webnovel

Chapter 25

Izumi Pov

Makalipas lang ng ilang oras na pag lalakad ay nakarating din kami sa bundok kung saan kami mag sasanay. Dala ko ang kahoy na espada na aking gagamitin sa pag sasanay.

"Mag pahinga muna kayo sandali, pag katapos ay mag simula na tayo" sabi nya. Tumango ako sa kanya at saka naupo sa isang tabi at inilapag ko na din sa lupa ang espadang kahoy.

"Lady izumi, heto po ang tubig. Uminom na muna po kayo" sabi nya sabay abot sa akin ng lalagyanang may lamang tubig. Kinuha ko ito mula sa kanya at saka uminom. Pag katapos ay muli kong inabot sa kanya ang tubigan.

"Salamat" tugon ko. Ngumiti lang sya sa akin at saka inayos ang tubigan. Umupo na rin sya sa aking tabi at tumingin lang sa paligid.

"Ang ganda po pala dito no? Ang sarap sa pakiramdam ng ganitong kagandang tanawin, tsaka ang presko ng hangin" ngiting saad nya.

"Oo naman, mahirap lang ang aming bayan ngunit sagana sa magandang tanawin naman ito. Lagi mo itong hahanap-hanapin, napakasarap tingnan ang ganda nito" saad ko.

"Izumi, tama na muna yan. Mag simula na tayo"

"Sige..." tugon ko. Tumayo na ako sa aking pag kakaupo at kinuha na rin ang espadang kahoy pag katapos ay lumapit na ako kay shimaru nakatayo sa gitna.

"Makinig ka izumi, kung gusto mo matutunan ito kailangan mong pakinggan at isaisip lahat ng mga ituturo ko. Magiging mahirap ito pero kailangan mong pag tiyagaan kung gusto mong matuto naintindihan mo?" paliwanag nya. Tumango ako.

"Mag simula na tayo... Makinig ka ah?"

"Oo na, dalian mo" sagot ko. Tumango sya.

"Una pumwesto ka na may medyo malapitan sa aking pwesto. Pag katapos ay diretso mo lang ang iyong tindig saka ka humarap sa akin" turo nya. Ginawa ko ang mga sinabi nya, pumwesto ako na may kalapitan sa kanyang pwesto. Pag katapos diniretso ko ang aking tindig at saka humarap sa kanya.

"Pangalawa, itaas mo ng bahagya ang iyong kamay habang nakatikom ito. Pag katapos, itaas mo na ang iyong pangalawang kamay ngunit may kataasan na kaysa sa isa at saka mo hawakan ang iyong espadang kahoy.

" Ganito ba shimaru?" tanong ko. Katulad nga ng kanyang turo ay ginawa ko ito at saka ipinakita sa kanya.

"Oo, tama yan" pag sang ayon nya.

"Pangatlo, mag isip ka muna kung saan mo ako unang patatamaan gamit ang espadang kahoy na iyong hawak. Huwag ka muna susugod sa akin ng walang estratehiya na naisip dahil baka maunahan kita" sabi nya. Nag isip ako sandali at saka tumingin sa kanya.

Ano kaya ang una kong tatamaan sa kanya? Ulo o tagiliran? O dikaya'y balikat o binti?. Mas maganda kung sa unang pag angat ng espada ay matinding sakit na ang dulot.

Ano na kaya kung sa may balikat tamaan? Tiyak masakit yun kung hahampasin ng matindi, pero hindi eh! Malakas tong lalaki na ito kaya paniguradong walang epekto sa kanya.

"Ano? Wala ka pang naiisip na estratehiya? Aba dalian mo na! Nauubos ang oras natin" sabi nya. .

"Teka naman Shimaru!"

Ang hirap naman nito, di bale nalang. Sa may binti nya na lang ang una kong patatamaan

Kaagad akong sumugod sa kanya, at ng nasa harapan nya na ako ay iniangat ko ang aking espada at kaagad kong inihampas sa kanyang binti.

Dahil medyo may kalakasan ang aking pag palo ay muntikan ng mbuwal sa lupa si shimaru na kaagad naman nakatayo.

"Hindi na masama, pero hindi maganda ang iyong plano. Sa iba ang ganyang estratehiya hindi yan uubra, madali ka matatalo kung hindi ka mag iisip ng maayos"sambit nya. Dahil sa kawalang kakayahan sa pakikipag espadahan ay nahihirapan ako. Ang akala ko ay madali ngunit hindi pala, hindi lang pisikal ang kailangan pati na rin ang pag iisip.

