webnovel

Chapter 5

Naimulat ko agad ang mga mata ko ng maramdaman kong may tao sa aking silid at hindi nga ako nagkamali dahil may tao nga at ang heneral ang nandito mismo sa aking silid ng nakaupo sa silya paharap sa akin habang nakatingin sa akin at nakangisi. Pilit na ngiti lang ang ginawa ko.

"Sinabi sa akin ng iyong damma na napatid ka daw kanina at nagkaroon ka ng sugat sa iyong noo. Masakit pa ba?" tanong nya. Bumangon na muna ako at tsaka umupo sa aking higaan.

"Masakit pa din heneral ngunit ayos lang naman sa akin. Kaya pa naman" sagot ko. Tumatango tango sya at saka hinawakan ang mga kamay ko na nakapatong sa aking kumot. Nagulat ako sa ginawa nya kaya naman tumingin ako sa kanya.

"Sa susunod mag iingat ka" bilin nya. At tumango na lang ako bilang sagot at sya naman ay tumayo sa kanyang silya "Babalik na ako sa aking silid, ikaw naman bumalik ka na rin sa naudlot mong pag tulog. Magandang gabi" utos nya at lumabas na sya ng aking silid. Nag buntong hininga na lang ako at humiga ulit sa aking higaan. At natulog ulit ng mahimbing.

-KINABUKASAN-

"Lady uzumi...

" Mmmm...

"Lady uzumi gising na po...

" A-ano ba yun? inaantok pa ako" inaantok na tanong ko. Ipipikit ko pa sana ang mata ko dahil inaantok pa talaga ako ngunit tinatapik tapik pa rin nya ang braso kaya inis kong inimulat ang mata ko at saka tumingin sa kanya.

"Ano ba kasi yun? inis na tanong ko.

" Pinapasabi po ng heneral na mag bihis kayo ng maayos dahil may malaking salo salo ang mahal na emperador. At kasama ka daw po nya" paliwanag. Natigilan ako at hindi nakapag salita. Ako isasama nya doon? eh babae lang naman nya ako bakit kailangan nya pang isama ang tulad ko?

"Seryoso sya doon sa sinabi nya?" nag tatakang tanong ko.

"Opo lady uzumi...kaya tumayo na po kayo dyan. Dadalhin ko po dito ang inyong agahan" anas nya. Tumayo sya mula sa kanyang pag kakaupo at saka lumapit sa pintuan. "Sige..." sagot ko. At saka sya lumabas at ako naman ay tumayo na din at niligpit ang aking pinag higaan. Pagkatapos nag tungo muna ako sa aking bintana habang nag aantay sa kanya at saka nakapangalumbabang tumingin sa labas at sandali din na munang nag isip.

Kailangan ko munang mag sanay sa pakikipag laban para kapag nabukingan na alam ko na ang gagawin ko pero paano? ni hindi nga ako makalabas dito sa emperyo. Si shimaru kaya kausapin ko tungkol dito? Hindi pwedeng puro ganito na lang gawin ko, nandito ako pero wala pa akong nagagawa.

"Hayyy..." buntong hininga ko ng tumingin ako sa kalangitan "Lady uzumi, nandito na po agahan nyo" imporma na kung sino dahil nakatalikod pa ako sa kanya.

"Ilapag mo na lang dyan" sabi ko. At narinig ko ang pag sara ng pinto. Nag buntong hininga ulit ako at tumalikod na upang kumain.

Nang matapos ako kumain binuksan ko ang pinto ng nakadungaw at nag palingon lingon ako sa kaliwa at kanan upang matingnan kung may tao. Nang makita kong wala agad akong pumasok at nag palit ng ordinaryong kimono at kinuha ko na din ang aking itim na balabal at nilagay ito sa aking ulo bilang pangtakip. Nang matapos ako, binuksan ko ang pinto at saka nag madaling umalis patungo sa labas nito.

Nag palingon lingon ulit ako kung may tao o wala at nung wala nag lakad ako ng mabilis para hindi ako makita. At nung nasa labas na ako ng emperyo, nag tago na muna ako sa may puno dahil mayroong nag babantay na dalawang kawal sa may tarangkahan. At nang umalis sila doon ako lumabas ng mabilisan dahil baka makita nila ako at hindi na ako makalabas.

At ng makalabas, tumakbo ako ng mabilis palayo sa emperyo na yun na may ngisi sa aking labi.

