webnovel

HIS FORGOTTEN PAST

Autor: Ronaj12018
Fantasie
Laufend · 29.9K Ansichten
  • 31 Kaps
    Inhalt
  • Bewertungen
  • NO.200+
    UNTERSTÜTZEN
Zusammenfassung

He woke up in an unfamiliar place without any recollection from his past and yet he knew how to identify good weapons and his body can move skillfully when facing troubles. On his verge of breakdown upon seeing himself standing in a pool of blood, a beautiful girl with black hair and eyes appeared. The two agreed and started to travel together with each having their own goal only to find themselves being involved in a huge incident five years ago. Now they need to discover what really happened then and who was behind it.

Chapter 1Prologue

"Ang anak ko!"

"Mama!"

Kabikabilaan ang naririnig na mga iyak at sitaw mula sa paligid. Ang mga tao ay nagkakagulo na paroo't-parito at halatang may hinahanap. Ang mga bahay na kanilang tinitirhan ay unti-unti ng nilalamon ng napakalakas na apoy kasabay ng sunud-sunod na pagpaslang sa mga taong nagtatakbuhan.

Isang babae na may hawak na dalawang bagong silang na sanggol ang pilit na lumabas mula sa kabuuang maliit na tahanan na tuluyan ng nilamon ng apoy. Ang hawak niyang mga sanggol ay parehong umiiyak marahil sa pinaghalong takot at gutom.

"Mga anak, tahan na, ligtas na tayo."

Matapos niya iyong sabihin ay bigla na lang siyang inundayan ng saksak mula sa likod ng isa sa mga lalaking tulisan na sumugod sa kanilang lugar. Nakangisi ito na tila ba aliw na aliw sa nakikitang pagdaloy ng dugo mula sa kanya.

Nanghihina man ay pinilit niyang makawala mula sa pagkakasaksak nito at mabilis na umatras papalayo. Hindi na siya nag-atubiling tumakbo patungo sa gubat kahit pa alam niyang pugad ito ng iba't-ibang halimaw.

Subalit bgo pa man siya makapasok ay mabilis na siyang nahablot ng kasama ng lalaki.

"Babae na lang na may hawak na sanggol, hindi mo pa napaslang!"mayabang na sabi ng bagoong dating habang sinisipat ang mukha ng babae. "Maganda ka! Sayang naman kung hindi muna kita paliligayahin!" muling sabi nito na dinilaan pa ang labi na parang takam na takam.

Pilit na nagpumiglas ang babae pero bigla siya nitong sinampal. Mahapdi man ang knayang pisngi ay hindi siya tumigil sa pagpalag.

Lalong napngiti ang lalaki sa panlalaban niya na mabilis na hinblot ang isa sa hawak niyang sanggol.

"Wag kang tumigil at papatayin ko ito!" sabi nito saka itinaas ang bata na hawak sa leeg.

Napatigil ang babae na sinamantala naman ng isa pang lalaki at mabilis siyang sinaksak sa dibdib. Nang tuluyan na siyang bumagsak ay walang pakundangang hinagis sa kanya ang hawak nitong sanggol bago umalis.

Nang mawala na ang mga ito ay isang babae na nagtatago ang lumapit sa kanya.

"Wag kang mag-alala, aalagaan ko sila." sabi nito ng nakangisi habang inaagaw sa kanya ang kanyang mga anak.

Pinilit niyang abutin ang mga anak mula dito pero tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Kinabukasan, wasak at nagliliyab na bayan ang bumungad sa bagong dating na lalaking nakasuot ng itim na balabal. Sa kanyang likod ay isang malaking basket na punung-puno ng mga halaman at karne na nanggaling pa sa kabilang bayan.

Nanlalaki ang kanyang mga mata na natigilan kasabay ng pagbagsak ng bitbit at pagkalat ng mga laman nito sa lupa.

Takot na takot at nag-aalala siyang tumakbo patungo sa kanilang bahay na ngayon ay tanging abo na lang ang natira.

"Hindi!" wala sa sariling naibulong niya at pagluhod sa lupa. "Ang pamilya ko!"

