko may malalim siyang dahilan kaya ganyan siya kumilos. Medyo mailap sa tao.

Hindi man n'ya ako kinakausap sa tuwing nagkukwento ako sa kanya, alam kong nakikinig naman siya.

Hindi rin nagtagal ay nararamdaman kong nagiging komportable na rin siya sakin kasi nagagawa niya na akong kausapin.

"Nanunuod kami ng sine ni Ate. Napansin kong parang natutulog na siya kaya ayun, nilagyan ko ng make-up ang mukha niya." Ikinumpas ko pa ang kamay ko na animo'y nasa harapan ko ang tinutukoy ko.

"And take note, hindi maganda ang pagkamake-up ko sa kanya dahil nagmukha siyang clown." Napahalakhak ako.

Napansin kong may gumuhit na maliit na ngiti sa labi ni Ken.

Napakurap-kurap ako. Shocks! ang gwapo.

"Marunong ka pa lang ngumiti. Mas bagay sa'yo ang nakangiti." Tumingin ito saglit sa'kin.

"Bakit hindi mo pabawasan ang buhok mo para hindi masayadong matakpan ang mata mo." Suggest ko.

"Yui, lumalalim na pala ang gabi. Umuwi na tayo." Tumalikod na ito at nagsimulang maglakad pabalik.

Iniwasan n'ya na naman ang tanong ko.

Sa totoo lang ilang beses ko na rin siya tinanong tungkol dito pero kahit kailan hindi n'ya ito sinagot. Iiwas lang siya at iibahin ang usapan.

Habang tumatagal unti-unti kong nakilala ang tunay na Ken. Hindi man halata sa itsura niya pero napakabuting tao nito.

Minsan nakikita ko siyang may buhat na mga timbang naglalaman ng mga nahuling isda ng mga bata. Tinutulungan niya ang mga bata sa pagbubuhat ng mga timba. May time rin na magkasama kaming bumibili ng tinapay sa bakery nang biglang may kumalabit sa kanyang pulubi at hinihingi ang tinapay na hawak nya. Hindi siya nag-atubiling tanggihan ito, ibinigay n'ya lahat ng tinapay sa bata.

Sabi ko nga dapat nagtira man lang s'ya para sa sarili nya pero ang sagot nya.

"Okay lang ako mas higit na kailangan iyon ng bata saka hindi naman ako masyadong gutom."

Masaya ako tuwing kasama ko siya. Hindi man s'ya madalas magsalita pero ewan ko ba, this past few days mas gusto ko na lagi siyang kasama. Gusto kong naririnig ang boses nya. Kapag naririnig ko iyon, hindi ko maiwasang mapangiti. Biro mo, sa sobrang tahimik nito nagawa kong pagsalitain. Madalas rin akong mapatitig sa kanya ng hindi ko namamalayan.

Hindi kaya nahuhulog na ako sa kanya?

Siguro nga gusto ko na s'ya.

Naglalakad kami ngayon sa tabing dagat kinakwento ko yung mga naging kaibigan ko sa manila.

"May kaibigan akong bakla sa Maynila. Hindi siya kagaya ng ibang bakla na nagsusuot ng mga damit ng babae. Kaya naman madalas marami ang nagpapacute sa kanyang babae. Magandang lalaki rin kasi 'yon." Nakita kong napapailing na lang si Ken.

"Tinutukso rin namin 'yon pag nakita namin na parang may gus-" Napatigil ako nang matisod ako sa batong nilakaran ko. Nawalan ako ng balanse pero nasalo ako ni Ken. Nang dahil sa pagsalo niya sa'kin ay nalihis ang buhok nito na tumatakip sa mata niya.

At doon ko nakita ang kanyang mata.

Mahahaba ang pilik at may kulay abong mga mata. Napakaganda ng mata niya pero hindi ko makitaan ng sigla at buhay.

"Ang ganda ng mga mata mo Ken." Nang mapagtanto niya kung ano ng sinabi ko ay agad niya akong binitawan at inayos ang buhok para matakpan ang kanyang mata.

"Teka! bakit mo tinago? ang ganda kaya ng mata mo." Hindi nya ako pinansin bagkus ay pinagpatuloy niya ang pag-aayos ng buhok. Sininukan ko itong pigilan at hinawakan ko ang kamay niya.