-----------------------------------

-Shogasukan-

(Karatig bayan ng emperyong shinamin)

"Sa wakas nakauwi din" nakangiting bulong ko habang pinag mamasdan ang paligid ng aking bayan kung saan ako ipinanganak at nag kaisip.

"Uzumi!!!" tawag ng kung sino kaya naman nilingon ko ito at natawa ng mahina ng mabilis na tumatakbo papunta sa akin ang isa kong pang kaibigan na si misaki.

"Ano? kaya mo pa?"  natatawang tanong ko ng makalapit sya sa akin. Nag hahabol pa sya ng hininga bago pa sya mag salita. At nung maayos na sya saka nya ako niyakap.

"Buti naman at umuwi ka...ang tagal mong hindi nagawi dito" saad nya. Nangiti na lang ako at hinaplos ang kanyang likod.

"Hindi rin naman ako mag tatagal dito misaki, aalis din ako mamaya. Kakausapin ko lang si shimaru" anas ko. Naramdaman ko kong natigilan sya at hindi kaagad kaya bumitaw ako sa kanya at nginitian sya ng pilit.

"patawad misaki, kapag may mahabang panahon ako magtatagal ako dito kahit mga isa o dalawang araw lang. Sa ngayon kasi hindi pa pwede kasi may importante akong ginagawa" paliwanag ko. Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya kaya hinawakan ko ang dalawang kamay nya at marahan na pinisil at saka ako tumingin sa kanya.

" Ano ba kasi yang importanteng ginagawa mo? bakit kailangan mo pang lumayo dito?" tanong nya habang nakakunot ang kanyang noo. Napabuntong hininga na lang ako at saka iniwas ang tingin sa kanya.

"Hindi ko maaaring sabihin sayo" sagot ko. At saka ko sya tinalikuran upang umalis " Aalis na ako, kailangan kong puntahan si shimaru" walang emosyong paalam ko sa kanya. Iniwan ko na lang sya doon na wala man lang sinasabi na kahit ano at tinahak ang daan papunta sa tahanan ni shimaru.

Patawad, misaki kailangan ko lang gawin to dahil hindi lang para sa akin ang ginagawa ko kundi para din sa inyo. Sana maintindihan mo ako...

Nang makarating ako sa tahanan ni shimaru kinatok ko na muna ang pinto

knock! knock! knock!

"Sandali! eto na!" sigaw nya mula sa loob. Maya maya lang binuksan nya ang pinto at nagulat ng makita nya ako "U-uzumi..." mahinang tawag nya. Kaagad akong pumasok sa loob at isinara ang pinto, matapos nun ay humarap ako sa kanya "Pwede ba tayong mag usap?" tanong ko sa kanya. Nagtungo ako sa kanyang kwarto at saka naupo sa kanyang kasama at sumunod di naman sya.

"Buti naman naisipan mo ng umuwi dito, babalik ka na ba dito?" tanong nya. "Hindi pa, hindi rin ako mag tatagal. Hindi ba may kakayahang kang makipag laban hindi ba? tanong ko din sa kanya.

" Oo. Bakit mo naitanong? tanong nya. Napangiti naman ako at saka hinawakan ang kamay nyang nakapatong sa may kamay. "Alam kong bihasa ka sa pakikipaglaban lalo na sa pakikipag espadahan. Kaya nais kong turuan mo ako para naman may malaman ako..." sagot ko. Seryoso naman syang tumingin sa akin at saka inalis ang kamay nyang nakapatong ng kamay.

"Seryoso ka ba uzumi? hindi madali yang hinihiling mo. Hindi ito basta na lang madali gaya ng iniisip mo, maraming taon ang lilipas bago ka maging mahusay" saad nya. Pumaikot ang mata ko sa kanya at saka sya nginisian.

"Alam ko ngunit kailangan ko ito, kung tuturuan mo ako baka maging mas mahusay pa ako sayo... " pagyayabang ko. Tumingin sya sa akin ng ilang sandali bago sya nag buntong hininga.

"Hindi mo ako basta matatalo na lang pag dating sa ganyan, baka nakakalimutan mong babae ka pa rin?" nakangising tanong nya.

" Kung mag titiwala ka sa akin, magagawa ko yan. Hindi porket babae ako hindi ko na kaya gawin ang mga bagay na ginagawa nyo" seryosong saad ko.

"Masyado ka namang seryoso, sige na pumapayag na ako" pagpayag nya.