Sa hindi kalayuan ay nakita niya ang mga lalaking base sa duguang suot ay nahinuha niyang mga bandidong sumugod sa kanila.

Agad niya itong sinugod. Mula sa kanyang baywang ay mabilis niyang hinugot ang maliit na kutsilyo na walang pagdadalawang-isip na ibinato sa isa sa mga ito.

Nagulat ang mga ito ng tumama sa leeg ng kasama ang kutsilyo na agad nitong ikinamatay. Otomatikong sinundan ng kanilang mga tingin ang pinagmulan ng kutsilyo para lang muling matigilan.

Nagliliyab ang galit na galit na pulang mga mata ng lalaking papalapit sa kanila. Ang buhok nito na kulay itim ay unti-unting nagiging kulay puti. Naglalabas din ito ng sobrang lakas na aura. Ang mas ikinatakot nila ay ang mga dugong umiikot sa paligid nito na dumadami dahil sa paghatak sa dugo ng mga namatay.

"B-bampira!"

Halos magsipagtumbahan sila sa sobrang takot dahil sa reyalisasyon ng nakaambang panganib. Subalit, bago pa man sila tuluyang makatakbo ay bigla na lang nalaslas ang kanilang mga leeg.

Matapos makita ang pagbagsak ng mga walang buhay na katawan ng mga bandido sa lupa ay lalong lumakas ang aura na nagmumula sa lalaki. Ang kanyang paghihinagpis ay napalitan ng matinding paghahangad ng mas marami pang sariwang dugo, ng mga buhay.

Wala sa sariling iniwan niya ang wasak na bayan na dating tinuring nilang tahanan.

Das könnte Ihnen auch gefallen

BREAK THE WORLD(Living Is Dying) BOOK 2 of Hunting Kendra[ FILIPINO]

BREAK THE WORLD(Living Is Dying)COMPLETED -BOOK TWO OF HUNTING KENDRA Genre:Vampire/Werewolf SYPNOSIS NAGMULA sa angkan ng mga Bampira sina Halls, Oreo at Zain. Lumaki sila na busog sa pagmamahal sa kanilang ina na si Kendra, kalahating Bampira at mortal. Habang ang ama naman nilang si Timothy ay kalahating Lobo at Bampira. Naging matiwasay ang mga taon na nagdaan para sa pamilya nila sa mundo ng mga tao. Matapos na maganap ang pagkawasak sa tagong mundo--- ang Acerria. Kung saan nanirahan dati ang mga lahi ng Bampira, Lobo at mga naagnas na nilalang kung tawagin ng mga mortal ay Zombie. Ngunit sa pagdaan ng mga taon ay nagkaroon ng malaking digmaan sa kabilang mundo. Kaya upang sa ikalawang pagkakataon ay tuluyang mawasak ang Acerria. Nakaligtas sina Kendra at Timothy, ngunit sa kasawiang palad ang lahat ng nilalang sa Acceria'y tuluyang nakasama sa pagkaguho. Sa mga lumipas na taon ay muli silang bumangon, hindi nila hinayaan mabalewala ang sakripisyo ng ina ni Timothy; ang huling may purong dugo ng Bampira. Ngunit iyon ang inaakala nila... Dahil isang pangyayari ang magpapabago sa lahat. Pangyayaring kasugpong ng nakaraan. Nakaraan na siyang hahabol sa kanila sa kasalukuyan. Muling dadanak ng dugo sa magkabilang lahi sa mundo ng mga mortal. Na magiging dahilan ng pagkasawi nina Kendra at Timothy. Paano kung sa pagkawala ng mga magulang ay ang siyang pagdating ng bagong nilalang na magbibigay sa kanila ng ibayong pag-asa. Ngunit paano kung ang natitirang pag-asa na iyon ay tuluyang mawala at mapalitan ng 'di matatawarang pighati. Pighati na siyang wawasak sa mundong kanilang ginagalawan. "Dugo at laman ng banal ang siyang papawi sa lahat ng sakit, hanggang wakas upang bigyang daan ang bagong sibol na mundo..."

Babz07_Aziole · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
17 Chs