"Wait, wag mo ng itago. Ken-" Naputol ang pasensya niya kaya napasigaw na ito.

"Bakit ba ang kulit mo?! sinabi kong ayoko nga!" Ibang-iba ito sa Ken na nakilala ko.

"Pero kasi-"

"Ano bang pakialam mo? ano ba kita?" Natigilan ako sa sinabi nya. Natigilan rin siya. Parang bigla itong natauhan.

Ano nga ba ako sa kanya?

Naramdaman kong nangilid ang luha ko kaya naman tumalikod na ako bago pa ito tuluyang bumagsak.

"S-Sorry.. M-Masyado na pala kitang pinapakialaman."

Nagtangka pa siyang lapitan ako pero tumakbo na ako paalis sa harap niya. Narinig ko ang pantawag niya sa'kin pero hindi ko iyon pinansin, patuloy lang ako sa pagtakbo.

Ang bigat ng pakiramdam ko, nasaktan ako sa mga sinabi nya.

Bakit gan'to? Alam kong simpleng pagkagusto lang naman ito pero ang sakit. Ngayon ko napagtanto na hindi ko na pala siya gusto, dahil mahal ko na pala siya.

Pagdating ko sa bahay ay nagkulong lang ako sa kwarto. Iniyak ko sa unan ko ang lahat.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay iniwasan si Ken.

Hindi ako galit sa kanya. Siguro nagtatampo lang. Ilang beses ko rin nasasalubong si Ken, pero agad akong tatalikod bago pa siya lumapit sakin.

May mga araw rin na pumupunta si Ken sa bahay para kausapin ako pero hindi ako lumabas kaya madalas si Tita ang nakakausap niya.

* * *

Dahil maaga ako nagising ay naisipan kong lumabas para magwalis sa harap ng bahay. Maglalakad na sana ako nang may mapansin akong cute na teddy bear na nakasabit sa gate.

Wow! Ang cute naman nito. Kanino kaya ito galing? Kinuha ko nang hindi ko man lang inalam kung kanino 'to. Baka kay tita pala ito. May nakita akong note.

'Please meet me. 6:00 pm. Same place.

I'll be waiting for you.'

Wala itong pangalan pero may drawing itong isang mukhang ng lalaki na may mahabang bangs. Mukhang alam ko na kung sino ito.

Same place ? Isa lang naman ang lugar na madalas kong puntahan. 'Yun ay ang tambayan namin ni Ken kung saan ko siya unang nakausap.

Handa na ba akong kausapin siya?

Minabuti kong pumunta na lang. Gusto ko rin magkaayos kami. Dahil alam kong kasalanan ko naman kaya nagalit siya. Ang kulit ko kasi e.

Malapit na ako sa tambayan ni Ken at natatanaw ko na rin siya.

"Yui." Tumayo si Ken nang makita niya ako.

"Salamat dahil pumunta ka." Tumango ako sa kanya at ngumiti ng kaunti.

Magkatabing naupo kami sa putol na sanga ng puno.

Matagal na katahimikan ang namayani bago siya nagsalita.

"I'm sorry Yui. Alam kong napagsabihan kita ng hindi magandang salita. Pasensya na nabigla lang talaga ako." Yumuko ito at itinukod ang siko sa tuhod. Napahilamos siya ng mukha.

"Matatanggap ko kung galit ka, kung gusto mo suntukin mo ako o kaya sampalin, kahit ano basta mapatawad mo lang ako."

Hindi ko na napigilang itago ang ngiti ko. Kahit naman galit ako hindi ko kayang gawin yun. Hindi ako ang klase ng tao na nagtatanim ng galit.

"Ano ka ba hindi ko kayang magalit sa'yo ng matagal. Oo nasaktan ako sa mga sinabi mo pero kasalanan ko rin naman dahil pinipilit kita. Ayos lang." Nakangiting tugon ko sa kanya.

Napabuga ito ng hangin na parang nakahinga ng maluwag. Nakangiti na ito.

Itinuon ko ang atensyon ko sa kaharap namin na dagat. Sa mga naglalakihan nitong mga alon. Pero nagulat ako ng magsalita ito.

"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit ko tinatago ang mga mata ko?"

Das könnte Ihnen auch gefallen

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urban
4.8
131 Chs