"Talaga?"

"Oo, pero paano naman natin magagawa yun? ni hindi ka basta basta nakakalabas"

"Gagawa ako ng paraan para makatakas doon. Kapag wala si hirushima saka ako palihim na aalis, saka tayo mag kita" paliwanag ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nag tungo sa kanyang di kalakihan na bintana at pinag masdan ang mga taong masasayang nag uusap, mga masayang naglalaro at nag hahabulan at napangiti naman ako.

"Kung yan ang gusto mo. Sa may likod ng bundok tayo mag sasanay" imporma nya. Lumingon ako sa kanya at saka sya nilapitan.

"Payag ka na?" tanong ko sa kanya. Tumango tango sya at ngumiti sa akin ngunit napawi yun ng mapatingin sya sa noo ko.

"Anong nangyari sa noo mo? Bakit may sugat yan? tanong nya. Napahawak ako aking noo at napangiwi dahil medyo sumasakit.

" Eto ba? Napatid ako kahapon tapos tumama sa lupa ung noo ko kaya ayan nagkasugat" paliwanag ko. Nag pailing iling na lang sya habang natatawa.

"Ang lampa mo naman uzumi" pang aasar nya. Napanguso na lang ako sa pang aasar nya.

"Tss, oo nga pala kailangan ko ng umalis. Baka hinahanap na ako doon" sabi ko. Inayos ko ang buhok ko sandali pati na din ang sout kong kimono. Pati ang aking balabal ay inayos ko na din.

"Ganun ba...tara ihahatid na kita. Medyo malapit na din mag gabi baka kung ano pa mangyari sayo sa daan" anyaya nya.

"Hindi na shimaru dito ka na lang. Ikaw na  lang pala ang magpaliwanag kay misaki kubg bakit kailangan kong lumayo ha? pero wag mong sabihin yung tungkol sa ginagawa ko sa kabilang emperyo" sabi ko. Tumango sya

"Sigurado ka ba?" tanong nya.

"Oo naman, sige na kailangan ko ng umalis"

"Mag iingat ka uzumi"

"Salamat, alis na ako" at lumabas na ako ng pinto. Ng makalabas, nakita ko si misaki na nakatingin sa akin ngunit iniwas nya yun at saka tumalikod paalis. Napabuntong hininga na lang ako at saka naglakad na lang.

-MEANWHILE-

"Hindi mo ba talaga alam kung nasaan si uzumi?! Sumagot ka!" malakas na tanong ni heneral sa akin. Hindi na halos ako makagalaw dahil sa sobrang sakit ng aking katawan at wala ako ibang magawa kundi ang umiyak at sumigaw habang inihahampas sa akin ang latigo.

"H-hindi k-ko p-po talag-ga alam h-heneral. M-maniwala kayo-o" nahihirapang sagot ko. Pati ang aking pag sasalita ay hirap na din ako dahil nanakit na din pati ang lalamunan ko. Napatungo na lang ako habang napapapikit na sakit.

"Sinungaling ka! malakas na sigaw nya at saka hinampas ulit ako sa likod ng latigo.

" Ahhhh! T-tama na p-po heneral-l H-hindi po ako nag sisinungaling! M-maniwala po kayo" nag mamakawaang sabi ko.

"Manahimik kaaa!!!" sigaw pa nya ulit. At hinampas nya na naman ako ng latigo.

"Ahhhh T-tama na po!" sigaw ko. Tumigil na sya sa pag hampas sa akin at nag lakad na sya palabas ng selda at pagkatapos saka nya ito kinandado.

"Bantayan nyo yan ng maigi" mariing utos nya.

"Lady uzumi nasaan na po kayo? Tulungan nyo ako dito..." Mahinang bulong ko habang umiiyak.

-FLASHBACK-

"Lady uzum--" wala si lady uzumi sa kanyang silid ng makapasok ako at nakita ko ang damit nyang pantulog na nakatupi ng maayos sa kanyang higaan.

"Nasaan na sya?" mahina na tanong ko. Kinuha ko na muna ang pinag kainan nya at saka lumabas upang dalhin sa kusina.

"Nakita nyo ba si lady uzumi?" tanong ko sa mga kasamahan ko.

"Hindi, wala ba sya sa kanyang silid" tanong nong isa.

"Wala sya doon ng pumasok ako.Nasaan na si lady uzumi?" natataranta ako habang pabalik balik ang lakad ako.