"Tsk, ang hirap naman..."reklamo ko. Napailing iling na lang siya

"Wala pa tayo sa kalagitnaan pero nag rereklamo ka na, tsk para saan pa at nag paturo ka pa. Umayos ka nga izumi"

"Pasensya na, sige uulitin ko..."

At pinag patuloy na namin ang aming pag sasanay, di rin nag tagal ay napagpasyahan naming tumigil ng makitang malapit ng lumubog ang araw at tanda na ito na ilang sandali ay sasapit na ang gabi.

"Sa susunod na lang ito natin ipag papatuloy, kailangan nyo ng umalis dahil kaunting oras na lang ay mag gagabi na" sabi nya.

"Tama po sya lady izumi, kailangan na po nating lumisan. Baka nandoon na po ang heneral"

"Oo nga pala" bumaling ako kay shimaru "salamat sa iyong pag tuturo sa akin, habang hindi pa ako nakakadalaw ulit dito ay doon na ako mag sasanay na muna" dagdag ko. Tumango sya.

"Mabuti, sige na umalis na kayo. Malapit ng gumabi baka mapahamak pa kayo sa daan" sabi nya. Inayos ko muna ang aking damit at pinag pagan ito, pagkatapos ay inayos ko din ang aking buhok na medyo nagulo kanina.

Lumapit ako kay shimaru at saka yumakap sa kanya. Pag katapos nito ay nag simula na kaming mag lakad hanggang sa nakalayo na kami sa aking bayan.Pag katapos ay  bumaling ako kay shin na nakatingin sa daanan.

"Maaari bang huwag mong  babanggitin o sasabihin ang bayang pinuntahan natin. Kapag kasi nalaman nya iyon malalagot ako" pakiusap ko. Tumango sya

"Makakaasa po kayo..."tugon nya. Tumango ako at saka muling tumingin sa aming dinaraanan.

---EMPERYO---

Gabi na ng kami ay nakarating na sa emperyo. Kaagad kaming nag tungo sa tahanan ng heneral, pag karating namin ay napatigil kami ng makita ang heneral na nakatayo sa may puno.

Patay na...andito na pala!

"Bakit ngayon lang kayo?" tanong nya. Napalunok ako ng tumingin na sya sa amin.

"Patawad po heneral, napahaba kasi aming pag uusap tungkol sa aking lupain, nag hahanap pa po kami ng bibili" paliwanag ko.

"Sa susunod wag mo na itong kakalimutan pa" sabi nya. Pag katapos nun ay umalis na lang siya bigla.

"Kinabahan po ako doon, mukhang hindi maganda ang timpla ng heneral"

"Oo nga, nakakatakot tsk...tara na nga" sabi ko. Nauna na akong pumasok sa loob at kaagad na nag tungo sa aking silid.

"Nakakapagod..."usal ko. Umupo ako sa silya ng makalapit ako. Maya-maya lang ay may kumatok pinto, napatingin ako ng bumukas ito at pumasok sa loob si shin na may bitbit na pag kain at inumin pag katapos inilapag nya ito sa mesa.

" Kumain po muna kayo" sabi nya. Tumango lang ako sa kanya at nag simula na ng kumain.

Subo, nguya, inom ang mga ginawa ko habang kumakain. Dala na rin ng gutom kaya mabilis akong kumain hanggang sa matapos ako.

"Salamat dito shin, kailangan mo na ring kumain at mag pahinga. Sige na pumunta ka na doon" sabi ko. Ngumiti sya sa akin at iniligpit na ang aking pinag kainan.

"Salamat po lady izumi, magandang gabi" tugon nya. Pag kasabi nun ay lumabas na sya ng aking silid at isinarado na ang pinto.

Tumayo ako mula sa pag kakaupo at sandaling tumambay sa bintana. Lumipad ang aking buhok ng pumasok ang hangin mula sa labas at napangiti dahil sa presko at lamig na hatid nito.

Pag katapos nun ay tumungo na ako sa aking higaan.  Pero bago yun ay nag palit na muna ako ng damit na pantulog dahil marumi at amoy pawis na rin ito at saka babad na rin din sa initan.

Matapos nun ay  nag lakad na ako papunta sa higaan at saka humiga. Nilagay ko sa ulunan ang mahabang kong buhok at saka tumihaya patalikod. Dala na rin ng pagod ay nakatulog agad ako.

Magandang gabi, ina, ama....

To be continued.

Nächstes Kapitel