"Hanapin mo muna sya sa buong paligid baka nandoon lang sya. Dalian mo na kasi mamaya hahanapin na sya ni heneral. Mag sisimula na din yung salu salo" utas. nya. Tumango ako sa kanya at lumabas na ng kusina.

"Lady uzumi nasaan ka na?" mahinang tanong ko habang nag lalakad sa pasilyo. Habang nag lalakad kinakabahan ako dahil wala pa rin siya, maya maya lang mag sisimula na yung salu salo. Lagot ako nito kay heneral.

Ng makalabas agad ko siyang hinanap sa buong paligid. Una kong pinuntahan sa likod ng kanyang silid kung saan sya madalas na nag lalagi ngunit ng puntahan ko wala sya. Sumunod naman ay sa likod din ng emperyo ngunit wala din sya. Pang huli kong pinuntahan ay ang loob ng emperyo ngunit ng hahakbang ako sa may pinto biglang ako hinarang ng mga kawal na nag babantay. Napalunok agad ako.

"Anong gagawin mo? Hindi ka pwede dito" tanong ng isang kawal.

"T-titingnan ko lang sana kung nandyan sa loob si lady uzumi" kabadong sagot ko. Tumaas ang kanyang kilay.

"Hindi pa nag sisimula ang salu salo kaya wala sya dito. Wala ba sya sa kanyang silid?" tanong ulit nya.

"W-wala po..." sagot ko.

"Hindi ba't ikaw ang kanyang tagapag bantay? bakit hindi mo alam kung nasaan sya?"

"Nandoon lang po sya sa kanyang silid kanina bago ako bumalik ng kusina. Nung bumalik ako wala na sya" paliwanag ko.

"Anong sinabi mo?! malalagot ka kapag nalaman ito ng heneral. Tiyak na mapaparusahan ka" saad nya. Mas lalo akong kinabahan ng dahil sa sinabi ng kawal na ito. Yung takot ko na kanina ko pa nararamdam mas lalong tumindi at nararamdaman ko na din ang pamamawis ng noo ko at para na akong maiiyak.

"Kailangang malaman ito ng heneral" aakmang aalis sya ng pigilan ko sya.

"S-sandali lang po wag nyo pong sabihin. Ako na po ang mag hahanap kay lady uzumi. Pakiusap po..."nag mamakaawang kong usal sa kanya.

" Anong nangyayari dito? sinong hahanapin mo?" natigilan ako ng marinig ko ang matigas na tono na yun at ng lumingon ako nanlaki ang mga mata ko ng nasa harapan na namin ang heneral na nakakunot ang noo at nakatingin sa amin.

"H-heneral..." mahinang usal ko habang nakatingin sa kanya na tumingin din sa akin. Napatingin ako sa kawal ng yumuko sya at pagkatapos ay lumapit sya sa heneral at inilapit ang kanyang bibig sa tenga nito na parang may binubulong.

Kita ko ang pag baling nya sa akin na may kunot ang noo at pag katapos biglang syang tumingin sa akin na may nanlilisik na mata. Mabilis syang pumunta sa akin at hinawakan ako ng madiin sa mag kabilang braso.

"Nasaan sya?! Magpaliwanag ka!" galit na tanong nya. Nangingilid na ang luha ko dahil sa takot na nararamdaman ko kaya naman iniwasan ko ang tingin nyang nanlilisik.

"H-hindi ko po a-alam h-heneral. Ng b-bumalik ako sa silid wala na sya d-doon" nauutal na paliwanag ko.

"Wala kang kwenta!" at pahagis nya akong binitwan kaya bumagsak ako sa sahig " Kayo! hulihin nyo yang babae na yan at ikulong ngayon din" malakas na utos nya. Agad nag kilusan ang mga kawal at agad nilang hinawakan sa mag kabilang braso at saka nag lakad habang siya naman ay naunang umalis papunta sa lugar kung saan ikunukulong ang may mga kasalanan.

"H-heneral! parang awa nyo na. Wag nyong gawin sakin ito!" nag mamakaawang sambit ko.

"Lady uzumi nasaan na ba kayo?" at doon na ako umiyak ng umiyak dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Patuloy pa rin ang pag agos ng mga luha ko kahit naglalakad kami at mas lalong napaiyak ng mapatingin ako sa iba ko pang kasamahan na umiiyak din habang nakatingin sa akin.

-END OF FLASHBACK-

Nächstes Kapitel